Capitulo Treinta y siete Crush? May crush na ba talaga ako kay Sol? Imposible! Masyado akong matagal ng loyal kay Primo para makuha pang magkacrush sa kanya. Saka bakit naman ako magkakaroon ng crush sa kanya? Okay. Inaamin kong gwapo nga siya, matalino at maganda ang boses. He’s also talented! Hindi ko naman itatanggi ang bagay na ‘yon pero sa kabila no’n ay imposible pa rin akong magkacrush sa kanya. Masungit siya. Hindi katulad ni Primo na alam kong gentle sa simula pa lang. In fact, he’s the gentlest person I know aside from my kuya. Wala rin ginawa si Sol kundi ang asarin ako at ubusin ang pasensya ko. Tuwang-tuwa siya kapag kulang na lang ay manapak na ako sa inis dahil sa kanya. Isa pa, hindi ko masundan ang ugali niya kaya bakit ako magkakacrush sa isang katulad niya na mas m

