CHAPTER 37 Alam NAGTAGO ako sa isang punong malapit sa kanila para magpatuloy sa pakikinig. Ang sakit. Hindi ko sila kayang titigan. Parang nakakapaso. Nakakamatay. Nakakadurog ng puso. Naupo ako sa isang sulok at napakagat na lang ng labi. Gusto kong humagulhol sa sobrang sakit. Idagdag pa ang pipigil ko ng hikbi. Hindi ako makalunok. Parang may nagbabara sa lalamunan ko. Pa’no na ba? Ano na ba talaga ang nangyayari? Si Raeyoo ba at Phoebus? Sila pala? P-pero bakit… Bakit hinayaan ako ni Raeyoo na habulin si Phoebus kung gano’n?! Hindi ko maintindihan! Naalala ko noong mga panahon na nakikita kami ni Raeyoo na magkasama ni Phoebus. Noong nahuli niya kaming magkayakapan sa theater room… kung sila, ano na lang ang sakit na naramdaman niya no’n? Noong mga panahon na ikinukwento

