Chapter 2

3704 Words
CHAPTER 2 Second bullet   ILAN nga ba ang kailangan maisakatuparan ng isang lalaki para malaman ko kung siya na nga ang para sa ‘kin? Sa bulleted list kasi, may anim na paraan para malaman kung paano nga ba makikilala ang taong para sa ‘yo. Pa’no kung may iba ang nakatupad ng second bullet at hindi si Pogi kanina? Ayaw ko! I really need to make sure na siya na nga ang para sa ‘kin.   Nakangisi ako habang naglalakad pauwi sa ‘min. Mistulang idinikit sa labi ko ang ngiti gamit ang pinakamadikit na pandikit sa mundo na parang walang kahit ano ang makakapagtanggal pa nito sa labi ko.   Sobrang saya ko at nakita ko na ang lalaking nakatadhana sa ‘kin! Ano kaya ang pangalan no’ng lalaking ‘yon? Mukha siyang foreigner! Kaya siguro wala akong nakikilalang Pilipino na para sa ‘kin kasi isang foreigner pala!   Hindi ko na nakuha pa ang pangalan niya dahil pinaalis kaagad ako ng guard. Ang sabi ay kasama raw ako ng pulubi sa labas. Dahil naman sa sobrang high ko dahil sa iniisip na nahanap ko na nga ang lalaking para sa ‘kin ay hindi ko na tuloy nalaman ang pangalan niya! Kainis!   Unang kita ko pa lang ay nalaman ko nang ‘yon ang taong hinahanap ko dahil sa bahagyang pagbilis ng t***k ng puso ko. Idagdag pa ang numero ng tray na hawak niya. Ngayon ko pa lang nararanasan ito sa buong buhay ko.   Feeling ko talaga, malapit na ‘kong magka-love life. Parang gusto kong tumili sa naisip!   Nakangiti akong umuwi sa bahay namin. Siguro ay hindi na matatanggal pa ang ngiti sa labi ko.   “Nandito na ‘ko!” masiglang bati ko pagkapasok ko sa loob ng bahay. Agad naman akong nginitian ni Mama na nakaupo sa sofa.   “Saan ka ba nagpunta, Mikmik, at natagalan ka sa pagsisimba?” malumanay na tanong niya sa ‘kin.   “Ma, wala po. Nasaan nga pala si Raerae?” Hindi pa rin maalis ang ngiti ko sa labi. Nasisiraan na talaga ako.   “Naku! Malamang, nasa kuwarto niya. Yayain mo na nga para makapagtanghalian na,” sambit niya at tumungo sa kusina.   Ako naman ay dali-daling inakyat ang kuwarto ng pinsan ko para ikuwento ang pangyayari kanina. Sa tingin ko kasi, hindi ko kakayanin kung isasarili ko lang ang saya sa loob ko.   Sa amin muna pansamantala nanunuluyan si Raeyoo dahil nga nasa Korea ang Papa niya. Pero sa pagkaka-tanda ko, bago siya umuwi rito sa Pilipinas ay galing siya sa America.   Isa talaga sa hinahangaan ko sa kanya ay ‘yong pagpunta niya sa iba’t ibang bansa. Sana all, ‘di ba? Ako? Rito lang sa Pilipinas. Makabayan kasi ako. Chour! Wala lang talaga kaming pera pang-travel.   Kinatok ko ang pinto ng kuwarto ni Raerae ngunit wala namang sumasagot. Pero noong sinubukan kong buksan ay hindi naman pala ‘yon naka-lock. Pagkapasok ko, narinig ko ang tilamsik ng tubig galing sa banyo ni Raerae kaya naman naisip kong naliligo siya.   “Raerae! Pumasok na ako, huh? May iku-kuwento ako sa ‘yo! Bilisan mo r’yan!” sigaw ko at umupo sa kanyang kama habang ngiting-ngiting niyakap ang unan niya.   Sa mga ganitong bagay talaga, si Raeyoo lang ang napapagkuwentuhan ko. Wala naman kasi akong kapatid at si Raeyoo lang naman ang pinsan ko. May mga kaibigan ako pero nagkaroon kami ng sari-sariling buhay nang mag-college. Minsan na lang kami magkita dahil busy rin naman kaming lahat.   Nakaagaw ng pansin ko ang phone ng pinsan ko na nakapatong sa side table niya. Umilaw kasi ‘yon at nag-vibrate.   “Raerae! May nag-text yata sa ‘yo!” sigaw ko pero mukhang hindi narinig ni Raerae.   Lumapit ako para tingnan ang pangalan nang nag-text pero naka-hangul ‘yon. Hindi rin naman ako nagtangkang buksan dahil baka mamaya ay personal. Ang ginawa ko ay ini-slide ko na lamang ang screen nang hindi binubuksan ang message. Bumungad sa ‘kin ang picture ng limang lalaki kasama si Raerae.   Ang guwapo! Parang mga celebrity ang datingan! Gosh! Another sana all na naman para sa pinsan ko. Ang dami na niyang guwapo at artistang nakasalumuha. Samantalang ako, si Alfred Vargas lang at dahil pa ‘yon sa pa-lugaw niya sa lugar namin noong tumakbo siya.   Saktong kakikita ko lang sa lock screen ni Raeyoo nang lumabas siya galing CR. Nakabalot pa ng tuwalya ang buhok niya. Kahit gano’n, maganda pa rin ang pinsan ko. Mas nakita pa nga kung gaano perpekto ang hugis ng panga niya. Samantalang ako, kapag nakagan’yan ang buhok ay ang taba tingnan ng mukha ko dahil sa medyo bilugin kong mukha.   “Oh. You’re here,” aniya na mukhang gulat dahil nasa loob ako ng kuwarto niya.   “Kanina pa kita tinatawag e. Pumasok na ‘ko. Bukas naman kasi ‘yong pinto.” Tinanguan na lang niya ang sagot ko. Sunod niyang nilipat ang tingin sa cellphone niya.   “Someone texted?” tanong niya.   “Oo, pero hindi ko naintindihan ‘yong pangalan kasi naka-Korean.”   Nilapitan niya ang side table para basahin at reply-an ang kung sino’ng nag-text. Habang busy ang pinsan ko, kinuha ko ‘yong pagkakataon para tanungin ang tungkol sa lock screen wallpaper niya.   “Sinu-sino nga pala ‘yang mga nasa wallpaper mo? Ang gu-guwapo ah!” papuri ko.   Nginitian niya ‘ko.   “Primo. Boyband sila sa America. They are really famous and ang suwerte ko dahil nakapagpa-picture ako sa kanila. It’s a great privilege!” Pinakita niya ulit sa ‘kin ang lock screen niya.    “Ang suwerte mo, Raerae! Sana all!” biro ko rito.   Tinitigan ko nang mabuti ang litrato. Nagmistulang one of the boys siya ro’n. Ang dalawang na pinakamatatangkad ay nasa likuran. Nasa gitna nila ang tingin ko ay pinakamaliit sa kanilang lahat habang ang dalawang lalaki naman ay pinagitnaan ang aking pinsan. Ang isang lalaking pansin ko ay pangalawa sa pinakamaliit ay nakaakbay sa kanya habang ang isa namang nasa gilid niya ay hawak siya sa may baywang.   Kung titingnan ay para silang mga fictional character sa sobrang gu-guwapo. Lahat sila’y kulay blue ang mga mata. Para silang grupo ng mga maharlika dahil do’n.   Natigil naman ang tingin ko sa lalaking nakahawak sa baywang ni Raerae. Para kasi siyang pamilyar. Lalo na ang mga mata—wait!   Nalaglag ang panga ko nang mamukhaan ko ang lalaki.   “Oh my gosh! S-Shuta...” Nanginginig ang aking kamay habang nakaturo sa lalaki. Hindi ako maaring magkamali. Ang tanging laman lang ng utak ko kanina pa ay ang itsura ng lalaking nakabangga ko kanina at alam kong siya ‘yong isa sa mga lalaki na nasa wallpaper.   “What?” nagtatakang tanong ni Raerae.   “Siya ang taong nakatadhana sa ‘kin, Raerae! Siya ‘yong nakita ko kanina sa isang fast food restaurant! S-Siya ang forever ko!” tili ko habang patuloy na nanlalaki ang mga mata. “Ano’ng pangalan niya, Raerae! Sabihin mo sa ‘kin!”   Halos iyugyog ko na siya sa sobrang pagkagusto kong malaman ang pangalan ng nakatadhana sa ‘kin. Napatawa naman si Raerae dahil siguro sa inasta ko.   Kita mo nga naman. Isinasampal na sa ‘kin ng tadhana ang katotohanang itong lalaking ‘to ang makakatuluyan ko! Akalain mo’t, wala pa mang isang araw ay may connection na naman siya sa ‘kin! Kadalasan sa mga nakakasalubong kong guwapo, hindi ko na ulit nakikita pa. Pero ngayon... oh my gosh!   “Umiral na naman ang pagkasira ng ulo mo. That’s Asher. He’s the lead vocal of Primo. Actually, roon sila mag-aaral ulit sa University natin,” litanya niya dahilan para mas lalong lumaglag ang aking panga.   Asher ang pangalan niya? Oh gosh!   “Seryoso ba?!”   Iba na talaga ‘to. Hindi lang ito coincidence lang.   Dahil doon ay mas lalo akong naganahan pumasok. Nararamdaman ko na ang pagdating ng unang pag-ibig ko!   Pagkatapos naming kumain ay dali-dali akong nagtungo sa aking kuwarto at nag-research tungkol sa grupong Primo, particularly, kay Pogi!   Stage Name: Asher Birth Name: Phoebus Asher Leighton Birthday: December 04 Position: Lead Vocalist Nationality: Half Filipino and half Australian   Hmm. Asher ang tawag sa kanya ng mga fans nila? P’wes, Phoebus ang itatawag ko sa kanya! Para unique!   Napag-alaman ko na ang lahat pala ng miyembro ng Primo ay may lahing Filipino. Ang Dixon Entertainment kasi na nagbuo sa kanila ay pagmamay-ari ng isang Filipino.   Pinanood ko rin ang mga video ni Phoebus na kumakanta sa iba’t ibang website dahilan para mas lalo ko siyang magustuhan at maging bangang din ako kinabukasan.   “MIKMIK! I gotta go! Wake up, already! Super late na. Baka mapapagalitan ka ng prof niyo,” sigaw ni Raerae sa pintuan ng kuwarto ko dahilan para mapabangon ako bigla.   Napakusot ako ng mata at tiningnan ang wall clock. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong alas otso na ng umaga.   Huli na ‘ko sa first class ko!   Dali-dali akong nagmumog at naghilamos sa banyo at hindi na sinubukang maligo pa. Kaunting suklay, pulbos, at basa lang ng buhok ang ginawa ko bago ako tumungo sa aming University. Hindi naman siguro nila mapapansin dahil naligo naman ako kahapon.   Kahit na late na ‘kong nagising, hindi ko pinagsisisihan na pinanood ko ang vids ni Phoebus. Dahil kasi ro’n, feeling ko ay mas lalo ko siyang nakilala.   Humahangos akong nakarating sa aming University. Tilian at napakaraming tao ang nasa labas ng gate. Napaka-unusual no’n.   Ano’ng mayro’n?   Napailing na lang ako at nagdire-diretso. Hindi ngayon ang tamang oras para pairalin ang ka-chismosa-han ko.   “Excuse me po.” Sa rami ng tao ay halos hindi na ‘ko makaabante patungong entrance. Sobrang init pa dahil siksikan. Baka mangamoy na talaga ako nito!   Nang tuluyan akong nakarating sa entrance, itinapat ko ang ID sa machine para ma-register ako at mapa-pasok ako sa loob. Pagka-okay ay nagsinghapan ang mga babae sa likod ko.   “Aww! Ang suwerte!” Narinig kong sigaw ng ilang babae sa labas.   “Sana all, dito nag-aaral!”   “Kung alam ko lang, sana rito na ‘ko nag-enroll ng second sem!”   Weird.   Bumuntong-hininga na lang ako at muling tumingin sa relo. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang mag-aalas nuebe na! Isang oras na ‘kong late! Baka matanggal na ang scholarship ko nito kapag nagpatuloy ako sa pagiging late!   Dali-dali kong tinahak ang hallway patungo sa aking unang class ngunit napahinto ako dahil sa malakas na tilian ng ibang estudyanteng papunta sa auditorium ng Aistone.   Ano ba talagang mayro’n? Mukhang may event yata.   Napailing na lang ako bago pinagpatuloy ang patakbo patungo sa first class ko pero nabigla ako nang makitang wala ni isang tao. Kahit pa ang Prof ko na parating maaga, wala.   Marami pa ‘kong nakitang estudyanteng tumakbo rin patungong auditorium.   Ano ba ang mayro’n sa auditorium at mukhang nandoon ang lahat ng estudyante? Pati yata mga Prof, nanonood din.   Patakbo akong nagtungo roon. Nang makapasok ay nakarinig ako ng strums ng gitara.   Sa loob, talagang mapapalingon ang lahat sa stage. Nakatutok kasi roon ang napakaliwanag na spotlight. Sa gitna ng stage ay may nag-iisang lalaki na nakaupo sa high chair at tumutugtog ng gitara.   Kinailangan ko ng ilang segundo bago namukhaan ang nasa stage. Napatulala ako nang mapagsino siya.   Tama ba ‘tong nakikita ko o iloloko lang ako ng mga mata ko?   Kung hindi ito isang panaginip, sigurado akong si Pogi ang nasa harap ngayon! Gosh! Small world.   Nakapikit siya habang nag-i-strum ng gitara. Nahulog naman ang panga ko nang mag-umpisa na siyang kumanta. Parang sasabog ang puso sa sobrang lakas ng t***k nito.   “If the heart is always searching Can you ever find a home? I’ve been looking for that someone I’ll never make it on my own Dreams can’t take the place of loving you There’s gotta be a million reasons why it’s true.”   Galing sa pagpikit ay dahan-dahang dumilat ang nag-iisang lalaki sa harap dahilan para magtama ang tingin namin.   Napaatras ako nang bahagya dahil lalong paglakas ng t***k ng puso ko.   Lahat ay bago. Bago itong nararamdaman ko ngayon, ang pagkalabog ng puso ko, ang kaba ko, at ang mga paruparong nagising sa tiyan ko nang magkatinginan kami.   “When you look me in the eyes And tell me that you love me Everything’s alright When you’re right here by my side When you look me in the eyes I catch a glimpse of heaven I find my paradise When you look me in the eyes.”   Naghiyawan ang mga katabi kong babae. Eksena kami dahil wala na kaming upuan at nakatayo lang kami sa daanan. Panay rin ang sigawan na sila raw ang tinitigan ni Phoebus. Napaismid na lang ako sa pagiging assumera ng mga katabi ko.   Ako! Ako ang tinititigan ni Phoebus! Sigurado ako na ako ‘yon.   “How long will I be waiting To be with you again? Gonna tell you that I love you In the best way that I can I can’t take a day without you here You’re the light that makes my darkness disappear.”   No, Phoebus. You are the light that makes my darkness disappear.   Napatigil ako sa pag-ismid at muling itinuon ang pansin kay Phoebus. Ang forever ko….   Feeling ko ay siya lang ang nasa paligid dahil siya lang ang tanging nakikita ko sa ngayon. Hindi na ako makapaghintay. Hindi na ako makapaghintay na maging kami nga.   Hindi ko na hahayaan pang mawala ang pagkakataong ipinagkaloob sa ‘kin ni God. Kahit pa magmukha akong tanga, basta para mapasa akin siya.   Napakalamig ng boses niya! Though, ilang beses ko na siyang narinig kumanta sa mga video na pinanood ko kagabi, iba pa rin talaga kapag personal mo siyang maririnig.   “When I hold you in my arms I know that it’s forever I just gotta let you know I never wanna let you go.”   Pinamulahan ako ng pisngi nang maalala ko kung paano niya hinawakan ang palapulsuhan ko kahapon! Ang sabi sa lyrics, ‘when I hold you in my arms, I know that it’s forever’ daw. Oo, Phoebus! Sisiguraduhin kong forever na nga tayo!   Hiyawan ang bumalot sa buong auditorium nang matapos kumanta si Phoebus. Natapos na siyang kumanta ngunit hindi ko pa rin iniaalis ang titig at atensyon ko sa kanya. Mistulang magnet ang mukha niya na patuloy ina-attract ang mga mata namin.   Dumilat siya mula sa pagkakapikit at tumingin sa direksyon ko. Dahil doon ay naramdaman ko na naman ang paghuhurumentado ng aking puso. Ngumiti pa siya dahilan para hindi na ako makahinga.   Napakaguwapo niya! Ngiti pa lang niya, nakakahigit na ng hininga. Paano pa kaya kapag naging boyfriend ko na siya?!   Nawala ako sa pagpapantasya kay Phoebus na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa stage nang nasiko ako ng isa sa mga babae na katabi ko. Sisinghalan ko sana pero napansin kong si Raerae pala ‘to!   “Oh! Mikmik! You’re here!” malambing niyang sabi. Kinailangan niya pang lumapit sa tainga ko para lang marinig ko siya dahil sa lakas ng hiyawan.   “A-Ahh, oo nga. Mabuti nga at nakahabol ako kung hindi, baka hindi ko na nakita ang pagkanta ng forever ko!” Niyugyog ko siya dahil sa sobrang saya ko. Nilingon kong muli ang direksyon ni Phoebus para pagmasdan siya.   “You’re crazy. Sige na. Ro’n na ako sa first class ko, huh?” Tango na lang ang naitugon ko kay Raerae dahil sa sobrang pagkamangha ko sa kay Phoebus.   Napakaperpekto ng kanyang panga na mistulan siyang fictional character sa isang story. Bakat ang kanyang biceps sa shirt na suot. Ang labi niya, kitang-kita ang pagkapula dahil sa puti ng kulay niya. Ang pag-iisip kung gaano ‘yon kalambot ay nakakapagpatayo ng balahibo ko. Ang ilong niya ay nakakapanliit dahil sa sobrang tangos. Higit sa lahat, naroon pa rin ang asul niyang mga mata na pinaka nag-i-stand-out.   Nasa kay Phoebus lang ang tingin ko hanggang sa makapunta siyang backstage. Nag-umpisa nang mag-perform ang isa pang member ng Primo kaya naman muling lumakas ang sigawan pero hindi ko na pinansin pa ‘to.   Hindi na ‘ko nagsayang pa ng oras at umalis sa pinakaharapan ng stage. Umikot ako para mapuntahan ang backstage.   Kailangan kong sundan si Phoebus! Kailangang makilala na niya ‘ko! Ngayon lang ako magpapaka-trying hard kaya lulubos-lubusin ko na!   Nang makaalis ako sa loob ng auditorium ay tinakbo ko ang pinakamalapit na pasukan patungong backstage. Mayroon kasing dalawang daan para pumasok sa backstage at tumungo ako sa pinakamalapit sa ‘kin.   Nakangiting aso ako habang titig na titig sa pintuan ng backstage na para bang kahit anong oras ay maaari ‘tong tumakbo. Kaya naman hindi ko na namalayan ang braso ng isang bouncer na humarang sa daraanan ko dahilan para mauntog ako rito. Nahulog ang panga ko sa nangyari. Sunod na humarang ang dalawa pang bouncer sa daraanan ko.   No way! Malapit na ‘ko e!   Pinukulan ko ng masamang tingin ang tatlong bouncer na sumira sa imaginations ko.   Kung minamalas nga naman oh! Nakalimutan kong sikat nga pala ang forever ko at hindi ganoon kadaling magpakilala rito.   “K-Kuya! Susundan ko lang po ‘yong ano ko,” pagpupumilit ko. Kahit na nakatayo palang ang mga bouncer sa aking daraanan ay wala na akong makita.   “Hindi p’wede, Miss. May klase pa kayo at hindi p’wedeng magpapasok ng fan sa loob,” mahinanong sabi ng isang bouncer.   Hindi na ako umaklas pa at tinanaw na lang ang backstage kung saan pumasok si Phoebus. Alam ko naman kasi talagang hindi ako makakalusot sa mga ‘to. Bumuntong-hininga ako.   Dapat sa mga simpleng hadlang lang ay alam ko dapat solusyonan, ‘di ba? Kaya dapat ay malampasan ko ang mga malalaking bouncer na ito. Para ‘to sa love story namin ni Phoebus!   Nag-isip ako nang mataimtim para lang makalampas sa mga bouncer. Hindi naman ako nabigo at nakaisip kaagad ng paraan kung paano ako makakalusot. Napahagikhik ako sa naisip na ideya.   Muli kong hinarap ang tatlong malalaking bouncer na napangiwi sa paghagikhik ko. Magsasalita na sana ako ngunit napukaw ang aking atensyon sa isang lalaking lumabas sa kabilang exit ng backstage. Nanlaki ang mga mata ko nang nakasuot na siya ng uniform ng aming University at naglalakad na patungo sa isang building. At take note! Walang nakabantay na bouncer or security guard man lang sa kanya. Wala rin namang nakakapansin dahil lahat ay nakatingin sa isang miyembro naman ng grupo na sumasayaw.   Pagkakataon ko na ito!   Nginitian ko na lang ang tatlong bouncer at unti-unting umatras sa mga ito. Hindi nila nakita ang paglabas ni Phoebus dahil nakatalikod sila sa direksyon nito. Hindi ko rin naman maaaring ipahalata na susundan ko si Phoebus dahil baka gabayan na siya ng tatlong malalaking bouncer sa harapan ko.   Pumaikot pa ako para lang sundan si Phoebus nang palihim at para na rin hindi mapansin ng tatlong malalaking bouncer na susundan ko ang forever ko. Habang sinusundan ko siya sa paglalakad ay inilabas ko ang listahang nakita kong inilagay ng isang babae sa mailbox namin.   Kailangan magkakilala kami sa pamamagitan ng mga nakasulat dito!   Muli ay napahagikhik ako dahil sa pagkakataong ipinagkaloob sa ‘kin ni God. Ini-open ko ang aking bag at kinuha ang ilang bulok na balat ng saging. Kahapon pa itong balat na ito at nakulob kaya naman halos amagin na ito sa bag ko. Plano ko kasing isakatuparan ang pangalawa sa listahan. Iyon ay madudulas ako at masasalo niya.   Napagtanto kong para masigurado na wala nang ibang lalaking makakagawa ng nasa list, ako ang dapat gumawa ng paraan. Kailangang gumawa ako ng paraan para si Phoebus ang makatupad ng lahat ng nasa list.   Nang matunugan ko kung saan patungong building si Phoebus ay dali-dali kong tinakbo ang lugar kung saan siya daraan. Dumaan ako sa shortcut para maunahan siya.   Humahangos akong nakarating doon ngunit pinigilan ko ang paghahabol ng hininga nang mapansin ko na papalapit na siya sa puwesto ko. Tamang-tama at nakatingin pa siya sa bawat building kaya hindi niya mapapansin ang paglalagay ko ng balat ng saging sa daraanan niya.   Balak ko kasi ay kapag papalapit na siya sa kinaroroonan ko, magkukunwari akong tutungo sa auditorium kung saan makakasalungat ko siya ng pupuntahan. Doon ay sasadyain kong tapakan ang saging na inilapag ko sa sahig at kapag nadulas ako ay kakapit ako sa kanya. Magkukunwari akong nasaktan at tatanungin niya kung nasaktan ba ‘ko. Roon, sasabihin ko na kung ano’ng pangalan ko kahit hindi naman niya tinatanong.   Isang perpekto scene ang nai-imagine ko. Ngunit sa sobrang pag-i-imagine ko sa kung ano ang plano ko, hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala si Phoebus at nauna nang maapakan ang balat ng saging na ako dapat ang tatapak.   “s**t!” singhal niya nang madulas sa balat ng saging na sinandya kong ilagay sa daraanan ko dapat.   Shemay naman sa kabobohan, self!   Nanlaki rin ang mga mata ko nang pumalpak ang plano. Bago pa man siya bumagsak sa sahig ay kaagad ko nang iniabot ang kamay ko sa kanya. Ngiting-ngiti ako nang mahawakan nga niya ang kamay ko. Gumawa ito ng kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan. Mamamatay na yata ako dahil mistulan akong aatakihin.   Ngunit hindi ko inisip kung gaano siya kabigat para mapasama pa ako sa pag-landing niya sa lupa.   Nag-bounce ang ulo ko sa matikas niyang dibdib sa sobrang lakas ng pagkabagsak ko. Napapikit ako dahil doon. Halos hindi ko ma-determine kung kaninong puso ba ang naririnig ko ngayon dahil sa lakas ng pintig nito. Kung sa akin lang ba o pati ang kanya.   Epic man, nagawa ko pa rin namang maisakatuparan ang second bullet. Ang kaso ay siya ang nadulas.   Lihim akong napangiti.   Second bullet? Done!   Dear Phoebus, ‘Wag kang mag-alala. Makukuha rin kita.                              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD