Capitulo Treinta y seis “A-Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya. Hindi ko siya inaasahan na makikita ko siya rito kahit na sinabi ko sa kanya na dito kami ni Peter magdidate. “Wala. Napadaan lang ako rito. Akala ko ba may date ka? Bakit ka mag-isa rito?” Umupo siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na iniwan ako ni Peter rito. Tiyak ako na may sasabihin na naman siya na kung anu-ano tungkol sa kanya. Napapaisip na tuloy ako kung sincere ba talaga sa akin si Peter o hindi. Ayoko siya pagdudahan dahil lang sa mga sinasabi ni Peter sa akin pero pati ako ay naguguluhan na talaga. Nag-ooverthink lang ba ako? Sabi niya kasi ay family urgent daw. Ano bang magagawa ko kung urgent talaga? At isa pa, pamilya niya ‘yon eh. Ayaw kong ayawan ako ng mga magulang

