TPLY 17

1414 Words
Kasalukuyan silang nasa San Bartolome Parish Church. May rehearsal kasi ngayon para sa kasal nina Zac at Loraine. Dito napili ng dalawa ang magpakasal, dahil sa tradisyon ng pamilyang Del Fuengo. Sila lang yata ni Kyle ang hindi dito ikinasal. Well, peke naman ang kasal nila kaya mabuti nang hindi sila ikinasal dito, baka masira lang nila ang tradisyon ng pamilya. Buti naman karamihan sa mga kasali sa entourage ay nakarating. Yong iba na medyo busy ang hindi lang nakarating. Dumating rin si Kyle na bestman ni Zac at si Clouie naman na maid of honor ni Loraine. Nagsimula na ang rehearsal. Nasa harapan bahagi na sina Kyle at Zac ng altar, habang isa-isa na naglalakad sa aisle ang bahagi ng entourage. She is assisting. Bahagi ito ng trabaho nya ang masiguro na maayos at maganda ang flow ng isang kasal. Maya’t- maya lang panahon na ng bride to be ang maglakad. Nakasunod sya dito, habang may mga instruction syang sinasabi dito. Kahit rehearsal pa ang nangyayari, napansin parin nya ang pananabik sa mga mata ni Zac, habang hinihintay sa altar ang soon to be lovely bride nito. Hindi nya mapigilan ang sarili na hindi mapatingin kay Kyle na nasa tabi ni Zac. Sa kanya pala ito nakatingin, na para din itong isang groom na hinihintay ang bride nito. She exhaled and inhaled to calm her self. Titig na titig kasi ito sa kanya na parang sya lang ang nakikita. Pangarap nya talaga noon na ikasal sila ng ganito ni Kyle. Mula nang una nya itong nakita, 10 years old sya nung, nagkaroon na sya ng malaking pagkagusto dito, kahit pa miminsan lang sya pinapansin nito. Lihim nya itong inaabangan na maligo sa swimming pool ng mansion, at kahit hindi ito humihingi ng juice ay dinadalhan parin nya ito. Alam na alam nya ng timplada nito. Madalas nga syang pagalitan ng mama nya noon, laging sinasabi nito na hindi nya ito dapat pangarapin. Magkaibang mundo ang ginagalawan nila. Langit at lupa ang pagitan nila. Akala nya, natupad na ang pangarap nya at minahal narin sya nito nang ilang buwan pagkatapos ng kasal nila ng nakipag-ayos ito sa kanya, pero naging bangungot lang pala sa bandang huli. Tama ang antie Milagros nya, kung gaano kataas ang ikinalipad nya, ganun din kalalim ang ikabagsak nya. Parang gusto nyang maiyak ngayon nakatitig sya kay Kyle. Bakit ba napakasakit ng naging estorya nila ni Kyle? Sana hindi nalang nangyari ang lahat. Magkaibigan pa sana silang dalawa hanggang ngayon. “Napansin ko mukhang malungkot ka ngayon.” napaangat sya ng mukha ng narinig ang nagsasalita na yon. At tama ang hinala nya, si Kyle na naman ito. Tumabi ito sa pagkakaupo sa kanya sa gitnang bahagi ng simbahan. Tapos na ang rehearsal at isa- isa nang nagsiuwian ang lahat. Napagpasyahan nya na wag munang umalis, hindi naman nya lubos akalain na nandito parin hanggang ngayon si Kyle. Hindi nya ito pinansin. “May dinaramdam kaba Alissa?” pag-alala na tanong dito. Ibinalik nya ang nabawi na ng tingin dito. Nagkatama ang mga paningin nila. “Wala akong dinaramdam, Kyle?” pagsisinunggaling nya. This church has a lot of memories. Madalas syang sumasama noon sa pamilya ni Kyle para magsimba dito. Napabugtong hininga ito. “Marami tayong alaala sa lugar na ‘to Alissa—naalala mo ba ang araw na yon? Para din tayong ikinasal nung.” Ani nito sa kanya nakatingin. Naalala pa nga nya ang araw na yon. Pero hindi dapat malaman nito na kailan man hindi iyon nawala sa kanyang alaala. “Wag na tayong magdramahan Kyle— kinalimutan ko na lahat ng nangyari sa akin noon, Kyle.” Buo ng boses nya. Hindi sya nagpakita ng kahit anong emosyon. “Ayaw ko nang alalahanin lahat ng nakaraan ko dito sa San Bartolome. Anyway, pagkatapos ng kasal nina Loraine at Zac, aalis na naman ako dito.” Lumatay ang sobrang lungkot sa mga mata nito. “Alissa—“ lumanghap muna ito ng hangin. “Paano kung sabihin ko sayo na malinaw pa sa alaala ko ang araw na yon. Para tayong nasa fairy tale noon.Wala ka na bang naalala na kahit ano nung ikinasal tayo?” pagpapaalala sa kanya ng pekeng kasal nila. “Talaga bang kinalimutan muna lahat?” dagdag pa nito na mas lalong ikinainis nya. “Hindi naman. May naalala naman ako kahit papaano.” hilaw syang ngumiti. “Ano iyon, Alissa?” “Ang napakalungkot mong mukha, Kyle." Sarkastik na sagot nya dito, saka sya padabog na tumayo. Mas mabuti pang layuan na nya ito, bago pa nya tuluyan maipakanulo ang sarili dito. “Alissa, wait-----“ pigil nito sa kanya. Hinawakan nito ang pulsuhan nya. Inis syang napalingon dito. “Bakit na naman Kyle?” inis na tanong nya dito. “Please listen—I just want to talk to you.” May pagsusumamo ang boses nito. Nilakasan nya ang loob at hindi nagpadala dito. “Kyle please—I don’t want to talk about the past. Hindi mo ba talaga ako naintindihan? Binago ko na ang buhay ko Kyle, nagmove on na ako sa nangyari sa akin noon. Kinalimutan ko na lahat pati na ikaw.” Buong sabi nya saka binalikwas ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Tila napaurong ito sa kanyang sinabi. Sinamantala nya ang pagkakataon, padabog nyang nilayasan ito. Hindi nya pinansin ang pagtawag nito sa kanya, lalo pa ngayon na tuluyan nang napatulo ang mga luha nya. Pero ano nga ba ang tinutukoy ni Kyle? Nakangiti ang 17 years old na si Alissa habang naglalakad sa aisle, naghihintay sa kanya ang groom nya na si Kyle. Nalaman kasi nito na pangarap pala nyang maging wedding planner, kaya tinutukso sya nito, na dapat muna nyang maranasan ikasal bago matupad ang pangarap nya. Para masubukan muna nya ang mamuhay sa fairytale. At nagpresenta ito sa kanya na maging proxy groom nya, at syempre dahil patay na patay sya dito, hindi na sya nagpakipot pa. Ang sarap kayang makasal dito kahit kunwari lang. Nasa loob sila ng San Bartolome Parish Church, walang misa sa mga oras na ito. Ang lapad ng ngiti nito sa kanya, kaya para tuloy syang napapaligiran ng mga bulaklak. Para syang si Cinderella at ito ang kanyang prince charming. Para nga syang namuhay sa isang fairytale. Nang tuluyan na syang nakalapit dito, inilahad nito ang kamay nito sa kanya, tinanggap naman nya, saka sila humarap sa altar. “Ano na naman ngayon?" hindi nya mapigilan itanong. Itinago nya ang kilig na nadarama. “Wag kang magsalita na hindi bahagi ng seremonya.” Nakatawang sabi nito, mahina narin syang napatawa. Saka ito humarap sa kanya, napaangat sya ng mukha dito, nagkatama ang mga paningin nila. “Alissa Laurente, tinatanggap mo ba si Kyle Lester Del Fuengo bilang asawa mo, sa hirap at ginhawa, sa lungkot man at sa saya?” nakangiting tanong nito na nagpanganga sa kanya. “Alissa—Alissa.” Pukaw nito sa kamalayan nya. “H-Ha?” nenerbiyos sya. Ito ba ang dapat mararamdaman ng ikinasal. “Tinatanong ka ng pare.” Nakangiting sabi nito. “At wag mo akong ipahiya.” Napalunok sya ng wala sa oras. Para kasing totoo silang ikinasal nito. “O-Oo.” Kinakabahan nyang sambit. Kunwaring kasal, kinakabahan na sya, paano nalang kung totoo silang ikinasal nito. Napangiti ito. “Oo father, tinatanggap ko na asawa si Alissa, sa hirap at ginhawa, lagi kaming magkasama. Hindi kami maghihiwalay.” Mahabang sabi nito na tila may itinanong ang imaginary pari nila. “You may now kiss the bride!” nag-aala pari na naman ito. Mas lalo yata syang kinakabahan ng humarap ito sa kanya. Nanlaki ang mga mata nya ng unting- unti inilapit nito ang mukha nito sa mukha nya. Hindi sya makakilos, para syang na-estatuwa. “K-Kyle—“ hindi nya mapigilan isambit ng halos isang dangkal nalang ang layo ng labi nito sa labi nya. “—I never been kissed.” “Really?” nakangiting tanong nito. Hindi sya nakasagot, para kasing nanghahalina ang boses nito. Nakangiti ito habang inilayo nito ang mukha nito sa mukha nya. Lihim tuloy nyang pinagalitan ang sarili kung bakit pa sya nagsasalita , chance na sana nya ito, para matikman ang halik nito. “Alissa—“ napaangat na naman sya ng mukha dito ng sinambit nito ang pangalan nya. Nagkatitigan sila nito. Pabiglang hinapit nito ang batok nya saka siniil ng halik ang labi nya. Sobrang panlalaki ng kanyang mga mata. Nafreeze yata ang oras ng ilang minuto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD