Kabanata 4

2892 Words
Kabanata 4 Damn Nawala ang pag-aalala ko ng magising si Rando. Kinabahan talaga ako ng husto lalo pa't kitang-kita ko ang pagkabugbog sa kanya ni Ranilo. Hindi ko rin alam ang nangyari sa labas ng clinic, nanatili ako sa tabi ni Rando. Ngumisi siya sa akin kahit pa may pasa-pasa ang mukha niya. Bumuntonghininga ako. "P-pasensya na sa nangyari sayo." mahina kong sabi. He shrugged his shoulder and wink his eyes on me. "It's not your fault." nakangisi niyang sabi. Huminga ako ng malalim, umiwas ng tingin sa kanya. Sobra akong nakonsensya sa nangyari kaya halos hindi ako makakain ng lunch. Si Cris naman ay ang tagabalita sa akin sa nangyayari sa labas. "P-pero alam kong dahil sa akin kaya ka niya binugbog." I said weakly. He sighed deeply. "Hindi mo parin kasalanan yun. It's his fault, hindi niya kayang kontrolin ang pagseselos niya." aniya sa seryosong boses. Tumango ako at bumuntonghininga. Hindi ko talaga mawari kung bakit niya ginawa iyon kay Rando. Wala namang kasalanang ginawa sa kanya si Andoy. Oo, sa akin maaaring meron kasi hinalikan niya ako pero hindi dapat siya at gumawa nun! Hindi ko siya maintindihan! Napaka bossy niya! Napaka sungit, at mainitin ang ulo! Talo niya pa ang babae kung umasal! "S-sorry talaga." mahina kong sabi. He smiled. Awang-awa ako sa itsura niya ngayon, maaaring makaapekto ito sa kanya lalo pa't may pasok na kami sa lunes. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya ngayon. "Seriously, Cres stop thinking about it!" natatawa niyang sabi. I sighed and smile hesitantly. "P-paano na yang mukha mo? May pasok na tayo sa lunes," mahina ko paring sabi. He tsked. "Gwapo parin naman ako e," arogante niyang sabi. Napangiti ako sa kakulitan niya. Umiling nalang ako at umiwas ng tingin. Pumasok sa isip kong bilhan siya ng pagkain kaya tumingin ako pabalik sa kanya. "Gusto mong kumain? Pasado alas-dos na e, baka gutom ka?" nag-aalala kong tanong. He smile and nodded. "Oo nga e. Ginutom ako sa suntok ni president," Ngumisi ako. "Sige. Hintayin mo lang ako dito." mahinahon kong sabi. He nodded and closed his eyes. Tumayo na ako at kinuha ang maliit kong wallet sa bag. Bumuntonghininga pa ako ng isang beses bago lumabas. Nilamig agad ako dahil sa ambon, hindi naman malakas ang ulan pero sumasabay sa hangin ang ambon kaya nakakalamig sa katawan. Mabilis akong tumakbo papunta sa malapit naming canteen. Kaunti nalang ang mga istudyante, siguro ay umuwi na dahil maulan. Tumingin ako sa mga available na biscuit, ngunit naagaw ng pansin ko ang sandwich kaya iyon ang binili ko. Since, binigyan ako ng allowance ni mama kanina, nakaya pa naman ng pera ko ang presyo ng sandwich. Bumili na din ako ng bottled juice. Nang makuha ang binili, umalis na ako sa canteen at bumalik sa clinic. Binigay ko kay Andoy ang pagkain at agad niya iyong kinain. Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain, nabugbog talaga ang mukha niya. Pinakamalala sa lahat ay ang labi niya. Pumutok iyon dahil sa malalakas na suntok ni Ranilo sa kanya. Kaya ngayon ay nahihirapan siyang kumain sa sandwich. Tinulungan ko siya sa pagbukas ng juice, binigay sa kanya at uminom naman siya. "Masakit ba?" mahina kong tanong. He pout his lip. "Honestly, yes. Masakit manuntok si president syempre Costiño yun e. Hindi lang ako nakalaban kasi nagulat ako sa biglaan niyang pagsuntok sa akin. Buti nga't buhay pa ako ngayon e." natatawa niyang sabi. Bumuntonghininga ako. "Anyway, hayaan mo nalang 'yun! Siguro pinatawag na siya ng principal." dagdag niya. I nod and smile hesitantly. Yes, he was summoned by our principal. At binalita din sa akin ni Cristita na bumitaw na daw bilang presidente si Ranilo. His reason was confidential and it didn't announced for public. Nagulat ako sa balitang iyon, bakit humantong pa sa pagbibitaw ng posisyon ang ginawa niya? He can explain his side to the principal and talk properly. Pero, ano nga ba ang rason niya? Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil umuwi na din naman si Crist. Ngayon madilim na sa labas dahil sa ulan at wala akong masasakyan, hindi ko alam kung paano ako makakauwi. "Rando, kailangan ko na din umuwi kasi gumagabi na e." nag-aalangan kong sabi. He nodded and smile at me. "Sige. Okay lang, you can go home now." he said calmly. Napakagat-labi ako. Paano siya dito? Sino ang magbabantay sa kanya? "P-paano ka?" I said hesitantly. He smirked at me. "I'm fine here. Papunta na si papa para sunduin ako, you can go now." aniya sa kalmadong boses. Napatango ako at ngumiti sa kanya. Gaya ng sabi niya, nauna akong umuwi. Lamig na lamig ako habang naghihintay sa sakayan ng habal-habal dahil sa matinding ulan. Yakap ko na din ang bag para naman kahit papaano'y mawala ng kaunti ang lamig. Naghintay pa ako ng ilang oras, napapatingin ako sa langit at napapahinga dahil sobrang dilim niya. Malakas ang ulan, may bagyo kaya? Bakit hindi ako nagdala ng payong! Napahinga ako ng malalim at nanginginig na ang tuhod ko sa lamig. Jusko, may dadaan pa bang habal-habal ngayon? Ang dilim ng daan at tiyak na wala ng susubok pang bumiyahe sa kalagayang ito. Naghintay pa ako ng ilang oras bago may pumarang itim na kotse sa harap ko. Malayo ng kaunti ang waiting shed sa kalsada kaya may distansya pa ang agwat namin. Kinabahan ako sa klase ng kotse, mabilis na pumasok sa isip ko na maaaring dumadakip ito ng tao. Mas lalo pa akong kinain ng kaba dahil hindi pa lumalabas ang kung sino man sa kotse. Napahinga ako ng malalim at umatras para makasigurado lang. Kapag sinubukan akong dakpin ng tao sa kotse, sisigaw talaga ako ng todo. Huminga ako ng malalim sabay sa pagbukas ng pinto sa harap ko at sumalubong sa akin ang malalim at madilim na mga mata ng lalaking bumihag sa puso ko. Napasinghap ako ng walang alinlangan siyang lumabas sa loob ng kotse at nagpaulan. Hindi niya binibitiw ang titig sa akin, napaatras ako ng umapak siya sa waiting shed na umiigtang ang panga. Kitang-kita ko ang basa niyang damit, maging ang buhok ay nagulo na din dahil sa ulan. Napaatras pa ako at napalunok ng husto. Kumabog ng mabilis ang puso ko, hindi na alam ang gagawin dahil sa sobrang lalim ng titig niya sa akin. "A-anong ginagawa mo?" kabang-kaba kong sabi. He looked at me deeply and serious. "You like his kiss?" he said coldly. Napasinghap ako sa sinabi niya. "A-ano?" takang tanong ko. He sighed deeply. "I said, did you like his kiss huh!?" mariin niyang sabi. Mas lalo akong nagulat at kinabahan sa sinabi niya. A-ano? B-bakit niya ako tinatanong tungkol dun? At b-bakit siya nandito? "A-ah---" Hindi na ako natuloy sa sasabihin dahil mariin niyang sinakop ang labi ko. Nanlalaki ang mata ko at singhap na singhap sa ginawa niya. Ramdam ko ang malambot niyang labi, dumiin pa ang labi niya sa akin na halos matumba ako dahil sa panginginig ng tuhod ko. Hindi ako nakagalaw ng kagat-kagatin niya ang labi ko. Sobrang lalim, halos hindi ako makagalaw. Diniin niya pa ng isang beses ang halik sa akin bago siya humiwalay at pinakatitigan ako ng malalim. Nawala ang dilim sa mata niya, namumungay iyon ngunit seryoso ang mukha. Sinapo niya ang mukha ko, nalulunod ako sa tingin niya. "Kaninong labi ang masarap?" aniya sa malalim at seryosong boses. Napalunok ako, hindi alam ang sasabihin. Gulat at bigla sa ginawa niya. "I should be your first kiss." he said darkly. I swallow hard. Hindi ko makayanan ang titig niya maging ang boses. "A-ano bang pinagsasabi m-mo?" utal kong sabi. Ngumisi siya at mahigpit akong hinigit papunta sa harap ng kotse niya. Kinulong niya ako sa pagitan ng braso niya at mariin akong tinitigan. Dumadagundong sa kaba ang puso ko. Natataranta na sa ginagawa niya sa akin. Basang-basa na kaming dalawa at hindi ko na din ramdam ang kalamigan. Napakislot ako sa paghampas niya sa harapan ng kotse, nag-uumigting ang panga niya at gigil na gigil sa akin. "Sagutin mo ako, Maria Cresenciana. Sinong masarap humalik!?" malamig niyang sabi. Kinabahan na ako ng sobra-sobra, sumasabay pa ang titig niya sa akin. Hindi ako sumagot kaya hinampas niya ulit ang harap ng kotse. "Ano? Sagot!?" he said darkly. Napasinghap ako at natatarantang tumingin sa kanya. "I-ikaw---" "Bakit ka nagpahalik sa putang inang 'yun huh!?" galit niyang sabi. Umiling ako at mabilis na tumulo ang luha sa mata. Nakakulong ako sa braso niya, sumasabay pa sa kaba ang puso ko. Titig na titig siya sa akin, sobrang lalim. "H-hindi ko kasi a-alam---" He scourge his car hardly. "f**k it! Just f*****g it!" he said very darkly. Walang tigil sa pagtulo ang luha ko. Umiiling-iling ako sa kaba at takot sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko inaakalang mangyayari ito. Hindi rin ako makapaniwala sa nangyayari. Gigil na gigil niyang sinakop ulit ang labi ko. Wala akong nagawa kung di hayaan siya lalo pa't angkin na angkin niya ako ngayon. Kinagat-kagat niya ang ibabang labi ko, sinipsip ang dilang labis kong kinasinghap at hinalugad ang loob sa bibig ko. Tumagal ng ilang segundo ang halik niya bago ako bitawan at palayain. Umatras siya at umiling-iling sa akin. He cursed while shooking his head. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya, bumalik sa pagiging malamig ang anyo niya. "Sumakay ka na, ihahatid kita." aniya sa malamig na boses. Napalunok ako at nanlumo ulit. Akala ko, okay na! Akala ko, pwede na! Akala ko, may puwang na! P-pero…akala lang pala iyon! "B-bakit ganito ka!? B-bakit ang hilig-hilig mong saktan ako!?" sigaw ko sa galit na boses. He look at me coldly. "Stop being dramatic." he said easily. Umiling ako at naiinis na pinaghahampas ang dibdib niya. Galit na galit ako! Akala ko nakamit ko na! Akala ko may puwang na! Akala ko, akin na! Akala ko, mahal niya din ako p-pero akala parin! Akala lang ang lahat! B-bakit niya ako hinalikan kung ganun? Bakit niya ako pinuntahan dito? Bakit? "G-galit na galit ako sayo! Inis na inis dahil sa ugali mo! B-bakit ka ganito!? Wala naman akong ginawang masama sayo huh! T-tangina, m-minahal lang naman kita tapos ito ang babalik sa akin! B-bakit!?" punong-puno ng hinanakit kong sabi. He just let me scourge his chest and shoulder. "M-mahal kita at hindi mo manlang iyon mapansin!" umiiyak kong sabi. "I love my girlfriend, so much." he said truthfully. Mas lalong bumuhos ang luha sa mata ko. Nanghihina akong yumuko. Wasak na wasak parin ang pusong hulog sa kanya. Hindi ko na ramdam ang lamig dulot ng ulan kasi nag-iinit na ang puso ko sa punyal ng sinabi niya. "And you can't change her. It's deep, I love her deeply." dagdag niya. Umiling ako at bumuhos ang napakaraming luha sa mata ko. Nanginginig ang katawan ko, sawing-sawi sa lahat ng nangyari ngayon. Kinagat ko ang labi para hindi humagulgol sa harap niya pero hindi ko iyon nakayang kontrolin, humikbi parin ako sa sobrang sakit. Tinakpan ko ng kamay ang bibig para mahinto ako sa paghikbi, pinilit kong inangat ang ulo para makita siya. Umiling ako at umiyak sa harap niya. "Bata ka pa, at hindi ko kailanman nagugustuhan ang isang katulad mo. You are way to far from my standard and sorry to say this but…stop loving me," panibagong punyal na saksak sa puso ko. My tears flow slowly. "Hindi ikaw ang babaeng mamahalin ko. It's Sheena, my love. So please, stop loving me." he said before I shook my head and run away. As what Rando said, run when love hurts me. I run, run away from him. Binilisan ko, hanggang sa hindi ko na maramdaman ang kalsadang tinatakbuhan ko. Tumakbo ako, at iniwan ang alaala niya sa akin. Ang sugat sa puso ko, ang punyal na tinarak niya sa akin. Ang mga salitang halos ilang taon kong hindi nakalimutan, ang lamig, sakit at lahat ng pinaramdam niya ay pilit kong tinanggal sa sistema ko kahit pa'y malabong mangyari. Pero nagawa ko naman. Nagawa ko siyang ibaon sa limot! "Architect, may meeting po kayo this afternoon with the Costiño. Would you like to continue the said meeting, miss?" my assistant said formally. I look at her with seriousness in my eyes. "Cancel it." I said coldly. She nodded immediately and pick her phone to call that motherfucking client. Ang sabi ko, hindi siya tatanggap ng kahit anong negosasyon sa pamilyang iyon! f**k! That f*****g man has this gut to negotiate with me after everything happened in the past! He is so f*****g bullshit! Binalik ko ang atensyon sa blue print na nasa lamesa ko. Isang mall ang nakakontrata sa akin ngayon taon. It's the branch mall of the famous owner mall in the Philippines. At gusto kong tapusin ang ginagawang disenyo para matapos ako sa kontratang ito. "Miss, Mr. Ranilo secretary said the negotiate is final. You had already signed the contract which strengthen the negotiation to the both of you." my assistant said. Gigil kong nilapag ang ball pen sa lamesa. I look at her coldly. f*****g that contract! Nagpupuyos ako sa galit kay kuya! This is his fault! Hindi sana kami magkakaroon ng ugnayan ulit kung hindi niya lang ako nilinlang! Buong akala ko, kay kuya ang hinihingi niyang tulong sa akin pero hindi! He used my f*****g brother to make me signed the contract! Hell, if I knew that it was his plan, I will never sign the contract! Never! "Do something Mariya! I didn't choose you as my assistant for nothing!" pinipigilan kong galit. She swallow hard and look at me hesitantly. "But, architect you signed the contract. We cannot breach it because we all know that Costiño is powerful. He can ruin you easily, miss." aniya Mariya. I sighed deeply. This problem has been occupying my head for almost a week now! Kung hindi lang ako niloko ni kuya, hindi sana ako magkakaroon ng ganitong problema ngayon! "They deceived me! He used my f*****g brother to signed the contract! Alam mong mahigpit ako sa mga kliyente lalo na kung hindi ko kilala pero ginamit niya si kuya para pumirma ako ng kontrata at magkaroon ng ugnayan ulit sa kanya! See? He is cruel! He is ruthless! He is heartless! He is f*****g soulless!" galit na galit kong sabi. My assistant sighed. "Architect, it may be a good way if you'll set aside your repugnance to the client. This is a pure work, miss. It should not be fill with the fracas with the both of you." she said calmly. Nagngingitngit ako sa galit. Huminga ako ng malalim at pumikit. My head filled with anger because of that brute! Hindi ko magawang hindi haluan ng galit ang trabahong ito! "Mariya, I know you can do something with this! I trust you, please make a way to breach the contract." I said trying to calm myself. She sighed and nodded hesitantly. "I'll try, architect." she said before leaving me. I sighed deeply. Nawalan na ako ng gana para sa araw na ito. Imbes na matatapos ko sana ngayon ang disenyo ng mall, hindi na dahil kinain ng walanghiyang iyon ang kaganahan ko! Kasalanan niya ito! If he didn't used my brother, I wouldn't face this f*****g problem! Unang una, ayokong magkaroon pa ng ugnayan sa kanya! Pangalawa, I want to have a peaceful life now! Pangatlo, nag-iinit ang dugo ko kapag naririnig ko ang pangalan niya! Ano naman kung kilala ang pamilya niya bilang makapangyarihan! May right of way naman ako kung ano at sino ang gusto kong makatrabaho sa propesyong ito! I am okay now! I am moved on! I am healed! Tapos ngayon manggugulo siya na parang walang nangyari sa nakalipas na pangyayari! Hell with him! Tapos na ako sa buhay na ganoon. Tapos na akong mabaliw sa kanya kaya ngayon ayokong magkaroon ng kaugnayan pa sa kanya! Kung hindi lang kay kuya hinding hindi ko talaga pipirmahan ang tanginang kontratang iyon! Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nag-aalala kong assistant. She pinpoint my telephone. "Architect, Mr. Ranilo Allicer Costiño is on the line. He wants to talk to you seriously." she said hesitantly. I gritted my teeth. Damn it! "I can handle it." mahinahon kong sabi pero sa kaloob-looban ko ay nagpupuyos na ako sa galit. She nodded and smile hesitantly again. I pick up the telephone and put it in my ear. I sighed heavily. "Am I speaking to, Architect Ricote?" The baritone voice. I gritted my teeth angrily. f**k it! "Yeah." I heard his deep sighed. "Hi, baby. Did you eat your lunch? It's near twelve na," Nanlaki ang mata ko at mabilis na nailayo ang telepono sa tainga. What the hell? Seriously? My heart beat fast. "W-what are you talking about?" He chuckled sexily. "Looks like my baby is trembling, hmm?" "Stop it, damn you!" Nanginginig kong binaba ang telepono at mariin na pumikit. s**t talaga! s**t! Walanghiya! Kararating ko lang ng bansa tapos ito na agad ang bubungad sa akin! Wow! Just f*****g wow! Damn him! --- Alexxtott
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD