Capitulo Dos

1286 Words
Capitulo Dos ***   “ANYARE CASSIDY?” Hindi ako umimik sa kaibigan kong si Annicka na ngayon ay nakuha akong istorbohin sa pagbabasa ng w*****d. Ilanga raw na ang nakakalipas simula nang mawala iyong ticket ko. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala at nanlulumo pa rin sa katotohanang hindi ko napanood si Primo sa concert. Last concert tour na nila iyon dito sa Metropolis bago sila magtungo sa ibang bansa for another world tour. Tatagal iyon ng apat na buwan bago pa ulit magkaroon ng comeback ang Lemonade Band. Bakit ba kasi nawala iyong ticket ko? Kung sino man iyong lalaki na ‘yon ay sisiguraduhin kong ilulubog ko siya ng buhay. “Bakit ka hindi umiimik dyan? Hindi mo ba alam na nagpost si Primo sa IG niya ngayon?” Hindi ko pinakinggan ang kaibigan ko sa pangungulit at nagtalukbong ng kumot. Ilang araw na akong nakadeact sa lahat ng spazzer accounts ko dahil sa sobrang panlulumo. Pakiramdam ko hindi ko nagawa iyong tungkulin ko bilang Lemonade Army kay Primo. “Hay nako. Alam ko na kung bakit ka nandyan. May balita nga pala ako roon sa sinasabi mong lalaki na nakabangga sa’yo at dahilan ng pagkawala ng ticket mo.” Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Annie at mabilis na umayos ng upo. “Oh, eh di nabuhayan ka ng loob ngayon,” natatawang sabi ni Annie. “Spill the beans.” Ipinakita sa akin ni Annie ang lalaki na nakabangga sa akin noong concert. May hunch daw ang lemonade army na si Primo iyong dumaan sa gilid dahilan para magsitilian ang mga tao pero may hunch din daw na taga Sexy Play Band iyong dumaan at si Sven daw iyong dumaan. Ang Sexy Play Band ang mahigpit na karibal ng Lemonade Band. Walang comeback na hindi bumaba ang rank nila sa Music Charts ng Metro Music. Palaging nasa top three ang dalawa kaya madalas din nag-aaway ang Lemonade Army at Playlist Fandom dahil palaging naglalaban ang dalawa sa Music charts. “Bakit naman pupunta si Sven sa concert ng Lemonade Band aber?” Wala akong against sa Sexy Play Band dahil may sarili silang songs at hindi ko rin naman mapapagkaila na maganda ang music nila pero against ako roon sa Sven na ‘yon. Siya lang naman ang dahilan kung bakit naiwang luhaan ang bebe Primo ko dahil inagawan siya nito ng girlfriend. Inagaw ni Sven ang girlfriend ni Primo, isang taon na ang nakakaraan. I don’t know the whole details pero malinaw na inagaw ni Sven ang girlfriend ni Primo na non-showbiz. Sa tuwing iniisip ko ‘yon eh naiirita pa rin ako. Paano niya nagawang sulutin ang jowa ni bebe Primo ko? At iyong babae naman eh nagpasulot din talaga! “Sexy Playlist has an out-going concert noong nagconcert ang Lemonade Band. Ang sabi-sabi eh ginawa iyon ng banda nila Sven para maagaw ang ibang tao na pupunta sa concert ng Lemonade Band.” Kung totoo nga ang sinasabi ni Annie tungkol sa hunch na ‘yan, walang duda na maiinis na nga ako. Kasi naman parang namangka ang Sexy Playlist sa magkabilang ilog dahil sa ginawa nila. Heto nga at nawalan ako ng ticket oh! Nag-activate tuloy ako sa lahat ng spazzer accounts ko. Tama nga ang hinala ko na nag-aaway na naman ang fandom ko at ang Playlist dahil sa mga speculations na sinabi ng kafandom namin sa twitter. Kung sabagay lahat naman ay may point ang sinasabi nila. Bakit nga naman pupunta iyong vocalist ng kalabang banda doon sa concert kung walang kakaibang ganap? Malabo na si Primo iyon dahil panigurado akong nasa backstage na ‘yon noong mga panahong nagkakagulo sa labas. Hindi ko pa rin maiwasan na madisappoint dahil hindi ko nakita si Primo. Ang sabi ko pa naman eh titili ako at uubusin ang boses hanggang sa mapaos ako sa mismong araw na ‘yon pero hindi pa rin pala. Nagspazz na lang kami ni Annie. Kinuwentuhan niya ako ng nangyari sa concert. Noong una nga eh nag-aalangan siya kung sasabihin niya sa akin ang nangyari dahil baka maiyak lang daw ako. I clearly don’t mind if she would tell some things about what happened on the concert. Parte iyon ng pagiging fan girl eh. Iyong saya na kaya mo ilabas kasi para kang mababaliw kapag hindi ka nagsalita kaya minsan, weird ang tingin sa amin kasi simpleng ngiti lang ng iniidolo mo, kinikilig ka na. At ang masakit pa, kinikilig ka sa taong hindi naman alam na nag-eexist ka. “Speaking of, nasabi mo na ba kela tita ang gusto mo?” Napatigil ako sa pagbrowse ng cellphone at saka tumingin sa kanya bago umiling. Ilang araw ko na rin iyon pinoproblema dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin kela Papa iyon. Na ang bumukod sa kanila ang tanging hiling ko ngayong birthday ko. “Hindi ko pa nasasabi but I’ll tell them sooner once I figured how to tell them what I want.” Umuwi na si Annicka sa bahay nila. Bumaba naman ako dahil tinawag na ako ni manang para kumain ng dinner kasama sila Papa. “Wala si Silver?” tanong ni Papa. Papa is a strict father while my mom is a carefree woman. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala kung paano inamo ni Mama si Papa noong mga panahong nag-aaral pa sila sa college kasi kung titignan, parang napaka-uptight na tao si Papa para kay Mama. “Wala dy. Ang sabi niya sa akin ay may aasikasuhin siya,” sagot ko. “He should get married soon. Hindi na siya bumabata,” sabi ni Papa habang hinihigop ang sinigang na isda na niluto ni manang. “Darling, masyado pang maaga para mag-asawa si Silver. He should enjoy his life first.” “Kung hindi pa siya makakahanap ng babae, dapat na niyang pakasalan ang anak ng Almonte. Tutal iyon naman ang alam ng karamihan.” “Papa! I don’t want that woman for my kuya!” malakas na tutol ko. Kung iyong Tanya lang din naman ang papakasalan ng kuya ko eh, huwag na lang sila magpakasal. Wala naman akong pakialam sa pera. Aanhin moa ng pera kung hindi ka naman masaya at saka ayokong magkaroon ng sister in law na maarte. “Speaking of, malapit na ang kaarawan mo anak. What do you want for your birthday? Nabalitaan ko na hindi ka raw nakaattend ng concert ng paborito mong banda dahil nawala iyong ticket mo.” mahabang litanya ng Mama ko. Medyo nanlaki pa nga ang mata ko dahil wala pa akong sinasabi tungkol doon. Mukhang naunahan na ako ng kaibigan kong si Annie. “Nawala ang ticket mo? Do you know how expensive that ticket is? Nagsasayang ka na naman ng pera, Cassidy.” If there’s one who is supporting me about my fan girl’s escapade, it is my mom. Ayaw kasi ni Papa dahil aksaya lang daw iyon sa pera. We’re rich but Papa never failed us to remember that we shouldn’t waste our money on useless things. “Darling, huwag mo pagalitan ang bunsong anak natin. We’re eating.” “So what do you want for your birthday anak? Another ticket? May world tour daw sila ah.” Umiling ako at yumuko bago tumingin kay Mama. Alam ko na ang magiging reaksyon nila sa sasabihin ko lalo na si Papa. After he found out that I’ve lost my ticket last concert, sigurado akong pagagalitan niya ako sa hihilingin ko pero ito ang gusto ko eh. I clearly want to be separated by them. “Gusto kong bumukod my.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD