Pagkatapos ng ilang araw, agad din naman nakalabas si Kyle sa hospital. Hindi naman kasi malalala ang sugat na natamo nito, kaya hindi din naging malalala ang kalagayan nito.
Madalas nya naman itong binibisita nung nasa hospital pa ito. Nag- alala parin naman sya sa kalagayan nito. Malaki parin naman ang bahagi ng kanyang puso ang inakupa nito pero tanging pagkakaibigan nalang ang kaya nyang ialay para sa lalaki. At napagkasunduan naman nila na ibalik ang pagkakaibigan nila at wag nang banggitin ang tungkol sa masakit nilang nakaraan, dahil ayaw na talagang nyang pag- usapan pa iyon.
Masyadong masakit para sa kanya ang isipin na wala si Kyle nung panahon na kailangan nya ito. Na wala ito nung inimulat nya ang kanyang mga mata. Na wala ito nung kasalukuyan syang nagle- labor sa loob ng kotse, at sa tingin nya, mas inuna nito si Savanah kaysa kanila na mga anak nito. Ayaw nya nang alahanin ang mga bagay na ito. Ayaw nyang tuluyan kamuhian ang lalaki. Mas mabuti kung mananatili nalang silang dalawa bilang magkaibigan, at wag nang banggitin ang nakaraan.
---
Kasalukuyan silang nasa DreamWorld Restobar. Kasama nya sina Loraine at Zac, magkatabi ang mga ito. At ang kaibigan ni Loraine na si Elisse at ang asawa nito na pinsan ni Kyle na si Brat, magkatabi din ang mga ito. May katabi din sya. Si Kyle. Inimbita kasi sya ni Loraine, hindi naman nya lubos akalain na inimbita rin ni Zac si Kyle.
Tila enjoy na enjoy pa sila Loraine at Elisse sa kasalukuyang kinakanta ng mga ito. May videoke naman kasi ang VIP room na kinuha nila since parehong mahilig sina Elise at Loraine na kumanta. Pareho din biniyayaan ng magandang boses ang dalawang mag- bestfriend.
Dahil hindi naman talaga sya biniyayaan ng magandang boses, kaya nakaupo lang sya, at hindi na nakisali sa kantahan.
“Sorry guys—past muna si Elisse sa mga alak ngayon.” nakangiting sabi sa kanila ni Brat. May mga alak talaga silang inorder ngayon.
“Bakit?” kunot- noong tanong ni Loraine.
“Kasi—bawal.” Si Elisse na ang sumagot. Nagkatinginan sina Brat at Elisse, ang tamis ng ngitian ng mga ito. Halatang- halata inlove na inlove sa isa't- isa, katulad lang din nina Loraine at Zac.
"Kasi-----" hinaplos ni Brat ang tiyan ng kanyang asawa. Proud na proud ang ekspresyon ng mukha nito.
“You mean to say--- you are pregnant?!”paniniguro ni Loraine.
Sabay pa napatango sina Brat at Elisse. Sobrang lapad ng ngiti ni Loraine, napaayos ito ng upo mula sa pagkakasandal sa nobyo.
“Congrats.” Sabay pa na sabi nina Loraine at Zac. Ngumiti lang sya sa soon to be parents. Masaya naman sya para sa mga ito, hindi lang nya mapigilan ang makadama ng panibugho.
Ganito ba talaga ang maging reaksyon ng lalaki pag mabubuntis nito ang babaeng mahal na mahal nito? Kaya pala, wala syang nakikita na excitement noon sa mga mata ni Kyle nung nalaman nito na nabuntis sya nito, kasi hindi sya mahal nito.
Sa kabila ng katotohanan na naka- move on na sya, masakit pa din pala pag maalala nya na hindi sya minahal ni Kyle, na higit pa sa isang kaibigan.
Napatingin si Loraine kay Zac, lihim na nag-uusap ang tinginan ng mga ito, saka inilapit ni Zac ang bibig sa tainga ni Loraine, tila may pilyo itong ibinulong kay Loraine kasi nilakihan ito ng mga mata ni Loraine, mahinang napatawa si Zac.
“Bakit tahimik kayong dalawa?” tanong ni Brat sa kanilang dalawa ni Kyle. Hindi nya ito gaanong close pero, kakilala na nya ito noon.
“Ang sweet nyo kasi—“si Kyle ang sumagot. “Nakakainggit lang.” dagdag nito na sa kanya nakatingin.
Wala sa sarili na tinungga nya ang alak na nasa baso, dahil sa tensyon na kanyang nadarama na nakatitig sa kanya si Kyle. Magkatabi pa naman sila nito.
“Alam nyo, mabuti pa kakanta nalang ako.” ani ni Kyle saka tumayo, para magsalang kung ano ang kanyang kakantahin.
Hindi na bumalik sa pagkakaupo si Kyle. Nanatili itong nakatayo, habang nakaharap ito sa kanya. At nagsimula na ang tugtugin.
-
How can I make it through the day
Without you
You have been so much a part of me
(and if you’ll go)
I’ll never know what to do
-
How can I carry on my way
The memories
When all that is left is the pain in my history
Why should I live my life today
-
Hindi nya maialis ang paningin dito habang kumakanta ito. Nagkatama ang mga paningin nila kasi sa kanya ito nakatingin.
-
I cannot live out on my own
(I can’t do anything at all)
And just forget the love you’ve always shown
And accept the fate of my condition
Please don’t ever go
For I cannot live my life alone
-
Hindi nya alam kung bakit sya nasasaktan sa kinanta nito. Sa tuwing magkatama ang kanilang mga paningin, may damdamin na gusto nyang balewalain pero napakahirap gawin. May malaking kulang sa kanyang puso, at alam naman nya kung sino naman talaga ang kulang doon.
-
Say you’ll never go
Say you’ll never go out my way
Say you’ll never go
For we can still go on
And make it through
Just say you’ll never go
Say you;ll never go
Say you’ll never go away
-
Hindi nya tuloy napigilan ang kanyang sarili at sunod- sunod ang kanyang pagtunga ng alak, hindi pa naman sya sanay na uminom ng alak.
How can I make my dreams come true
Without you
You were the one who gave love to me
(and don’t you know)
You are my fantasy
-
“Kyle—“ hindi nya napigilan isambit ang pangalan nito. Nakasandal sya sa dingding , habang nakaharang ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid nya. Dahil nalasing sya kaya ito na ang nagkusang ihatid sya. Sa pad pala sya nito dadalhin. Nang nasa loob na sila ng pad nito, nagkatinginan sila at walang sabi-sabi na siniil ng halik ang isa’t- isa.
“I miss you Alissa!” lumanghap pa ito ng hangin, katatapos lang ng matagal nilang halikan. Pabigla na naman siniil nito ng halik ang kanyang labi. Gusto sana nyang tumutol sa ginagawa nito. Pero, maliban sa nakatagong pananabik sa muling paglapat ng kanilang mga labi, tuluyang narin nilamon ng espirito ng alak ang matino nyang pag-iisip. Kaya agad din nyang tinugon ang maalab na halik nito sa kanya.
To be continue..(Ang SPG!)
-
-
-
Hanggang chap.27 lang ito guys... Ayaw ko na itong pahabain pa. Kasi hindi naman talaga mahaba ang mga story sa book na ito.