Simula
Simula
Crush?
One word but millions of feeling. Ganyan ko ilarawan ang salitang paghanga. Bakit nga ba nabuo ang salitang iyan? Bakit ba nakakaramdam ng ganyang uri ang isang tao? Required bang humanga sa ibang tao? Malaki ba ang papel ng paghanga sa isang tao?
Iyan ang mga tanong ko ngayon sa sarili ko. Bakit pa kailangang magkagusto sa ibang tao? Bakit pa ako nahuhumaling sa kanya? Ito ba talaga ang proseso ng tao? Na kapag nagkaroon ka na ng muwang dito sa mundo, magkakagusto ka sa isang taong babago at maaaring sisira sa iyo.
Bagama't hindi pa nababagay sa edad ko ang salitang pagmamahal, hindi ko naman mapigilan na maramdaman ito. Kusa siyang pumasok sa puso ko at ngayon ay binabaliw ako sa taong wala namang pakialam sa akin. Hindi niya manlang makita ang effort kong pagpapapansin sa kanya, ni sulyap ay hindi niya manlang magawa. Napakasuplado niya pagdating sa akin. Napakasungit at sobrang hirap makuha ang atensyon niya.
Ranilo Costiño.
Ang lalaking sinasambit ng puso ko. Ang lalaking isang taon ko ng hinahangaan at minamahal ng patago. Paano ko siya nakilala at nagustuhan? Una ko siyang nakilala sa isang subject namin, siya ang pumalit kay Mrs. Baoy para sa asignatura naming Ingles. Senior namin siya, grade ten samantalang grade seven palang ako. Isa siyang aktibong istudyante ng paaralan namin, tanyag na tanyag ang kanyang pangalan dahil sa angking galing, mapa akademiko man o paglalaro ay kaya niyang gawin.
Hindi ko siya kilala nung una, hindi ko pa nakikita ang mukha niya noon. Pero naririnig ko na sa mga kaklase ko ang pangalan niya. Presidente ng school senior club. Nagtataka ako kung sino ba siya at kung bakit baliw na baliw ang mga kababaihan sa kanya? Pero lahat ng katanungan ko sa sarili ay nasagot ng bigla siyang pumasok sa classroom namin, bitbit ang isang makapal na libro at salamin sa mata, napasinghap ako sa kanya.
Tumahimik ang mga kaklase ko, lahat ng atensyon ay nasa kanya. Maging ako ay hindi na nakapagsalita pa ng tumingin siya sa amin isa-isa. Pansin na pansin ko sa ilalim ng salamin niya ang magagandang mga mata. Hindi nakalagpas sa akin ang matangos niyang ilong at mukhang sobrang kinis. Ang kanyang balat ay bagay na bagay sa kanya, morenong lalaki. Matangkad, may magandang pangangatawan at higit sa lahat, sobrang pormal.
Umiwas ako ng tingin at napahinga ng malalim. Hindi ko kayang titigan siya ng matagal, para akong nalulunod sa mga mata niyang sobrang lalim. His eyes were cold and serious. A very handsome man with dignity.
Nilagay niya ang libro sa lamesa at umupo sa upuan. Medyo maluwang sa kanya ang uniform namin, pero hindi naman pangit tignan. Bagay na bagay din sa kanya ang suot na salamin sa mata, nakaka-intimidate tignan. Bumuga siya ng malalim na hangin at ngumiti sa amin.
"Good morning, students." He said very formally.
Nagsi-ngitian ang mga classmate ko at bumati na din. Sumabay ako sa kanila at nahihiyang kinagat ang labi. Ang pormal-pormal niyang tignan, ang linis at makikita mo talaga sa anyo niya ang dignidad at kaya pinag-aralan.
"Good morning, Sir." We greet in one.
He smiled and nodded.
"Mrs. Baoy asking my help yesterday. If you know me, then I have nothing to worry about. I am Ranilo Costiño, grade nine student and the president of SSC. Gusto ni Mrs. Baoy na ako muna ang humawak sainyo ngayon since she leave for maternity. She is currently in labor for her baby. Hindi ako teacher dito, istudyante rin lang ako katulad niya. Hindi naman mahirap itong misyon ko kung makikinig at magtutulungan tayong lahat. Let's be as one for this!" He explained.
Napatango kaming lahat at sumang-ayon sa kanya. Wala naman akong ibang paraan, kung hindi siya papalit kay ma'am sino ang magtuturo sa amin? Sino ang magbibigay ng grado sa amin? Mabuti na rin ito para maipagpatuloy namin ang naudlot na discussion kay ma'am.
Simula ng araw na iyon ay naging substitute teacher muna siya kay Mrs. Baoy. Buong akala ko ay gagaan ang kalooban namin dahil siya ang pumalit ngunit hindi pala. Mas mahigpit pa siya kaysa kay ma'am. Halos hindi kami makalabas ng classroom hangga't hindi natatapos ang recitation namin, minsan quiz o di kaya essay. Mahirap siyang maging guro, sobrang higpit at nakakakaba. Minsan, nalilito na ako sa kanya, minsan hindi ako makahabol sa bilis niyang magturo.
Pero hindi ko mapigilang humanga sa kanya. Sa galing niyang magturo at maging substitute teacher sa amin. Sa sobrang galing niyang magturo, nagkakagusto na ako sa kanya. Oo, crush ko na siya! Hindi ko napigilan e! Pero hindi ko iyon pinagsasabi sa mga kaklase ko, nahihiya ako at baka pagtawanan lang nila ako.
Kaya isang araw, nahuli akong magpasa ng quiz namin. Nahirapan kasi ako sa essay part niya kaya ako ang nahuli. Pawis na pawis ako habang lumalapit sa lamesa niya. Pinapasok na niya ang mga papel ng mga kaklase ko sa folder niya kaya binilisan ko ang paglapit sa kanya. Huminga ako ng malalim at ngumiti ng alinlangan.
"S-sir, ipapasa ko sana itong papel k-ko." Nauutal kong sabi.
Lumingon siya sa akin at kumunot ang noo niya. Nilukuban agad ako ng kaba, pinawisan ng malamig.
"Late is late. I won't accept that anymore." He said coldly.
Napanganga ako at parang nahulugan ng malaking bato sa katawan. s**t naman! Pinaghirapan kong masagutan iyon tapos hindi niya lang tatanggapin?
"P-pero sir—"
"Hindi ko hinahayaan ang ganyang ugali sa paaralan na ito! Bilang isang presidente ng student supreme court, we didn't tolerate that kind of action." He said before he leaved.
Napakamot nalang ako sa ulo at walang nagawa kung 'di itapon sa basurahan ang papel kong naglalaman ng quiz namin ngayon. Hindi lang doon nangyari ang pagsusungit niya sa akin. Isang araw, ako ang sweeper ng classroom namin kaya naatasan akong maglinis ng room namin. Napahugot-hininga ako ng maalalang kailangan ko pang pumunta sa SSC headquarter dahil nandoon ang mga kagamitan sa paglilinis. Wala kaming sariling cleaning tools at ipinagkatiwala ng principal ang mga iyon sa SSC.
Wala akong nagawa kung 'di pumunta sa headquarter nila at humiram ng walis tambo at dustpan. Huminga ako ng malalim bago nagmalakas loob na kumatok sa pinto nila. I nipped my lip to stop trembling. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang lalaking secretary ng SSC. Malawak ang ngiti niya at tumitig sa akin ng matagal.
"Hi. Yes, miss?" He ask gently.
I smiled beautifully.
"Hmm, kuya hihiram po sana ako ng walis tambo at dustpan, pwede po ba?" I said shyly.
Tumango siya at niluwagan ang pinto. Nakita ko agad si Ranilo Costiño, nasa sariling lamesa niya at seryosong nakatitig sa laptop.
"Sure. Come in and just signature to the logbook."
Tumango ako at pumasok sa loob. Umangat ang ulo niya sa akin ng binuklat ko ang logbook, nanginig ang kamay ko ngunit kinalma ko naman agad. Hindi ako makatingin sa kanya pabalik sapagkat kinakabahan ako ng husto. Gaya ng mga titig niya sa akin, malalim at punong-puno ng kaseryosuhan iyon. Inabot ko ang ball pen at pumirma na agad. Hindi ko kayang magtagal sa harap niya.
Mabilis akong umalis at kinuha ang hinihiram ko. Palabas na ako ng magsalita siya sa akin.
"Make sure to return it with yourself." He said seriously.
Napahinto ako sa paglabas at bumuntonghininga.
"O-opo sir." Magalang kong sabi.
Hindi na siya sumagot kaya umalis na ako. Marami pang tagpo ang mga ganoon, minsan nasasalubong ko siya sa hallway pero hindi naman ako pinapansin. Minsan naman kapag may practice siya ng long tennis, napapahinto ako sa tagong banda ng paaralan at pinagmamasdan siya ng malayo. Minsan kapag may contest siya sa debate, hindi ko maiwasang mas lalong humanga sa kanya. Sa maraming pagkakataong nagkikita kami, ni minsan hindi niya nagawang ngumiti o pumansin sa akin. He is very cold and serious.
Kaya isang araw, sinalubong ko ng isang mahigpit na yakap si papa. Kakauwi niya lang kasi galing sa palayan ng mga Costiño. Oo, nalaman ko din sa kanya na nagtratrabaho siya sa pamilyang iyon. Siya ang humahawak ng mahigit singkwenta hektarya na palayan nila. Kaya may pagkakataong hindi na siya nakakauwi sa amin dahil kailangan niyang bantayan ng maigi ang mga tanim na palay.
Humarap siya sa akin at ngumiti. Bunso niya akong anak, ang panganay kong kapatid na lalaki ay kasalukuyang nasa Manila para sa board exam niya sa Marine Engineering. Si mama ay nasa kusina at nagluluto ng hapunan namin. Kakauwi ko lang galing school at siya ang nakita ko sa garden namin.
"Hi po, papa. Kumusta ka na po?" I said manneredly.
He smiled and kiss my forehead.
"Maayos naman ako, hija. Bukas na ang pag-ani namin sa palay ni Sir Delbrose." Sabi niya.
Tumango ako at ngumiti. Si Sir Delbrose ang ama ni Ranilo. Narinig ko sa mga classmate ko na may kapatid pa daw siya. Hindi ko naman makita ang sinasabi nilang kapatid niya sa school namin. Tapos na ba ito sa pag-aaral?
"Papa, diba may mga anak si Sir Delbrose?" Tanong ko.
Tumango siya at kumunot-noo.
"Oo, hija. Dalawa ang anak ni sir, isang panganay na babae at bunsong lalaki. Si Sir Ranilo ay nag-aaral pa ata sa paaralan mo kaya minsan ka niyang mabanggit sa amin ng papa niya." Sagot ni papa.
Nanlaki ang mata ko. Ano daw? Si Ranilo Costiño ay binabanggit ako sa mga usapan nila ni papa? Totoo ba ito? Hindi ba ako nabibingi lang?
"Talaga po, papa?" I asked surely.
"Oo hija. Sabi niya, istudyante ka niya sa hinahawakan niyang subject sa inyo. Alam mo anak, mabait yun at magalang. Minsan seryoso pero hindi naman suplado sa amin."
Napanganga ako. Hindi siya suplado sa ibang tao pero sa akin halos isuka ako sa mundong ito! Wala naman akong atraso sa kanya, ni hindi ko nga siya ginugulo sa mga nahihirapan kong turo niya e! Naudlot ang usapan namin ni papa ng tinawag na kami ni mama. Iyon ang huling pag-uusap namin ni papa sapagkat umalis na naman siya para sa pagtratrabaho.
Dumating ang araw na nahirapan na talaga ako sa isang discussion niya. Hindi kasi ako nakapag-focus sa pagtuturo niya dahil sa sinabi ni papa sa akin. Aminado naman akong mahina talaga ako sa ingles na subject. Nahihirapan ako sa mga mahihirap na leksyon kaya minsan ang grado ko ay sumasabit. Pero sa mathematics at ibang asignatura, kayang-kaya ko.
Bumuntonghininga ako bago nag-aalinlangan lumapit sa lamesa niya. Sinadya ko talagang magpahuli dahil gusto ko siyang makausap ng masinsinan. Nakakahiya man pero gusto kong magpaturo sa kanya sa huling leksyon namin. 'Yung lang kasi ang hindi ko na-gets kaya ngayon ay nagkaka-problema ako. Tinatagan ko ang loob at pinaskil ang malawak na ngiti sa kanya.
"Hi, sir." Pauna kong sabi.
Bumaling siya sa akin at kumunot ang noo. Dumagundong agad ang puso ko sa kaba. Lumunok ako at nilakasan ang loob na humarap sa kanya.
"Yes?" He said coldly.
I nipped my lip.
"S-sir, gusto ko po sanang magpaturo sayo. May mga hindi po kasi ako naintindihan sa leksyon mo kaya nahihirapan ako." I said bravely.
Sumingkit ang mata niya at tinitigan ako ng malalim.
"Are you saying, I'm not effective substitute teacher?" He said accusationly.
Umiling ako sa kanya.
"H-hindi po sa ganun sir—"
"No! I will not help you regarding with your problem! Junior high ka na kaya dapat masulosyunan mo yan!" He said firmly.
Sa maraming pagkakataon, tinalikuran niya ulit ako at iniwan sa classroom namin. Bagsak langit akong lumabas sa room at hinang-hina sa araw na iyon. Patay na! Saan ako magpapaturo nito ngayon? Hirap na hirap ako sa leksyon na iyon kaya maaaring mahulog ako sa paparating na pagsusulit namin.
Galit, inis at panlulumo ang nararamdaman ko habang frustrated na humiga sa higaan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ngayon, napupurol na ang utak ko sa kanya! Nakakainis siya! Napakasuplado niya sa akin! Napakasino siya! Bwesit naman!
Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si mama at papa. Umupo ako at naguguluhan sa kanilang dalawa. Bakit kaya sila nandito?
"Hija, may gusto sanang sabihin sayo ang papa mo." Si mama.
Tumingin ako kay papa at kumunot ang noo. Ano naman kaya ang gustong sabihin sa akin ni papa? Kung tungkol lang din naman kay Ranilo o sa pamilya niya, wag nalang! Simula nung ginawa niya sa akin iyon, kinamuhian ko na siya! Wala siyang awa! Dapat nga tinuturuan niya pa kami ng mas mabuti, yung matututunan talaga namin hindi yung madaliang pagtuturo niya! Ayoko na sa kanya!
"Anak, inimbitahan kasi tayo ni Sir Delbrose para sa kaarawan ng anak niyang lalaki. Pasasalamat na din kasi iyon dahil sa masaganang pag-ani namin sa palay. Ang gusto ko sana ay pumunta tayong lahat." Sabi ni papa.
Nanlaki ang mata ko at nagulat. Birthday? Kaninong birthday? Kay Ranilo ba?
"Kayo nalang po, pa." Pag-ayaw ko.
Umiling si papa at tinignan ako ng masungit. Ayokong pumunta lalo pat birthday naman pala ng supladong Ranilo'ng yun! Baka mabwesit lang ako!
"Hindi pwede! Pupunta tayo doon!" My father said firmly.
Napabuntong hininga nalang ako at walang nagawa kung 'di sumunod sa gusto niya. Suot-suot ang kulay puting bestida na binili pa ni mama, at labing mapula dahil sa lipstick, umalis na kami ng bahay. Since, the mansion of Costiño is near to town, medyo tumagal ang biyahe namin dahil sa kakulangan ng masasakyan.
Ilang na ilang ako sa suot na damit. Pakiramdam ko ay isa akong diwata sa itsura ko ngayon. Well, my face is effortlessly beautiful without make-up. Confident ako sa mukha ko kasi nagmana ako kay mama. I have my doe eyes, with a long and straight nose and small red lips, I am look like my mother. Sabi ng karamihan, mas maganda ako sa simpleng pamamaraan. Hindi ko daw kailangan ng anumang pangpa-kulay sa mukha para makita ang tunay na ganda. Cristita, my only friend always saying that to me. Mas simple, mas maganda.
Huminto ang sinasakyan naming tricycle sa harap ng malaking gate. Sa taas nito ay nakaukit pa ang apelyido ng pamilyang ito. Nahiya ako habang pinagmamasdan mula sa labas ang napakalaking bahay nila. Sa gitna ng daan papunta sa pinto nila ay agaw pansin ang isang fountain. Ang linis ng bakuran nila, walang mga tuyot na dahon. Ang bermuda grass ay nagmistulang disenyo sa buong bahay. Hindi ko manlang ma-imagine ang bahay namin sa kanila.
Bumakas ang gate at pinapasok kami ng guard. Tahip-tahip ng kaba ang nararamdaman ko habang nilalakad namin ang pinto nila. Nang tumapat kami sa pinto, bumukas iyon at sinalubong kami ng isang mataas at sobrang gandang babae. Natulala nga ako sa mukha niya, halos mapaatras pa. Nasa likod niya ang matangkad din na lalaki at matipunong katawan. Pansin na pansin ko ang pagkakahawig ng mukha ng lalaki kay Ranilo. The woman smiled softly.
"Mabuti'y nakapunta kayo. Welcome to our house!" The woman said elegantly.
Tumango ang magulang ko at ngumiti.
"Naku, maraming salamat ma'am Lorella sa imbitasyon." Si papa sa magalang na boses.
She smiled and shrugged her shoulder.
"It's alright. You help us with our business so it's just a celebration for it." Sabi ni Lorella Costiño.
Dumikit ang lalaki sa kanya at bumulong. Napahagikgik siya at para bang kinilig. Sobra akong napanganga sa mag-asawang ito, hindi ko akalaing ganito kaganda at kagwapo ang magulang ni Ranilo.
"Marcus, let's get inside now." The man said seriously.
Tumayo ang buhok ko sa braso ng marinig ang boses niya. Sa kanya nagmana si Ranilo. Halatang-halata sa mukha, sa personalidad at katangian. Tumango si papa at pumasok na kami sa loob. Kung kanina napanganga ako sa lawak at ganda ng entrance nila, ngayon naman ay halos hindi ako makagalaw sa mga nakikita. Ang unang bumungad sa akin sa loob ay ang apat na malaking portrait sa gitna ng engrandeng hagdanan nila.
Nanglalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga larawan nila. Agaw pansin sa akin ang babaeng katabi ng mama nila. Ito ba yung sinasabi ni papa na panganay na anak nilang babae? Kung ano ang kinaganda ng nanay, yun din ang kinalabasan ng anak. Ang liit at ganda ng mukha niya, pinaghalong mukha ng mag-asawang Costiño. Wala na talaga akong masabi sa pamilya nila, sobrang nakakapanganga!
Napatingin ako sa hagdan kung saan pababa ang babaeng nasa larawan, suot ang magarbong kulay-rosas na damit, litaw na litaw ang porselanang kutis niya. Napansin ko ang lalaking nasa likod niya, si Ranilo iyon. Napatingin ang babae sa akin at ngumiti. Hindi ko alam ang gagawin, para akong nakakita ng artista sa bahay na ito.
"Hi. You must be Maria Cresenciana?" The girl said girly.
Napalunok ako at napapikit-pikit. Si Ranilo ay nasa likod niya lang at tinititigan ako. Huminga ako ng malalim at ngumiti ng matamis.
"O-opo." I said stutteredly.
She shook her head and smile at me.
"Drop the formality, just call me Delrose." Aniya sa mahinhin na boses.
Tumango ako at ngumiti.
"A-ahh sige. Tawagin mo nalang din ako sa palayaw na Cres." Sabi ko.
She nodded. Hindi ko na mahanap si mama at papa kaya naiwan ako sa kanilang dalawa.
"Okay, Cres. Hmm, punta na tayo sa garden, nandoon ang pagsasalo-salo." Alok niya.
Nauna silang maglakad kaya nagpahuli ako. Hindi ko mapigilang purihin ang kagwapuhan ni Ranilo ngayon. First time ko palang kasi siyang makitang nakasuot ng polo. Sa school kasi sobrang pormal niya. Nang makarating kami sa malawak nilang garden, hindi na ako nagulat kung bakit ganito kaganda dito. Pansin na pansin ang buong pamilya ng Costiño. Nakakahiya ang lahi nila, ang gaganda at gwapo! Sarap tuloy magpalahi!
Pinaupo ako ni Delrose sa tabi ni mama. Kaharap ko ngayon ang mga hindi pa pamilyar sa akin. Bumulong ako kay mama.
"Sino po yung ibang mga tao, ma?" I ask.
She smiled.
"Yung dalawang lalaki na nasa unahan, sila ang anak na kambal ni Sir Kershone. Si Sir Hermes at Sir Gavino ay pareho ng may asawa at katabi nila iyon. Sa tabi naman ni Sir Kershone ay ang asawa niya, at ito naman ang amo ng papa mo, si Sir Delbrose at Ma'am Lorella. Yung mga maliliit na bata ay anak ng kambal, si Scylding kay sir Hermes at Calvino naman kay sir Gavino." Eksplenasyon ni mama.
Napatango ako at nakuha ang ibig niyang sabihin. Ang swerte ng pamilyang ito, mababait na nga, mayaman pa! Nagsimula ang selebrasyon ng tumayo si Sir Delbrose at magbigay ng introduction niya. Nagpalakpakan kaming lahat.
"Tonight, we are here to celebrate the 19th birthday of my son, Ranilo Allicer. My son will follow my path in the future. I am so proud of him being a good son and brother to his sister. I won't ask anything but a good health and living together with my family." Sir Delbrose speech.
We clapped as he finish his speech. Tumayo naman si Ranilo at kinuha ang microphone. He sighed and smile handsomely. I was stunned by his smile! First time kong makita 'yun!
"Si papa sobrang corny. Well, I want to thank you all for coming tonight. To my twin cousin, Hermes and Gavino mabuti'y nandito kayo! Akala ko magkukulong lang kayo sa kwarto kasama mga asawa niyo!" We laughed. Umiling ang magkambal. "To my little nephew's, Scylding, Calvino wag sana kayong gumaya sa mga ama niyong pasaway! Maging mabait kayong lalaki haha. Syempre, sa napakaganda kong kapatid at mama, salamat at mahal ko kayo. Si papa? Malaki na siya kaya bahala na siya!" He said jokingly.
Umiling-iling ang mga pinsan niya, tumawa sa kabiruan ni Ranilo. Hindi ko alam na may ganito pala siyang personality. Akala ko hanggang pagsusungit lang siya e!
"To my uncle Kershone, bless with your family. Of course, to Ricote family who's here to celebrate my birthday, thank you. My wish...I want everything in this world will be alright." He said wishing.
We clapped and smile. He blow the candle and we start to eat. Masasarap ang mga pagkain na hinanda, busog na busog ako. Nauna akong matapos kaya umayos ako ng upo at pinagmasdan silang kumakain. Bumaling sa akin si Ma'am Lorella.
"Are you done?" She ask.
Ngumiti at tumango ako. Hindi naman na nasundan ang tanong hanggang sa matapos silang lahat kumain. Nagkaroon din ng inuman at kantahan kaya nagrequest si Delrose na pakantahin ako.
"Sige na, Cres! Isang kanta lang para sa birthday boy. Pa-regalo mo nalang sa kanya haha." She insist me.
Tumingin sa akin si mama kaya wala akong choice kung 'di tumayo at pumunta sa harap ng videokehan. Mas boses naman ako pero nakakahiya naman kung kakanta dito. Nakatitig kaya siya sa akin, dumadagundong tuloy sa kaba ang puso ko. Bahala na nga! Sinalang ko ang kanta at nagsimula na akong awitin iyon. They clap as I sing the song. I even see how he stunned while looking at me singing.
Di pa siguro bukas
Di pa rin ngayon
Malay mo balang araw
Dumating din iyon
I stop and calm myself. Nalulunod na talaga ako sa titig niya!
Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka t***k ng puso ko'y
Maging t***k ng puso mo
Sana nga'y mangyari yon
Kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng panahon
I finished the song perfectly. Tumayo pa si Delrose para yakapin ako. Ramdam na ramdam ko ang puri ng mga tao, I couldn't think properly. Tumayo na din si Ranilo at lumakad palapit sa akin, inabangan ko iyon habang nakangiti pero nanlamig lang ako ng lagpasan niya ako at hindi binati sa pagkanta ko. As what the old time, he didn't see my effort again.
This is my life. This is how I fall deeply hard to the cold and heartless man. I was fourteen when I met him and started to have a crush with him. When I got fifteen, he had his girlfriend and they love each other. When I was sixteen, he finished his senior high and study abroad. And now, that I am already seventeen, he's still in my heart, deeply.