Chapter 3

2575 Words
CHAPTER 3 Pangarap Hindi naman siguro masamang pangarapin ang isang sikat na tao. Maybe, the right term for that is masakit. Para ‘yong trap na ita-try mo pa rin kahit alam mo na ang ending. Right now, kahit alam kong malabo, gusto ko pa ring subukang pangarapin si Phoebus.  Damang-dama ko kung gaano katigas ang dibdib ni Phoebus. Halatang may abs at lalaking-lalaki ang dating. Pati ang bango niya, hindi gaya ng ibang pabango na masakit sa ilong. Ang sa kanya’y nakakaadik! Dinig na dinig ko ang pintig ng puso niya na sobrang bilis din gaya ng akin. Ang sarap isipin na malakas ang t***k no'n dahil na-iin love na rin siya sa 'kin. Kung p’wede lang manatiling ganito hanggang matapos ang araw…. Napatigil ako sa pagd-day dream noong maalala na kailangan kong mapalapit sa kanya at para magawa ko 'yon ay dapat lang na kilala niya 'ko. Kaya bago pa man siya makabalik sa wisyo ay kaagad na akong nagsalita. “Ako si Mikaia!" buong ngiti kong sabi sa kanya habang hindi pa rin nagtatangkang tumayo sa pagkakadagan sa dibdib niya.  Marahan lang akong tinitigan ni Phoebus na tila naguguluhan sa sinabi ko. Nakakunot ang kanyang noo na ikinamangha ko. Kahit yata anong maging reaksyon niya ay hindi niya matatakasan ang pagiging gwapo. Hindi ba siya nakakaintindi ng tagalog? Akala ko ay half Filipino siya? "I'm Mikaia," pag-uulit ko dahil baka hindi niya naintindihan.  Kung kahapon ay ang gwapo niya sa suot niyang v-neck shirt, ngayon ay mas gumwapo pa yata siya dahil sa suot niyang white long sleeves na nakaupi hanggang sa kanyang siko! Para siyang isang gwapong CEO sa isang kompanya gaya nang madalas na nasa story.  Hindi nagbago ang tingin niya at hindi niya nilubayan ang aking mata kaya naman napatayo ang balahibo ko. Sa paraan kasi nang pagtitig niya ay parang nababasa niya ang laman ng utak ko at nalalaman niya lahat ng kaemehan ko sa buhay.  Sa mga titigan, hindi ako 'yong tipong unang mag-iiwas ng tingin. Kaya kapag may kaaway talaga ako sa aming room ay natatakot na sila dahil talagang hindi ko sila nilulubayan ng titig. But heck! Anong nangyari at tila hindi ko yata magawang tagalan ang titig niya?  “What the f**k? It’s too early for p**n, b*a!”  Sabay kaming napalingon sa aming gilid at doon ay bumungad ang isa pang gwapong lalaki na nakangisi na parang aso. Hindi naman umubra ang itsura niya sa inis ko dahil sa pang-iistorbo niya. Pinanlisikan ko siya ng tingin. Sino ba ‘tong epal na ‘to?  Hindi pa man nagtatagal ang tingin ko ay bumagsak na ako sa sahig dahil sa biglaang pagtayo ni Phoebus. Umismid pa siya bago aroganteng nagpagpag.  “Tss.” Nahulog ang panga ko dahil sa simpleng sinagot niya.  Nababaliw na yata ako dahil imbes na mainis dahil sa inasal niya ay namangha pa ako. Hindi kasi ako pumapayag na may nang-iinsulto sa 'kin kahit sa pamamagitan nang pagtingin lang. Pero hindi naman siguro pang-iinsulto ang ginawa niya, 'no? Baka naman nabigla lang talaga siya dahil sa inakala nitong kararating lang na lalaki. Tsk! Hindi pa man ako nakakatayo dahil sa marahas niyang pagtayo ay nag-umpisa na siyang maglakad palayo. Napakurap ako nang makita siyang paalis.  H-hindi! Hindi pa siya p’wedeng umalis dahil hindi niya pa 'ko nakikilala nang lubos! Hindi pa nga ako sure kung natatandaan niya ang pangalan ko. "Mikaia, Phoebus! Remember my name!" pahabol na sigaw ko na mukhang hindi na yata niya narinig. Napabuntong hininga na lang ako habang tinatanaw ang likod niya at ang paglalakad niya habang nakapamulsa pa.  “Neon. Remember mine, too.”  Nawala ang atensyon ko sa kay Phoebus na naglalakad na patungo sa isang building na kung saan ay naroon siguro ang first subject niya at napalingon ako sa kaninang umistorbo sa 'min ni Phoebus.  Tsk! At talagang gusto pa niyang tandaan ko ang pangalan niya ah? Wrong move dahil talagang tatandaan ko ang pangalan niya dahil ipapakulam ko siya! Nangunot ang noo ko at bahagyang huminahon ang malapit nang magsalubong kong kilay dahil sa bigla niyang inilahad ang kanyang kamay sa aking harapan.  Palipat-lipat ang tingin ko sa kamay at sa mukha niya. Napaisip ako bigla.  Ang paraan nang pakikipag-usap niya kanina ay parang close talaga sila ni Phoebus. Magagamit ko kaya siya para mapalapit ako sa forever ko?  Ni-head to foot ko muna siya bago tinanggap ang kamay niya at nakipag-shake hands.  Siguro ay magagamit ko nga siya.  "Mikaia Fariento," ani ko na hindi nagpakita ng kahit anong ekspresyon. Kaya naman ang laki ng pinagtaka ko nang bigla siyang humagalpak sa katatawa. Dahil sa ginawa niyang paghalakhak ay mas lalo akong nainis sa kanya.  Tsk! Anong tinatawa-tawa niya? Ang ganda kaya ng pangalan ko!  Nagtagis ang bagang ko at handa na akong sapakin siya sa oras na may sabihin siyang hindi ko magugustuhan. "Makatawa ka, bakit?! Gano'n ba kaganda ang pangalan mo, huh?!" naiinis kong sambit habang pinanlilisikan siya ng tingin. Hindi ko na naisip pang mag-english dahil sa inis. Kung hindi man siya marunong makaintindi ng tagalog, then bahala siya. Mamatay siya kaiisip kung anong sinabi ko! Hawak pa niya ang t'yan niya dahil sa mistulan talaga siyang tawang-tawa.  Kung si Phoebus siya ay kikiligin pa ako dahil napapatawa ko ang forever ko eh. Pero hindi! Nakakainis siya! "I gave my hands to help you get up. Not to shake hands with you," mas mahinahon niya nang paliwanag at hinatak na ako patayo. Nakahinga naman ako nang maluwag.  Akala ko ay pinagtatawanan niya ang pangalan ko eh.  "Siguraduhin mo lang!" pagbabanta ko na tinawanan niya lang ulit. Inirapan ko na lang siya bago nagtanong ulit. "Kaano-ano mo si Phoebus?"  Mas lumakas pa ang tawa niya dahil sa itinanong ko. Napafacepalm na lang ako sa sobrang gigil.  Wala na ba siyang ibang gagawin kun'di ang tumawa? Tumatawa ba siya dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ko? Na-gets niya naman ang sinabi ko kanina ah! "Sorry. Just can’t help it," paghingi niya ng paumanhin.  Tinitigan ko lang siya at iniisip kung may sapak lang ba siya sa utak. Paano kaya gumana ang utak ng isang 'to at kahit sa mga simpleng tanong lang ay natatawa siya? Tsk.  “What are you? Are you a fan of Primo? Bakit si Asher kilala mo at ako ay hindi?” natatawang tanong niya sa 'kin.  Tss. Nagtatagalog naman pala ‘tong kupal na ‘to. So anong ikinata-tawa—Wait.  Doon ko napagtanto ang lahat.  Blue ang mata niya gaya ng kay Phoebus! Mukha rin siyang artista at nakasuot din siya ng white na long sleeves. Siguro’y isa siya sa members ng Primo! Kahit na narealize ko na ang pino-point out niya, hindi ko pa rin maiwasan ang mairita sa kanya. Dahil sa kanya, nasira ang moment namin ni Phoebus! “Required ba? Tsk!” pagmamataray ko.  Tumawa lang siya ulit dahilan para mainis na talaga ako at sinadyang banggain ang kanyang braso noong tumungo ako sa building nang susunod kong klase.  Wala akong mapapala sa isang 'yon. Puro tawa lang ang ginagawa. Tsk!  Puro paliwanag ang ginagawa ng aming Professor sa harapan pero wala kahit isang pumasok mismo sa utak ko. Naririnig ko naman pero mistulang sarado ngayon ang utak ko dahil inukupa lahat ni Phoebus.  Ngayon tuloy ay hindi maalis ang ngiti ko sa labi habang nakatingin sa power point ng Professor namin kahit iba naman ang tumatakbo sa isip ko. S’yempre paraan ko 'yon para hindi masita. Sinabayan ko pa ng kunwaring pagtango para mukha talaga akong nakikinig.  “Miss Fariento, is there something funny?” Halos mapatalo ako sa gulat nang sitahin ako ng Prof namin. Siguro’y akala niya na ang power point niya ang ikinangingiti ko. Kaagad naman akong umiling.  “No, Sir.” Buti at good mood mukhang si Sir dahil kung hindi, baka ako na ang pinag-discuss ng buong power point niya. Para hindi mapagalitan ulit, kinagat ko na lang ang dila ko para mapigilan ang pagngiti. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko na ang pang-una at pangalawa sa listahan. Sira na ‘ata ang utak ko dahil talagang sinunod ko ang ginawang listahan no'ng babae na nakita ko noong nakaraan lang. Ewan ko ba. Feeling ko lang talaga ay mahahanap ko ang forever ko dahil doon. Akala ko ay magiging mahirap maisakatuparan ang mga nasa listahan dahil hindi naman ordinaryong istudyante lang si Phoebus. Isa kaya siyang member ng sikat na boy band na Primo! At hindi lang 'yon. Marami rin ang humahanga sa kanya. Siya kasi ang pinakaunang napapansin dahil sa ka-perpektuhan ng mukha niya kaya naman bagay lang na tawagin siyang face of the group.  “Class dismiss.” Nagliwanag ang mga mata ko sa tanging sinabi ng aming Professor na pumasok sa utak ko. 'Yon lang kasi yata ang gustong marinig ng utak ko sa ngayon.  Dali-dali akong lumabas para hanapin si Raerae. Iki-kwento ko sa kanya ang mga nangyari kanina!  "BALIW ka talaga, Mikmik! Bakit mo naman pinaniwalaan 'yang listahang ipinadala sayo?" natatawang tanong ni Raerae pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat ng ginawa ko ngayong araw. Nandito kami ngayon sa loob ng library ng building namin ni Raeyoo. Break time ko habang vacant naman niya so napagpasiyahan kong yayain siya rito. Maingay kasi sa canteen kung doon ko iki-kwento. "Hindi ko rin alam sa sarili ko, Raerae eh. Basta malakas lang ang kutob ko na kailangan kong sundin 'yon."  "Pero hindi mo ba naisip na baka imbis na magustuhan ka ni Asher, layuan ka pa niya? Mukha ka kasing mangre-r**e sa sinabi mo!" aniya. Napaisip ako roon.  Mukha ba ‘kong creepy-ng stalker? Parang hindi pa naman.  "Isipin mo na lang na may nagkakagusto sayo at ganoon din ang ginawa niya gaya nang ginawa mo. Anong maiisip mo?" pagpapatuloy niya nang hindi ko magawang sumagot.  Napangiwi ako nang maimagine ang sinabi ng pinsan ko. At the same time ay narealize kong may point nga siya. Baka pumangit nga ang image ko kay Phoebus.  Dahil sa sinabi ni Raeyoo, hindi ko muna ginawa ang pangatlo sa listahan sa sumunod na mga araw. Bukod kasi sa kailangan kong habulin ang mga lessons na hindi ko naintindihan dahil nga hindi ako p’wedeng bumaba sa rank ay pinag-iisipan ko rin kung dapat ko pa bang ituloy na maisakatuparan ang mga nasa listahan.  Ngayon, nandito ako ulit sa library habang nag-aaral. Ngunit hindi pa rin ako makapag-isip nang maayos dahil sa naguguluhan ako. Tapos na ang class ko ngayon at hindi ko man lang nasulyapan ulit si Phoebus baby. Kinagat ko ang dulo ng aking ballpen habang nag-iisip nang malalim.  Hindi naman talaga ako ganito mag-isip eh. Pinag-iisipan ko lahat nang gagawin ko bago ako umaksyon. Siguro nga ay tama si Raerae. Kabaliwan na maitatawag kung paniniwalaan ko ang listahang ginawa ng secret fan ko.  Bumuntong hininga ako. Tatango na sana ako sa kawalan dahil nakumbinsi ko nang titigil na sa kabaliwan nang may dumaan sa likuran ko at bahagya akong nasangga.  "Nasa huli ang pagsisisi. Nakasanayan ngayon ng kabataan na kailan nasimulan na, 'tsaka magbabago. Tsk!” Isang matandang babae ang biglang nagsalita sa likod ko. Bahagya akong napatalon ng bigla siyang tumingin sa ‘kin. “Kaya ikaw!" A-ako ba?  "Tapusin mo ang nasimulan mo! 'Wag kang gumaya sa iba r'yan! Gorgeous ka pa naman." Dahil sa pagsabi niya ng ‘gorgeous’, nakumpirma ‘kong ako nga ang sinasabihan niya. Akala ko, ang ka gorgeous-an ko ay parang password eh. Buti at may nakakitang dalawa. 'Yong una ay 'yong babae na nagbigay sa 'kin ng listahan at pangalawa itong si Lola. Fan ko rin yata si lola! Madalas sabihin ng iba, mas alam ng mga nakatatanda ang mangyayari dahil napagdaanan na nila. Ngayon, sinasabi nito ni lola na tapusin ko raw ang nasimulan ko. Unang pumasok sa isipan ko ay ‘yung tungkol sa list.  Wala naman sigurong mawawala sa 'kin kung ipagpapatukoy ko 'to 'di ba? Siguro ay kahihiyan. Pero malay ko namang maging worth it din 'yon sa huli. Buo na ang desisyon ko. Ipagpapatuloy ko 'to! Fighting, Mikmik! Mapapasa 'kin din si Phoebus! Dear Phoebus,  I won’t give up.  ILANG beses akong nagpa-ikot-ikot sa salamin para tignan ang ibinigay na dress sa 'kin ni Raerae.  Ang ganda ganda!  Isa siyang wrap maxi dress na kulay stripe blue and white. Pahaba ang stripe kaya naman nagmukha akong matangkad. I mean, matangkad naman talaga ako. Pero mas matangkad lang si Raerae kaya kapag magkasama kaming dalawa ay napapagkamalan akong maliit. Aniya ay noong nakita niya raw 'tong damit ay naalala niya raw ako.  Bata pa lang, hilig ko na ang pagmo-model. Nagsimula akong magmodel ng kumot at ginagawa kong dress minsan, kurtina at iba pa. Iba kasi talaga anng binibigay na feeling sa ‘kin sa tuwing makikita kong maayos ang pagkakaposing ko at kapag ang ‘di kagandahang damit ay napagaganda ko kapag ako na ang nagsu-suot.  ‘Yung simpleng hilig na ‘yon, nang tumagal ay naging pangarap ko na rin. Pangarap na hanggang pangarap na lang. Nagposing ako sa harap ng salamin gaya ng mga inaral kong pose. Sinubukan ko rin ang iba’t ibang expression habang tinitignan ang sarili sa salamin. Hanggang sa makita ko ang repleksyon ni mama sa salamin. Nawala ang ngiti ko at napatuwid ako ng tayo. Paktay.  "Anong ginagawa mo?! Kanino galing 'yang damit na 'yan?!" sigaw ni Mama dahilan para mapaatras ako. Mabilis akong kinabahan at nag-worry na baka sirain niya ang damit.  "Hindi ko naman 'to b-binili, Ma—" "Wala akong paki kung hindi mo binili! Bakit ka nagpo-pose sa harap ng salamin?! Bakit?! Gusto mong ipilit ang pangarap mo?! Wala tayong mapapala sa pangarap mo, Mikaia! 'Yan ang tatandaan mo." Napayuko ako dahil sa sinabi ni Mama. I want to shout back at her. Gusto kong ipaliwanag na hindi naman para sa pera, kaya ko 'to pinangarap. Kaya ko gustong maging isang model. Pinangarap ko 'to dahil ito talaga ang gusto ko.  Nagtiim bagang na lamang ako at hindi na sinabi ang gusto kong sabihin. Alam kong ayaw lang naman ni Mama mangyari ang nangyari sa kanya noon.  Noon kasi ay minsan nang pinangarap ni Mama ang pagiging isang model. Pursigidong-pursigido siyang maging isang model kaya halos lahat ng poster na nakikita niya sa poste sa bayan ay tinatawagan at nagbabakasakali siya. Noong may tumanggap sa kay Mama ay tuwang tuwa siya dahil finally, matutupad na ang pinangarap niya. Pero sa kasamaang palad, peke pala 'yong tumanggap sa kanya. Muntik na siyang magahasa.  Ngayon, ipinilit sa akin ni Mama na iba ang kunin kong kurso kaya BSHM ang kinuha ko kahit hindi ko naman ‘yon gusto. Though, simula nang magcollege ako, natutuhan ko ring mahalin ang kursong pinili ko. Hindi nga lang sa paraan kung gaano ko kagusto ang pagmo-model.  Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mama. Bago pa ako mag-angat ng tingin ay naramdaman ko na ang yapos niya.  "Anak, sana maintindihan mo kung bakit ayaw ko sa pangarap mo. Gusto ko lang namang hindi ka magaya sa 'kin eh," puno ng emosyon na sambit ni Mama. Yes, Ma. Ilang beses kong sinasabi sa sarili ko na paraan mo lang ‘to para protektahan ako. Kahit na minsan, hindi ko na talaga maintindihan.  Kung may mga pangarap na unti-unting tinutupad, mayro’n din namang mananatiling gano’n na lang. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD