CHAPTER 16 First Wish “HOW’S Asher? Are you okay?” bungad sa ‘kin ni Neon nang tuluyan akong lumabas ng rooftop. Mapait ko lang siyang nginitian at naramdaman ang pagkirot ng puso ko. Wala na ‘kong nagawa kun’di lumabas ng rooftop dahil sa galit ni Phoebus. Hindi ko alam kung anong nangyari. Kung bakit gano’n na lang ang galit niya. Ayaw ko mang iwan siya, lumabas pa rin ako dahil patuloy sa pagdurugo ang braso niya at dahil, ayaw niya ‘ko ro’n. Maraming staff ang pumasok sa rooftop nang lumabas ako. Marami ring taong nag-aabang sa labas ng pintuan ng rooftop. Kasama na ro’n ang ilang miyembro ng Primo. “Mikmik!” Napalingon ako sa isang gilid nang biglang may tumawag sa palayaw ko. Do’n ay nakita ko ang pinsan ko. Lumapit naman siya sa ‘kin. “W-what happened to Asher?” “Tara na, Ra

