Chapter 1

2481 Words
CHAPTER 1 First bullet   HOPELESS romantic na lang yata ang maniniwala na sa pamamagitan ng isang list mo makikilala ang taong nakatakda sa ‘yo. Hindi naman ako funny. Funnywalain. So hindi ko ‘yon inintindi. Umabot ang ilang araw ay nawala ko pa ang bulleted list na para sa ‘kin.   Ngayon, isang araw bago magsimula ang second sem, muli kong nakita ang sobre habang naglilinis ng kuwarto. Natigil ako sa ginagawa at sandaling tinitigan ang sobre.   Sobrang dumi na ng sobre at nawala na rin ang mabangong amoy nito. Pero nasisiguro kong malinis pa naman ang letter. Muli kong tinitigan ang sulat sa likod ng sobre na pagka-pangit-pangit.   To: Mikmik maganda gorgeous cute   Ilang araw kong napanaginipan ang nagbigay nito sa ‘kin eh! Na kesyo isang estudyanteng nagmumulto raw ‘yong nagbigay sa ‘kin nito na naghahanap ng hustisya. Pero ang naisip ko lang, base sa pag-address niya sa ‘kin ay para talagang fan ko siya.   Binuksan ko ang sobre para muling basahin ang nasa letter.   Listahan kung paano ko makikilala ang forever ko: • Magkakabanggaan kami. • Madudulas ako at masasalo niya. • Mapupulot niya ang gamit ko at ibabalik niya sa ‘kin. • Mapapatid ako at masasalo niya. • Kamuntikang mapahamak pero ililigtas niya. • Walang masasakyan pero ia-angkas niya.   Pumikit ako’t umiling. Kahit saan ko anggulo tingnan ay feeling ko, ang nonsense talaga ng letter na ‘to. Makakabanggaan lang, forever na agad? Pa’no naman kung nasa crowded place? T’yak na marami talagang makababangga sa ‘kin no’n.   Sa huli, napagpasiyahan ko na lang na magsimba para na manghingi ng guidance kay Lord para sa susunod na semester at s’yempre, para na rin humingi ng signs kung dapat ko bang paniwalaan ang list. At some point kasi talaga, naba-bother ako dahil do’n.   Ang kaso, pagkarating ko sa simbahan ay tapos na ang misa. Hindi ko na ‘to naabutan pa. Isang oras pa bago ang susunod at hindi ko na ‘yon mahihintay pa. Bukas na ang simula ng second sem kaya kailangan ay maghanda.   Lumuhod ako at nagsimulang magdasal. Dinasal ko na sana ay bigyan ako ng guidance ni Lord for my studies, mai-maintain ang grades, at good health. Lastly, humingi na ‘ko ng signs about sa letter.   Nakangiti akong umahon sa pagkakaluhod. Nakagagaan talaga ng pakiramdam sa tuwing nakakausap ko Siya. Hindi naman sa nakakausap ko lang si Lord tuwing nagsisimba ako. I am referring sa mga pagkakataong nagdadasal ako.   Lalabas na sana ako ng simbahan nang may masangga akong babae. Nagbibilang ang babae ng kanyang pera at tumilapon ito dahil sa pagbangga ko.   “Naku! Sorry, Ate! Sorry po!” Nagmamadali kong pinulot ang mga baryang nahulog.   Natatakot ako at baka sampalin ako nito ni Ate kung hindi ko siya tutulungan. At saka, mabait yata ako, ‘no!   Napatigil ako sa paghahanap nang biglang magsalita si Ate.   “Kulang ng five, ija. Naku! Baka hindi na ako makauwi pa ng probinsya nito!” naiiyak niyang sambit dahilan para mahulog ang panga ko.   Uuwi siya ng probinsya nila nang sakto ang pera? Wala bang balak si Ate na kumain man lang o ano?   Napailing na lang ako bago kumapa sa bulsa ng aking pantalon. Iniabot ko ay Ate ang sinkwenta pesos na pera ko.   “A-Ate ito, po. Sobra na po ‘yan para may pangkain kayo sa sasakyan niyo. Sorry po talaga,” muli kong paghingi ng paumanhin.   “Naku, ija! Maraming salamat! Hulog ka ng langit! Maswerte ang lalaking mahahanap mo! Sana ay mahanap mo na siya.” Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Ate at natigilan. Hindi ko na nga napansin na nakaalis na pala siya.   Coincidence lang ba ‘yong sinabi niya at sa pinagdasal ko kani-kanina lang?   Kahit naman nag-d-doubt akong paniwalaan ang letter, gusto ko rin namang makilala ang taong para sa ‘kin, ‘no! ‘Yong makakasabay ko mag-aral at hindi puro pag-ibig ang alam. ‘Yong tipong sabay kaming magiging successful sa buhay. ‘Yong kakantahan ako sa gabi gamit ang malamig niyang boses! ‘Yong may masasabihan ako ng problema nang hindi ako i-j-judge. Gusto ko rin namang ma-experience na may maghahatid sa ‘kin at magsusundo, may handang mag-support sa ‘kin sa mga bagay na gusto ko!   Kaya sana nga, Ate. Sana nga mahanap ko na siya.   MAINGAY sa labas ng simbahan. Puro tunog ng sasakyan at mga boses ng mga tinderang nagtatawag ng customer ang naririnig ko. Mayroon pa ngang kumalapit sa ‘kin at nag-aalok ng sampaguita. Bibili sana ako pero may nakaagaw ng pansin ko.   Isang babae’t lalaki na ka-holding hands ang bata nilang anak papasok ng simbahan. Ang sweet. Mapapa-sana all ka na lang eh. Napangiti ako nang mapait.   Simula nang namulat ako, wala na ‘kong Papa. Though, it doesn’t mean na patay na siya. Sad’yang may iba lang siyang pamilya. Okay lang naman sa ‘kin. Okay na sa ‘kin ‘yon ngayon dahil mas naiintindihan ko na ang mga bagay-bagay. Pero noong mga unang pagkakataon na na-realize kong wala akong Papa, ang hirap.   Mahirap kasi wala akong kapatid. Dati, noong may night shift si Mama at hindi pa umuuwi si Raeyoo galing ibang bansa ay mag-isa lang akong natutulog sa bahay naming tuwing gabi. Ang tanging nagpaintindi sa ‘kin ng lahat ay ‘yung thought na siguro, kaya hindi sa ‘min binigay si Papa ay dahil may kaya naming i-handle ni Mama ang buhay. Na mas kailangan si Papa ng kabila niyang pamilya.   Napabuntong-hininga na lang ako. Wala akong panahon para sa drama ngayon. Sa tapat ng simbahan ay naghintay muna ako ng jeep na maaaring sakyan. Masyadong maraming sasakyan ang dumaraan kaya naman nang naubos ang dumaraan na sasakyan sa tapat ng simbahan ay roon ko lang natingnan ang tapat na fast food restaurant nito.   ‘FIVE’   Naka-print ang salitang iyon sa itaas ng fast food restaurant. Ipinagsawalang bahala ko naman ‘yon. Nagugutom ako pero hindi ko afford ang fast food chain na mamahalin—   Nanlaki ang mga mata ko nang may maisip.   Five? Pangalan ng fast food restaurant. Five? Ang tanging pera ni Ate kanina. H-hindi kaya?   Muli kong tinitigan ang fast food restaurant sa tapat ko. Hindi ko na napigilang mapangiti at mamangha sa mga nangyayari.   Sign na kaya ang FIVE na ‘yan? Hindi naman p’wedeng coincidence lang lahat ng ‘to! Siguro’y dininig na ni Lord ang pray ko! Siguro nga’y legit na makikilala ko ang forever ko gamit ang letter!   Agad akong pumunta roon at nagbakasakaling nandoon nga ang hinahanap ko. Tumayo ako sa isang sulok kung saan ay maraming dumaraan. Hindi muna ako pumasok sa loob at naghintay lang sa tabi.   Nakakaexcite! Sino kaya ang taong ‘yon?   Hindi ko dala ngayon ang list pero natatandaan ko naman ang mga laman no’n. Hindi mawala ang ngiti ko sa aking labi dahil iniisip ko pa lang na makikilala ko na ang lalaking para sa ‘kin mamaya ay kinikilig na kaagad ako to the point na gusto ko nang pagsasabunutan ang pulubing nakasalampak sa gilid.   Nagulat ako nang may biglang isang guwapong lalaki ang papalapit sa direksyon ko. Nakasuot ito ng green polo at simpleng short. Napalunok ako dahil doon.   Oh my! Ito na kaya?   Bahagya akong nakaramdam ng excitement dahil sa naisip. Nang tumigil siya sa harapan ko ay roon na sumilay ang ngiti kong parang aso. Humugot ako ng malalim na hininga para ihanda ang sarili.   Siguro, ito na nga.   Ngunit biglang nawala ang aking pag-asa nang bigla siyang magsalita.   “Eyow miss byutipul! 150?!” ngumunguso pang sambit niya na akala mo ay nag-f-flying kiss. Parang gusto ko tuloy umiwas. Kaagad nag-init ang dugo ko at gusto kong manuntok dahil sa sinabi niya.   150? Mukha ba ‘kong naghahanap ng customer? Ang ayos-ayos ng suot ko eh! At saka, hindi customer ang hanap ko kun’di forever!   Inirapan ko siya bago muling bumalik sa kinatatayuan.   Hindi talaga magma-matter ang itsura para sa ‘kin kung bastos naman at walang modo. Mahihintay na lang ulit ako. Siguro’y practice lang ‘yon.   May feeling ako na may lalapit pa talaga sa ‘king magugustuhan ko eh. Unusual na nga na may lumapit sa ‘king isa. Baka naman madagdagan. Sana....   Hindi naman ako nabigo at may dumating na isang mukhang Korean na lalaki. Ang gwapo. Napaisip ulit ako kung ito na ba. Sana, ito na nga. Lumapit sa ‘kin ang lalaki at kinausap ako.   “Annyeong!” nakangiting sabi ko rito.   Inunahan ko nang bumati dahil hindi na ‘ko makapaghintay pa! Napangiti rin naman ang lalaki.   Ito na nga! Ito na!   “Annyeong,” nakangiti ring bati niya at yumuko. Habang ako naman ay laglag ang panga dahil sa ginawa ng lalaki.   Sa pagyukong ginawa kasi niya ay naging dahilan kaya nahulog ang kanyang buhok. Panot pala ang koreanong ‘to!   “Oh! Mianhae!” paghingi niya ng paumanhin sa ‘kin at nagmamadaling inagapan ang pagsilip ng makintab niyang ulo. Binigyan ko na lamang siya ng pilit na ngumiti bago bumalik sa puwesto ko. Ngumiti rin siya bago nagpatuloy sa paglalakad.   Dalawa pa lang ang na-me-meet ko pero parang gusto ko na lang umuwi sa bahay. Wala na nga ba talagang pag-asa?   “Unang araw pa lang, minahal na kita.”   Napalingon kaagad ako sa kaliwa ko nang may narinig na kumakanta ng pamilyar na kanta noong bata pa ‘ko. Nagtama ang mata namin ng isang lalaking nakasuot ng bull cap at chains na kwintas.   Oh no! No way na isang ganito ang hinahanap ko!   Sinubukan niya ring kumindat sa ‘kin na siyang ikinangiwi ko. Hirap na hirap siya sa pagkindat pero bago niya pa maipikit ang isang mata ay nilipat ko na ang tingin ko sa iba.   Gosh! Nakakapangilabot!   “Love is blind! Love is blind—” biglang sigaw ng pulubi sa tabi ko kaya naman nabulabog ang mga tao sa gilid ng Five na nagtitinda. Eksakto namang may dumaan na rumorondang mga pulis at naaktuhang nag-eeskandalo ang pulubi at dinakip ito.   Love is blind?—   Nagulat ako nang may yumapos sa aking pisngi.   “Miss?” tanong nito sa ‘kin. Naka-leather jacket siya, naka-boots at naka-shades pa na akala mo’y pagkataas-taas ng araw. Mistulang action star kung baga.   Ito na kaya ang hinahanap ko?   “Yes?” ngiting sagot ko. Pasimple ko pang hinawakan ang buhok niya dahil baka panot na naman ang isang ito, mabuti na lang at hindi.   “Malapit na ba ako sa FIVE?” tanong niya sa ‘kin dahilan para mawala ang ngiti ko.   ‘Wag mong sabihing bulag ang isang ito? Hindi maaari! Ang tagal kong naghintay! Ganito na nga lang kaya ang lalaking nababagay sa ‘kin?   Hindi naman sa minamaliit ko ang mga may kapansanan pero s’yempre ang ideal ko ay perpektong lalaki. Though, wala naman talagang perpektong lalaki. What I mean is, suit na suit sa ‘kin. Minsan lang ako magpapaka-trying hard, s’yempre pipiliin ko na kung ano ang ideal kong talaga!   “Ah, ojo. Nasa tapat niyo na po actually,” walang buhay na sagot ko sa lalaki.   “S-Samahan mo naman ako sa loob. Pakihatid ako sa mga kaibigan ko.”   Napa-face palm na lang ako at wala nang nagawa pa. Inihatid ko na lang ang lalaki sa mga kaibigan niya. Mabuti at walang masyadong tao sa loob at hindi ako nahirapang mag-alalay sa kanya. Kung bakit ba naman kasi umaalis ang isang ‘to nang mag-isa.   Nang tuluyan na nitong nakasama ang mga kaibigan niya ay dali-dali na akong umalis.   Uuwi na ‘ko. Siguro nga peke ‘yung letter na binigay sa ‘kin. Ang tanga ko lang at naniwala ako ro’n. Coincidence lang siguro talaga ‘yong nangyari kanina.   Ngunit bago pa ako makalabas ng FIVE ay may bumangga sa ‘king babae. Sobrang lakas ng pagbangga nito na feeling ko ay sinadya na. Sa sobrang lakas nito ay napatumba ako sa isang lalaking may hawak na tray dahilan para matapon ang juice na nasa tray.   Napasinghap ako nang tumapon sa ‘kin ang malamig na juice. Kung minamalas nga naman oh! Salbahe naman kasi ‘yong babaeng ‘yon!   Maraming ulo ang lumingon sa banda namin. Hindi ko na nga natagpuan ang taong gusto ko, nasangkot pa ‘ko sa isang komusyon! Nakakahiya!   “The f**k?!” singhal ng lalaki nang medyo matapunan siya ng juice. Sa sobrang kaba ko ay sinubukan kong pagpagan ang puting v-neck t-shirt ng lalaki.   Alam kong hindi matatanggal ang mantsa sa damit niya gamit ang simpleng pagpagpag pero sa sobrang taranta ko’y ‘di ko na alam ang gagawin.   “Oh my! Sorry po! Sorry! Sorry—”   Napahinto ako sa kakahingi ng sorry nang marahas na hinawakan ng lalaki ang palapulsuhan ko para matigil ako sa ginagawa. Baka masuntok pa ‘ko nitong lalaki na mukha pa namang mayaman base sa tindig. Nangingilid ang luhang napaangat ako ng tingin sa kanya.   Halos mahulog ang panga ‘ko nang makita ang itsura niya. Hindi ko alam na ang mabilis na pintig ng puso ay may mas ibibilis pa. Halos ito na lang ang marinig ko.   Dumalo ang mga staff sa amin para tulungan kaming linisin ang natapon.   Ang guwapo niya! Ay mali! Feeling ko ay kulang ang salitang guwapo para i-describe siya!   Una kong napansin ay ang mata niyang mala-dagat dahil sa buhaw na kulay nito. Pinaresan pa ‘yon ng makapal na kilay na magkasalubong dahil siguro sa inis niya sa ‘kin. Clean cut ang gupit ng kulay brown niyang buhok kaya mas lalong naging gwapo. Dahil sa liwanag na nanggagaling sa pintuan ng fast food restaurant, nakabuo ng anino ang kanyang matangos na ilong at pinakita nito kung gaano kaperpekto ang pagkakahugis nito.   Tinulak niya ‘ko para mapalayo sa kanya. Halos tumumba ako pero hindi ko inalintana ‘yon at patuloy na pinagmasdan ang lalaki.   Parang kanina lang, feeling ko patuloy na magiging madilim ang buhay ko. Gosh! Literal siyang parang araw na niliwanagan ang buhay. Super cringe isipin pero gano’n talaga ang nararamdaman ko ngayon!   “Ma’am, ayos ka lang?” Dinaluhan ako ng isang staff. Doon lang ako natauhan.   “Nasa’n si Pogi?” tanong ko sa lalaking staff. Nangunot sandali ang noo niya bago ngumisi.   “Umalis na, Ma’am. Mukhang nagalit yata,” medyo mahina niyang sabi. “Ayos ka lang ba?”   Umalis na pala siya! Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya!   Nagsimulang mag-map ang staff at pulutin ang tray at tray number na nahulog ni Pogi kanina. Habang ako ay tumabi lang nang kaunti pero hindi pa rin lumalabas ng fast food restaurant. Literal na nanlaki ang mata ko sa hawak ng kuya.   “T-tray number ba ‘yan ng lalaki kanina?” kinakabahang tanong ko sa lalaki.   Kumalabog nang husto ang puso ko. Kung sakaling tama ang hinala ko... baka si Pogi na nga ang kanina ko pa hinihintay. Makukumpirma ko ‘yon base sa isasagot ni Kuyang Staff.   “Ito po?” Mabilis akong tumango, taeng-tae na malaman kung tama ang hinala ko. “Ah. Opo. Sa kanya nga po.”   Parang nag-echo sa pandinig ko ang sagot niya. Mistulan din akong nakarinig ng trumpeta dahil sa sinabi niya!   Ang hawak niyang tray number ay number five. Panglima rin si Pogi sa mga nakasalumuha ko ngayong araw at nagkita kami sa loob ng Five! Higit sa lahat, siya ang tanging lalaking nakabanggaan ko!   Napahalakhak ako nang wala sa oras. Dahil doon ay napalayo sa ‘kin ang staff, siguro ay natakot sa bigla kong paghalakhak. Sa sobrang takot nila, pinalabas na lamang ako ng Five. Kahit gano’n, nagpatuloy ako sa paghagikhik.   Siya na! Nararamdaman kong siya na nga ang lalaking nakatadhana para sa ‘kin. Sisiguraduhin kong siya na nga!   First bullet? Done!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD