Capitulo Cuarenta y dos Naging busy ako dahil sa mga bata. Literal silang magugulo at hindi ko alam kung paano makipag-interact sa kanila dahil wala naman akong kapatid na mas bata pa sa akin. May mga kamag-anak naman kami sa side ng mommy ko na may mga anak na nasa edad na limang taon hanggang walong taong-gulang. May apat na taon pa nga pero bibihira ko sila makita dahil nakatira sila sa ibang bansa. Hindi rin naman ako close sa mga pinsan ko. I literally never interacted with them because I don’t know how. At isa pa, pakiramdam ko ay nauubos kaagad ang energy ko sa pakikipag-usap ko sa kanila kahit kaonti lang iyong pag-uusapan namin. I also feel some kind of pressure that I didn’t want to feel so I chose not to interact with them. Some of them tried to have conversation with me p

