MBCG 22

1375 Words
Halos isang linggo na ang nakakalipas mula ng nangyari. Kasalukuyan narin nakakulong si Landon. Wanted na pala ito dahil nakapatay na pala ito. At sa loob ng isang linggo na 'yon, hindi nya iniiwan si Aldrine sa hospital kahit isang beses lang. Katatapos lang nyang pakainin si Aldrine nang dumating ang daddy nya. Lagi din kasing binibisita ng daddy nya ang binata. Medyo malakas- lakas na ang binata, hinihintay nalang na gumaling kahit papaano ang dalawang sugat nito sa katawan. Nakaupo sya sa isang silya na nasa gilid ng hospital bed ni Aldrine. Nakaupo naman si Aldrine sa hospital bed nito habang nakasandal sa backrest ng kama, ang daddy naman nya ay palakad- lakad lang sa loob. “Salamat Aldrine sa ginawa mong pagligtas uli ni Clouie. Hindi ko alam kung paano ka muli pasalamatan.” Seryosong sabi ng daddy nya. “Wala po yon tito—ulit- ulitin ko pong iligtas si Clouie” sabi ni Aldrine. Sa ama nya ito nakatingin, kaya malaya syang nakatitig dito. Dalawang beses nang muntikan namatay si Aldrine dahil sa kanya. Ang laki ng utang na loob nya sa kaibigan. Nakatayo ang ama nya sa may bintanang bahagi at nakatingin ito sa labas, saka ito napalingon sa kanila ni Aldrine. “Well anyway, kahit noon bata pa lang kayo, iniligtas mo na si Clouie.” Ani ng daddy nya na nagpakunot- noo sa kanila ni Aldrine pareho. “A-Ano ho ang ibig 'yong sabihin dad?” sya na ang tanong. “Hindi mo pa masyadong naalala Clouie kasi 5 years old ka palang nung, habang si Aldrine naman ay---------“ bumugtong hininga ang daddy nya, tila hindi alam kung paano ipagpatuloy ang gustong sabihin. ------ Pangiti- ngiti ang 5 years old na si Clouie, plano nyang maligo sa batis. Buti nalang busy ang daddy nya, kaya natakasan nya ito at ang mommy naman nya ay nasa Manila. Hindi din napansin ng yaya nya na tumakas pala sya mula sa malaking bahay. Hindi pa sya gaanong marunong lumangoy pero marunong naman sya kahit papaano. Akmang baba na sya sa batis nang may nagsalita sa likuran nya. “Clouie, anong gagawin mo? Delikado dyan!” Napalingon sya. Sumalubong sa paningin nya si Rin-rin. Anak ito ng kaibigan ng daddy nya. Halos isang linggo na ito na nasa bahay nila.May business trip daw kasi ang daddy nito at sa bahay nila ito iniwan. Napangiti sya ng nakita ito. Super hero kasi ang tingin nya dito, kasi dalawang beses na syang iniligtas nito. Una ay tinulungan sya nitong makababa sa isang puno, umakyat kasi sya doon kasi nakakita sya ng uod, at takot na takot sya kaya napaakyat sya ng wala sa oras, pero natatakot na syang bumaba, kaya tinulungan sya nito. Pangalawa, ay ang muntikan na syang mahulog sa malaking swimming pool ng Villa, maagap nitong nawakan ang kamay nya, kaya hindi sya tuluyan nahulog. “Rin- rin, buti naman nandito ka. Gusto mo bang maligo sa batis? May mga bahagi naman na hindi malalim.” Nakangiti sya dito. Mula nang dumating ito sa kanila, lagi itong nakasunod sa kanya. Hindi naman sya naiirita dito, kasi may kalaro na sya. Sinasamahan sya nito na maglaro ng bahay- bahayan at nakikipaglaro din sya dito gamit ang mga manika nya. Mas nagustuhan nya tuloy ito kaysa mga kapatid nya. Hiniling nya na sana sa bahay nalang nila ito titira. “Baka mapahamak ka dyan.” May halong pag-alala ang boses nito. “Ililigtas mo naman ako, diba?!” nakangiti sya dito. “Oo naman. Lagi kitang ililigtas Clouie—lagi akong nandyan para sayo. Mahal na kita Clouie at balang araw pakakasalan kita, at ako ang tagapagligtas mo habang buhay.” Mahabang sabi nito. Bata pa ang isip nya. Kaya kahit hindi nya masyadong naintindihan kung ano ang sinasabi nito, mas pinili nyang sumang-ayon dito. “Ok. Mahal narin kita. Magpapakasal tayo balang araw.” saka may naalala sya. “Pwede mo na akong halikan.” Wala sa loob na sabi nya, naalala nya kasi, pag magsasabihan ang parents nya na mahal ang isa’t- isa, hinalikan ng daddy nya ang mommy nya. “Ano?” sobrang lakas yata ng boses nito. “Bakit kita hahalikan?” “Yon ang laging ginagawa ng mga taong nagsasabihan na mahal nila ang isa't- isa, at gustong- gusto kita kasi nakipaglaro ka sa akin” “Ok.” Humakbang ito palapit sa kanya. Sandaling inilapat nito ang labi sa labi nya. Kahit bata pa sya, pero parang nasa fairy tale yata sya. “Boyfriend mo na ako ngayon?” tanong nito pagkatapos ng sandaling ginawang paglapat ng labi nito sa labi nya. “Anong boyfriend?” kunot- noo sya. Hindi kasi nya maintindihan kung ano ang sinasabi nito. “Yong lalaking nangangakong pakakasalan ang isang babae balang araw.” “Ganun? Ok. Boyfriend na kita.” Nagkangitian pa sila nito, bago pa sya tuluyan bumaba sa batis. ------ “Nalunod ka sa batis Clouie, bago pa kami dumating, nailigtas kana ni Aldrine. Kargang- karga ka nya, habang papaahon na sya. Papalapit na kami, kasama ang daddy nya. Nailapag kana ni Aldrine sa isang gilid nang sya naman ang nadisgrasya.” Pagkukwento ng daddy nya. “Anong disgrasya ang sinasabi nyo dad?” hindi sya makapaniwala sa narinig mula sa ama. Medyo may mumunti naman syang naalala sa pangyayari na 'yon. Hanggang ngayon, naalala pa nya si Rin- rin, hindi lang nya alam na si Aldrine pala ang batang iyon. Wala naman kasing sinabi sa kanya si Aldrine. Mahigit sa dalawang taon ang tanda nito sa kanya, kaya siguro naman may mas naalala ito kaysa sa kanya. Napansin nyang nakatingin lang si Aldrine sa daddy nya, mukhang hindi ito makapaniwala sa narining. “Nadulas si Aldrine, may mga madulas naman kasi na mga bato, at tumama ang ulo nya sa isang bato. Nadala naman sya agad sa hospital. Halos isang linggo syang comatose. Nung nagising ka naman Aldrine, nagkaroon ka ng amnesia. Kaya wala kang masyadong naalala sa kabataan mo. Nakalimutan mo pati na ang mga masasayang alaala mo kasama ang isang kompletong pamilya.” Malungkot ang mukha ng ama nya. Guilty na guilty tuloy sya sa narinig. May malaki syang kasalanan dito. “Ang laki ng utang na loob ko sayo at sa daddy mo. Nung okay kana, parehong napagpasyahan namin ng daddy mo na ibaon nalang sa limot ang lahat—lagi nyang sinasabi na disgrasya lang ang lahat. Kaya nung namatay sya, ipinangako ko sa kanya na hindi ko pababayaan ang anak nya.That he will grow ng tulad ng pinangarap nya para dito. Oo, aaminin ko, binabantayan ko si Clouie nung dumating ka sa Villa namin. Maluko ka Aldrine, hindi masyadong maganda ang reputasyon mo at babae ang anak ko. Natakot ako na baka may gagawin ka sa kanya na masama. Hindi ko naman lubos akalain na kabaliktaran pala ang mangyayari, dahil ikaw parin ang laging nagliligtas sa kanya. Maraming beses ma na isinugal ang buhay mo para sa anak ko, hindi ko alam kung paano ka pasalamatan.” Saka napagbugtong- hininga ang daddy nya. Hindi sumagot si Aldrine, napatingin ito sa kanya. Hindi sya makatingin dito kasi hiyang- hiya sya dito. Baka galit ito sa kanya. “Nung bumalik si Aldrine sa bahay natin, sinabihan namin ng mommy mo ang mga katulong, pati na ang kuya Zac mo na ‘wag babanggitin ang tungkol sa nakaraan. Ayaw na namin na malaman nyo pa ni Aldrine ang lahat, isa din 'yon sa kahilingan ng daddy mo Aldrine. Pero, na-realize ko dapat na siguro malaman nyong dalawa ang nangyari noon. Hindi naman maitatago ang nakaraan kahit kailan.” Dagdag ng daddy nya. Pagkatapos ng confession ng daddy nya, nahihiya sya na laging lumalapit kay Aldrine. Kaya idinistansya nya ng kunti ang sarili mula dito. Wala naman kasi itong sinasabi. Hindi nya alam kung galit ba ito sa kanya. Wala naman nagbago sa pakikitungo nito sa kanya. Pero madalas naman itong tahimik na nakatitig lang sa kanya. Mukhang may gusto itong sabihin, siguro gusto nito na sumbatan sya, kasi matigas ang ulo nya. Kasalukuyan nyang tinahak ang daan papunta sa hospital room ni Aldrine nang nakita nya si Dianne papasok sa kwarto ni Aldrine. Ngayon lang bumibisita ang babae dito. Kaya, mas pinili nalang nya ang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD