Alona's POV
"Sasalang ka ba sa board exam at nagkalat ang pa seepel sa dingding ng bahay?"
Paglabas ni Kenneth mula sa kwarto ay napansin na niya 'yong mga sandamakmak na papel na nagkalat sa dingding na idinikit ko. Habang abala kanina siya na pinapatulog si Cleo, kinuha ko naman ang pagkakatao na 'yon para simulan ang plano ko. Tignan natin kung hindi pa kumaripas ng takbo pauwi ng bahay nila ang mokong na 'to.
"Obviously, hindi." Nakakrus na usal ko. "Marunong ka naman sigurong magbasa, 'no? Nakapag-aral ka naman siguro kaya wala kang rason para hindi maintindihan ang mga nilagay ko diyan."
Pinanood ko siya habang isa-isang binabasa ang mga dinikit kong papel sa dingding. Pinag-isipan ko talaga ng mabuti ang mga pinaglalagay ko nang sa ganoon ay magtagumpay ako sa plano kong palayasin siya. Hindi ako makakapayag na magtagal ang mokong na 'to sa bahay ko.
"Ano 'to?" Tanong niya habang nakaduro sa mga dinikit kong papel sa dingding.
"'Yan ang gusto mo, 'di ba? RULES!" Pagdidiin ko pa sa sinabi ko.
Nagpatuloy siya sa pagsusuri sa mga papel na nasa dingding. Maya't maya ay naririnig ko ang mahina niyang pagmumura matapos mabasa ang isinulat ko.
"Ano 'to? Bawal gamitin ang banyo unless kung maliligo?"
"Yap." Napatango-tango ako.
"E paano kapag naihi ako?"
"Edi, saka ka lang iihi kapag maliligo ka. Ops! May schedule tayo sa paggamit ng banyo ah." Paalala ko at idinuro ang pintuan ng banyo kung saan may nakadikit roon na papel na naglalaman ng schedule namin sa paggamit ng banyo.
"MWF lang ako gagamit ng banyo? Paano ako iihi at maliligo? Paano kapag natae ako ng hindi lunes o miyerkules?" Reklamo niya, pinigilan kong matawa dahil baka singhalan niya ako.
"Edi, pigilan mo, mag-antay ka ng schedule mo." Sagot ko.
"Pambihira. Mas malala ka pa kay satanas."
Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Nakita ko na lang na salubong ang dalawa niyang kilay at nakaawang ang kanyang labi.
"Ayaw mo, malawak ang pinto, kasya ka paalis." Dinuro ko pa ng bahagya ang pintuan.
"Tsk! Alona naman, magkakasakit naman ako sa bato nyan e. Tutubulin pa ako." Reklamo niya pa. Tawang-tawa ako sa itsura niya pero pinigilan ko.
Deserve!
"Alangan na ako pa ang mag-adjust ngayon." Pinataasan ko siya ng kulay. Talagang pinakita ko ang pagiging angry birds ko.
"Alangan din naman tae at pwet ko ang mag-adjust dyan."
"Hindi libre ang tubig dito, binabayaran bawat patak non. Nakakaligo nga 'ko ng isang blade lang ang gamit e. At kinakailangang magtipid."
Nakita ko kung paano siya mapabuntong-hininga ng malalim. Napahilot pa siya ng bahagya sa kanyang batok dala ng stress. Kilala ko ang tao na 'to, masyadong maarte sa katawan. Limang beses nga 'to maligo ng isang araw e. At mukhang magandang ideya na pagbawalan ko siyang magkonsumo ng maraming tubig para mapalayas ko siya kaagad.
"Anak ng tokwa naman. Mas malala pa sa diablo e."
"Ops! Rules is rules." Pagbabanta ko. "Nandon oh, nakalagay." Dinuro ko ang isang papel na naroon sa dingding malapit sa wall clock. Napatingin naman siya ron at napamura na lang sa kawalan.
Napakamot na lamang siya sa kanyang batok at binasa ulit ang iba pang nakadikit sa dingding. Mukhang effective 'tong naisip ko. Naaamoy kong hindi siya aabot ng isang linggo dito sa bahay ko. Yes!
"Bawal higaan ang sofa? E saan ako matutulog?" Agresibo niya akong hinarap kaya napatigil ako sa pag-aayos ng mga laruan ni Cleo.
"Edi dito, malawak naman oh." Pagtutukoy ko sa playmate na nakalapag pa rin sa sahig.
"Anak ng...bakit dito pa? Kasya naman tayo sa kama don sa kwarto ah." Pagrereklamo niya.
Napailing-iling ako."Pangdalawang tao lang 'yon, masikip don. Katawan mo pa nga lang, wala bg space e. Paano natin ipagkakasya 'yang katawan mong kasing laki ng pinto?" Napakagat labi ako at pinigilang matawa dahil sa naging itsura niya sa sinabi ko.
Nagulat siya sa sinabi ko."Hoy!" Dinuro niya ako. "Pinto ka dyan, ang payat ko na nga e."
"Whatever." Nagrolled eyes pa ako. "At kilala din kita kung paano matulog, daig mo pa ang bulate na nababad sa asin sa sobrang likot, 'no. Baka masipa mo pa kami ni Cleo."
Isa rin 'yon sa mga dahilan kung bakit hindi ako makakapayag na sa iisang kama kami matulog. Mas malikot pa sa parasite ang kumag na 'to. Sarap sipain sa pwet. Paano ko nasabi? Kasi..nevermind!
"Ikaw nga nakabukaka kung matulog e, nagreklamo ba 'ko?" Depensa naman niya.
Boom! Biglang bumalik sa akin 'yong pang-aasar ko. Nyeta! Huling-huli niya ang inis ko. Sarap niyang sipain sa mukha pero nagpatay-malisya ako. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay kaya natigilan siya sa pagtawa.
"Oh! Ba't ka napipikon? Napikon ba 'ko sa sinabi mo, ha?"
"Mama mo."
Bago ako nagwalkout ay hinampas ko muna siya ng malakas sa braso niya. Gusto ko lang maghiganti sa pangbwibwisit niyang 'yon sa akin kahit ang totoo ay ako ang nauna. Ah, basta, hindi siya nakakatuwa.
"Parang nagbibiro lang e."
"Che! Papyestahan ka sana ng maraming lamok mamaya."
Nagtungo na 'ko sa kusina para hugasan 'yong mga pinagkainan namin. Nakasunod pa rin ang kumag sa akin na parang aso. Bigla yata siyang kinain ng konsensya niya. Yuck! Kabisadong-kabisado niya talaga ako. Nakakainis.
"Ako na maghuhugas, maghanda ka nalang para makapasok ka na sa trabaho mo." Prisinta niya nang makita na sinisimulan ko na ang pag-uurong.
At biglang bumait ang kumag. Psh! Imbes yata na matuwa ako ay mas lalo lang ako nakaramdam ng inis.
"Hindi na at baka gamitin mo na naman 'yong dalawang balde ng tubig sa iilang piraso lang ng hugasin."
Nakita ko siya kahapon, siya ang nagprisintang maghugas at talagang kuhang-kuha niya ang inis ko nang mapansin na halos dalawang balde ng tubig ang nagamit niya.
"Nag-iingat lang ako sa kalusugan niyo ni Cleo. Syempre at baka may matirang sebo don sa mga kubyertos." Paliwanag ni Kenneth at kumulo ang dugo ko sa naging rason niya.
Taas-kilay ko siyang hinarap habang hawak-hawak 'yong sponge sa kamay ko.
"Ikaw ang mukhang sebo! Hanep! Galing mo sumagot. Nakakairita! Gaano ba kalaki ang sebo na 'yan at talagang dalawang balde ng tubig pa ang gamit mo? Baka nakakalimutan mo na 'yong tubig dito, binabayaran."
Napakamot-kamot si Kenneth sa panenermon ko na 'yon. Hindi pa rin talaga nagbabago ang kumag na 'to. Gantong-ganto ang ugali niya non. Sarap niyang sabunutan.
"Di ako aware na palaging may simba sa bahay na 'to ah."
Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Ano ang sinasabi ng kutong-lupa na 'to?
"Anong simba? Pinagsasabi mo?" Iritableng usal ko.
"E paano ba naman kasi, palagi ka nalang nanenermon. Tinalo mo na ang pari sa simbahan kung manermon."
Umusok ang ilong ko sa galit sa sinabi niyang 'yon. Talagang sinasadya niyang inisin ako. Nakakairita ka talaga, Kenneth.
"Kung bayarin sa tubig ang inaalala mo, kalma na, ako na. Kumalma ka na, pwede? Baka magising si Cleo dyan sa pagbubunganga mo e."
Inambangan ko siya ng suntok pero ngumisi lang ang kumag at umilag. Piste siya, kasiyahan niya yatang asarin ako. Nakakastress siya!
"Alam mo, hindi ako sa sebo mamamatay kundi sa'yo. Psh." Dinuro ko pa siya ng bahagya pagkatapos ay padabog kong inabot sa kanya 'yong sponge na hawak ko. Napaubo pa siya ng bahagya dahil napalakas ang pagtama ng kamay ko sa tyan niya.
Deserve!
Pumasok na 'ko sa kwarto at baka mabugbog ko pa siya. Pagod na pagod na akong makipagbangayan sa kanya. Mabuti na lang mahimbing ang tulog ni Cleo kahit nagkakasagutan kami sa may sala at kusina kanina. Hindi ko na yata kaya 'to, mamamatay yata ako ng maaga dahil sa Kenneth na 'yon.
Hindi natuloy ang pag-alis ko dahil nag-iba bigla ang schedule namin. Kahit paano ay natuwa naman ako dahil sa wakas ay pang-umaga na 'ko at makakabawi ako ng tulog ngayong gabi. Morning person talaga ako talaga nahirapan akong mag-adjust sa trabaho. Matagal-tahal rin siguro nong nasanay na 'ko. Sobrang hina ko talaga sa puyatan kahit sobrang tagal ko na sa trabaho. Hindi pa rin talaga nakakapag-adjust ang katawan ko.
"Ahhhhh!!!!!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw na 'yon na nagmumula sa kusina. Alam kong si Kenneth 'yon dahil wala naman kaming ibang kasama sa bahay na 'to kundi ang kumag na 'yon. Maingat kong ibinaba ang ulo ni Cleo na nakasandal sa legs ko at patakbong lumabas ng kwarto upang tignan ang lagay ni Kenneth.
Ano kaya ang nangyari sa kumag na 'yon?
A/N: VOTE AND COMMENT