ALONA'S POV
"Aalis ka o sisipain kita?"
Para akong tigreng galit na galit habang nakapameywang na nakaharap kay Kenneth na naroon sa sofa, nakadekwatrong nakaupo matapos ayusin ang kanyang mga maleta sa gilid.
"O." Pilyong sagot nito kaya lalong umusok ang ilong ko sa galit. Tuwang-tuwa naman siya sa itsura ko kaysa matakot sa akin. Palibhasa gustong-gusto niya na inaasar ako noon pa man.
"Anak ng....tumayo ka nga dyan at iuwi mo 'yang mga gamit mo." Singhal ko rito, humakbang ako palapit sa pwesto ni Kenneth. Taas-kilay ko itong tinitigan na sinamahan ko ng pagkrus ng braso sa dibdib ko.
"Bingi ka ba? Dito na nga 'ko titira para incase hanapin ako ni Cleo ay hindi ko na kailangan byumahe pa ng malayo. Tsaka, ayaw mo ba na nandito ako?"
"At nagtanong ka pa talaga. Psh!" Pagsusungit ko.
"Aguy! Hindi naman ako magpapasaway dito e. Titira ako dito para matulungan kita sa pag-aalaga dyan kay Cleo." Depensa niya saka ngumiti pa ng ngiting-aso.
Inirapan ko siya at hindi ko magawang matuwa sa mga pinagsasabi nito. Mas lalo lang ako naiinis kapag ganoon na naririnig ko ang mga sinasabi ni Kenneth.
"Hoy, Kenneth, tigilan mo nga 'ko sa bait-baitan mo na 'yan. Tsaka, matutulungan mo pa rin naman ako kahit hindi ka tumira dito 'no."
"Sus! Kunwari pa 'to. Dati naman gustong-gusto mo na nasa iisang bubong tayo e. Ayaw mo pa nga 'kong pauwiin non. Gusto mo laging nakayakap sa'kin tapos inamoy-amoy mo 'tong pabango ko." Pagbabalik tanaw ni Kenneth sa mga nakagawian namin noon.
Imbes na kiligin ako ay gumuhit ng pandidiri sa mukha ko. Umakto pa akong nasusuka upang ipahiwatig sa kanya na hindi iyon nakakakilig kundi nakakasuka.
"Yuck!" Agresibong singhal ko. "'Yon na yata ang isa sa mga pinakanakakadiring ginawa ko sa buhay ko. Ackkk!"
"Hoy! Grabe ka naman. Parang 'di ka nagsabi ng isagad mo non ah." Pilyong pang-aasar ni Kenneth saka niya ito sinundan ng tawa.
"Yuckkkkk!" Napatakip ako ng teinga at napapikit. "Kahit kailan talaga, ang baboy mo!"
"Bakit, hindi totoo? Ha?" Pang-aasar pa lalo ni Kenneth at sinilip ang mukha ko nang makalapit siya sa harap ko.
Pak!
"Aray! Ba't nanghahampas ka?" Reklamo ni Kenneth nang maramdaman na kumirot ang braso niya sa hindi niya inaasahan na hampas mula akin. Hinimas-himas niya ito sa pagbabakasakaling mabawasan ang kirot non.
"Lumayo ka nga sa'kin baka tuluyan ko ng putulin 'yang hininga mo." Itinulak ko pa siya ng bahagya. "Pwede ba, kung ano man ang madilim mong balak na kasing itim ng budhi mo, tigilan mo na. Kasi kahit na anong gawin mo, hindi ako makakapayag na magtagumpay ka."
"Ops! Correction, alam mong hindi 'to maitim." Gumalaw pa pataas-baba ang kilay ni Kenneth.
"Talagang...." Aambangan ko sana ulit siya ng hampas pero mabilis itong umilag. Kinuha ni Kenneth ang unan sa may sofa at ginamit iyon panangga sa binabalak kong gawin sa kanya.
"Pwede bang chill ka lang? Wala naman masama kung titira ako dito e. Dapat pa nga na matuwa ka kasi imbes na kumuha ka ng tao na magbabantay kay Cleo kapag ganon na papasok ka sa trabaho, pwedeng ako na lang. Huwag kang mag-aalala, hindi naman ako hihingi ng sahod sa'yo e."
"Wala akong tiwala sa'yo, Kenneth." Prangka ko ng walang kahirap-hirap. "Ikaw, mag-aalaga ng bata? Psh! Kalokohan."
"Kaya ko, gusto mo alagaan pa kita e." Kumindat pa ito at pilyong ngumiti.
Inirapan ko siya at nandiri sa sinabi nito. "Alam mo bang pwede kitang ireklamo sa pangtetrespassing mo, ha?"
"Trespassing, pinapasok?" Depensa ni Kenneth saka ito tumawa.
Napahiya ako ng one second. Argh!
"Ah basta, hindi pwede 'to. Kailangang malaman 'to ni Attorney. Wala 'to sa usapan natin."
"Reklamo well." Pang-aasar pa ni Kenneth.
"Talaga! Gagawin ko lahat para magkaviolation ka at tuluyan mo na ngang hindi makita si Cleo." Pananakot ko pero mukhang wala 'yon epekto kay Kenneth.
"Sus! Samahan pa kita."
"Che!" Nilayasan ko na ito at padabog na bumalik sa kwarto bago pa ko tuluyang maubusan ng pasensya kay Kenneth at kung ano pa ang magawa ko.
-
"Wala akong maalala na may pinag-usapan tayo na pwede siyang tumira sa poder ko habang nasa akin si Cleo, Attorney." Reklamo ko nang makarating ako sa opisina ng abogado. Hindi na ko nag-aksaya ng oras para puntahan ito para ireklamo si Kenneth.
"Alona, concern lang si Kenneth kay Cleo lalo na kapag umaalis ka daw papunta ng trabaho mo. You must be thankful dahil nag-initiate siyang gawin 'yon." Sagot ni Attorney.
"Thanks, but no thanks, Attorney. Hindi kami magkasundo ni Kenneth, alam niyo 'yan. Hindi ba't mas malaking gulo kapag tumira pa siya sa bahay ko?"
Napatango-tango si Attorney. "Magandang ideya rin naman kapag titira siya sa'yo nang sa ganon ay magkaroon kayo ng closure. Malay natin magkasundo kayo, what do you think?"
"Attorney, ayokong makasundo ang kutong-lupa na 'yon. Pumayag naman na 'ko sa gusto niyang dalawin niya si Cleo kahit na anong araw at oras niya gusto. Pero 'yong tumira siya sa bahay ko, Attorney, ibang usapan na 'yon." Depensa ko.
Naiintindihan kong gusto ni Attorney na magkaayos kaming dalawa ni Kenneth pero hindi sa ganoong sitwasyon at pagkakataon. Hangga't nararamdaman ko pa rin ang sakit na ipinaramdam ni Kenneth noon ay hindi ko ito mapapatawad. Maayos na ang buhay ko, ayaw kong sirain ulit 'yon ni Kenneth.
"I'm sorry, Alona, pero sa nakikita ko, mukhang magandang ideya naman ang gustong mangyari ni Kenneth. He was just concern to Cleo. Besides, may karapatan din kasi siya sa bata. Siguro, mas mabuti na kayo ang mag-usap tungkol sa bagay na 'yan."
Malalim na buntong-hininga ang binitawan ko matapos ang usapan namin 'yon ni Attorney. Lahat ng sinabi nito ay may katwiran. Wala akong karapatang magreklamo dahil kahit saang anggulo ko tignan ay tama ang gustong mangyari ni Kenneth.
-
"Oh, anong sabi ni Attorney? Tagumpay ba ang pagrereklamo mo?"
Pagbukas ko pa lamang ng pintuan ay bumungad na kaagad ang boses ni Kenneth. Naroon siya sa playmat, kalaro si Cleo. Nagkalat sa playmat ang sandamakmak na laruan ni Cleo na binili ni Kenneth kahapon.
"Che! Huwag mo nga 'kong kausapin diyan at baka maihampas ko sa'yo 'tong bag ko."
Diretso ang lakad ko papasok ng kwarto upang magpalit ng damit. Mainit pa rin ang ulo ko at masakit na rin dala ng init sa byahe. Ayaw kong makipagbangayan kay Kenneth hangga't maaari dahil ayaw kong maubusan ng lakas.
"Anak ng.... KENNETHHHHH!"
Nagmamartsa akong lumabas ng kwarto nang nag-uusok ang ilong ko sa galit. Handang-handa na rin na sumuntok ang kamao ko na nakayukom. Kahit kailan ay talagang inaasar ako ni Kenneth.
"Ano ba't nagsisisigaw ka dyan? Nagulat tuloy ang bata sa'yo." Salubong ni Kenneth sa akin paglabas ko ng kwarto.
"Sino maysabi sa'yong ilagay mo don sa cabinet ko 'yong mga damit mo, ha?" Singhal ko at muntik ko na siyang bigwasan pero umilag siya.
"Ako?"
"Argh! Nilagay mo ang damit mo don tapos 'yong akin, tinanggal mo? Anak ka talaga ng tokwa. San mo nilagay 'yong mga damit ko?"
"Damit mo pala 'yon, akala ko basura." Humagalpak pa ng tawa si Kenneth.
"Argh! Bwisit ka talaga!" Bago ko ito nilayasan ay hinampas ko ng walang kahirap-hirap ang braso ni Kenneth dahilan para mapamura ito sa kirot.
-
"Sorry na, aayusin ko naman 'yon bukas e. Inaantay ko lang 'yong bagong cabinet na binili ko para sa'yo. Nakita ko kasi, luma na 'yong lagayan mo ng damit e kaya don ko na nilagay 'yong akin tas 'yong damit mo, ilalagay natin sa bagong cabinet. Huwag ka ng magalit." Pagpapaliwanag ni Kenneth habang nasa hapag-kainan kami.
Abala ako na pinapakain si Cleo. Isang oras ng hindi ko iniimik si Kenneth dahil sa inis. Nilagay lahat ni Kenneth ang damit ko sa isang karton at hirap na hirap akong hanapin ang mga damit ko pangtrabaho dahil nagkahalo-halo na lahat.
Wala pang bente kwatro oras na nakatira si Kenneth sa bahay ko ay stress na stress na ko paano pa kaya kapag nagtagal ito.
"Huwag mo 'kong kausapin at baka maisaksak ko dyan sa lalamunan mo 'tong hawak kong tinidor." Gigil na gigil na usal ko.
"Sorry na nga e."
Tinapunan ko siya ng tingin. "Hindi ko kailangan ng bagong cabinet, kung gusto mo, isaksak mo sa baga mo 'yong binili mo. Alam mo kung ano ang gusto ko? Katahimikan. Mundo na wala ka. Wala 'yong anino mo. Wala 'yong tinig ng boses mo. Wala 'yong presensya mo."
"Init na init ang ulo mo sa'kin ah. Gusto lang naman kita tulungan."
"Talaga? Tulong ba ang tawag sa pang-aasar mo palagi sa'kin? Psh! Mas madami pa 'yong stress na nabigay mo sa'kin kaysa tulong."
"Babawi ako. Ito naman, galit na galit. Chill ka nga." Pagpapakalma ni Kenneth sa akin. "Huwag kang mag-alala, makikihati naman ako sa lahat ng gagastusin dito. Mapakuryente man 'yan o tubig. Maggogrocery din ako, gagawa ng gawaing-bahay. Maglalaba, magluluto, maglilinis, lahat na. Kung gusto mo, gumawa ka ng rules dito para naman hindi mo sabihin na lugi ka."
Niceone! Tingg! Bright idea.
Bigla akong nagkaroon ng ideya kung paano ko mapapalayas si Kenneth. Papahirapan ko ito, ipaparanas ko kung gaano kahirap manirahan sa bahay ko nang sa ganoon ay tumakbo ito pabalik sa kanilang bahay.
"Gusto mo talagang manirahan dito? Sigurado ka?"
"Oo, bakit?"
"Sige, pero sa isang kundisyon.."
"Ano?"