Kabanata 3

2975 Words
Kabanata 3 Kasalanan Umuwi akong sawing-sawi sa bahay nung gabing iyon. Hindi ko na din halos nahintay sila mama at papa dahil ayoko ng magtagal pa sa bahay nila. Mas lalo lang akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko ang tahanan niya. B-bakit hindi nalang kasi ako ang mahalin niya? At bakit nagmahal pa kasi ako sa katulad niya? Umiyak ako sa higaan habang paulit-ulit na pumapasok sa tainga ko ang pangalang binibigkas niya. Ang hapdi ng mata ko sumabay pa ang pusong sinaksak ng punyal niya. Ang bigat ng nararamdaman ko, kaya halos hindi ako gumising nung dumating ang umaga. Buti nalang at ginising ako ni mama para sa pagpasok sa school. Matamlay akong naligo at nagbihis ng civilian since hindi naman academic school ngayon. Sinuklay ko ang buhok at ngumiti ng malungkot sa salamin. Maganda naman ako. May dibdib din naman, kung sa katawan? May makikita din naman sa akin. Ba't kaya hindi ako nagugustuhan ng crush ko? Ang malas ko talaga sa pag-ibig! Hindi na manlang ako binigyan ng pagkakataon na makaramdam ng kasiyahan sa taong minamahal ko. Kung may lalaki mang susubok sa akin, gusto kong tibayan niya ang loob hanggang sa mabaling ang atensyon ko sa kanya. Gusto ko, makuha niya ang puso ko dahil nakakapagod ng mahalin ang taong hindi ako magawang mapansin. Bumaba nalang ako para sumabay sa magulang kong kumain. Nasa hapag-kainan na sila at hinihintay nalang din ako. Humalik ako sa pisnge ni papa gayon din kay mama. Umupo ako sa harap ni mama at ngumiti ng malungkot. She prepared my milk even my lunch for this day. "Bakit ka matamlay, hija?" si mama sa nag-aalalang boses. Umiling ako at pinilit na ngumisi sa kanila. Nakuha ko na din ang atensyon ni papa. "H-hindi naman, ma. Napuyat lang siguro ako kagabi," mahina kong sabi. Tumango siya at hinaplos ang kamay ko. "Baka pati ikaw ay mag-a-asawa na!" si papa sa medyo seryosong boses. Mabilis ko siyang inirapan. Sinong mag-aalok sa akin na mag-asawa? Hindi naman ako aalukin ng lalaking mahal ko kasi kasalukuyan itong hulog na hulog sa kasintahan niya. "Papa naman! Ni boyfriend nga wala e!" inis kong sabi. Ngumisi siya tsaka humigop ng kape. "Naku, aba'y dapat lang! Ang gusto kong maging lalaki mo sa buhay ay si Ranilo. May tiwala ako sa binatang iyon kaya nasa kanya ang boto ko kung sakaling manligaw siya sayo." sagot ni papa. Seriously? Boto talaga si papa sa kanya? E, may kasintahan yung tao tapos gusto niyang maging kami! "Papa! May nobya si R-ranilo," mahina kong sabi. Huminga siya ng malalim. Humigop pa siya ng kape bago bumaling kay mama. "Naaalala ko, minsang nagtanong sa akin ang lalaking iyon. Sabi'y ano daw ba ang gusto ko sa lalaki para sa anak nating babae." kwento niya kay mama. Nakuha ang atensyon ko sa sinabi niya. "Ano namang sagot mo?" si mama. He sighed and smile sweetly to my mother. "Simple lang naman. Gusto kong makapagtapos muna ang anak ko sa pag-aaral. Wala namang problema sa akin kung mag-asawa siya basta'y tapos lang sa pag-aaral. Yun lang kasi ang kaya kong maibigay sa mga anak ko, ang makapagtapos ng pag-aaral." marahang sabi ni papa. Napangiti ako. Si papa talaga! Kung ano-ano nalang ang sinasabi kay Ranilo! Nakakahiya tuloy! "Pa, wag mo namang i-kwento ang buhay ko sa kanya hehe." nahihiya kong sabi. Ngumisi siya at umiling-iling sa akin. "At least, maganda ang pangarap ng papa mo sa inyo ng kuya mo." aniya mama. My heart tremble in happiness. Well, kung hindi man ako swerte sa buhay pag-ibig, lamang naman ako sa pagmamahal sa mga magulang ko. "Kaya mahal na mahal ko kayo e!" masaya kong sabi sa mga magulang ko. Kaya bitbit ko ang ngiti habang papasok sa gate ng school namin. Kahit papaano'y nawala ang bigat ng nararamdaman ko. Nakangiti pa akong bumaba sa hinagdanan namin sa gate ng biglang bumukas ang pinto ng kotse sa gilid ng gate. Napahinto ako at tumingin sa banda doon na sana ay hindi ko nalang ginawa dahil bumalik sa bigat at pagdurugo ang puso ko ng makitang naghahalikan ang lalaking mahal ko sa babaeng mahal niya. Natuod ako sa kinatatayuan, napanganga dahil sa nakikita. Kitang-kita ko ang paglapat ng labi nila sa isa't-isa. Tumagal pa iyon hanggang sa humiwalay ang babae at ngumisi kay Ranilo. s**t, para akong niloko ng lalaking mahal ko! Hindi ko talaga kayang makita na nahahalikan ng ibang babae ang labi niya. Muling namuo ang luha sa mata ko, dumadagundong sa kaba at sakit ang puso ko. Umiling ako at mabilis na umalis sa harap nila. Tinakbo ko ang hallway ng paaralan namin, nanghihina ang tuhod kaya nadapa ako na labis kong kinaaray sa sakit. Nakaluhod ako habang iniinda ang sakit mula sa pagkakadapa. Tinignan ko ang tuhod, may mga galos akong natamo doon. Pumikit ako sa hapdi, kinagat ang labi para hindi mapahikbi sa sakit. Oh God, bakit ganito ang pasok ng umaga ko? Umiling-iling ako habang patayo na sana ngunit may taong lumuhod sa harap ko at nilagyan ng panyo ang sugat ko. Napatingin ako sa taong iyon, napasinghap ng makita si Rando. Malalim ang titig niya sa akin, huminga ng malalim bago ako tinulungang tumayo. "Run when love hurts you." he said deeply. Inalalayan niya akong ipasok sa clinic ng school. Mabilis na dumalo sa amin ang nurse. Pinaupo ako ng nurse at Rando sa hospital bed. "Kukuha lang ako ng panlinis sa sugat." aniya ng nurse. Mabilis itong umalis sa harap namin. Bumuntonghininga si Andoy. "Madali kang mabasag." mahinahon niyang sabi. Napayuko ako at huminga ng malalim. "Nakamamatay yang pagmamahal mo sa kanya." dagdag niya. I listened to him. He is right! Babasagin akong babae! Hindi ako matibay! Madali akong masaktan lalo pa pagdating sa pag-ibig. "Subukan mong lumaya, para hindi ka na masaktan." advise niya. Napakagat-labi ako. Hindi ko alam kung makakalaya pa ba ako sa kanya. Bakit sobrang lalim nitong nararamdaman ko sa lalaking iyon! "Nandito lang ako, aantabay sayo." he said deeply. I sighed heavily. Hindi ako makasagot dahil tama siya. Tama siya sa lahat ng sinabi niya. Tama siya at hindi ko alam kung kailan ako makakalaya sa pag-ibig sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako nagsimulang umibig ng malalim, basta isang araw nagising nalang ako na nasa puso ko na siya…inaangkin lahat ng sa akin! Mabilis na ginamot ng nurse ang sugat ko. Napapaaray pa ako dahil sa alcohol na labis na nagpahapdi sa sugat ko. Nang matapos sa paglilinis, nilagyan ng gauge at pinaalis na kami. Hinatid pa ako ni Andoy hanggang sa bungad ng pinto namin. Huminga ako ng malalim at ngumiti ng malungkot sa kanya. "S-salamat." mahina kong sabi. He sighed and smile at me. "As I said, run when love hurts you." malalim niyang sabi. Iyon ang nasa isip ko ng pumasok sa room. Natahimik ang mga kaklase ko kaya hindi ako naging komportable. Napatingin ako sa teacher's table, kinabahan ako ng makita ang seryosong mukha ni Ranilo. Napaatras ako at halos lumabas dahil sa kabang nararamdaman ngayon. "You are late." he said coldly. Napalunok ako. Yumuko at kumirot ang sugad sa tuhod. "S-sorry, s-sir." mahina at takot kong sabi. Ramdam na ramdam ko ang mariin niyang titig sa akin. Kinagat ko ang labi at huminga ng malalim. "I'm not tolerating this kind of attitude." aniya sa mariing boses. Napahinga ako ng malalim. "S-sorry s-sir." ulit ko. Inangat ko ang ulo, nakita kong nasa tuhod ko ang mga mata niya. Bumuntonghininga siya at sumeryoso ang mata niya. "Go to your chair." seryoso niyang sabi. Tumango ako. Mabagal at paika-ika akong lumakad paupo sa upuan ko. Mabilis na bumulong sa akin si Cristita. "Anong nangyari sa tuhod mo?" she asked sincerely. Matamlay akong tumingin sa kanya. "N-nadapa lang sa hallway." mahina kong sabi. Lumabi siya at umiling sa akin. "Ano bang ginawa mo?" tanong niya ulit. I sighed deeply. "T-tumakbo lang," mahina kong sabi. "Since, Ms. Ricote is late she's going to clean the room." anunsyo ni Ranilo. Napahinga ako ng malalim. "Okay, class dismissed." he said. Tumayo na ang mga kaklase ko, ang iba'y lumabas at walang pakialam sa akin. Nag-aalalang tumingin sa akin si Cristita. "Hintayin kita." aniya. Umiling ako at ngumisi. "Hindi na. May activity ngayon sa plaza kaya pumunta ka na doon. Hahabol nalang ako pagkatapos dito." nakangiti kong sabi. Huminga siya ng malalim. Walang nagawa kung di umalis. Naiwan ako sa room kasama si Ranilo. Mariin siyang nakatitig sa tuhod ko. Tumayo ako at kinuha ang walis tambo na nasa room, nagsimula akong maglinis habang hindi komportable dahil nandito siya at pinapanood ako. "What happen to your knees?" he asked seriously. Napahinto ako at parang timang na ngumiti sa harap niya. "A-ah? W-wala 'to," kinakabahan kong sabi. He look at me seriously. "Wala pero may sugat. Tanga-tanga kasi," masakit niyang sabi. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Huminga ng malalim at hinayaan nalang siyang magsalita ng masakit. Binilisan ko ang paglilinis hanggang sa matapos, hindi naman siya umalis at hinintay akong matapos. Lumabas lang siya ng makitang malinis na ang classroom. Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang likod niyang palayo sa akin. Hanggang dito lang talaga tayo. Pinilit kong lumakad papunta sa plaza, kahit nahihirapan ay nagpursige parin akong mahanap si Cristita. Sa dami ng mga istudyanteng nanonood ng kompetisyon sa sayaw, nahirapan akong mahanap ang kaibigan ko. Naglibot pa ako sa kung saan-saan, namamag-asang makita ang kaibigan. Napahinto ako sa lilim ng punong mangga, pawisin na ako at amoy ko na ang araw sa katawan ko. Nasaan ba ang bruhang iyon? Bakit hindi ko siya makita? Nagbaka sakali ulit akong maghanap ngunit nabigo lang ulit. Umupo ako sa bermuda grass, hinayaan ang mga istudyanteng sigaw ng sigaw sa sumasayaw. Napahinga ako ng malalim tsaka naramdamang may umupo sa gilid ko. Napangiti nalang ako ng makitang si Andoy iyon. Sa katunayan, Rando Castro has a different face. He has small pair of eyes, pointed noise with little soft lip. Gwapo siya, kung ikukumpara sa ibang lalaki ay mas lamang siya. Pero hinding hindi niya malalagpasan ang tinataglay na kagwapuhan ni Ranilo. It's always him, the handsome in my eyes. "Ayaw mong manood?" malambing niyang sabi. I shook my head and smile. "Hindi naman ako hilig sa mga ganyan e." sagot ko. Tumango siya at pinakatitigan ako. "Ang ganda mo," mahina niyang sabi. Napasinghap ako, umiwas ng tingin dahil sa sinabi niya. How can this man saying that to me? Honestly, hindi talaga ako sanay sa mga puring sinasabi sa akin. Nahihiya ako at hindi komportable sa mga komplimentong binibigay sa akin. Para sa akin, ang anyo ng isang tao ay pantay-pantay lang. Maaaring hindi kami pareho ng mukha pero may nilaan ang Diyos na katangian para sa kanya. Iyan ang pinagkaiba ng mga tao sa isa't-isa. "Sayang kung makukulong ka sa lalaking hindi naman napapansin ang kagandahan mo." dagdag niya. I sighed. "W-wala akong magawa e. I love him for all I am." sagot ko. He smiled at me sadly. "That's sad to know. Try to convert your attention to other, there is more deserving…Cres," aniya sa malambing na boses. I smile and nodded. Oo nga't mahal ko si Ranilo pero bata pa naman ako para sa relasyon. Siguro, Oo pinapangarap ko siyang lalaki pero gaya ng sabi ni papa, mas unahin ko muna ang pag-aaral. Ang pag-ibig palaging nandyan lang, ang pag-aaral nalilipasan ng panahon. I might love him but it's not the right time for me to welcome relationship. "Pag-aaral nalang muna ang iisipin ko ngayon." mahina kong sabi. He nodded and smile. "Tama. Hays, tara nood nalang tayo ng movie sa ICT department." alok niya. Napangiti ako. Magandang ideya iyon! Tinulungan niya akong tumayo kaya sabay kaming umakyat sa third floor ng senior high building. Tulad ng selebrasyon ng paaralan, may iba't-ibang pakulo ang mga departamento. Kung ang department ng general academic ay nagkaroon ng kissing booth, ang department naman ng home economics ay mga pagkain na masasarap. Sa ICT naman ay movie experience ang ginawa nila. Nang makarating kami sa tapat ng room ng ICT, hinarap namin ang ticket seller. Tinignan ko muna ang mga poster ng movie na showing ngayon. Halos mga hollywood movie, may ibang Korean at Thailand. Napatingin ako sa isang horror thriller movie ng Korea. Sa poster palang ay maganda kaya ito ang napili kong panoorin. "Ano gusto mong panoorin?" bulong ni Andoy. Napangiti ako sa kanya. "Yung The Divine Fury nalang, mukhang maganda siya e." sagot ko. He nodded. Humarap siya sa nagbi-benta ng ticket. "Miss, may ticket pa ba for divine fury? tanong ni Rando. The woman smile. "Yes. Still have four tickets," sagot nito. Rando smile and took out his wallet. "Magkano ang ticket?" "Twenty five each, sir. May available din kaming popcorn and juice." alok ng babae. Tumango si Andoy at nagbigay ng isang daan sa babae. "Sige. Dalawang ticket at dalawang popcorn with juice." sabi ni Rando. Mabilis na kumilos ang babae. Inabot ko ang dalawang ticket at si Rando naman sa popcorn at juice namin. Parang nasa movieworld lang kami! "Enjoy watching!" bati ng babae. We nodded. Binuksan ng istudyanteng nagbabantay sa pinto at kinuha ang ticket namin. Napasinghap pa ako sa lamig dulot ng aircon. Parang nasa sinehan talaga kami. May malaking screen at madilim sa loob. Malamig, ang mga upuan ay naka arrange ng maayos. Marami na ding mga tao sa loob. Umupo kami sa unahan since yun ang available na upuan. Napahinga ako ng malalim dahil sa lamig. "Are you cold?" he asked concernly. Umiling ako at ngumisi sa kanya. "Medyo, pero kaya naman!" mahina kong sabi. He sighed. Hinintay pa naming may umupo sa bakanteng upuan bago nagsimula ang palabas. Hindi ko na pinansan ang nakaupo sa tabi namin dahil nakatutok ako sa palabas. Naramdaman ko ang braso ni Andoy sa sandalan ng upuan ko. Hinayaan ko siya, nawala ng kaunti ang lamig sa katawan ko. Naramdaman ko naman ang mariing titig sa akin. Hindi ko iyon pinansin dahil unti-unti na akong kinakain ng palabas. Hindi nawala ang malalim at mariing titig sa akin. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon. Napapangisi ako kapag may sumisigaw dahil sa takot. Huminga ako ng malalim at hindi na naging komportable dahil sa nakatitig sa akin ngayon. Bumaling na ako sa likod, wala naman. Tumingin sa dulo wala namang nakatitig sa akin kaya ng binaling ko sa gilid namin, napanganga ako ng makita ang mariin niyang titig sa akin. Ranilo Costiño is staring at me coldly and deeply. Kasama niya ang kasintahan habang nakayakap ang babae sa kanya. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin sa kanila. Hinayaan ko siyang tumingin sa akin kahit pa hindi na ako komportable sa titig niya. Naramdaman ko naman ang hininga ni Rando sa gilid ng leeg ko. Napalunok ako dahil nagsitayuan ang mga buhok ko sa balat. Napahinga ako ng malalim, hindi na kinaya ang mainit na hangin mula kay Rando kaya bumaling ako sa kanya na labis kong kinasinghap. Dumampi ang mga labi namin sa isa't-isa, singhap na singhap ako at gulat at nararamdaman ko ang malambot niyang labi sa akin. He smirked, and then deepen the kiss. He used my stunned to access deep in my lip. Hinalungkay ng labi niya ang nasa bibig ko, napapikit ako ng kagatin niya ang ibabang labi ko. Oh God, bakit hindi ako nakakilos? Bakit hinahayaan ko siyang halikan ako? He deepen more the kiss before he pull out himself from me. He smirked successfully. "Does my lip taste good, hmm?" he asked playfully. Sasagot na sana ako kung hindi lang tumilapon ang mukha niya sa kung saan. Nagkagulo ang lahat ng matumba si Rando at mabilis na ibabawan siya ng isang lalaki. Mabilis na binuhay ang ilaw kaya kitang-kita ko si Ranilo na malamig ang tingin sa lalaking pinagsusuntok niya ngayon. Mas lalo akong napanganga habang gigil na gigil niyang binugbog ang mukha ni Rando. Inawat siya ng mga lalaki pero hindi parin natinag. Malakas naman siyang hinablot ng grade twelve student kaya napahiwalay ito kay Rando. Takot na takot akong napatingin kay Andoy, punong-puno ng dugo ang mukha niya. Hindi rin siya gumalaw kaya mas lalo akong kinabahan. Bumaling ako kay Ranilo, malamig na malamig ang tingin niya sa akin. He look to Rando and smirk. "Now, does my punch good?" he said to Rando. Malamig pa siyang tumingin sa akin bago padabog na umalis sa harap namin. Gulat na gulat ako, nanginginig ang kamay kong hinawakan si Rando. Nakapikit ang kanyang mga mata at labis na pumutok ang labi niya. "R-rando?" pukaw ko. He didn't move. Mabilis na dumating ang taga clinic at dinala si Rando doon. Tulala ako sa labas ng clinic at hinang-hina habang hinihintay ang resulta ni Rando. Humihingos na dumating si Cristita at punong-puno ng katanungan ang mukha niya. "Anong nangyari?" taka niyang sabi. Napahinga ako ng malalim. Mabilis ko siyang niyakap at hindi napigilan ang luhang tumulo. She caressed my back softly. "K-kasalanan ko 'to! K-kasalanan ko kung bakit nagkaganito si R-rando." umiiyak kong sabi. "Shhhh, wala kang kasalanan. Nasa principal office na si president para magpaliwanag." aniya ng kaibigan. Umiyak ako sa balikat niya. Hinang-hina sa nangyari ngayon araw. She just caressed my back gently as my tears stop to flow. Bakit nga ba nagawa iyon ni Ranilo? Bakit niya binugbog si Rando? Ano bang kasalanan namin at nagawa niyang panggigilan si Rando? Ano ang kasalanan namin? Bakit ganito ang ugali niya! s**t! Kasalanan ko din kapag hindi maging maayos ang kalagayan ni Rando! s**t talaga! --- Alexxtott
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD