Prologue

2756 Words
PROLOGUE ‘Phoebus’   ‘He is the epitome of light. Every time I look at him, he makes my darkness disappear.'    Napahagikhik ako sa isinulat na description ko para kay Phoebus sa ipina-su-survey ng kaibigan kong si Hao. Mayroong part kasi roon na need i-describe ang taong gusto mo. Ang cheesy pero fi-ni-ll out ko pa rin. Hindi naman ako magaling sa pag-describe pero sobrang shala ng nagawa kong description sa bebe ko!   Kung bakit ba kasi nagpapa-survey kuno pa si Hao. Parang isip high school student! Pero… hmm enjoy rin namang sagutan ang mga questions dahil tamang-tama at nakita ko na ang taong feeling ko, para talaga sa ‘kin!   Ganito talaga ang gustong-gusto kong sagutan! Hindi ako magsasawang sagutin ang mga tanong patungkol sa taong gusto ko. Mas lumalabas pa yata ang talino ko sa pagsagot ng mga ganito kaysa sa pagsagot ng modules!   Ipinilig ko na lang ang ulo at tiningnan ang sunod na tanong.   What is the meaning of his/her name?   Hmm.   Sa totoo lang, hindi ko rin talaga alam kung ano nga ba’ng meaning ng pangalan ni Phoebus. Basta isa lang ang sigurado ako: mashala ang pangalan niya. Phoebus Asher Leighton. Sana all, ‘di ba? E ako? Parang hindi nag-effort si Mama na pangalanan ako. Mikaia Fariento. Iyan lang. Wala man lang pa-second name! Parang tinamad mag-pangalan ng nag-iisa niyang anak e!   Itinuon ko na lang ang pansin sa pag-search kung ano nga ba’ng ibig sabihin ng ‘Phoebus’. Kaagad kong i-type ang pangalan ng taong gusto ko ay kaagad kong pinindot ang ‘enter’. Ilang sandali pa, lumabas na nga ang resulta sa Google. Mabilis ang pagtibok ng puso ko na halos marinig ko na ang pintig nito.   Ngumiti ako at humagikhik nang tahimik bago ini-focus ang sarili sa results sa Google.   Phoebus - (Greek mythology) Greek god of light; god of prophecy and poetry and music and healing….   Iyon ang lumabas na result ayon sa the free dictionary. Hmm. Hindi ko alam na galing pala sa Greek mythology ang pangalan ni Phoebus. Pero sa bagay! Mukha rin naman siyang fictional character!   Mula sa kutis niyang pang-artista sa puti, katawan niyang pang modelo, at sa tangkad niyang napaka-ideal! Pati mukha niya, halos perpekto rin! Makapal na kilay at mapunghay na asul na mga mata. Kahit sa litrato lang titigan ang mga mata niya, tiyak na mahuhulog ang kahit sino! Idagdag pa ang makapal niyang labi na natural ng kulay pink! Alam kong masama pero feeling ko, ang lambot-lambot no’n!   Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong ngumiti nang mas malapad at tumili. Kinailangan ko pang takpan ang bibig ko para lang hindi marinig nila Mama ang tili ko.   Siguro ang suwerte-suwerte ng babaeng magiging girlfriend niya. Or… may girlfriend na kaya siya?   Kaagad akong tumingin sa salamin at tinitigan nang mariin ang sarili.   Napabuntong-hininga ako bago umiling. Bago pa lang ang feelings ko para kay Phoebus baby. Masyado pang maaga para mawalan ng pag-asa.   Muli kong itinuon ang atensyon sa monitor ko. Nakaagaw ng pansin ko ang salitang ‘Apollo’.   Hindi ako mahilig magbasa ng Greek myths pero kilala ko kung sino si Apollo. Ipina-assignment kasi ‘yon sa amin noong grade 7 kami.   Binasa ko ang buong pangungusap kung saan ko nakita ang word na ‘Apollo’. Under ‘yon ng ‘People also ask’.   People also ask Why is Apollo called Phoebus? Is Phoebus Greek or Roman?   Iyan ang ilan sa under ng ‘people also ask’. Out of curiosity, pinindot ko ang ‘Why is Apollo called Phoebus?’. Bakit nga ba?   His name, the same in Latin as Greek, has the same roots as Greek word meaning to destroy or to excite. Apollo is also called Helios, Phoebus or Phoebus Apollo.   Hmm. So iisa lang si Phoebus and Apollo sa Greek mythology? Ibig sabihin, ‘yung love story ni Apollo ay love story din ni Phoebus?   Base sa natatandaan ko noong grade 7 ako, pinag-print kami ng picture ng laurel tree dahil ang nymph gustong-gusto raw ni Apollo ay naging puno.   Ewan ko ba. Minsan, hindi ko rin maintindihan ang mga katangahan ng mga characters do’n. Kaya hindi ako nagkaro’n ng interes magbasa ng mga gano’n e. Pero dahil nga galing pala sa Greek mythology ang pangalan ni Phoebus baby, baka magkainteres na ‘ko!   Nababaliw na yata talaga ako! Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko! At nagsimula ‘to noong una kong nalaman kung ano ang pangalan ni Phoebus! Hindi ko alam kung simpleng pagkakagusto pa lang ba ‘tong nararamdaman ko!   Nagsimula ito noong araw na nakatanggal ako ng letter after naming mag-enroll for second sem.   Inip na inip na ‘ko noon habang nakaupo sa may bench ng Aistone University kung saan ako nag-aaral. Hinihintay ko kasi ang pinsan kong si Raeyoo dahil aniya, mahaba ang pila for BS Tourism Management kaya ang tagal niya.   Sa sobrang pagkainip ko ay dumako ang tingin ko sa dalawang taong nakaupo, katapat lang ng inuupuan kong bench. Napangiwi ako nang makitang hinahalikan ng lalaki ang leeg ng babaeng kasama niya habang ang babae naman ay mukhang masaya pa sa ginagawa ng binata sa kanya. Tumaas bigla ang alta-presyon ko at hindi ko na napigilang titigan nang masama ang dalawa.   Naiinis talaga ako bigla-bigla kapag nakakakita ng naglalandian. Scratch that. Naiingit pala ako. Ay hindi rin pala! Nandidiri yata ako. Basta! Hindi ko alam kung naiinis ba ‘ko or nandidiri or na-bi-bitter lang ako dahil sa loob ng 20 years kong pamumuhay ay ni kalandian, wala ako.   Ano ba’ng mayro’n sa ibang babae na wala sa ‘kin? Maganda naman ako, ah! Well, ‘yon naman ang sabi ni Mama. Matalino rin naman ako. Sa katunayan ay marami akong uno sa mga subjects ko noong first sem. Tama lang naman ‘yong kulay ko at matangkad din naman ako! Sadya nga lang may mga taong mas matatangkad sa ‘kin. Hindi naman kami dukha pero hindi rin naman kami matatawag na mayaman.   Kaya hindi ko alam kung ano ang wala sa ‘kin. Well… siguro wala akong dibdib—pero mas ayos naman ‘yon kaysa sa walang itsura, ‘no! Feeling ko nga, maganda ako e.   “Mikmik? What are you doing? Bakit mo naman tinititigan nang masama ‘yong dalawa? The girl looks scared already.” Biglang sumulpot ang pinsan ko na si Raeyoo at itinuturo ang tinititigan kong couple.   Do’n ko na lang napansin na nangangatog na sa takot ang babae at todo na ang tago niya sa likod ng kanyang boyfriend. Sa huli, umalis na lang sila.   “Tsk!” Napairap na lang ako bago ibinaling ang aking atensyon sa pinsan ko na nakanguso akong tinitingnan.   “Tingin mo takot talaga ‘yung babae, Raeyoo? Humaharot lang ‘yon. Hmp!” busangot kong sabi.   Ang dali-daling ma-determine kung totoong natatakot ang isang tao at kung kailan nagpapabebe lang sila.   My gosh! Ewan ko ba. Palagi kong napapansin sa mga kaklase ko na minsan, nag-iiba talaga sila kapag kasama nila ang jowa nila. Required ba na magpabebe? Or magiging gano’n talaga kapag kasama ang taong minamahal? Ewan! Hindi ko pa naman kasing nararanasan magkaroon ng karelasyon.   “Hays. I really don’t know how your mind works. Hindi mo na dapat sila pakialamanan. At saka, ‘yong lalaki ang hinaharot at hinahawakan, hindi ikaw.” Napanguso na lang din ako sa sinabi ni Raeyoo.   “Nakakainis kasi. Ano ba’ng nagugustuhan ng mga lalaki sa mga gan’yang klase ng babae? Gosh!”   “Let’s just go, okay? Umuwi na lang tayo bago pa tayo mapaaway,” natatawang sambit niya bago ako hinatak.   Wala na ‘kong ginawa at nagpahatak na lang sa kanya.   Sa aming dalawa ay hindi maipagkakailangang mabait ang pinsan ko. Mabait lang. Chour!   Sa aming dalawa, mas angat ng isang paligo ang pinsan ko. Isang paligo lang! Oo. Iyon ang paniniwala ko. Pero halata namang mas maraming nahuhumaling kay Raeyoo. Bukod kasi sa nangunguna na siya sa klase nila, mabait pa. Kaso ang hindi ko maintindihan kay Raerae ay wala siyang sinasagot sa kahit sino sa mga manliligaw niya. Siguro ay masyado lang siyang mapili. Kararating lang niya galing America. Naro’n kasi ang business ng papa niya.   Si Raerae ang isa sa mga malalapit kong kaibigan simula pa noong bata. Kung ide-describe siya ay masasabi na lang ng iba ay para siyang fictional sa sobrang ganda.   Perpekto ang hugis ng mga mata niya na parang katulad ng mata ni Tinkerbell. Mahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, perpekto rin ang hugis ng kanyang labi na mistulang pana ni Kupido. Sobra pa niyang puti kaya kitang-kita ang pagkapula ng mga labi niya.   Dahil lagi ko siyang kasama, hindi maiwasang ipagkumpara kaming dalawa. Tanggap ko naman na mas maganda nga si Raerae. Pero masama ba na kahit minsan ay isipin kong mas lamang ako sa kanya? Masama ba’ng bigyan at palakasin nang kaunti ang loob ko?   “Uhm, Mikmik? P’wede bang mauna ka na? I just have to go somewhere. Bye!” Hindi na ‘ko hinayaan ni Raeyoo na makapagsalita at kaagad siyang bumeso sa ‘kin bago tumawid.   Ang tagal ko siyang hinintay tapos hindi ko rin pala siya makakasabay sa pag-uwi. Hmp!   Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pauwi sa amin. Nilalakad ko na lang dahil kaunting kendeng lang naman ang layo no’n sa University namin. Habang nasa daan ay muli kong naisip ang couple kanina.   Feeling ko tatanda akong dalaga dahil wala man lang nagtatangkang manligaw sa ‘kin. Though, hindi ko lang sure kung counted ba as manliligaw ang mga nag-chat sa ‘kin noon kasi feeling ko ay hindi naman. I am referring sa seryosong ligawan. Hindi thru chat lang. Ni-forward pa minsan ‘yong “hi” ng ibang lalaki. Tsk!   Napabalik ako sa wisyo nang may makita akong isang babae na nagbubukas ng mailbox namin. Napansin ko ‘yon dahil sa tunog pa lang ng kinakalawang naming mailbox.   Naalala ko na muntik na kaming maputulan ng ilaw dahil sa hindi naming na-receive ang notice. Ilang beses ‘yong nangyari kaya ang hinala namin, may nagnanakaw ng bills namin. Ito na nga yata ang taong ‘yon.   Mukha naman kasing hindi siya taga deliver ng mga bill. Nakasuot pa nga siya ng uniform na kagaya ng sa school! Ang nakapagtataka lang, Christmas vacation naman ngayon. Hindi rin naman nire-require ng school na mag-uniform kapag mag-e-enroll.   Aba! Sino ‘tong pangahas na ‘to at binubuksan ang mailbox ng iba?!   “Huli ka balbon!” sigaw ko sa babae na kaagad yumuko at nagtatakbo paalis noong narinig ang sigaw ko.   Sinubukan kong habulin ang babae ngunit nawala kaagad ito. Nanginginig naman akong tumingin sa mailbox namin, kinakabahan na baka may nawala na naman sa mga bills namin. T’yak na ako ang pagagalitan ni Mama. Kung mang-sermon pa naman si Mama, halos marinig na ng mga kapit-bahay namin.   Kainis at hindi ko nakita ang mukha niya!   Halos hindi ko mapindot ang on botton ng flashlight ng cellphone ko dahil sa kaba. Kailangan kong makita kung ano ang nilagay ng babaeng ‘yon sa mailbox namin.   Mabilis kong ini-open ang aming mailbox. Noong mabuksan ko ito, kaagad kong tiningnan kung may nawala ba o kung may nilagay siyang kung ano. Madali ko namang nakitang wala nawala dahil wala namang talagang nakalagay sa mailbox namin ngayon. Kakakuha ko lang kasi ng mga laman kanina bago ako umalis ng bahay. Karamihan pa nga ro’n ay letters para kay Raeyoo.   Nangunot ang noo ko nang mapansing may nag-iisang sobre sa loob. Kaagad ko ‘tong kinuha para mas makita nang maayos.   Nilagay kaya ‘to ng babae kanina?   Ang ganda ng sobre! Matigas at halatang mamahalin, kakaiba sa mga usual na sobre.   Nilingon ko ulit ang paligid, umaasang makikita ko ang babaeng nangialam dito pero wala. Umiling na lang ako bago sinubukang tingnan kung para kanino ang letter.   To: Mikmik maganda gorgeous cute   Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang nasa likod ng sobre. Hindi ko na rin naiwasang hindi mapangiti. Seryoso ba ‘to?   Fan ko pa pala yata nagbigay nito. Nakakakilig naman!   Ito na kaya ang secret admirer ko? Pero bakit babae? Hmm. Baka naman pinalagay lang doon sa babae dahil nahihiya siya.   Excited kong binuksan ang sobre. Iniwasan ko pa na mapunit. Minsan lang—I mean, ngayon lang ako makatatanggap ng letter. Kailan kong ingatan dahil itatabi ko pa ‘to.   ‘Listahan kung paano ko makikilala ang forever ko’   ‘Yan ang nakasulat sa pinakaunahan ng letter. Kapansin-pansin kung gaano kapangit ang penmanship ng nagsulat. Pero ayos lang. Naniniwala naman kasi akong ang matatalinong tao ay ‘yong pangit ang mga sulat. Nabasa ko ‘yon sa isang psychological facts. Kahit gano’n, parang familiar din ang penmanship. Hmm.   Napanguso ako at napabusangot. Hindi naman love letter ang laman. Bulleted List! Umasa pa naman ako!    Para sa ‘kin ba talaga ‘to? Bakit naman ako bibigyan ng list? Hmm….   NOONG una, curious na curious ako kung bakit ako binigyan ng gano’n letter. Pero ngayon, malaki ang pasasalamat ko at nakatanggap ako no’n! Iyon kasi ang dahilan kung bakit ko nakilala ang forever ko—si Phoebus baby!   Tatlong katok ang nagpatigil sa ‘kin sa pag-iisip. Sunod ay nagsalita ang nasa labas.   “Mikmik? Naghihintay na ang mga kasama mo sa labas,” mahinhing sabi ng pinsan kong si Raeyoo na kaagad ko naming ikinatayo.   Gosh! Nandoon na sila!   Mabilis kong sinara ang laptop ko at hindi na nagawa pang i-shutdown ‘yon nang maigi. ‘Tsaka ko na lang siguro itutuloy ang pagsagot ng survey.   “Oo. Sandali!” nagmamadaling sagot ko bago tiningnan muli ang sarili sa salamin.   Maayos naman ang suot ko. Actually, sinuot ko na yata ang pinakamaayos sa damitan ko! Nakasuot ako ng kulay beige na blouse na may butterfly sleeves. Ini-tucked in ko ‘yon sa isang high waist na short. Simple lang pero ayos naman ang itsura. Ang buhok ko naman ay ini-pony tail ko nang mataas at naglagay rin ako ng hair pins para maitago ang katangahan ko kahapon.   Paano ba naman kasi, sa kagustuhan kong mas umayos ang itsura ko, naisipan kong mag-bangs. Nag-ingat naman ako e! Nanood pa nga ‘ko ng mga tutorial para lang mapaganda at mapaayos ang gagawin ko! Kaso ‘yon nga. Nagupit ko na kapantay ng kilay ko na siyang pangit tingnan. Kailangan pala hanggang sa ilong lang muna ang ginawa kong gupit.   Halos iuntog ko ang ulo ko nang makita kung gaano ko pinapangit ang sarili ko! Nagmukha akong si Dora na hanggang balikat ang buhok! Nakakab’wisit pa rin talaga sa tuwing naaalala ko.   Saglit muna akong sumilip sa bintana ng kuwarto ko para tingnan ang mga kasama ko sa training at nakita ko nga ang isang puting van na may tinted na salamin. Mabilis akong lumayo sa bintana bago hinayaan ang ngiti ko sa aking labi.   Oh my gosh! Nandito na siya! Ang baby ko!   Pagkatapos ay saka na ‘ko kumaripas ng takbo pababa ng hagdan at palabas ng bahay.   “Alis na po ako, Ma!” paalam ko kay Mama. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at lumabas na nga ng pintuan patungo sa nakaabang na van.   Nakabukas ang pinto at kitang-kita ko kaagad ang nakakagigil na ngisi ni Neon. Hindi siya ang gusto kong bumungad sa ‘kin, ‘no! Kahit kailan, epal talaga ‘tong tukmol na ‘to e.   Inirapan ko siya bago umupo sa tabi niya.   “So mean,” bulong niya habang umiiling. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang pokus ko sa taong nasa passenger seat.   Tumalon na naman ang puso ko at parang gusto ko na namang mangiti. Ang isipin na malapit lang siya dahil nasa iisang van lang kami ngayon ay nakakakilig talaga!   Muli kong naalala ang s-in-earch ko kanina about sa pangalan niya.   Partner niya sa Greek myth si Daphne. At ang best part, na-fall pa siya ro’n nang grabe. Parang gusto ko tuloy papalitan ang pangalan ko. From Mikaia Fariento to Daphne Fariento. Bakasakaling maging kagaya ng story namin ang story nila Apollo and Daphne.   Dear Phoebus, May I be your Daphne?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD