Chapter 6: RULES

1541 Words
"Yes! Out na naman. Thank you, Lord." Nag-inat ako ng braso dahil tapos na naman ang duty ko dito sa may call center. Matapos mag-inat ng braso ay inalis ko na ang head phone na nakasalpak sa teinga ko. Woah! Nakakarelax! Inayos ko ang mga kalat sa desk ko. Nagspray ako ng alcohol sa ibabaw nito pagkatapos ay inilagay sa basurahan na nakapwesto sa ilalim ng desk ko ang mga pinagbalatan ko ng candy. Pagkatapos ay kinuha ko ang tasa na ginamit ko kaninang madaling araw na pinagtimplahan ko ng kape pampawala ng antok. Pumunta ako sa sariling kusina ng opisina namin at hinugasan iyong tasa at iba pang kubyertos na ginamit ko. After kong maghugas ay bumalik na ako sa desk ko. Inilabas ko ang mga kolorete ko sa bag at sinimulang magretouch. Haggard akong tignan sa salamin kaya naglagay ako ng kaunting foundatin sa mukha ko, konting liptint sa bibig ko at pinasadahan ko din ng mascara ang mga pilikmata ko para maganda kung tignan. After ng pareretouch, hindi ko nakaligtaan na maglagay ng pabango sa buo kong katawan. "Wow! Mukha yatang pinaghahandaan mo 'yong sundo mo na nandon sa baba ah." Asar ni Sharmaine sa akin, ang katrabaho kong kakarating lang dahil day ang shift niya. Napakunot-noo ako. "Sundo? Wala naman akong inaasahan na sundo. Saka nagreretouch lang ako kasi sobrang haggard ko tignan. Syempre, kahit stress sa work, huwag kalimutang magpaganda para magmukhang yummy all the time." Patutsada ko habang isa-isa na ibinabalik sa loob ng bag ko ang mga kolorete na ginamit ko. "Gaga! Totoo nga, may sundo ka. Nag-aantay nga siya sa labas e." "Sinong kumag naman ang susundo sa'kin?" "Well, sakto lang talaga na napansin mong haggard ka today kasi nakakahiya kung humarap ka don na dugyutin. Gora na bes!" Naupo na ng tuluyan si Sharmaine sa kanyang pwesto at sinimulan na ang kanyang trabaho. Samantala, isinuklib ko na ang bag sa balikat ko. Hindi na ako nag-abalang magtanong pa ulit kay Sharmaine dahil napalitan ng kaba at pagtataka ang excitement ko na nararamdaman. Sa sobrang excited ko na malaman kung sino ang tinutukoy ni Sharmaine, nakipag-unahan ako sa mga taong sasakay ng elevator. Nakipagsiksikan ako doon na dati ay hindi naman ko talaga ginagawa. At pagdating sa ground floor ng building ay habol ko na ang hininga ko kasabay noon ang kaba na nararamdaman. Mukhang tatalon na ang puso ko sa kaba. "Finally, you're here. Halos pumuti na ang mata ko kakahintay sa'yo." Sinalubong kaagad ako ni Kenneth pagkalabas ko ng building. Nadatnan ko si Kenneth na nakasandal sa may pintuan ng sasakyan niya habang abala na nagpipindot sa kanyang selpon. Mahigpit na kapit ang ginawa ko sa sling bag ko habang pinapanood si Kenneth na naglalakad na patungo sa gawi ko. "Anong ginagawa mo dito'ng panget ka?" Salubong na tugon ko. "Anong masamang hangin ang nagtulak sayo at nandito ka?" Taas kilay na pagpapatuloy ko pa. Mapaklang natawa si Kenneth. "Tutal, sa iisang bahay lang naman tayo uuwi, naisipan na kitang sunduin." Salubong ang kilay ko sa narinig ko. Natawa ako ng bahagya. "Nakahithit ka ba ng sunog na tsinelas? Ang lakas ata ng tama mo ngayon?" Naigalaw ni Kenneth ang kanyang panga. "Pwede bang magpasalamat ka nalang dahil nag-aksaya pa ako ng oras para sunduin ka?" "Aba! Siya pa may ganang magalit. Hoy, Kenneth!" Dinuro ko ito gamit ang hintuturo ko. "Hindi ko sinabi na sunduan mo ko para maggalit-galitan ka dyan. Tsaka, anong sa isang bahay na uuwian? Sino maysabi sayo na welcome ka don, ha?" "Ako, bakit?" Maangas na tugon niya. Inirapan ko siya sa pagiging mayabang nito. "Tumigil ka na dyan sa kahibangan mo, okay? Wala kang mapapala dahil gagawin ko ang lahat para hindi mapunta si Cleo sa'yo. Hahayaan ko talaga na mamuti yang mata kakaantay." Iniiwas ko na ang tingin ko dahil nababadtrip ako ng sobra kapag ganon na nakikita ko si Kenneth. "Umagang-umaga, highblood agad e." Nilapitan niya ako lalo. "Tara, uwi na tayo. Akin na 'tong bag mo." Akma niyang hahawakan ang bag ko noong mabilis ko iyon na iniiwas para hindi niya ito makuha. Hinampas ko pa ng bahagya ang kanyang kamay. "Hindi bagay sa'yo maging gentleman, ang pangit mo." Masungit na usal ko. "Hindi ako sasabay sayo, kilala kita, kung makapagpatakbo ka akala mo pusa ka na may siyam na buhay. Psh!" Natawa si Kenneth sa sinabi kong iyon. "Safe ka sa'kin, hindi naman ako makakapayag na may mangyari sa'yong masama e." Kumindat pa ang kumag. Yuck! "Safe mo mama mo." Inirapan ko siya saka inilinga-linga ang paligid upang humanap ng taxi na masasakyan ko pauwi. Ayokong sumabat sa mokong na 'yan. Ayoko pang mamatay. "Tara na, sumabay ka na sakin. Magsasayang ka lang ng pera pamasahe. Nagmamagandang-loob na nga 'yong tao e." Paawa effect ni Kenneth upang mapapayag lang ako na na sumabay sa kanya. "Tigilan mo ko, Kenneth, baka masampal kita. Umagang-umaga ah." Iritableng usal ko at inambangan ko siya ng suntok. "Tara na!" "Ayoko!" "Okay! Ang arte mo!" At nilayasan nga ako ni Kenneth, pinanood ko ang sasakyan niya paalis. Natulala pa ako sa ginawa ni Kenneth. Isang salita ko lang ay napasunod ko na ito kaagad. Imbes na masiyahan ako dahil napalayas ko si Kenneth ay hindi, nabadtrip ako lalo. "Gago yon ah, hindi manlang ako pinilit!" - "Ninang!" Sinalubong kaagad ako ni Cleo na kakapasok lang ng kabahayan. Umalis ito sa pagkakaupo mula sa playmat na nakalatag sa sahig kasama na ang sandamakmak na mga laruan ito. Samantala, lumabas naman mula sa kusina si Kenneth na nakasuot pa ng apron. Nagtama ang aming tingin pero matinding irap ang natanggap ni Kenneth mula sa akin. Itinuon ko nalang ang atensyon ko kay Cleo, inalis ko ang slingbag sa balikat ko saka binuhat si Cleo at niyakap ng mahigpit. "Hello, baby, kumusta ang tulog mo?" "Okay lang po, Ninang." Masiglang tugon ng bata. "Look, Ninang, tintas ni Ninong ang buhok ko." Nauutal na sabi ni Cleo. Ipinagmayabang niya ang tinirintas ni Kenneth na buhok nito. "Wow! You look so pretty!" Komento ko. "Wait lang ha, si Ninang ay magbibihis muna bago tayo magplay, okay?" Ibinaba ko ng maingat si Cleo sa playmat. "Okay, Ninang." "Very good. Go, magplay ka na muna." Matapos magpaalam kay Cleo ay pumaroon ako sa kusina upang kumuha ng tubig sa fridge dahil nakaramdam ako ng uhaw. Kinakailangan pa kasi na makipagsiksikan ako sa may tren kanina upang makasakay, kasama na din doon sa jeep, nakipag-unahan pa ako sa mga estudyante na papasok sa eskwelahan. Nagsisisi tuloy ako na nagmakeup bago ako umalis ng opisina dahil nalusaw lang lahat yon dahil sa init. "Buti may nasakyan ka pa pauwi." Usal ni Kenneth sa akin habang abala na sinasalinan ko ang baso ng tubig. Abala naman si Kenneth sa pag-aayos ng lamesa para sa umagahan namin. "Psh! Huwag mo nga kong kausapin. Nakakairita ka alam mo ba yon?" Itinungga ko iyong baso ng tubig ng walang kahirap-hirap saka inilagay sa lababo iyong ginamit kong baso. Pagkatapos ay naglakad ako palapit sa fridge upang ibalik yong pitsel. "Ang sungit. Alam mo, ikain mo nalang yan. Sakto nakaluto na 'ko." Inanyaya niya ako na pumaroon na sa dining table upang makakain na. Ipinagmayabang niya ang kanyang mga niluto na simpleng ulam lang naman kagaya ng pritong itlog at spam. "Psh!" Singhal ko at hindi pinansin ang pagpapasikat ni Kenneth. Pumaroon ako sa kusina upang maglaga ng itlog dahil ayaw niya ng prinito. Samantala, kinuna naman ni Kenneth si Cleo sa may sala upang mapakain na. Hinayaan ko si Kenneth na pakainin si Cleo dahil nga magluluto ako. "Ang sarap magluto ni Ninong 'no? Alam mo ba si Ninang mo, malakas yan kumain pero hindi marunong magluto." Pagkwekwento ni Kenneth kay Cleo. "Sa sobrang takaw niyan pati ako kinain niya." Nagpakawala ng tawa si Kenneth. Pasalamat niya dahil walang pakialam ang bata sa kanyang pinagsasabi dahil abala ito sa paglalaro habang nasa kandungan ni Kenneth. "Hoy! Kenneth, ang baboy mo talag!" Pasimple ko itong kinurot sa may tagiliran dahil nag-open ito ng bastos na topic. "Hindi ka na nahiya, nakakandong pa ang bata sayo. Ang sarap talaga supalpalayan yang bunganga mo e." "Nagbibiro lang naman e. Saka wala naman siya pakialam oh, tignan mo." Tinuro niya pa si Cleo na wala ngang pakialam dahil naglalaro ito. "Ewan ko sa'yo, nakakairita ka." Bago binaybay ang daan pabalik sa kusina ay naglaan pa ako ng segundo para sabunutan si Kenneth dahil nanggigil ako ng sobra. Kagaya ng mga nakaraang araw na bumibisita rito si Kenneth, naging playmate siya ni Cleo. Habang ako ay kinukuha ang pagkakataon na iyon para gawin ang mga gawaing bahay. Kahit papaano, nagpapasalamat ako dahil kung hindi dahil kay Kenneth, wala akong kalayaan na magsikilos sa mga gawaing bahay. "Anong meron? May nasunugan ba?" Kagigising ko lamang nang bumungad sa akin si Kenneth na may dala-dalang basket ng damit. Tulog pa din si Cleo na napagod sa pakikipaglaro kay Kenneth kanina. "Wala.." "E bakit may sandamakmak na basket ng damit at maleta dito? May bisita ka ba at dito mo papatuluyin?" Nagtatakang tanong ko kay Kenneth na abalang inaayos ang mga maleta sa sala. "Wala akong bisita, dinala ko lang ang mga gamit ko dito dahil mula ngayong araw, dito na 'ko titira." Sagot ni Kenneth. "Ano?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD