CHAPTER 17 Wish “AKALA ko ba ay ang puso ni Phoebus ang hihilingin mo? Anong nangyari? Hindi mo na siya gusto?!” sunod-sunod na tanong sa ‘kin ng angel. Nginitian ko naman siya at inawat. “Kalmahan mo lang, angel na walang pangalan. Hindi naman sa gano’n.” “Then ano?! Sinunod mo ang sinabi ng pinsan mo?!” Nahulog ang panga ko nang makita kung gaano siya kagalit ngayon. Nang napansin niya ang pagkatigil ko, ‘tsaka siya natauhan. “Sorry. Nabigla lang ako. Kasi buong akala ko, ipauubaya mo si Phoebus,” aniya gamit ang boses na mas mahinahon. “Ano ka ba! Hindi mangyayari ‘yon, ‘no! Pero s’yempre, bago ang kalandian ko, pamilya ko muna dapat.” HINDI pa rin ako nakatulog nang gabing ‘yon. Bukod kasi sa hindi ko alam kung paano biglang uunlad ang buhay namin, hanggang ngayon ay bina

