Chapter 8

2106 Words
"I don't think that's a good idea, Kenneth." Mababasa sa mukha ni Rhaiven ang takot at pag-aalala matapos kong ipaalam sa kanya ang plano ko. Napahinto ako sa pagsasaayos sa maletang dadalhin ko sa bahay ni Mahana. Nakapagdecide na ako na doon tumira para mabilis ko silang mapaamo ni Cleo. Wala naman akong nakikitang ibang paraan kundi ang mapalapit sa kanilang dalawa. Mas mapapadali kong makuha ang lahat kapag hawak ko sila. "Pre, nagiging praktikal lang ako." Sagot ko. Napakunot-noo siya. Naroon siya sa upuan malapit sa study table ko. "Anong praktikal? Saan ang praktikal doon, Kenneth? You're going to used them para lang sa kagustuhan mo. At hindi ka ba natatakot na baka mas lalong magalit si Alona sa'yo?" Naupo ako sa dulo ng kama at hinarap siya. "This is for Cleo's and the company's future. Walang iba na makakapag patakbo ng maayos sa negosyo na 'yon kundi ako lang." Napailing-iling siya. "Kenneth, just think the consequences you'll going to face incase mabuking ka nila lalong-lalo na si Alona. Ni hindi ka pa nga niya napapatawad sa naunang kasalanan mo sa kanya, dadagdagan mo pa?" "Maiintindihan naman siguro niya 'ko." "The f**k? At umaasa ka talaga? Damn, Kenneth, magstick ka nalang sa deal natin, hayaan mo na 'yong negosyo na 'yon." Suhestiyon ni Rhaiven at ramdam na ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala. "I know you're just concern to me, Rhai, pero hindi ako makakapayag na tumunganga lang at walang gawin habang si Brix, ginagawa na ang lahat para sa kanya mapunta 'yong kompanya na pinaghirapan namin ni Benj. Alam mo na isa ako sa mga naging dahilan kung bakit lumago 'yon. Kaya hindi ako makakapayag na kay Brix 'yon mapunta." Napahilot sa sentido si Rhaiven dala ng stress sa pagmamatigas ko. "Ken, Brix is Benj half-brother kaya natural sa kanya 'yon mapupunta. And if your thinking na porket isa ka sa mga tumulong kay Benj sa negosyo na 'yon ay aayon na lahat sa'yo. Ken, may pamilya pa rin na naiwan si Benj, they have the right to manage that company alone." "Pucha! Wala nga silang naging ambag e. Benj live alone knowing na anak siya sa labas ng tatay niya. Hindi ka ba nagtataka bakit sa amin pa ni Alona niya ipinagkatiwala si Cleo at hindi sa kanila? Rhai, because he know his family wouldn't take the responsibility. Pag-aalaga nga kay Cleo hindi nila magawa, 'yong kompanya pa kaya? And who knows baka sila pa ang nasa likod ng pagkamatay nila ni Krissha." “Ken, that's too far. Hindi ibang tao ang pinagbibintangan mo, they are Benj's family.” Pagsuway ni Rhai sa akin nang nakaduro ang daliri nito sa akin. “What? Totoo naman, ah. Swapang ang mag-ina na ‘yon, Rhai. They never treated Benj as their family, they treated him as their enemy just because of money. Sila ang dahilan kung bakit mas pinili ni Benj maging mag-isa kaysa makisama sa ikalawang pamilya ng ama niya. Tatay nga ni Benj nakuha nila, what for ‘yong kompanya na ‘yon na hindi naman sa kanila.” I still remember how broken Benj everytime na minamaltrato siya ng bagong asawa ng kanyang tatay. Nagiging mabait lang sila sa kanya kapag naroon ang Papa niya. Hindi lang pamilya ni Benj ang inagaw nila, pati na rin ang mga posibleng ipamana sa kanya ni Tito. Naging mapusok ang mag-ina lalo na noong namatay na ang Papa ni Benj. “Baka nga sila pa ang pumatay sa tatay ni Benj.” “Kenneth, stop!” Rhaiven raised his voice to me. Natahimik ako dahil nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko pala dapat sinabi iyon,I’m being too harsh. Napabuntong-hininga ng malalim si Rhaiven saka ito tumitig sa akin. "Hindi na ba talaga kita mapipigilan?" Nanatili akong tahimik habang nakatitig sa ibang direksyon. Matagal kong pinag-isipan ito kaya desidido ako. I have the right sa company na 'yon. Ayokong masayang lahat ng effort ko para lang lumago 'yon. Magalit man sa akin si Benj at multihin ako, wala na akong pakialam. "I'm sorry, Rhai, but I really need to do this." Pagkatapos ng sagutan namin na 'yon ni Rhaiven ay nagpaalam na itong umalis dahil may meeting siyang dadaluhan. Ilang beses niya pa akong sinubukan na kumbinsihin pero sa huli ay talo siya. Hindi na niya ako mapipigilan pa dahil buo na ang desisyon ko. Habang nagmamaneho ako, sunod-sunod ang tawag na natatanggap ko mula kina Luis at Chris. Malamang ay nabalitaan na nila kay Rhaiven iyong plano ko. At inaasahan ko nang pipigilan nila ako dahil katulad ni Rhaiven ay hindi sila sang-ayon sa gusto kong mangyari. Todo suway sila sa akin na kesyo mapapahamak daw ako sa gagawin ko, na baka mas lalong hindi ako mapatawad ni Alona. Alam ko naman una pa lang na magagalit si Alona sa gagawin kong ito pero mas lalong magagalit ako sa sarili ko kapag wala akong gagawin. “We already settled that matter with Alona, Kenneth. Ano pa bang problema? Alam mo naman na nakiusap na siya sa akin na hangga't maaari ay huwag kayong titira sa iisang bubong. I know you're just concern to Cleo, but, please, let's just respect what Alona's asked to do.” Pakiusap ni Attorney sa akin. “Attorney, nagiging unfair si Alona sa akin pagdating kay Cleo. She just allowed me to visit Cleo whenever she want, isn't that unfair to me? Okay, I know we already have an agreement but hindi naman pwedeng siya lang ang mapagbigyan sa co-parenting na ‘to. Hindi naman pwedeng ako nalang palagi ang nag-aadjust, she need to do the same also. And I have also the right for that kid.” Pakikipagtalo ko. Nakapag-praktis na ako ng mga sasabihin ko kaya alam kong hindi ako mahihirapan. “Hindi kaya mas makakasama sa bata na tumira ka sa iisang bubong na kasama sila, Kenneth? You and Alona are not in good terms, makakasama sa bata kapag makikita niya kayong nag-aaway.” “Attorney, kaya nga ako titira do’n para maayos namin ni Alona ang problema namin sa isa’t isa. Mas mapapadali sa akin lahat if nandoon ako sa bahay niya. Hassle din kasi ang byahe papunta sa bahay ng babaeng ‘yon. And don’t worry, I will not cause any trouble that can traumatize to Cleo. I promise. Just let me live in one house with them.” Konti na lang ay mauubos na ang pasensya ko. Wala sa mukha ni Attorney ang bahid na mapapapayag ko siya. Tangina. Napakamot si Attorney sa kanyang sentido saka ito tumingin ng diretso sa akin. “Kenneth, alam ko kung saan ka nanggagaling. I know you’re concern to Cleo but don’t forget that she’s just five years old. Hindi kaya maiipit lang siya sa gulo niyo ni Alona? Look, papayagan naman kita e pero hindi ngayon…” “What?” Naiinis na singhal ko rito. Tatlong segundo kong nakalimutan na abogado itong nasa harapan ko dala ng inis. “Mas makakampante ako sa kalagayan ni Cleo sa poder niyo ni Alona kung aayusin niyo muna ng gulo niyo. If you settle everything with Alona then no need to ask me for you to stay in her house, just simple as that, Kenneth. But, for the meantime, I’m sorry, hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo.” Maawtoridad na tugon ni Attorney na lalong nagpakulo ng dugo ko sa inis. Akala ko pa naman ay malakas ako sa kanya.Tsk. “-and I want Cleo to live a normal life. Ayokong mawalan siya ng kasiyahan at kalayaan after what happened to her parents.” pagpapatuloy niya. “At ayaw mo rin sigurong mawalan ng kliyente, Attorney, hmm?” Nakangising usal ko. Ginamit ko na ang pagiging bossy ko. Tangina! Sagad na sagad na ‘ko sa inis. Nawala ang ngiti sa labi niya. Bahagya siyang naubo dala siguro ng kaba at napaiwas ng tingin sa akin. Alam niyang ako ang isa sa mga bigatin niyang kliyente kasama na rin ang mga kaibigan ko. Ramdam ko ang takot niyang nang magtama ang tingin namin. Gotchaa! “Baka nakakalimutan mo kung sino ako, Attorney.” Makahulugan kong sambit. Nakita ko kung paano siya mapalunok sa kaba at takot. Kung alam ko lang na sa ganito lang pala siya bibigay ay sana hindi ako nag-aksaya ng laway kanina para lang makipagsagutan sa kanya. Napabuntong-hininga ako saka mahinang tinapik ang lamesa niya dahilan para magulat siya pagkatapos ay mayabang akong tumayo sa harapan niya. Sinundan naman niya ako ng tingin. Nandon pa rin ang kaba sa mga mata niya. “Next time, huwag mong kakalimutan kung sino ako, okay?” Napatango-tango siya sa aligagang paraan. “If ever na magreklamo si Alona, do everything to stop her. Don’t let her know about this.” Nilayasan ko na siya dahil mamatay na siya sa takot dahil pangsisindak ko. Ngiting tagumpay akong lumabas ng kanyang opisina. - “Kung takutin mo si Attorney akala mo naman ang dami mo nang pinahandle sa kanyang issue ng kompanya mo. Tss.” Napailing-iling si Chris habang nasa sofa siya ng condo ko. Narito ang lahat upang isagawa ang oplan pigilan ako sa plano ko. Muntik ko pa silang palayasin sa condo ko pero hindi ‘yon ginawa dahil kinakailangan ko ng kausap ngayon. Bahagya kong hinampas si Chris sa hawak kong unan. “Tsk! Baliktarin man niya ang mundo, ako pa rin ang masusunod. Baka nakakalimutan niyang ako ang dahilan kung bakit nagpapakalunod siya sa pera ngayon.” “Langya! Nakakatakot humingi ng tulong sa’yo, may panunumbat sa huli.” Tugon ni Chris na naging dahilan para humalapak kami sa tawa. “Well, hindi na ‘ko magtataka kung bakit uhaw na uhaw kang makuha ‘yong kompanya ni Benj. Sumalangit nawa ang kaluluwa mo, Benj.” Nagsign of the cross pa si Luis sa takot na mamulto ito. Duwag pa naman siya pero hindi takot mangghost ng babae noon. “Tuloy ka pa rin ba sa plano mo?” Sinuklay ko ang buhok ko ang medyo basa ko pang buhok dahil katatapos ko lang maligo gamit ang daliri ko. “Walang atrasan ‘to. Sinimulan ko na e, sayang naman kung ‘di ko tatapusin.” “Kung ‘yon ay magtatagumpay ka. Sinabi ko na sa’yo na magstick ka nalang sa deal natin kaso matigas ang ulo mo e.” Rhaiven commented. Nasa bar counter siya ng condo ko, lumalaklak ng alak. “Bakit, ano ng balita do’n?” Pagtutukoy ko sa kompanya ni Benj. “Ayon, kagaya ng inaasahan mo, nagpapaepal na do’n si Brix. Grabe ang effort niya, dapat lang talaga na kabahan ka.” Bahagya pang tumawa si Rhaiven nang nakakaasar kaya napasinghal ako. Rhaiven is one of the Alliance Management Team sa kompanya ni Benj kaya hindi nakapagtataka na may alam siya sa mga nangyayari doon. “Tsk! Bwisit na Brix ‘yon.” Napailing-iling ako sa inis. “E, paano pala ang ownership ng kompanya? Kanino daw ibibigay ‘yon? Kay Brix ba o sa Mama niya?” “As of now, wala pa. The board of committee is having a hard time selecting who will be appointed as the new CEO of the company. They have yet to find someone they consider suitable for the position.” Nabuhayan ako pagkarinig sa sinabi ni Rhaiven. “Oh, ba’t pa sila lalayo, e nandito naman ako? Rhaiven, do your part as my best friend, irecommend mo ‘ko sa kanila. I’m sure naman kilala nila ako.” Nakaduro pa ‘ko sa sarili ko. “It's not as easy as you might think. Besides, I'm just their business partner—I don't have the authority to interfere in their internal issues.” Saka ito lumalaklak sa hawak niyang bote ng alak. Natahimik ako dahil may katwiran naman siya.Ngayon pa lang ay nakakaramdam na ‘ko ng trigger ng malaki ang chance na hindi ko ‘yon makuha. f**k! Napatingin ulit ako kay Rhaiven nang muli itong nagsalita. "If you ask me, Brix still has the highest chance of getting the position. We both know what he's capable of, and I’m sure he’ll do whatever it takes. So if I were you, Kenneth, I’d drop whatever plan you’re thinking of. Just stick to our deal—it’s the safest option for you. And don’t forget, I only gave you one month for that deal." Shit! Bakit ba muntik ko nang makalimutan na may deal pala kami and one month ang duration no’n? “No! Walang atrasan ‘to, itutuloy ko. Hindi ako matatahimik kung kay Brix ‘yon mapupunta. If he wants to play, then I’ll give him a game he won’t forget.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD