TPLY 18

1207 Words
Pagkatapos nyang ilagay ang mga bulaklak sa lagayan na naroon, nagsindi muna sya ng kandila. In the loving memory of: Dean Lester Del Fuengo and Dimn Lester Del Fuengo. I never got to hear you cry I never saw your beautiful eyes I never touched your soft skin I never saw your feet kick But you are my angel and you will forever be missed. Basa nya sa nakasulat, habang nakatingin sya sa libingan. Agad na naman namasa ang kanyang mga mata at hinayaan nya ang pagtulo ng kanyang luha. Kung hindi lang sana nawala ang mga ito, mga malalaki na sana ang mga ito. Nag- aaral na sana ang mga ito. Puno sana ng tawanan ang buong paligid ng mansyon ng pamilya ni Kyle kung buhay lang sana ang kanyang mga anak. Kahit anim na taon na ang nakakalipas, kailanman, pabalik- balik parin sa kanyang alaala ang kanyang mga anak. Hindi sya iniwan ng mga ito, at ang kagustuhan nyang maranasan ang mga bagay na naranasan na sana nya ngayon kung hindi nawala ang kanyang mga anak, ay parang isang bagay na bumabara sa loob ng kanyang puso. Sumisikip ito doon. Hindi nya nakalimutan ang kanyang mga anak at ayaw nyang kalimutan ang mga ito. Ang kanyang mga anak ang syang nagpapadaloy sa kanyang dugo, at nagpapa- function sa kanyang katawan, kahit pa sa katotohanan wala na ang mga ito. Pinilit nyang maging malakas para sa mga ito, kahit kailanman, hindi na nya ito makikita, at hindi na nya makakasama dito sa lupa. You will always be a part of me. Nung nawala kayo, may bahagi din sa akin ang nawala. Mahal na mahal ko kayo mga anak. Natigil sya sa pag-iyak ng naramdaman nya na may tao sa kanyang likuran. Agad syang nagpunans ng kanyang luha, saka sya lumingon. Ibang pintig ng kanyang puso ang kanyang nadarama ngayon habang nagkatama ang kanilang mga mata ng lalaking kaharap. Ngayon palang sila nagkasama nito sa lugar kung saan nakahimlay ang kanilang mga anak. At ni minsan pala, hindi pa sila nakapag- usap tungkol sa pagkawala ng kanilang mga supling. “K-Kyle.” Matipid itong ngumiti. May dala itong mga bulaklak. “Every Sunday talaga ako pumupunta dito.” sabi nito, saka lumapit sa himlayan at inilagay nito doon ang mga bulaklak. Nasundan nya ito ng tingin. Basang- basa nya ang kalungkutan sa mga mata nito. Tumabi ito sa kanyang pagkakatayo. Pareho lang silang tahimik nito na tila pinakiramdaman ang isa't- isa, at parehong nakikinig sa masakit na sonata ng kanilang puso. “Gusto ko lang malaman mo Alissa—“ maya’t- maya sambit nito. “—na nasaktan din ako sa nangyari noon. Sabay tayong nagplano noon at nangarap ng mga bagay- bagay para sa binubuo nating pamilya, na nawala lang lahat na parang bula.” Ramdam nya ang lungkot sa tinig nito. “Kung sana, maibabalik ko lang lahat. Kung sana, ginawa ko lang ang tama noon pa. Kung sana, hindi nalang ako natakot at naduwag.” Puno ng paghihinagpis ang tinig nito, saka ito humarap sa kanya, nagkatama na naman ang kanilang mga paningin. Nakatingin kasi sya dito. “I just want to say I’m sorry Alissa—I can’t redo the past ang make it right. Pero sa maniwala ka at hindi, pinagsisihan ko lahat ng nagawa ko noon. At hanggang ngayon, pinagdurusahan ko parin ang mga iyon. Pinagdurusahan ko pati na ang pag- iwan mo sa akin." Hindi nya mahagilap ang kanyang mga salita kaya nanatiling tikom ang kanyang bibig. Nahalata naman nya ang senseridad nito sa mga salitang binitawan into, isabay pa ang pamumula ng mga mata nito. Pabigla syang ikinulong sa mga bisig nito. Hindi sya nagreklamo at hinayaan nalang nya ito. Isa pa, hindi narin nya napigilan ang sarili at napaiyak sya dahil sa naging sitwasyon nilang dalawa. At ibinuhos nya ang halos lahat ng luha nya sa dibdib nito. Hinayaan nya si Kyle na sumabay sa kanyang paglakad pabalik sa kung saan nakaparada ang sariling kotse ng isa't- isa. Pareho lang silang tahimik nito. Wala din naman syang sasabihin dito. Medyo madulas ang daanan nila dahil malakas ang ulan kanina. Aaminin nya, habang kasama nya ngayon si Kyle, lumilipad ang kanyang isip sa nakaraan nilang dalawa ni Kyle. Ang kanilang magandang pagkakaibigan, na nasira dahil sa mga nangyari noon. Totoong pinapatawad na nya si Kyle kahit pa masyadong masakit ang mga nangyayari noon, kaya ayaw na sana nyang pag- usapan pa ang nakaraan. Pinapatawad nya lahat ng sangkot sa kanyang matinding kasawian, pati na siguro si Savanah, pero hindi ibig sabihin na pwedeng ibalik pa ang lahat sa dating samahan. Masakit isipin na pati ang pagkakaibigan nila ni Kyle ay nasira dahil sa mga masakit na nakaraan. Bakit ba sya naiiyak sa isipin ito? Mabuti nalang at nakasunod lang sa kanya si Kyle kaya hindi napansin nito ang kanyang luha. Naging blurred na ang kanyang paningin, kaya hindi nya napansin ang madulas na bahagi ng daraanan. Muntikan na syang nag- landing sa lupa kung hindi lang maagap na nasalo ni Kyle ang kanyang katawan. Naligtas nga sya, pero si Kyle naman ang nadisgrasya at nasugatan ito. "Kyle, are you okay?" pag- alala nyang tanong kay Kyle habang nakatingin dito. Putlang- putla kasi si Kyle, at ewan nya, kasi, ang liit lang naman ng sugat ni Kyle sa kanyang sikuhan na bahagi, pero walang tigil ang pagdurugo nito. Kahit anong gawin nya ay dumudugo parin ito. "Alissa, okay lang naman ako, but can you please bring me to the hospital." tila nanghihinang sambit nito, mas lalo itong namutla at ang sugat nito ay nagdurugo parin. ----- Hemophilia ay isang sakit sa dugo kung saan hindi normal ang pag- clot o pagbuo ng dugo. Mahalaga ang clotting dahil ito ang nagkokontrol at pumipigil sa sobrang pagdudugo sa katawan kapag ito ay may sugat. Basa ni Alissa nang nag- search sya sa Google tungkol sa condition ni Kyle. So, may hemophilia si Kyle kaya walang tigil ang pagdurugo ng sugat nito kanina kahit pa hindi naman yon malaki, dahil hindi normal ang pag- clot ng dugo nito. Bakit ngayon lang nya nalaman na may ganitong kondisyon si Kyle? Ni minsan naman kasi, hindi nya nakita na nasugatan ito. "Alissa ija, mabuti naman ang nadala mo agad si Kyle dito sa hospital. Pasensya kana, talagang makakasama sa kanya kahit maliit na sugat lang." Ani ni ma'am Shay, ang ina ni Kyle. "Kasalanan ko po. Kung alam ko lang. Sa hinahaba- haba ng pagkakaibigan namin ni Kyle, wala man lamang akong kaalam- alam tungkol sa kondisyon nyang ito." hindi nya mapigilan sambit. Sa totoo lang, talagang sinisisi nya ang kanyang sarili. "Pasensya na ija, ayaw naman kasi itong pag- usapan ni Kyle. Ito ang dahilan kaya ayaw sana namin ni Karl sa kurso nya, dahil baka masugatan sya. Bata palang sya, nag- iingat na sya na hindi masugatan. Namana nya ito mula sa side ko, at sa kanilang tatlo na anak namin, sya lang ang nagkaroon nito. Nung huling kaso nya dito kung saan napuruhan sya ng sobra ay------" napatigil ito bigla sa ibang sasabihin, saka ito ngumiti. "Salamat ija, wag mong sisihin ang iyong sarili." Kunot- noo sya. Gusto nyang ipagpatuloy nito ang ibang sasabihin nito pero wala na syang narinig mula dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD