TPLY 15

1712 Words
Tatlong setting ang napili na venue nina Loraine at Zac, para sa prenup ng mga ito. Ang una ay ang magandang batis sa Villa Del Fuengo, kung saan laging magkasama na naliligo ang mga ito noon. Ang pangalawa ay ang Pavilion Garden, kung saan una daw narealize ni Loraine na mahal nya si Zac, at doon sila nagkaayos nito, marami pang kuha ang mga ito sa wishing well ni Kopido. Ang ngayon araw na ito ay nandito sila sa huling venue ng prenup ng mga ito, ang Pearl Island, ito daw ang paraiso ng dalawa. Kahit matagal pa bago matapos ang pagre- renovate ng isla, pero napakaganda na nito tignan. Ang tulay na nagdudugtong nito sa Hidden Pearl Resort ay ang isang bahagi pa ang natapos. Kaya pwede nang makapasok gamit ang golf cart na galing sa HPR. Pero yon lang ang may mga pahintulot ang pwedeng makapasok. Kasalukuyan kinukunan sina Loraine at Zac, sa tabi ng tila kumikinang pa na tubig dagat. Ang Villacosta Photography ang kumukuha ng photoshoot ng mga ito. Pag-aari ito ng tunay na ama ni Loraine. Nakatayo lang sya sa isang gilid, habang nakatingin sa photoshoot, nagbibigay din kasi sya ng mga idea. “Gusto mong uminom muna?” tanong sa kanya ni Kyle, nang tumayo ito at tumabi sa kanya , sabay bigay sa kanya ng isang bottle water. Kadadating lang nito, dala ang snack ng mga crew. “No. Thanks.” Kaswal na tanggi nya dito. Kahit ang totoo pa, kanina na sya nauuhaw. Binawi naman nito ang kamay na nakahawak ng bottle water. Hindi sya nakatingin dito. Kaya hindi nya alam kung anong ekspresyon mula dito. ------ Tumigil muna ang buong team, dahil snack time na. Nagkaroon tuloy sya ng pagkakataon na makipagkwentuhan kay Jack. Kanina pa sila nagkakilala nito. Isa daw itong Civil Engineer ng BridgeStone Construction, ang construction company na gumagawa ng construction sa isla. Si Loraine ang nagpakilala kay Jack sa kanya. (Sa naging readers ng book na ito, yan si Jack ay ang daddy ni Nicolle at ang naging boyfriend ni Clouie.) “I heard galing ka pala sa EIS.” Ani sa kanya nito. “Nakapagtataka, at hindi ko napansin ang kasing ganda mo doon.” Nakangiting sabi nito. Guapo ito, mestizo at matangkad. Aminado naman sya sa sarili nya na medyo gumanda na nga sya at gumanda na ang hugis ng kanyang katawan. “Ugly duckling kasi ako noon.”nginitian nya ito. “Really?” tila hindi pa ito naniniwala. Totoo naman yon, hindi sya confident sa hitsura nya noon, lalo pa’t napakaganda ni Savanah, kaya ito ang nagustuhan ni Kyle. Nakangiti syang tumango. Marami pa silang napagkukwentuhan nito at talagang tawang- tawa sya dito. Hindi naman ito tahimik na tao, tulad na sabi ni Loraine, mabiro nga ito. Kaya lang siguro ito tahimik para kay Loraine, dahil sadyang madaldal si Loraine. Maya’t maya lang napansin nya na tila kanina pa may nakatingin sa kanila, pasimple nyang tinignan kung sino ang kanina pa nakamasid sa kanila ni Jack, at hindi nakatakas sa paningin nya ang nakasimangot na mukha ni Kyle. Nagkatama ang kanilang mga mata. Hindi naman inalis nito ang paningin sa kanila ni Jack. Ayaw nyang mag- expect na baka nagselos ito pero parang ganun ito kung makatingin sa kanila ni Jack. Binawi nila ang paningin mula kay Kyle at nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan ni Jack. Ang sarap talaga nitong kausap at kasama. Parang nakalimutan nya sandali ang lahat ng bumabagabag sa kanya pati na ang presensya ni Kyle. ----- Back to work na naman, ngayon ang napili na naman na venue ng photoshoot nila ni Loraine at Zac ay ang loob ng kweba ng isla. Sobrang pag-iingat ang ginawa nya para hindi sya madisgrasya sa mga malalaking bato. Lihim pa syang naiinggit kay Loraine kasi todo nakaalalay dito si Zac. Mukhang mahal na mahal nga nito ang babae. Well, sa mga araw na nakasama nya ang mga ito, mukhang ito parin naman ang Loraine at Zac noon, lagi parin nagbabangayan ang mga ito, but one thing change, mukhang si Zac na ngayon ang sobra sa pagka-sweet at si Loraine ang laging nang-aaway. “Oops careful!” sabi sa kanya ni Kyle, maagap na nahawakan nito ang magkabila nyang braso. Sumama din pala ito sa kanila. Dahil nasa kina Loraine at Zac ang kanyang atensyon kaya hindi nya napansin na muntikan na syang matumba. Muntikan ng bumangga ng mukha nya sa malapad na dibidib ni Kyle kung hindi lang sya maagap na nahawakan nito. Napaangat sya ng mukha dito at saktong nagkatama ang kanilang paningin. Ilang seconds yata silang nagkatinginan sa isa’t- isa. Ngayon lang nya muli napagmasdan sa malapitan ang napakaguapong pagmumukha nito. Kung hindi lang may tumikhim bigla, baka mas tatagal pa ang pagtitinginan nila sa isa’t- isa. Sya ang unang nagbawi ng tingin. “Salamat.” Kaswal lang na sabi nya. “Kaya ko na—pwede mo na akong bitawan.” madiin nyang sambit. Binitawan naman sya nito, saka na nya ipinagpatuloy ang pagbaba sa mga malalaking bato. Maya’t- maya lang--- “Halika!” nakangiting sabi sa kanya ni Kyle, sabay lahad ng isang kamay nito sa kanya, na tila plano nito na alalayan sya. Tinaasan nya ito ng kilay at hindi nya pinansin ang kamay nito na nakalahad sa kanya. Bigong binawi nito ang nakalahad na kamay. Pero maya’t- maya lang hindi nya naiwasan ang madulas na bahagi ng isang bato, muntikan na tuloy syang nadulas kung hindi lang sya maagap na nasalo ng mga matitipunong braso ni Kyle. Nagkatama na naman ang kanilang mga paningin. “Sabi ko sayo humawak ka sa akin. Muntikan ka na tuloy madisgrasya.” tila may galit sa boses nito, saka biglang naging kalmado "Buti nalang ako parin ang nakasalo sa pagkahulog mo. If you fall, I am here to catch you, hindi ibang lalaki. Inis syang napatuwid ng tayo. “Salamat.—but, can you please, wag ka ngang lapit na lapit sa akin Kyle.” Hindi na talaga nya napigilan ang sarili at naisambit na nya ito. Madidisgrasya talaga sya kung hindi ito lalayo sa kanya. Hindi kasi sya makapag-isip ng maayos. “Bakit ba?” pagtatakang tanong nito. “Ayaw ko lang malapit sayo Kyle.” Kaswal lang na sabi nya dito. Baka mahulog na naman ako sayo. Nanghihina kasi ako kung ganito ka kalapit sa akin. “What’s the problem with me, Alissa?” kunot- noo na tanong nito. “Everything.” Inis na sabi nya dito. Saka sya nagpasiuna dito. ------- Nang natapos na ang prenup photoshoot nina Loraine at Zac, ay nagsiuwian narin ang mga crew, sina Loraine at Zac naman ay umalis narin gamit ang speed boat ng lalaki. May mahalaga pa kasing pupuntahan ang dalawa. Kasalukuyan silang nakaupo sa buhanginan ni Clouie, niyaya kasi sya nito na maligo sa dagat, pareho silang nakasuot nito ng two-piece swimsuit. Papaalis na sana sya ng dumating ito, kasama pa nito ang hindi nya alam kung kaibigan pa ba nito na si Aldrine, at dinalhan talaga sya ng pampaligo nito. “Ano ang status ninyo ngayon ni Aldrine?” hindi nya napigilan itanong dito. Napansin nya na tila kumikinang ang mga mata nito. Mula ng bumalik sya dito, ngayon lang nya nakita muli si Aldrine, at mukhang guapong- guapo na ito ngayon. “We’re on a non- committal relationship.” Ani nito. Maang syang napatingin dito. “What?” hindi nya napigilan ibulalas. Napatingin ito sa bungad nya. “Hindi ko naikwento sayo na kung pareho ang kapalaran namin noon ni Aldrine--- naulit naman ngayon. I met again Clyde and he met again Suzette, nainlove muli ako kay Clyde and likewise to him, pero sa bandang huli sina Clyde at Suzette na naman ang nagkainlaban muli kaya naiwan kaming luhaan pareho uli ni Aldrine—so we decided to take a trial relationship sa isa’t- isa.” Mahabang paliwanag nito. “Clouie—“ gusto sana nyang pagalitan ang kaibigan, dahil sumugal ito pero napatawa ito. “C’mon Alissa—hindi naman seryoso ang relasyon namin ni Aldrine. We just enjoying each other company.” “Nag-eenjoy naman kayo sa company sa isa’t- isa kahit nung magkaibigan palang kayo.” “But, it’s a little bit different now.” Nakangiting sabi nito. “Isa ba sa nabago ang paghahalikan nyo sa isa’t- isa na parang wala ng bukas.” Tila namula ito sa sinabi nya. “You saw?” hindi pa makapaniwalang tanong nito. “Yah. With my two big eyes.” Hinaluan nya ng mahinang tawa ang pagsasalita. “Ok fine. He’s a good kisser. At gustong- gusto ko ang halik nya.” Napatitig sya dito. “Clouie—are you inlove with Aldrine?” “Of course not.” Mahina pa itong napatawa. “It’s his kisses that I like.” Natigil silang dalawa sa pag-uusap nang mula sa kung saan umahon ang isang lalaki na nagpatulala sa kanya ng husto. Nakasuot lang kasi ito ng swimming trunks at hindi nya mapigilan ang humanga sa almost perfect na body feature nito. Mukhang mas lalong gumanda ang katawan nito sa paglipas ng panahon. Napalunok tuloy sya ng lihim ng hinagod nya ng tingin ang almost perfect na katawan nito. Hindi nya tuloy napigilan ang sarili na maalala ang mga ginagawa nila noon kung ilang beses na ba syang inangkin ng lalaking ito noon. Kung hindi lang sana naging peke ang kasal nila, sana sa kanya parin ang machong lalaking ito. Malaya pa sana nyang haplusin ang malapad na dibdib nito. Napatingin sya sa ibabang bahagi nito. Nag-init yata ang pakiramdam nya. Oh my God! Ano ba itong nangyari sa akin? Hanggang ngayon ba, pinagnanasaan ko parin si Kyle? I don't want to love him again, kaya kailangan ko na syang iwasan. Kinalma nya ang sarili, saka kaswal syang napaangat ng mukha dito, at hindi nakatakas sa paningin nya ang pilyong pangiti nito. -- -- -- (About Del Fuengo) Sa nakabasa sa The Neglected Wife and My Irresistible Seductor, na- mention doon na pamilya ni Steven ang nagmamay- ari ng Pearl Island, yan si Loraine and Zac, sila ang parents ni Steven. Ipopost ko din sa ibang book ang story nina Steven at Louisse, iyon ang pinakadrama sa Del Fuengo 3rd generation, mas nadarama pa kaysa kina Ethan at Alisson. Hehehe...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD