Kabanata 2
Bakit
Takang-taka parin ako hanggang ngayon. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sa tanang buhay ko. Totoo ba talaga ito? Nasa sasakyan ba talaga ako ng isang Ranilo Costiño? Baka imahinasyon ko lang ito? Baka guni-guni ko lamang? Pero hindi e…ramdam na ramdam ko ang loob ng kotse niya. Ang bango, ang ambiance, ang style, at siya sa tabi ko.
Napalunok ako habang hindi parin makapaniwala. Kung nananaginip lang ako, parang ayaw ko ng magising pa. Isa itong himala para sa akin na sobrang nababaliw sa kanya. Kung sa ibang babae, siguro parang wala lang pero sa akin, iba ang impact niya. Mabagal lang naman ang pagmamaneho niya, bumabaling paminsan-minsan sa akin ang malalim niyang mata.
Halos magusot ko pa ang suot na uniform dahil sa pagkataranta at kasiyahan. s**t, kung nandito lang si Crist big deal ito sa kanya. Baka ipagkalat pa na may something na sa amin! Narinig ko ang buntong-hininga niya.
"Mom called me, isama daw kita sa pag-uwi ko." seryoso niyang sabi.
Kinagat ko ang labi at tumango. Kasi nandoon sa bahay nila ang magulang ko? Bakit kaya?
"B-bakit daw?" mahina kong sabi.
"Nasa mansion ng Costiño ang magulang mo. May welcome party sa pagdating ng babaeng anak ni uncle Kershone after how many years." sagot niya.
So, totoo palang may pinsan pa siyang babae? At ngayon ay nagkaroon ng welcome party kasi umuwi ito? Kung ganoon, ang tagal ng pinsang niyang babae na tumira sa ibang bansa. Halos hindi nga yata kilala iyon sa amin dahil hindi ko rin naman nakita. Bakit kaya nasa ibang bansa lang ang pinsan niyang babae? At ngayon lang umuwi pagkatapos ng maraming taon.
"A-ah…m-may kapatid palang babae yung kambal mong pinsan?" nahihiya kong tanong.
He sighed deeply.
"As what as I said, anak na babae ni uncle Kershone so basically kapatid siya ng kambal!" boses irita niyang sabi.
Napaiwas ako ng tingin, nahiya dahil sa katangahan ko. Oo nga naman, may punto siya. Kung anak ni sir Kershone ang babaeng umuwi ngayon, tiyak na kapatid 'yun ng kambal. Pero bakit hindi alam ng magulang ko ang tungkol doon? Ba't ang kwento ni mama ay dalawa lamang ang anak ni sir Kershone? Ano ba talaga ang totoo?
Well, I have an answer for that. That girl is a sibling of the twin. Mean to say, pinsan siyang babae ni Ranilo!
"S-sorry." nautal kong sabi.
He just sighed.
"B-bakit ngayon lang siya umuwi ng bansa?" namamag-asa kong sabi.
He look at me with heavy eyes. Iba talaga ang kagwapuhan niya. Kung matikas at gwapo ang papa niya, iba naman ang katangian ni Ranilo. Ibang bersyon ng magulang niya.
"Maryellen was kidn*pped when she was two years old. Uncle Kershone blame himself for the lost of her unija hija because it was his company who caused their family in trouble. Galit na galit si Aunt Creme kasi nag-iisang babaeng nilang anak si Maryellen kaya muntik na silang maghiwalay." he stopped.
I was so stunned by his story. May ganoon palang nangyari sa pamilya Costiño. Buong akala ko, masaya silang pamilya pero hindi pala. He sighed deeply.
"But, uncle didn't let his wife slip away. Nahanap niya si Maryellen sa lungga ni Royanna, the mastermind of his daughter lost. Dulot ng takot sa nangyari, mas minabuti ng pamilya nila na dalhin si Maryellen sa ibang bansa sa pangangalaga ng magulang ni Aunt Creme. Maryellen grew in states with the tutelage of her grandparent. Kaya ngayon lang siya umuwi dahil namamanhikan ang pamilya mo sa bahay nila." bunyag niya sa akin.
Mas lalo akong nagulat. Ano daw? Namamanhikan kami sa Costiño ngayon? Huh? Bakit? Sino? Si…si kuya? Oh God! Totoo ba 'to?
"A-ano?" gulat kong sabi.
He sighed and smirked.
"f**k, I am not wordy person so stop asking me." he said sternly.
Hindi ako nakagalaw sa inuupuan. Oo nga, aside sa namamanhikan daw kami ay nagulat din ako kasi nag-kwento siya. Okay lang naman sa akin kung hindi siya sumagot, alam ko naman ang ugali niya e.
Kahit punong-puno ng katanungan ang isip, tinikom ko nalang ang bibig. Ayokong pagsalitaan niya ako ng masama. Masakit na nga ang puso ko sa ginawa niya kanina, tapos madadagdagan pa ng maaanghang niyang salita. Narinig ko ang buntong-hininga niya.
"Fine! Brion, your brother is asking the approval of my uncle to marry my cousin." seryoso niyang sabi.
What the f**k? Si kuya? P-paano? Buong akala ko ay walang kasintahan si kuya kasi mailap naman siya sa mga babae dito pero.…may lihim pala sa amin! Jusko, m-masyadong pasabog naman 'to! Ano kayang naramdaman ni mama at papa ngayon? Pati rin ba sila ay nagulat?
Halos gusto kong paliparan niya ang sasakyan para makarating kami sa mansyon ng Costiño. Punong-puno ng katanungan ang isip ko, gulong-gulo sa mga nalaman. Una, may pinsan palang babae si Ranilo. Pangalawa, namamanhikan kami sa pamilya Costiño dahil gustong pakasalan ni kuya ang pinsan niyang babae! Oh Jesus Christ!
Hindi ko na nahintay pa si Ranilo sa paglabas. Nang pumarada ang sasakyan niya sa gilid ng mansyon, mabilis akong lumabas at tinakbo ang malaking pintuan ng mansyon. Pumasok ako at mabilis na tumuon ang mata ko sa pamilya na nakaupo sa sofa habang kaharap nito ang pamilya Costiño. Nakanganga ako habang nakatitig kay kuya na katabi ngayon ang napakagandang babae na pinaghalong Creme at Kershone.
S-siya ba 'yun? Yung galing ibang bansa? Oh God, p-paano sila nagkakilala ni kuya? Napabaling sa akin si mama, ngumiti siya at pinapalapit ako. Hindi ko magawang tanggalin ang titig sa babaeng katabi ni kuya. Maputi siya, pinong-pino ang kutis. Bilugan ang mata, matangos ang ilong na namana kay sir Kershone. Mala-rosas ang labi, maikli ang buhok na labis na bumagay sa kanya. Sa itsura nilang dalawa ngayon, animo'y kape at gatas. Moreno si kuya kaya tanyag na tanyag ang kulay nilang dalawa. Lumapit ako at tumayo sa gilid ni papa.
"So, mabubuhay mo ba ang anak namin?" masuring tanong ni Kershone Costiño.
Napahinga si kuya at ngumiti. Magkahawak-kamay silang dalawa ng babae. Grabe, hindi parin ako makapaniwala! Buong akala ko talaga'y single si kuya kasi wala naman siyang natitipuhang babae sa paaralan noon e! Yun pala'y nasa ibang bansa ang lihim niyang minamahal.
"Sir, hindi pa po ako ganap na seaman pero kaya ko pong mabuhay ang anak niyo. Sa natutunan ko kay papa, alam kong mabubuhay ko siya gamit ang hirap ng sakripisyo. Hindi man po marangyang buhay ang maibigay ko, basta'y masaya siya ay gagawin ko." sagot ng kapatid ko.
Tumango-tango ang babae at ngumisi sa papa niya.
"Yes Dad! Tsaka, I want to explore farming! God, there's no rice field in my town! Hayaan niyo na ako, I'm on my age now and I love him so much." dagdag ni Maryellen Costiño.
In fairness, bagay sila ni kuya. I can feel the chemistry between the both of them. Kershone Costiño sighed deeply. Hindi ko nakita ang kambal, siguro'y mga busy.
"Hija, you've been in state for almost your life and hearing you saying this make me sad. Maryellen, I want to experience how am I become a father to you. You are my only daughter, and I treasure you a lot." mahinang sabi ni Sir Kershone.
Ramdam ko ang bigat sa bawat paghinga niya. Ang magulang ni Ranilo ay nasa linya ng upuan nila. Hindi ko lubos maisip na dadating ang panahon na magkakaganito ang pamilya namin. This is too unbelievable to believe!
"I know, dad. But I want to settle down now. I'm not getting younger. I want to have my own family, with the man I loved. Don't worry daddy, my future child will love you." sagot ni Maryellen.
Huminga ng malalim si Kershone at walang nagawa kung di tumango. Napahinga ng malalim si kuya at napangisi.
"Just make sure you'll be happy." aniya sa mahinang boses.
Tumango si Maryellen at mabilis na niyakap ang daddy niya. Naginhawaan naman ang magulang ko sa desisyon ni Kershone Costiño kaya nagdiwang kami sa garden nila. May nakahandang luto ni mama at mayroon din kay ma'am Creme. Umupo ako sa tabi ni kuya, kinurot ko ng mahina ang balikat niya.
"Ikaw huh! Akala ko single ka, yun naman pala may parating na asawa na!" nanunuya kong sabi.
Ngumisi siya sa akin. Hindi naman lugi si Maryellen kay kuya. Kung sa itsura lang, aba'y may ibubuga naman itong utol ko! Minsan ring tumanyag ang itsura ni kuya sa lugar namin. Anak nga ng kapitan namin ay may gusto sa kanya. Kaya pala mailap siya sa babae dito dahil nasa ibang bansa ang mahal niya! Grabe, paano kaya sila nagkakilala?
"Hehe, ganyan talaga ang gwapo Crestot." aniya sa pang-aasar sa pangalan ko.
Kinurot ko pa ang balikat niya, may gana pa siyang mang-asar sa akin huh!
"Paano mo naman siya nakilala?" usisa ko.
He smirked.
"Meet app, kapatid!" proud niyang sabi.
What? Meet app? May ganoon?
"Anong meet app?" takang tanong ko.
He tap my shoulder and wink at me.
"Meet app is an application where people can meet friend, or love. Well, Maryellen choose to love so I do." sagot niya.
May ganoon pala! Paano kaya kung gawin ko din iyon? Magkakaroon ba ako ng lalaking iibigin din ako? Yung hindi lang hanggang tagahanga! Yung masasabi kong, akin din.
"Subukan ko 'yan!" nakangisi kong sabi.
"Naku, aral muna!" suway niya sa akin.
Umiling ako at ngumisi. Nagsimulang kumain kaya magana kong nilantaka ang masasarap na pagkain sa harap ko. Hindi ko muna pinansin ang titig sa akin ni Ranilo. Gutom ako kaya pagkain muna! Pinakilala din ako ni kuya kay Maryellen. Mabait siya, katulad lang din ni ma'am Creme. Walang pinagkaiba. Nang matapos kaming kumain ay nagkaroon ng inuman. Nilabas din ni Maryellen ang videokehan kaya nahumaling akong kumanta.
"Maganda boses ng kapatid ko kaya pakantahin niyo siya." suhestiyon ng kuya ko.
Ngumisi si Maryellen sa akin at inabot ang mic.
"Sige na, pa-welcome mo nalang sa akin." pangungulit niya.
I sighed deeply. Ayoko na parang gusto ko. Wala akong nagawa ng patayuin ako ni Maryellen at iharap sa videokehan. Nag-aalangan pa akong ngumisi sa kanya pero umiling lang siya. Ramdam na ramdam ko naman ang malalim na titig sa akin ni Ranilo. Ano ba 'to! Ba't kailangan kong kumanta pa!
Bumuntonghininga nalang ako at humanap ng kanta. Hindi din naman nagtagal ang paghahanap ko dahil nakita ko kaagad ang isa sa mga paborito kong kanta. I put the number and then the player take it. Isang hingang malalim bago ako bumaling kay Ranilo, malalalim parin ang titig niya sa akin. Napalunok ako at parang sira na ngumiti. Para 'to sayo! I start to sing.
Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala
Bumaling ulit ako sa kanya, namumungay na ang kanyang mga mata. Nagkatitigan kami, nanlambot ako dahil sa klase ng titig niya. Umiwas ako ng tingin at kinalma ang sarili. Pinagpatuloy ko ang pag-awit.
Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala
Mas lalong kinakabahan ang puso ko sa titig niya. Napalunok ako kasabay ng paglingon ko sa kanya na sana ay hindi ko nalang ginawa dahil pungay na pungay ang kanyang mata.
Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin
Hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako sa kanya. Sa mahigit ilang buwan kong pagkagusto sa kanya, alam kong mas malalim pa ito sa pagmamahal niya sa kasintahan. Natatakot ako, nangangamba na baka sa huli'y patawin ako ng sariling pagmamahal sa kanya.
Bakit kaya umiiwas
Binti ko ba'y mayroong gasgas
Nais ko lang magpakilala
Oo, bagama't wala pa ako sa kalingkingan ni Sheena pero alam ko sa puso ko na kahit wala siyang ibigay sa akin, mamahalin ko parin siya ng lubos. Because love doesn't define for things or any romantic gifts, it's a feeling that something deep and trust. Yan ang depinisyon ko ng pagmamahal, at kung dumating ang araw na maging akin siya siguradong hinding hindi ko papalagpasin ang araw sa aming dalawa.
Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na bang magpakilala
Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin
Sheena is beautiful, sexy, bright and everything. I may be just an ordinary girl today but I know, I have time to shine. Ngayon, maaaring hindi niya ako pansin dahil malalalim ang pagmamahal niya kay Sheena pero maghihintay ako sa balang araw naming dalawa. Bumaling ako sa kanya, ngumiti at dinama ang kanta.
Kailan (kailan), kailan mo ba
mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin,
'di mo pinapansin
Kitang-kita ko ang pagbaba at pagtaas ng adams apple niya. Inabot niya ang alak sa baso at tinungga ng walang kahirap-hirap.
Kailan (kailan), kailan hahaplusin
ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing,
'di mo pa rin pansin
He looked at me straightly to my eyes. Namumungay ang mata niya dahil siguro sa alak na nainom. Lasing na ata siya! Kumuha pa siya ng beer at binuksan niya 'yun. He drink it without taking back his eyes on me.
Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na bang magpakilala
Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin
Sunod-sunod niyang tinungga ang beer. Pungay na pungay ang mata at lasing na.
Kailan, kailan mo ba
mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin,
'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin
ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing,
'di mo pa rin pansin
Nang matapos ang kanta ay tumayo siya na nanlalambot ang katawan. Tumalikod at lumakad paalis sa lamesa kaya nag-aalala ako ng makitang pagiwang-giwang siya sa daan. Mabilis akong umalalay sa kanya ng muntik na siyang matumba. Nilagay ko ang braso niya sa balikat ko at kahit nahihirapan sa bigat ay kinaya ko. Pumasok kami sa loob at nakasulubong si ma'am Creme.
"Oh, lasing na ba?" tanong niya sa akin.
Tumango ako at ngumiti ng alanganin.
"O-opo e," nahihiya kong sabi.
She nodded.
"Sige. Bukas na ang mga guest room kaya ipasok mo nalang siya doon. Mag-ingat kayo sa pag-akyat." aniya sa malambing na boses.
Tumango ako at nagpasalamat. Umuungol na si Ranilo, halos maisama niya ang bigat sa akin. Hirap na hirap ko siyang inakyat, halos malagutan pa ng hininga dahil sa bigat niya. Nararamdaman ko na din ang pawis sa katawan niya na bumabakat sa akin. Mabilis ko siyang pinasok sa isang guest room, maingat na hiniga sa kama. Huminga muna ako ng malalim bago siya pinakatitigan.
Lumapit ako sa mukha niya, napapangiti sa taglay niyang kagwapuhan. Kahit nakapikit ang kanyang mga mata, ang gwapo parin. Sino ba naman kasing hindi mahuhulog sa ganitong lalaki? Matalino, guwapo, respetado, may dignidad, may kinabukasan, at hinahangaan ng marami. Kahit siguro sa ibang paaralan ako mag-aral kapag makita ko siya baka mag-transfer ako. Marahan kong hinaplos ang pisnge niya.
"Kailan mo kaya ako mamahalin?" mahina kong sabi.
He groaned. Napaatras ako at tinigil ang paghaplos sa pisnge niya. Tumayo ako at naghanap ng pwedeng ipalit sa uniform niya. Basang-basa siya ng pawis at baka matuyo iyon, maging sanhi ng pagkakasakit niya. Nakakita naman ako ng isang plain white t-shirts. Humarap ako sa kanya at maingat na hinubad ang suot na uniform.
Napahinga ako ng malalim habang nakabalandra sa paningin ko ang katawan niya. Nasa kanya na lahat! Mabilis kong sinuot ang t-shirt at nilagyan ng unan ang ulo niya. Pagkatapos ay bumalik ako sa pagtitig sa mukha niya. Ngayon ko lang siya matitigan ng malapit, usually kasi nasa malayo ako para hindi niya makita. Napabuntong-hininga ako at binalik ang paghaplos sa pisnge niya. Kinagat ko ang labi at ngumiti.
"Ang gwapo mo talaga, kaya maraming humahabol e." bulong ko.
He groaned again.
"S-sheena." lasing niyang sabi.
Natigilan ako, napanganga sa sinabi niya. Mabilis akong umatras palayo sa kanya habang tinutusok ng punyal ang puso ko muli. Namuo ang luha sa mata ko habang kinagat ang labi para hindi mapahikbi. Ako ang nandito, pero si Sheena ang iniisip niya! B-bakit ang daya naman! Bakit may nahuhulog pang tao sa hindi sila kayang saluhin? B-bakit may nagmamahal pang tao sa hindi naman sila kayang mahalin pabalik? At bakit sinasaktan niya ng paulit-ulit ang puso ko?
"S-sheena…l-love," he said again.
Umiling ako at mabilis na tumulo ang luha. Hindi ko nakayanan na manatili doon habang paulit-ulit niyang binibigkas ang pangalan ng babaeng wala naman ngayon dito. Tumutulo pa ang luha ko ng makababa, mabilis akong naglakad palabas ng mansyon at huminto sa labas ng gate nila. Tumingala ako, tumutulo ang mga luhang galing sa kanya.
B-bakit kailangan pang magmahal sa taong hindi naman ako mamahalin pabalik? B-bakit ganito kadaya ang larangan ng pag-ibig? B-bakit ang hirap tanggapin na hindi niya ako mapansin. Na hindi niya kayang bigyan ng oras ang pagmamahal ko sa kanya. Bakit pa ako nahulog sa lalaking sobrang hirap abutin.
---
Alexxtott