Kabanata 1

2837 Words
Kabanata 1 Himala Napanganga ako habang pinagmamasdan siyang makisig at pormal na nagtatalumpati sa malayong banda ng stage namin. Hangang-hanga ako sa kanya habang walang kahirap-hirap niyang binibigkas ang mga malalalim na salita sa harap namin. Kitang-kita ko ang namumungay niyang mata ngunit seryoso. Hindi ko mapigilang hindi humanga sa angking kagwapuhan niya ngayon. It was our orientation for the upcoming celebration of our school. Siya ang pangulo ng SSG dito kaya nagbibigay siya ng talumpati patungkol sa gagawing mga activities ngayong selebrasyon ng paaralan. Napahinga ako ng malalim, hindi maiwasan na mapatitig sa kanya ng matagal. Sobra siyang manly, napakalinis niyang lalaki. Walang makakapantay sa kanyang ibang mga lalaking, mas lalong tumatagal mas lalo kong nararamdaman ang kakaibang t***k dito sa puso ko. It's been year since I met him. Pang-apat na araw sa kakasimula palang na klase namin ay nag leave si Mrs. Baoy dahil sa maternity leave niya. Sa hindi inaasahang pangyayari, siya ang pumalit kay ma'am. Hindi ko siya kilala nung una, hindi naman ako mahilig magtanong-tanong pero nung pumasok siya sa klasrum namin habang bitbit ang libro at may salamin sa mata, doon ako nagkaroon ng interest sa kanya. Sino ba siya? Bakit parang hari kung ituring siya ng mga tao dito? Bakit parang iniingatan siya ng paaralan na ito? At bakit nagkakaganito agad ang puso ko sa kanya? Iyon ang simula ng kalbaryo ko sa kanya. Akala namin, hindi siya mahigpit na substitute teacher pero nagkamali ako. Hindi siya tumatanggap ng mali, napakaperpekto niya! Dapat nasusunod ang itinakda niya. Dapat hindi nababali ang gusto niya! Bwesit, pati sa asignaturang hinahawakan niya ay nahuhuli ako sa discussion. Sobrang sungit. Sobrang mailap. Sobrang malamig. Sobrang seryoso. At sobra din namang gwapo sa paningin ko. Kaya ngayon ay nacha-challenge ako sa kanya, gusto ko siyang subukan. Kahit maging kaibigan lang kung hindi pwedeng pumasok sa buhay niya. Ranilo Allicer Costiño, the man I adore so much. The man who caught my attention. The man who I dream so far. Kailan ko kaya makukuha ang atensyon niya? Kailan kaya niya ako mapapansin? Hanggang tagahanga nalang ba ako? Wala ba akong karapatan na mahalin pabalik? Bakit ganito agad ang pasok ng pag-aaral ko sa junior high? Bakit mas malalim pa sa pagiging crush ang nararamdaman ko sa kanya? "Gwapo talaga niya." Cristita, my friend said. Napatango ako habang nakatitig parin sa lalaking tuwid ang tindig sa entablado. Kuhang-kuha niya ang respeto ng tao dito. Sobrang ang layo din ng agwat namin. Ang layo-layo niya sa akin. "Kaya hindi siya binibitawan ni Shaen e. Sino ba naman ang babaeng aayawan ang isang Ranilo Allicer Costiño?" dagdag pa ng kaibigan ko. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ng puso ko. Sheena Ason, ang babaeng kasintahan ngayon ni Ranilo. Ilang buwan na ba akong ganito sa kanya? Anim? Pito? Hindi! Isang taon na akong nahuhumaling sa kanya! Grade seven palang ako ay nabihag na niya ang puso ko. Ngayong senior high na siya at grade eight ako wala paring pinagbago, mas lalo pa ngang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Nung pumutok ang usap-usapan kay Ranilo at Sheena, halos magimbal lahat ng kababaihan sa paaralan namin. Mapa-lower junior high to senior ay pare-pareho ang reaksyon. Hindi naman ako pinatulog sa kaalamang iyon, sinakop niya ang buong isipan ko hanggang sa mabigo ang pusong nagkakagusto sa kanya. B-bakit nagka-girlfriend pa siya? Bakit pumasok pa siya sa relasyon? Alam na nga niyang gusto ko siya tapos magkakaroon pa siya ng kasintahan! Ginawa ko ang lahat para mapansin niya. Para akong stalker sa dilim habang sinusundan ang kabanata ng araw niya. Bagama't nahihiya, kapag kaming dalawa nalang ay tinatatagan ko ang loob para makuha siya. s**t, kinse anyos palang ako pero nabaliw na ang puso ko sa kanya! Ano bang ginawa niya at nagkaganito ako? Ayoko ng komplikadong buhay kasi kontento naman na ako sa nabibigay ng magulang ko pero ngayon ay iba na! Simula ng um-attend kami sa birthday niya, mas lalo siyang naging mailap sa akin. Halos sungitan niya ako sa araw-araw na pagkikita namin sa school. Pero hinayaan ko siya kasi alam kong ganito naman siyang tao e. Mas lalo akong na-challenge kaya ginagawa kong dahilan si papa para pumunta sa bahay nila. s**t, wala talaga akong hiya habang kaharap ang magulang niya at kunwaring hinihintay si papa na sa katunayan ay ang anak naman nila ang sadya ko. Akalain mo, nanggaling pa ako sa bukid para lang pumunta sa syudad at makita si Ranilo.  Natawa ako sa sarili habang nagtataka si papa kung bakit tuwing sabado at linggo ay pumupunta ako sa bahay ng Costiño. May mga tagpo kaming sinasaktan niya ang puso ko. Tulad nung mag-iisang buwan na akong pumupunta sa kanila, kinompronta niya ako. "Ano ba talaga ang rason mo at bakit ka pumupunta sa bahay ko?" sa mariin niyang boses. Napahinga ako at nagkaroon ng lakas na sabihin ang tunay na sadya. "G-gusto lang kasi kita makita." utal at kabado kong sabi. Ngumisi siya, natawa pa nga sa sinabi ko. Umiling sa harap ko at bumalik sa pagsi-seryoso ang mukha niya. "Ilang taon ka na ba?" malamig niyang sabi. Napalunok ako, kinabahan. "K-katorse---" "f**k. Wala akong panahon magbantay ng musmusing bata. Mag-aral ka nalang muna, ineng." nanunuya niyang sabi. Nanlumo ako sa sinabi niya. Isa 'yun sa mga masasakit na tagpo namin. May puntong napahiya niya ako sa maraming tao. Lalo na sa headquarter nila na madalas naming hiraman ng panlinis sa klasrum. Hinayaan ko siya, gusto ko naman e. Wala akong magagawa kung ganito niya ako tratuhin, sino ba namang marangal na lalaki ang papatol sa akin? Ang bata-bata ko pa para umibig! Sa panahon ni mama, ang ganitong edad ay nakapokus lang sa pag-aaral pero ngayon ay nag-iba na! Hindi na kami katulad sa henerasyon ni mama. Isang araw, naglalakad ako papunta sa headquarter ng SSG. Pahiram ng walis tambo dahil sweeper ko ngayon kaya wala akong nagawa kung di pumunta sa kanila. Nanginginig ang tuhod sa kaba, nagmalakas loob akong kumatok sa pinto nila. Bumukas iyon at bumungad sa akin ang isang officer. Ngumisi ang lalaking sa hula ko ay bagong upo bilang auditor ng SSG. Huminga ako ng malalim, nilakasan pa ang loob. "Yes?" he asked smirking. I swallow hard. "H-hihiram po sana ako ng walis tambo." mahina kong sabi. Ngumisi siya at bumaling sa likod niya. "President, yung musmusing bata na nahuhumaling sayo ay nanghihiram ng walis tambo daw." nanunuyang sabi ng lalaki. Dumadagundong sa kaba ang puso ko. Nagsitawanan ang mga ibang officer na nandoon. Maging si Ranilo ay sumabay sa kanila kaya mas lalo akong kinain ng kaba. "Yung grade seven ba yan?" tanong ng babaeng tumatawa sa akin. Tumango ang lalaking nasa harap ko at pinagtawanan pa ako. Unti-unting uminit ang gilid ng mata ko, hiyang-hiya sa ginagawa nila. "Oo. Yung bobo pa," sagot ng isa pang tumatawa sa akin. Unti-unting tumulo ang luha ko. Yumuko ako at hindi sila tinignan, bagama't nararamdaman ko ang malalim at mariing titig sa akin ni Ranilo kaya hindi ko magawang iangat ng ulo. "Naku ineng, palaki ka muna ng dibdib mo." natatawang sabi ng isa pang babae. Kinagat ko ang labi at umiling. Mabilis kong pinahid ang luha sa pisnge at inangat ang ulo sa kanila. Natigilan sila ng makita ang nanunubig kong mata. Maging si Ranilo ay napatitig sa akin. "P-para kayong hindi mga modelo ng paaralang ito! H-hindi kayo nararapat sa pwesto bilang tagapasunod ng mga istudyante dahil mas masahol pa ang ugali niyo." galit kong sabi. Tumulo pa ang luha ko at mabilis na tumakbo palayo sa headquarter. Bumalik ako sa room at kinuha ang bag. Nabunggo ko pa si Crist sa hallway kaya agad niyang napansin na umiiyak ako. "Ano nangyari sayo, Cres?" nag-aalala niyang sabi. Umiling ako at mabilis siyang niyakap. Umiyak ako sa balikat niya habang damang-dama ang kahihiyan na natamo ngayon. Pangalawa 'yun sa mga masasakit na ginawa niya sa akin sa nakalipas na buwan. Hanggang ngayon, ganoon parin. Bagama't hindi na katulad ng dati na pati mga officer niya ay iniinsulto ako. Kinalimutan ko iyon dahil ayokong magtanim ng galit sa kanila. Mabait akong tao, hindi ko kayang manakit lalo pa't ang tinuro sa akin ni mama ay kabutihan. Hanggang sa nalaman ng buong campus na may kasintahan na siya. Tumigil ako sa pagsunod-sunod sa kanya. Pinalipas ko ang buwan para humilom ang nasawi kong puso. Ngayon nalang ako naging aktibo sa kanya, sa malayo. Umiwas ako para hindi na masaktan pa kasi hindi naman talaga ako matatag na babae e. Bata pa ako, marami pa akong mararanasan sa mundong ito. Ang gusto ko nalang ngayon ay maging kaibigan siya, kahit pa malabong makamit ko ang isang katulad niya. Bumalik ako sa huwisyo ng kurutin ng mahina ni Crist ang balikat ko. Napatingin ako sa kanya at suminghap. "Tulala ka." aniya sa mapanuring tinig. I sighed deeply. "A-ah? H-hindi naman." umiiling-iling kong sabi. She smirked at me. "Wag mong sabihin na hanggang ngayon gusto mo parin yan? Naku Maria Cresenciana, malabong mapansin ka nyan!" she said finality. Napahinga ako ng malalim at yumuko. Ano ba naman, Cres! Tigilan mo ng pangarapin ang lalaking 'yan! Wala akong mapapala kung mananatili akong mananalangin sa kanya! "H-hindi naman." mahina kong sabi. Umiling siya at ngumisi sa akin. Natapos ang talumpati ni Ranilo kaya umalis na kami ni Cristita. Pumasok kami sa klasrum namin. Umupo ako at katabi naman ang kaibigan. Hindi na namin English substitute teacher si Ranilo, nakabalik na si Mrs. Baoy kaya hindi na siya nagtuturo sa amin. Ngunit, siya naman ang pumalit kay Sir Pacanza sa asignaturang Araling Panlipunan. Umalis si sir dahil kailangan niyang mag masteral sa cebu. Buong akala namin ay luluwag na ang kalbaryo sa pag-aaral ngunit hindi pa papa. Kung gaano siya kahigpit sa English subject, mas doble sa Araling Panlipunan! Palagi niya akong pinapa-recite sa tuwing nagka-klase kami. Nahihirapan ma'y ginagawa ko parin ang lahat para masagutan ang mahihirap niyang tanong. "Siguradong may klase parin tayo kay President Ranilo kahit pa long week celebration ng paaralan natin." si Cristita. Napatingin ako sa kanya at tumango. "Sigurado 'yan." mahina kong sabi. Napatitig siya sa akin. Nailang ako kaya umiwas ng tingin sa kanya. "Alam mo, maraming nagagandahan sayo. Sa kabilang seksyon nga ay usap-usapan ka e!" seryosong sabi ng kaibigan ko. Napailing ako sa kanya. "W-wag mo nga akong lokohin." nahihiya kong sabi. Hinampas niya ng mahina ang balikat ko. Kinunutan ko siya ng noo. "Stop denying it! Kilala mo ba si Rando Castro? May gusto daw yun sayo!" dagdag niya. Umiling ako sa kanya. Ano bang pinagsasabi niya? "Ano ka ba?" "Sus, alam kong kilala mo si Rando Castro! Sikat din yun sa section two ng grade nine. Malakas din ang appeal at athletic din." dagdag niya. I shook my head. "Wala akong panahon sa mga ganyang bagay!" nanghihina kong sabi. Ngumisi siya, sinundot ang tagiliran ko. "Asus, indenial pa! Pero kay President Ranilo ay may panahon ka!" pang-iinis niyang sabi. "Ewan ko nga sayo!" Hindi na siya nakasagot dahil pumasok na si Sir Ranilo para sa una naming subject ngayon. Pormal na pormal siya sa suot na uniform, malinis tignan at napakagwap. Nilagay niya ang folder sa lamesa at huminga ng malalim. May kaunting pawis sa noo niya pero mas lalo lang iyon nagbigay ng karisma sa kanya. "Good morning, class." he said formally. Bumati kami sa kanya ng sabay-sabay. Tinignan niya kami isa-isa, huminto ng tumapat sa akin ang malalim niyang mata. He sighed and sit to his chair. "Since we are celebrating the long week anniversary of our school, we will stop discussing. We'll continue after the celebration. But, you'll come here in the morning and have attendance. Iyon ang magiging basehan ko para sa grado niyo sa quiz. And please, enjoy the celebration week. Have fun with the activities we prepared." he announced. We nodded. Nagsimula siyang mag-attendance. "Gabala, Cristita?" he said. "Present sir…" sagot ng kaibigan ko. I sighed. "Ricote, Maria Cresenciana?" he announced my name softly. I raise my hand and smile. "Present sir…" kinakabahan kong sabi. He nodded and continue announcing our name. Nang matapos siya ay lumabas na din naman dahil may kailangan pang ayusin sa gaganaping mga palaro nila. Sabay kaming lumabas ni Crist, namangha sa ganda ng iba't-ibang booth. Pumunta kami sa booth ng mga damit, napanganga ako sa mahal ng presyo. "Ba't ang mahal naman nito!" reklamo ni Crist. "Galing abroad kasi yan! Dala ng pinsan ni president!" sagot ng istudyanteng tindera. Kumunot ang noo ko. Ano? Pinsan na babae ni Ranilo na galing abroad? Teka….sino naman? Ang gaganda ng mga damit, branded at siguradong hindi nagamit ng husto. Sa itsura palang mamahalin na talaga siya. "Talaga? Kay President nalang kami hihingi para libre." aniya ng lukaret kong kaibigan. Ngumisi ang babaeng tindera. "Wow, close kayo?" Bumaling sa akin si Cristita at ngumisi. "Hindi. Pero secret…" pabitin niyang sabi. Umiling nalang ako. Hindi kami bumili dahil mahal nga talaga kasi ang presyo. Hindi kaya ng bulsa namin. Tsaka siguradong may dalang mga damit si kuya sa akin kapag umuwi 'yun! "Alam mo bang may pinsan na babae si Ranilo?" takang tanong sa akin ni Crist. Umiling ako. Honestly, hindi ko din alam. Akala ko, yung kambal lang ang pinsan nila. Wala din naman kasing nasabi sa akin si papa tungkol sa mga pinsan niya e. Pero kung totoo nga, nakakagulat naman. "Di ko rin alam e." sagot ko. She sighed. "Siguradong maganda 'yun, sa ganda ba naman ng mga damit alam mong maganda talaga." dagdag ng kaibigan ko. Tumango-tango nalang ako. Hindi ko rin talaga alam. Ngayon ko lang narinig ang tungkol sa pinsan niyang babae. Napatigil kami sa paglalakad dahil sa nakita. Agad na bumaling sa akin si Crist habang nakatitig naman ako sa nilalanggam na magkasintahan. May binigay na mga chocolate si Ranilo sa girlfriend niya, kinikilig naman ang babae sa ginawa niya. Napahinga ako ng malalim habang parang sinasaksak ulit ang puso ko sa nakikita. Balitang malalim daw ang pagmamahal ni Ranilo sa kanya. Usap-usapan din na palagi silang nagdi-date sa mall, at palaging binibigyan ng mga regalo ni Ranilo ang babae. Maraming nai-inggit kay Sheena dahil siya ang nagustuhan ng pinapangarap kong lalaki. Nakakapanlumo man, wala akong magawa dahil hindi ko naman ugaling mang-agaw. Sa mga mata palang ni Ranilo, alam mong mahal na mahal niya ang babae. Ngayon, may tanong ako…hanggang tagahanga nalang ba ako sa kanya? May balang araw bang dadating sa akin? Mananatili ba akong babaeng malayo sa kanya? Iibig ba ako sa ibang lalaki? O, mamahalin kaya niya ako pabalik? Bumuntonghininga ako at umiwas ng tingin dahil ayokong makita na dumampi ang labi niya sa ibang babae. Kinagat ko ang labi at ngumisi kay Crist. "T-tara na." mahina kong sabi. She sighed so heavily. "Love hurts," aniya sa bigong boses. Umiling ako at naglakad na. Sabay kaming dumaan sa gilid nila, halos hindi ako huminga habang nararamdaman ko ang malalim na naman niyang titig sa akin. Nang makalabas kami sa gate ng paaralan namin, tsaka palang ako nakahinga ng malalim. Para akong may kasalanan habang dumadaan kanina. Naunang umuwi si Crist sa akin. Sumakay siya ng habal-habal dahil iyon ang uri ng transportasyon namin dito. Naghintay pa ako ng ibang dadaan na sasakyan ngunit wala pa kaya napahinga ako ng malalim. May biglang tumayo sa gilid ko, nang ibaling ko ang tingin sa taong tumabi sa akin ay napasinghap ako. Mataas, maamo din ang mukha. Makapal ang kilay, malinis ang buhok. Pormal din. "Hi." bati niya. Naiilang na ngumiti ako. "H-hi…" utal kong sabi. He smile sincerely. "I'm Rando Castro, you must be Cres?" aniya sa malambing na boses. Nahihiya akong tumango. Nilahad niya ang kamay sa akin kaya tinanggap ko iyon at ngumiti. "Cres nalang. M-masyadong pang matanda ang pangalan ko e," nahihiya kong sabi. He smile. "Andoy nalang din, mostly kasi yan ang tawag sa akin." Tumango ako. Nakakailang ang sitwasyon namin ngayon. Nahihiya ako sa kanya pero hindi ko naman siya kayang dedmahin. Mabait siya, at ramdam ko iyon. "Pauwi ka na?" tanong niya. Ngumisi ako at umiwas ng tingin. "O-oo e, naghihintay nalang ako sa habal-habal." sagot ko. He nodded and sighed. "Kung gusto mo, pwede kang sumakay sa akin. Bike nga lang ang gamit ko pero comfortable naman siya." alok niya. Nahihiya akong umiling. "Naku wag na---" "She is riding with me, Mr. Castro." boses malamig sa likod namin. Sabay kaming napalingon ni Andoy sa likod, napasinghap ako ng makita ang seryoso at madilim na mukha ni Ranilo Costiño. Umiigtang ang panga, mariin ang hawak sa susi niya. "Ah?" naguguluhang sabi ni Rando. He sighed deeply. "Ms. Ricote, get into my car. Naghihintay ang magulang mo sa bahay namin." he said coldly. Naguluhan ako sa kanya. Ano daw? Teka…bakit ako sasabay sa kanya? At bakit nasa kanila si mama at papa? "Cres, get into my car now." mariin niyang sabi. Umiiling-iling na naguguluhan akong sumakay sa mamahalin niyang kotse na nasa gilid lang. Takang-taka sa nangyayari. Himala ito! --- Alexxtott
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD