TPLY 16

1401 Words
“Layuan mo nga ako! Bakit kaba sunod na sunod sa akin.” naiirita nyang sabi kay Kyle. Kanina pa kasi ito nakasunod sa kanya. Ayaw pa naman nyang istorbuhin si Clouie, mukhang enjoy na enjoy na kasi ito na kasama si Aldrine. “Dahil gusto kitang kasama.” diretsong sagot nito. “Ganito naman talaga ako sayo kahit noon pa. Sa tuwing uuwi ako dito sa San Bartolome—laging ikaw ang gusto kong kasama.”dagdag pa nito na nagdulot ng irritasyong sa kanya. “Naalala mo pa ba? Ikaw lang ang gusto kong kausapin. Gustong ipas----“ “Stop it Kyle!” putol nya sa iba pang planong sabihin nito. “Wag mo nang ipaalala sa akin, lahat ng kagagahan ko noon Kyle—kinalimutan ko na lahat. Kinalimutan ko na ang damdamin ko sayo, Kyle." Ayaw na nya magpapakatanga dito. “Really Alissa?” paniniguro nito “Then, bakit mo parin ako iniiwasan?" “Hindi mo na kailangan itanong yan, Kyle. Hindi ibig sabihin na kinakausap kita, okay tayong dalawa. May mga bagay na hindi na pwedeng ibalik sa dati." hindi nya napigilan na hindi mahaluan ng galit ang boses. Lalayasan na sana nya ito pero pabiglang hinapit nito ang kanyang baywang at ikinulong sya nito sa mga bisig nito. Galit syang napaangat ng mukha dito. Madilim ang mukha nito na nakatingin sa kanya. “Ano ba? Bitawan mo nga ako.” nagpupumiglas sya, matalim ang kanyang titig dito. “ Kanina kapa, Alissa. Kanina mo pa ako tinatarayan at sinusungitan.” tila panunumbat nito “Pwede ba Kyle—tigil- tigilan mo ako. Ayaw kitang kasama at kausap, hindi mo ba nakuha yon?” pagalit nyang sambit. Muli syang nagpumiglas. Pero mas hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. Matangkad nito, malaking tao kumpara sa kanya na may kaliitan. “At bakit Alissa? Alam mo ba ang mga paghihirap ko sa loob ng anim na taon.Kailan man hindi ako naging totoong masaya, tulad ng mga panahon na kasama kita.” Mas lalo syang nagpumiglas, kaya wala itong nagawa kundi ang bitawan sya. Nang nabitawan na sya nito, hindi nya napigilan na sampalin ito. Nasapo nito ang pisngi na kanyang nasampal. Halata sa mga titig nito ang kabiglaan sa kanyang ginawa. Sya din naman ay nabigla, pero nagpupuyos ngayon ang kanyang kalooban sa matinding galit. "Bakit Kyle? Ikaw, alam mo ba ang lahat ng pinagdaanan ko? Alam mo ba ang hirap na mag- isa lang ako, tapos pabalik- balik pa sa isip ko lahat ng nangyari sa akin. Wala kang alam Kyle, at wala din sa plano ko ang e- kwento pa sayo lahat, dahil ayaw kong magpaawa sayo. Wala kang karapatan isumbat sa akin kung ano man ang nangyari sayo sa loob ng anim na taon dahil kagustuhan mo yon, Kyle. Pinili mo si Savanah. Sya naman ang mahal mo. Sana itinuloy mo nalang ang naudlot nyong relasyon, para hindi mo isumbat sa akin kung bakit hindi ka naging masaya sa loob ng anim na taon. Wag kang mag- aasta dyan na parang ikaw pa ang naging dehado sa ating dalawa." hindi nya napigilan nang pagtulo ng kanyang luha. Nagsimula na naman manikip ang kanyang dibdib. Lumatay ang sakit sa mga mata nito. “Alissa please--- mag-usap muna tayo.” nagsusumamo ang mga titig nito. "Wala tayong dapat pag- usapan, Kyle. Let me go. Leave me alone." ani nya saka nya ito tinalikuran. Mabilis syang humakbang palayo dito. Palangoy- langoy sya sa dagat. Mas mabuti pa na nasa tubig sya na walang Kyle na nakasunod sa kanya, kaysa nasa dalampasigan na meron Kyle na tila laging nakasunod sa kanya. Lihim na hinahanap ng kanyang mga mata sina Clouie at Aldrine pero sadyang hindi nya nakita ang mga ito. Lihim din hinahanap ng mga mata nya si Kyle, pero hindi din nya ito nakita. Ibig sabihin, sya nalang mag- isa sa islang ito. Kaya’t napagpasyahan nalang nya ang umahon. Pero bago pa nangyari yon, naramdaman nya ang paninigas ng kanyang mga paa at hindi nya magawang lumangoy pa. ------ Napabalikwas ng bangon si Alissa. Hindi nya kilala ang kwartong kanyang namulatan. Anong nangyari? Bakit sya nandito? Napatingin sya sa seradura ng may paggalaw doon. Mukhang may taong papasok sa loob kwarto. Meron nga, dahil ngayon bumukas na ang pinto at sumalubong sa paningin ang guapong pagmumukha ni---. “Glad you are awake.” Tila masayang sambit ni Kyle. “Anong ginagawa ko dito?” kunot- noo na tanong nya dito. Umupo ito sa gilid ng kama, at humarap sa kanya. “Muntikan ka ng malunod—buti nalang lagi akong nakabantay sayo. Nawalan ka ng malay, kaya dinala kita dito sa bungalow house ni Zac. “ Naalala na nya. Napasurvey sya sa kanyang sarili. Ibang damit na ang kanyang suot. "Yang damit na suot mo ay kay Loraine yan.” ani nito. “Hiniram ko kay Zac itong bungalow house nila ni Loraine, dahil plano ko dito magpapalipas ng gabi. Buti nalang may mga damit dito si Loraine, kaya------“ hindi na nito ituloy ang ibang sasabihin. “What?” “Nabihisan kita.” ngumiti ito. “What?” laking mata nyang sambit. “Paano mo ako nabihisan?” “Ano sa tingin mo?” he chuckled mysteriously. “Kyle----“ pinalakihan nya ito ng mata. “Ok. Ok. Fine.” May pagsuko ang boses nito. “Si Clouie talaga ang nagbihis sayo.” Nakaramdam sya ng kaginhawaan sa sinabi nito. “But honey--- bakit kapa mahihiya sa akin? Naalala mo pa noon kung paa-----“ “Stop it!” nabuhay na naman ang galit nya dito. “And don’t call me honey.” “Bakit?” “Bakit ba laging kang nagtatanong Kyle? Alam mo naman kung bakit, diba?!” hindi naman siguro nakakalimutan nito ang panluluko at pagpapaasa nito sa kanya. “Alissa—please, give me time to talk to you.” Tila may pagmamakaawa pa ang boses nito. “Anong pag-uusapan natin? Makikinig ako but please not about the past.Kinalimutan at nag- move on na ako, Kyle. Ayaw ko ng ulit- ulitin pang alahanin ang mga iyon.” Narinig nya ang pagbugtong- hininga nito. “Kumain ka muna—ihahanda ko lang ang makakain mo.” paglihis nito sa usapan nila. “Where’s Clouie?” pigil na tanong nya sa akmang pag-alis nito. “Umuwi na—kailangan na kasi nilang umuwi ni Aldrine dahil hanggang 5:30 pm lang ang golf cart na maghahatid patungo sa Hidden Pearl.” Nanlaki ang kanyang mga mata. Napatingin sya sa table clock na naroon, it’s already 6:30 pm. Padabog syang napaalis sa kama. “Saan ka pupunta?” kunot- noo na tanong ni Kyle. “Kailangan kong umuwi ngayon.” buo na sabi nya dito. “Wala ka ng masasakyan, Alissa. Wala nang pumapasok na golf cart sa oras na ‘to.” “I don’t care.” Desidido talaga sya. Ayaw nyang makasama si Kyle kahit isang gabi lang. “Kung kailangan kong lakarin ang tulay, gagawin ko, makauwi lang ako ngayon.” Lumatay ang inis sa mukha nito. “Aalis na ako!” akma na syang humakbang patungo sa pinto ng hinarangan sya nito. “I can’t let you do that!” Inis ang mukha na napangat sya ng mukha dito. “Wag mo akong pigilan Kyle. Dahil kahit anong gawin mo para mapigilan ako—talagang aalis parin ako.” buo ang boses nya. Ipinakita nya talaga dito na hindi sya kaya nitong pigilan. Sinalubong nya ang kakaibang titig nito sa kanya. Maya’t- maya lang---- “Ok fine.” Mahinahon na sabi nito. “Ihahatid na kita sa HPR.” Napabugtong hininga ito. “ Pero—kumain ka muna.” Naalala nya, isang na maliit yate nga pala ang dala nito kanina. Nasa cokckpit sila ng yate nito. Madilim na ang buong bahagi ng isla na pinanggalingan nila. Nasa may steering wheel ito. Bising- bisi ito sa pagpapatakbo sa yate. Hindi sila nagpapansinan nito. Lihim nya itong tinititigan, malaya nyang nagawa ang pagtitig dito, dahil nakatalikod ito sa kanya. Hindi na sila pwedeng bumalik ni Kyle sa dati dahil masyadong masakit ang kanilang nakaraan. Mas mabuti hindi na nya ito papasukin muli sa kanya buhay. Hanggang sa nakarating na sila sa HPR. “Ihahatid na kita sa parki------“ “No. Thanks.” Putol nya sa sasabihin nito. “Kaya ko na ang sarili ko, Kyle.” Saka walang sabi- sabi na tinalikuran nya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD