Capitulo Tres

2394 Words
Capitulo Tres *** “ANO BA ANG IYONG SINASABI, CASSIE?”gulat na gulat na tanong ni mommy sa akin. Obviously, she didn’t like my answer. Maging si daddy ay mariin akong tinignan at lalong sumeryoso ang mukha. “Pero iyon ang gusto ko. Gusto ko bumukod,” mariing sabi ko sa kanila. Umiling ng marahan si mama sa akin at nilapitan ako. “Hindi ako papayag sa gusto mo anak! Masyadong delikado! Hindi ba nasabi na namin sa iyo noon na minsan ka nang nawala sa amin ng daddy mo? Gusto mo ba mangyari iyon?” sunod-sunod na tanong ni mama sa akin. Umiling ako sa kanila. “Hindi naman sa ganoon, pero kung patuloy niyo ako ikukulong, paano ko matutunan na protektahan ang sarili ko? Hindi na ako bata,” giit ko sa kanila. Ito ang unang beses na nagkaroon kami ng pagtatalo. Alam ko naman puro kapakanan lang ang iniisip nila sa akin pero hindi ako masaya sa paraan kung paano nila ako aalagaan. Yes, pumapayag sila sa pagpunta ko sa mga concert but I want my own freedom. “Anak, hindi ka naman namin kinukulong ng daddy mo. Pinoprotektahan ka lang namin. Para rin naman ‘yon sa kapakanan mo, anak,” mahinahon na sabi ni mama sa akin. Malungkot akong tumingin sa kanya. “Kapakanan? Mommy, bente-kwatro oras niyo akong pinababantayan sa mga body guards! Wala na akong oras para sa sarili ko! Wala akong kalayaan sa ginagawa ko dahil palagi niyong iniisip na may masamang mangyayari sa akin. Gusto ko rin mapag-isa pero hindi ko magawa dahil palagi akong sinasamahan ng mga taong pinapasunod niyo sa akin! Nakakasakal na ang ginagawa niyo sa akin, Mommy!” “We’re just protecting you Cassidy!” giit ni Papa. “If this is how you are going to protect me from the bad guys who kidnapped me years ago, then thank you na lang po, daddy. Naiintindihan ko naman na natatakot kayo na baka may mangyari sa akin na masama, na baka gamitin ako laban sa inyo pero huwag niyo naman ako ikulong sa bahay na ‘to. Sa ginagawa niyo, nagiging preso ako eh!” sagot ko sa kanila. At ito rin ang unang beses na sumagot ako sa kanila. Hindi kasi nila naiintindihan ang nararamdaman ko. I know that they are just protecting me pero paano naman ako? Paano naman ang kalayaan ko? Naiinggit ako sa mga kaibigan ko dahil nagagawa nila ang gusto nila. They have freedom of their own pero ako? Wala. Nakadepende sa magulang ko kung saan ako pupunta o kung ano ang gagawin ko buong maghapon. “Saan ka natuto na sumagot ng ganyan? Kay Annicka ba? Sinab—” Agad kong pinutol ang sinasabi ni papa dahil hindi ako makapaniwala na kahit ang close kong kaibigan ay sinasabihan na niya ng masama. “Dad! Walang kinalaman si Annie rito! Siya ang sinasabihan ko sa mga ganitong saloobin ko dahil alam kong hindi kayo makikinig sa akin! Sa ginagawa niyo, hindi niyo ako pinoprotektahan! Gusto ko maranasan iyong normal na dapat maranasan ng isang tao! Hindi iyong ganito!” “You’re not a normal person, Cassidy! You’re a daughter of Del Marcel!” “Alam ko…” Malungkot akong umiling sa kanila at saka tumayo sa kinauupuan. “At iyan ang rason kung bakit minsan, pinagsisihan ko na dala-dala ko ang pangalan na ‘yan.” Pagkatapos ng gabing iyon ay sunod-sunod na araw kaming hindi nagpapansinan nila mama at papa. They surely felt disappointed on what I’ve said. Hindi nila inaasahan na manggagaling ang salitang ‘yon sa kaisa-isang unica-hija na gusto nila protektahan. Pero tama rin naman ako hindi ba? Nakakasakal ang ginagawa nila. Halos hindi na ako makahinga dahil bawat segundo ay sinusundan ako ng mga body-guards. Gusto ko maranasan iyong buhay na walang hahadlang sa gusto ko, iyong normal na buhay na nararanasan ng mga ibang taong nakakasalamuha ko. Naiinggit ako sa kanila. Oo nga at wala akong pinoproblema sa pera pero kaakibat naman no’n ang hindi ko paglaya. Palagi na lang na may nakaabang na takot sa pamilya ko na maaaring mawala ako. Alam ko naman na gusto lang nila ako protektahan pero parang sobra na ata. Simula rin noong usapin na ‘yon ay mas lalong hinigpitan ni papa ang body-guards ko. Mas lalo akong nadismaya sa ginawa nila. Alam nilang ayoko na may nakikita ang mga kaklase kong body-guards na palaging nakasunod sa akin dahil mas lalo lamang ako naiilang pero lantaran na masyado itong ginawa nila. They already talked to the principal that I should be a low profile student at walang makakaalam na anak ako ng Del Marcel, pero malaya pa rin nakakasunod sa akin ang mga body-guards na pinadala ni daddy dahil sa “Zamora” na last name ng lola ko na ngayon ay kasalukuyang ginagamit ko. Zamora is known as the owner of the State Trend Magazine rito sa Metropolis. Si Lola Amor ang dating nagmamay-ari no’n at ipinasa niya iyon kay papa na ngayon ay si mama ang namamahala. They didn’t bother to change the Zamora into Del Marcel dahil gusto nila na may maiwang ala-ala si lola sa amin. Kaonti lang nakakaalam na part ng Del Marcel ang Zamora dahil wala naman nakakaalam kung anong klaseng koneksyon ang dalawa. Sinadyang gawing pribado lahat ng impormasyon kahit na kilala ito ngayon sa buong bansa para sa ikabubuti at hindi ikapapahamak ng pamilya. Ang pinagkakatiwalaan na assistant ni daddy na si Arrow Salamenia ang ginawang upfront CEO ng Zamora State Trend Magazine. Siya ang humaharap sa mga interviews pero si daddy o kaya si mommy ang namamahala sa likod nito. Sinadya nila na may mag-upfront as CEO para wala ng maitanong pa kung sino talaga ang totoong namamahala. Once they know that Zamora is part of Del Marcel, ang mga kalaban ng pamilya namin ay siguradong gagawin ang lahat para malaman kung ano ang itinatagong sikreto ng pamilya namin. Napakakumplikado kaya ganoon na lang ako protektahan nila daddy at naiintindihan ko ‘yon, but I just wanted to be free. Na sa kabila ng mga gulo ng pamilya namin at sa mga kalaban ay nagagawa ko pa rin maging normal na tao. Umuwi ako sa bahay pagkatapos ng klase ko. Naabutan ko sila mommy doon pero hindi ko ito binati. Mas pinili ko na magkulong sa kwarto at mag-aral hanggang sa kinatok ako ni mama. “Anak… Masama pa rin baa ng loob mo sa amin ng Daddy mo? Alam mo naman na ginagawa lang namin ang lahat ng ito para sa’yo hindi ba?” Dahan-dahan akong tumango sa kanya, “Kung ganoon anak, bakit hinihiling mo sa amin na bumukod ka? Alam mong mamatay kami sa kakaisip ng Daddy mo sa kalagayan mo. Hindi mo pa kaya mag-isa,” sunod-sunod niyang sabi sa akin. Hindi ako nagsalita kasi kahit anong paliwanag ko ay alam kong igigiit lang nila sa akin ang kagustuhan nila, na mali iyong gusto ko at imposible dahil gusto nila ako protektahan. Kailangan ko umisip ng paraan kung paano ako makakatakas. I just wanted to live a simple life. Is that really bad? “I just wanted to live a simple life. Hindi ba talaga pupwede ang gusto ko?” nanghihinang tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin ng malungkot. “Nang ipanganak ko kayo ng kuya mo, kaakibat na no’n ang katotohanan na hindi kayo makakapamuhay ng normal kagaya ng sabi mo. People would do everything to get what they want kahit pa ang maging kapalit nito ay ipagkalulong ang sarili sa demonyo at ayaw kong maranasan niyo ‘yon. Kaya ka namin pinoprotektahan dahil minsan ka ng nawala sa amin anak. Hindi ko kakayanin kaya patawarin mo sana ako kung hindi ko mapapaunlakan ang gusto mo, Cassie.” Yinakap ako ni mama pero kahit ganoon ay hindi pa rin nababali ang desisyon ko na bumukod sa kanila. Kung kinakailangan ko tumakas para mamuhay ng normal ay gagawin ko. It was a selfish move, yes. But I just wanted to get my freedom. Iyong kalayaan na ipinagkait sa akin simula noong bata ako. I STARTED SEARCHING about apartments nearby Metropolitan University that night. Kung tatakas ako, kailangan ko ng matitirhan. Ayoko pang sabihin kay Annie ang balak ko dahil hindi pa okay ang lahat. Kailangan maging maayos muna bago ko sabihin sa kanya dahil baka madulas na naman siya sa magulang ko. I started selling my old bags sa online store, pati iyong mga luma kong damit ay pinagbibenta ko iyon. Madaling nasold-out lahat nang ‘yon kaya may pera na ulit ako. If I’m going to live alone, I need money. A lot of them. Sigurado akong the moment na tumakas ako ay ipapafreeze ni papa ang account na meron ako para bumalik ako sa mansion at hindi na ako maaaring bumalik doon dahil paniguradong mas hihigpitan pa ako nila papa. And they would surely blame my best friend for thinking that way. Nag-isip pa ako ng ibang bagay para magkaroon ng pera. I can’t sell my own car dahil masyadong mahahalata iyon nila mama. Why would I sell my new car? Unless bibili ako ng bago pero hindi ko naman ugaling mag-sayang ng pera unless it’s for my favorite band. Tumingin ako sa collections ko ng Lemonade Band. My heart ache for thinking of selling them to other lemonade army pero hindi ko naman pupwedeng dalhin lahat nang ‘yan sa titirhan ko kung sakali. They would surely think of how rich I am to afford those kind of albums. Limited album kasi karamihan ng kino-collect ko and each one of them cost around 5k to 10k. It was hard to collect them dahil sa sobrang dami ng fans kaya ganoon din siya kahirap ilet-go but I don’t have enough money kaya kailangan ko sila ibenta. Posters and magazines will stay with me. Kahit iyon na lang dahil mas madaling dalhin ‘yon. I started creating an online shop about sa Lemonade Band albums at kagaya ng inaasahan ko, maraming gusto bumili. I didn’t double the prize para mas mabenta siya ng mabilis. Even my friend Annie ordered on that shop. I almost giggled on that thought pero syempre tumigil ako sa pagtawa dahil hindi niya pa pupwede mahalata ang binabalak ko. I set the date kung kailan ako tatakas. This week is perfect pero naisip ko na sa mismong araw na lang ng birthday ko. It’s two weeks from now. I still need to plan kung paano ako maghahanap ng low-cost apartment para mas madali akong makatakas. Hindi naman pupwede na tumakas ako tapos wala akong matitirhan. I can’t ask for Annicka’s help dahil magkaibigan sila Mama at iyong parents niya. They will report to my parents kung nasaan ako. Napuyat ako sa kakaplano kaya nalate ako ng gising. Sabay na ulit kami kumakain nila mama sa hapag matapos ang gabing kausapin niya ako. Buong akala niya siguro ay mapapanatag na ang loob niya dahil nabago na niya ang isipan ko pero hindi. Hindi madaling mabali ang desisyon ko lalo na at gusto ko iyon makuha. Depriving me from my own freedom will only make the situation’s worst than ever. “Anak, two weeks from now is your 18th birthday. Kailangan na natin asikasuhin iyong mga hindi pa naaasikaso katulad ng final fitting mo sa gown at kung sino ang mga imbitado,” kalmadong sabi ni mama. Tumango naman ako sa kanya. “Okay po.” After that short conversation, I finished my usual routine. Naligo ako at pumasok sa campus. Annicka was waiting for me at the caf noong break time para ibalita ang online shop na nagbibenta ng Lemonade Band Limited Albums na ako mismo ang gumawa. Pinilit kong hindi ngumiti sa kanya at hindi matawa sa pagmamayabang niya para hindi mahalata ang pinaplano kong escape night sa debut ko. “Kanina ka pa tahimik, huwag mong sabihin na bibili ka sa online shop na sinasabi ko sa’yo kanina?” Mabilis akong umiling sa kanya habang naglalakad. Papunta kami sa nearest coffee shop sa campus dahil hindi kami makapag-aral ng maayos sa library dahil puno ito. Usual na tahimik ang coffee shop na malapit sa amin kaya parati kaming nagpupunta roon. Sa hindi naman namin inaasahan na pagkakataon ay napatigil kami sa paglalakad sa tapat ng coffee shop. Para kaming nagyelo sa kinatatayuan namin, este ako pala dahil may nakita kaming lalaki na sobrang pamilyar sa akin na kakalabas lang din nitong coffee shop na may hawak na chocolate frappe na kamuntikan ko na rin mabangga. Sobrang pamilyar ang pangangatawan kahit nakasuot ito ng grey na jacket at nakahood. I was suspecting that he is that person pero ano nga naman ang ginagawa niya rito? Wala akong matandaan na nagpupunta siya rito lalo na at prone ito sa crowd dahil malapit lang ito sa uni and he hates crowded places no matter how he loves us. “Ui! Ano ba ang tinitignan mo riyan?” Nanatili akong nakatingin sa lalaking dumaan sa amin. Nakumpirma lang na tama ang hinala ko nang marinig ko ang baritonong boses nito sa paghingi ng tawad nito sa akin. “Sorry.” mabilis niyang sabi. Rinig na rinig ko ang bawat pintig ng puso ko habang paulit-ulit akong tinatanong ni Annie kung bakit ako biglang natulala. He’s wearing a black shade and grey jacket hoodie that match his jagger pants. Nakamask rin ito kung kaya’t ang shades lang ang kita pero kilala ko ‘yon at hindi ako pupwede magkamali. “Annie…” nanghihinang tawag ko sa kanya. “Bakit? Kanina ka pa tulala sa lalaking nakita mo kanina! Huwag mong sabihin na naistar-struck ka na sa kanya?” Hindi ko na narinig ang mga iba pa niyang sinabi dahil naririnig ko pa rin ang malakas na pintig ng puso ko. Kulang na nga lang ay maghabol ako sa paghinga. “I-I think I saw him...” nauutal na sabi ko sa kanya. “Sino ba?” nagtataka niyang tanong. Huminga ako ng malalim bago siya tinitigan habang unti-unting napangiti dahil sa nangingibabaw na kilig. “S-Si Primo…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD