Capitulo Cuarenta y uno “Anong ibig mong sabihin, Adi?” naguguluhang tanong sa akin ni Kane. “Inamin sa akin ni Lena na hindi siya ang naglagay ng drugs kundi ang boyfriend niya. He planned it a week ago at late na iyon nalaman ni Lena. Nang malaman niya na siya ang naglagay no’n, wala na siyang nagawa dahil bitbit mo na ang bag,” paliwanag ko sa kanila. Muli akong napahinga ng malalim dahil may hindi pa ako nasasabi. Tuluyan akong napapikit dahil alam ko na tuluyan ng magwawala si Lorcan sa mga susunod ko pang sasabihin. “Hindi na rin gumagamit ng drugs si Lena. She said she already stopped...when she found out that she’s pregnant.” Hindi nagwala si Lorcan nang sabihin ko iyon sa kanya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag pero sabi sa akin ni Kane ay mas lalo pa na magiging prob

