Chapter 36

2628 Words

CHAPTER 36 Silang dalawa? NAMAYANI ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin ni Phoebus. Hindi ko alam kung ano nga bang mararamdaman ko.  Pinaghalong saya, kilig at sakit ang nararamdaman ko ngayon kaya naman nakababaliw talaga.  Hinalikan ako ni Phoebus! Hindi pa rin ako makapaniwala! Parang isang panaginip lang! Dahan-dahan kong hinawakan ang labi ko at pagkatapos muling tumingin sa asul na mga mata ni Phoebus. Naabutan ko kung paano niya maangas na binasa ang labi niya gamit lang ang kanyang dila.  Ang gwapo!  Para akong mawawala sa ulirat dahil sa lapit naming dalawa ngayon. Nakakatakot din dahil baka marinig niya ang pagwawala ng puso ko.  Nanatili kaming gano’n ang ayos hanggang sa may tumawag sa ‘kin. “Mikaia.” Sabay kaming napalingon sa kung sino ang tumawag sa ‘kin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD