Kabanata 19 Bibitawan "H-hon, nasasaktan ako." Lumuluha kong sabi habang tinitiis ang mahigpit niyang pagkakahawak sa palapulsuhan ko. Hindi siya sumagot. Mas hinila niya ako ng mabilis, yung tipong madadapa na ako sa bilis. Hindi nalang ako nagsalita ulit. Hinayaan ko siya kasi alam kong malaki ang kasalanan ko. Malaki ang kasalanan ko na pwedeng mauwi sa hiwalayan. Baliw kasi ako e! B-bakit kasi ako sumama? Bakit ako sumama sa mga baguhang empleyado ng kompanya namin! Kasalanan ko naman e! Kaya wala akong karapatan magmakaawa sa kanya! Mabilis niyang binuksan ang pinto ng bahay namin. Napatakip pa ako ng bibig ng padabog niya akong itulak sa sofa. Niyakap ko ang sarili, takot na takot sa gagawin niya. Umalis siya at mabilis na pumunta sa kusina, pinigilan ko ang hikbi dahil baka mag

