MBCG 21

735 Words
"Sino ka?” pinaghalong takot at galit nadarama ni Clouie. “Nakalimutan mo na ba ako Clouie?” sandaling napalingon ang lalaki sa kanya at nakangisi pa ito. “L-Landon?” kinakabahan na tanong nya dito. “Yes, that’s me!” ngumisi na naman ito. Mas lalo yata syang kinakabahan. “Anong gagawin mo sa akin?” nilakasan nya ang loob kahit gusto na nyang maiyak sa sobrang takot. “Dadalhin na kita sa palasyo nating dalawa. Don’t worry, pakakasalan naman kita afterwards. “ tumawa ito ng nakakabastos. “Akin na akin kana ngayon Clouie, wala nang magliligtas sayo. Kahit pa kung sino sa dalawa mong boyfriend.” Nakangisi lang ito. Kinalma nya ang sarili. Kailangan nyang mag-isip ng tama. Napansin nya na medyo malayo na ibinibyahe nila, medyo nasa liblib na ito na bahagi ng San Lazaro. Hindi nya hahayaan magtagumpay ang impaktong si Landon sa plano nitong gagawin sa kanya. Mas gusto pa nyang mamatay kaysa maisakatuparan nito ang masamang balak nito sa kanya. “Hindi ka magtatagumpay Landon.” Buo ang boses nya. “At bakit? Akala mo ba dadating ang knight of the shinning armor mo ngayon.”nakangisi lang talaga ito. Galit na galit na sya, kaya pabigla syang nakipag-agawan dito sa manibela, nagpagiwang –giwang ang sinasakyan nila. Hanggang sa bumangga ito sa isang puno. Todong pagkubli ang ginawa nya sa malaking puno. Agad syang nakalabas kanina mula sa kotse. Pareho naman silang hindi napuruhan ni Landon. Dahil sa pagkabigla nito kanina, kaya natakasan nya ito. “Clouie—oh Clouie! Nasaan ka na? Akala mo ba matatakasan mo na naman ako.Wag mo nang pahirapan ang sarili mo at kusa mo nang ibigay ang hinihingi ko sayo. Tutal, dalawang lalaki naman ang nagpasa- pasahan sayo. Mas magaling naman ako kaysa sa kanila.” Pasimple- simple pang tinitignan nito ang lahat ng madadaanan nito. Sobrang kaba ang nadarama nya ng papalapit na ito sa pinagtataguan nya. Guminhawa din ang kalooban nya nang lumampas ito ng bahagya. Pero, napalingon din ito nang biglang tumunog ang cellphone nya, ngayon lang nya naalala ang cellphone nya na nasa pocket ng blouse nya. Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa nyang pagsagot sa tawag ng ama. “Dad, help me!” agad nyang sabi sa ama. Pero nabitawan din nya ang cellphone nya agad dahil tuluyan nang nakalapit si Landon sa kanya. “Bitawan mo ako, sabi!” natatakot na talaga sya. Hilang- hila na sya ni Landon, pabalik sa kotse nito. “Pasalamat ka at gusto kong gawin natin ang bagay na 'yon sa palasyo nating dalawa, kung hindi baka dito palang natikman mo na ako.” galit na sabi nito. Nagpupumiglas sya. Pinagsusuntok nya ito, pero sadyang mas maraming beses ito na mas malakas sa kanya. Akmang ipapasok na naman sya sa loob ng kotse nito nang may biglang huminto na kotse sa bungad nila. ------ “Aldrine!” papasakay na sana sya sa kotse na dala ni Aldrine pero nakita nya na napatumba ni Landon ito, kaya patakbo syang lumapit dito. “Clouie—please, umalis kana.” may halong pagmamakaawa ni Aldrine. Nakabangon naman ito at ngayon plano na naman nito na makipagsuntukan uli kay Landon. Namutla yata sya ng nakita na namumula ang suot nitong T-shirt. Alam nyang may sugat na naman ito sa baywang nito. May dala kasing kutsilyo si Landon, kaya medyo nadehado si Aldrine. “Ald------“ “Clouie please, lumayo kana, umalis kana.” Bahagya syang napaatras nang akmang lalapitan na naman ni Landon si Aldrine. “Walang hiya ka talaga pare, lagi mo nalang ginugulo ang honeymoon namin ni Clouie. Ngayon papatayin na kita ng tuluyan.” Saka akmang saksakin na naman n Landon si Aldrine sa dala nitong kutsilyo. Wala syang nagawa kundi ang mapaiyak nalang. Hindi nya alam kung paano tulungan si Aldrine. Tuluyan lang sa pagbunuan ang dalawang lalaki. “Aldrine! “ napasigaw sya ng nakita nya na nasaksak na naman ni Landon si Aldrine sa dala nitong kutsilyo. Napatakbo sya sa binata na ngayon patumba na. ----- Napayakap sya sa ama, habang kasalukuyan ipinasok si Aldrine sa operating room.Mula sa emergency room, dinala agad si Aldrine sa operating room dahil kailangan maagapan agad ang mga sugat nito. Buti nalang bago pa masaksak uli ni Landon si Aldrine ay dumating na ang mga pulis. “Aldrine—will be fine my princess!” pagpapalakas ng loob ng kanyang ama sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD