Kenneth’s POV
“She’s on her way, Attorney. Be ready. Just do everything to make her stop.” Ibinaba ko ang telepono ko at ibinalik sa bulsa ng pants ko. Nakatuon ang pansin ko kay Alona na abalang pumapara ng traysikel sa labas at tanaw na tanaw ko siya mula rito sa bintana ng kanyang bahay. Ngiting-aso ang pinakawalan ko dahil mukhang umaayon sa akin ang tadhana.
Noong mawala na si Alona sa paningin ko ay napatingin ako kay Cleo na abalang naglalaro sa may playmat. Ni wala siyang pakealam na lumayas ang kanyang magaling na Ninang. Ganyan nga, huwag kang magkapake sa babaeng ‘yon.
Linapitan ko siya upang subukan na lasunin ang utak niya. Kung hindi ko pa kaya sa Ninang, doon muna tayo sa inaanak. Mapipilitan siguro na makisama si Alona sa akin kapag alam niyang mas gusto ako o mas close si Cleo sa akin. Tama.
Pumantay ako ng upo sa kanya saka mahina na kinalabit siya. Tinapunan naman niya ako ng tingin. “Cleo, ‘di ba mas favorite mo si Ninong kaysa kay Ninang?”
Tatlong segundo muna siguro niya akong tinitigan bago ito sumagot. “Kailangan ko po bang pumili, Ninong? Parehas ko naman kayong favorite ni Ninang e.”
Napatikhim ako dahil halatang mautak rin ang batang ‘to. “Pero sino ang mas gusto mong kalaro, ‘di ba ako?”
Tumango siya. “Opo.”
“Edi ako nga ang mas favorite mo nyan hindi si Ninang mo.” Ngiting-aso ang pinakawalan ko. Alam kong iyon ang lamang ko kay Alona kaya for sure hindi ako mahihirapan kay Cleo.
“Hindi po, kayong dalawa po ang favorite ko.” Sagot niya saka ibalik sa paglalaro ang kanyang tingin. Nawala naman ang ngiti sa labi ko. s**t! Mukhang mapapalaban din ako sa batang ‘to ah.
“Ganto nalang, tutal hindi ka makapili, ako na lang, okay?” Pang-uuto ko pa rin baka sakaling bumenta.
“Pwede po ba ‘yon, Ninong?”
“Oo naman, ako na lang ang favorite mo, huwag na ‘yong dragon mong Ninang, okay? Kapag ako ang naging favorite mo, palagi kang bibilhan ni Ninong ng maraming toys, gusto mo ba ‘yon?”
Nakita ko kung paano gumuhit ang sigla sa mukha ni Cleo sa huling sinabi ko. Gotcha!
“Talaga po, Ninong, bibilhan niyo po ako ng maraming toys?”
“Oo, basta si Ninong ang mas favorite mo kaysa don sa Ninang mo, hmm? Kapag pinapili ka niya sa amin, ako ang piliin mo palagi, okay?”
“Okay po.”
“Good girl.” Ginulo ko ang buhok niya saka na ako nakipaglaro sa kanya para naman mas maging favorite niya pa ako lalo. Mukhang kuhang-kuha ko ang kahinaan ni Cleo. “Dito ka muna, ha, aayusin lang ni Ninong ang damit niya sa loob, okay?” Nakita ko na tumango na siya at naglaro ng kanyang doll na bigay ko.
Tumayo ako at nagtungo sa kwarto ni Alona. Hinanap ko kung saan pwedeng ilagay ang mga damit ko na dala ko at nakuha ng tingin ko ang drawer niyang sirang-sira na. Natatanggal na pati ang pintuan nito at sa basurahan na dapat ang kinalalagyan. May mga sticker na pambata na nakapinta sa paligid nito. May nakasulat pang palatandaan na pang-opisina, pambahay. Binuksan ko ito at nakita ang mga damit ni Alona na ayos na ayos ang pagkakalagay. Kung gaano kasira-sira ang drawer niya, ganoon naman kaayos ang pagkakalagay ng kanyang mga damit sa loob nito.
“Hindi ka pa rin nagbabago, Alona, maski sarili mo, pinagdadamutan mo pa rin.” Usal ko nalang dahil kilala ko siya, masyado siyang madamot sa kanyang sarili. Kaya niyang pagtiisan ang isang gamit kahit sirang-sira na dahil namamahalan siya ng pambili ng bago. Naalala ko na naman ‘yong mga kadamutan niya noon sa sarili niya. Kapag sa pamilya niya todo bigay siya pero kapag sa sarili na niya ay wala na, masyado siyang madamot.
“Butler, bumili ka nga ng wardrobe cabinet, ‘yong pinakamahal ah. Isend ko na lang sa’yo ‘yong address. Ipadeliver mo kaagad ah, thanks.”
Inalis ko lahat ng damit ni Alona roon sa drawer at ang mga damit ko ang nilagay ko. Isinalampak ko ang mga damit niya sa karton na naroon sa ilalim ng kama niya. Wala ng ayos-ayos dahil aayusin pa naman mamaya pagdating ng cabinet na pinabili ko. Sana masiyahan siya sa regalo ko sa kanya at sana bumait siya ng konti sa akin kahit mga point five percent lang.
At iyon ang inaakala ko, pag-uwi niya kasi ay doble pa sa porsyento ng galit niya sa inaasahan ko. Nabalitaan ko na hindi siya pinagbigyan ni Attorney kagaya ng hiniling ko. Kulang na lang ay isumpa niya ako at hilingin na mamatay na lang. Galit na galit siya, nagdadabog na animoy makakapatay na siya ng tao. Mas dumoble pa ang galit niya nang tuluyan na siyang makapasok ng kwarto at nakitang nakasalpak sa karton ang mga damit niya. Nakakabinging sermon tuloy ang naabot ko kahit sinabi ko sa kanya na papalitan ko ‘yong drawer niya. Akala ko pa naman ay babait na siya ng konti sa akin dahil kahit papaano ay gumagawa ako ng mabuti sa kanya. Pero, langya! Mukhang lumala tuloy ang anger issue niya sa akin.
Pilit niya akong pinagtatabuyan paalis ng bahay niya kesyo kaya ko naman daw siyang tulungan sa pagpapalaki kay Cleo kahit hindi ako tumira dito sa bahay niya. Ginawa ko naman lahat ng alam kong paraan para mapapayag siya. Kinumbinsi ko pa siya na makikihati ako sa mga gastusin sa tubig, kuryente o kahit pa man sa grocery pero wala pa rin.
Hanggang sa…
“Gusto mo talaga tumira dito? SIgurado ka?” Tanong niya dahilan para mabuhayan ako. ‘Yon, mukhang may pusong mamon pala siya e. Napangiti ako sa tanong niya.
"Oo, bakit?"
"Sige, pero sa isang kundisyon.."
Sino mag-aakala na papayag siya na tumira ako sa bahay niya? Akala ko tuloy ay hindi ko na siya mapapaamo kahit point five percent lang. Payag naman ako kahit may kondisyon pa para patirahin niya ako dito as long as fair ‘yon. Masosolusyunan pala ang problema naming iyon sa maayos na usapan e. Tengkyu lord!
“Sabi sa inyo e, kahit inaaway ako no’n, gusto niyang tumira ako dito sa bahay niya. Baka nga may feelings pa ‘yon sa’kin e,” usal ko habang kausap sa telepono ang mga kaibigan ko thru videocall. Napatulog ko na si Cleo at abala na lang ako na inaayos ang mga damit ni Alona dahil nakaramdam ako bigla ng guilt. Pambawi ko na rin ‘to sa pagpapapayag niya sa akin na tumira dito sa bahay niya.
“Ang kapal ng mukha mo, Kenneth, asang-asa ka naman na may gusto pa ‘yon sa’yo, e konti na lang sipain ka nyan palabas ng bahay niya e.” Komento ni Luis na naging dahilan para magsitawanan sila.
“Kaya nga, pumayag lang na patirahin ka diyan, feeling mo na agad may gusto pa sa’yo? Hindi ba pwedeng nabwibwisit lang sa’yo kaya no choice siya kaya pinagbigyan ka nalang?” Usisa naman ni Chris.
“Baka kamo kailangan ng kasambahay at saktong si Kenneth ang nahanap. Goodluck, pre, mukhang magkukuskos ka ng inidoro at maglalaba ka diyan ng pinagtaehan ng bata.” Tawang-tawa na tugon naman ni Rhaiven. Mangiyak-iyak pa siya sa pagtawa kaya minura ko siya’t pinakyuhan.
“Itigil niyo nga ‘yan at baka magkatotoo. Hindi naman siguro ganon ang kondisyon na ibibigay niya sa’kin.”
Muling nagsalita si Luis. “E paano kapag ganoon nga, ano, tutuloy ka ba?”
“Gagawin ko lahat ng kondisyon niya basta alam kong patas.” Sagot ko.
“E paano kapag nga hindi, ano tuloy ka pa rin ba sa plano mo? Alam mo, kung ako sa’yo, lalayas na ‘ko dyan. Tangina! Business owner ka tapos pagkukuskusin ka lang ng babaeng ‘yan ng inidoro sa bahay niya? Psh! Ken, kompanya lang ‘yon, mas malago pa don ang negosyo mo.” Advice ni Rhaiven.
Napailing-iling ako. “You how important that company to me, pre. Kaya gagawin ko lahat para makuha ‘yon.”
“Kompanya ba talaga ang gusto mong makuha o si Alona?” Pabirong tanong ni Luis dahilan para tuksuhin ako ng dalawa.
Masama ko siyang tinitigan. “f**k you, Luwi!”
Nagtawanan sila sa naging reaksyon ko. Tangina! Hindi ko alam kung bakit pa ako humingi ng advice sa mga ito kung sa aming apat ay ako lamang ‘tong matino kausap. Tsk!
“Bueno, balitaan mo na lang kami kung alin sa dalawa ang makukuha mo, ha? Bye!” Bago pa sila makapagpaalam lahat sa akin ay inunahan ko na silang patayn ng tawag. Langya! Wala manlang ako natanggap na magandang advice o kahit word of motivation manlang.
Dinasalan ko na lahat ng santo na sana huwag magkatotoo ang mga sabi-sabi ng mga kaibigan ko ukol sa kondisyon na ibibigay ni Alona sa akin. Nagstay positive na lang ako kahit sa loob ko ay kinakabahan ako ng sobra. Pero naniniwala ako na kahit papaano ay may mabuting puso si Alona.
At iyon ang inaakala ko sa lahat dahil mukhang nananaginip ako ng masama kahit pa man gising na gising ang diwa ko.
“‘Diba ‘yan ang gusto mo, rules?”
Letcheng rules ‘yan. Hindi ko alam kung rules pa bang matatawag ang mga pinaglalagay niya sa papel na nakadikit sa dingding ng bahay o parusa. Ang daming bawal! Konti na lang ay pati ang paghinga ay bawal na din. Nagsisisi tuloy ako na nasabi ko na kahit magset siya ng rules ay okay sa akin. Pisteng ‘yan. Ang ending tuloy ay nagsusuffer ako.
Sinubukan kong isalba ang sarili ko laban sa mga rules niya pero palagi siyang may sagot. Lahat ng concerns ko may dahilan siya, mukhang pinaghandaan niya ito para mapalayas niya ako. Argh! Mukhang ito na ang simula ng oplan-palayasin ako dito sa bahay niya. Parang mayroon na sa akin ang tumigil na lang pero hanggat sumasagi sa utak ko ang kompanya na nais kong mapunta sa akin ay nalalakasan ako ng loob.
"Ako na maghuhugas, maghanda ka nalang para makapasok ka na sa trabaho mo." Prisinta ko at sinimulan ko na ang pag-uurong. Kahit naman makipagbangayan ako sa kany maghapon ay hindi ko na mababago ang isip niya. Gusto ko na lang maghugas para makapag-isip isip ng matino.
"Hindi na at baka gamitin mo na naman 'yong dalawang balde ng tubig sa iilang piraso lang ng hugasin." Akma niyang aagawin ang ginagawa ko nang mabilis ko siyang pigilan.
"Nag-iingat lang ako sa kalusugan niyo ni Cleo. Syempre at baka may matirang sebo don sa mga kubyertos." Sagot ko.
Kasalanan na bang maging conservative ngayon? Concern lang namn ako sa kalusugan nila.
"Ikaw ang mukhang sebo! Hanep! Galing mo sumagot. Nakakairita! Gaano ba kalaki ang sebo na 'yan at talagang dalawang balde ng tubig pa ang gamit mo? Baka nakakalimutan mo na 'yong tubig dito, binabayaran."
Napakamot-kamot ako sa aking ulo dahil sa panenermon niya. "Di ako aware na palaging may simba sa bahay na 'to ah."
Napakunot-noo siya sa sinabi niya. "Anong simba? Pinagsasabi mo?" Iritableng usal niya.
"E paano ba naman kasi, palagi ka nalang nanenermon. Tinalo mo na ang pari sa simbahan kung manermon." Nakangising tugon ko at nagpipigil ng tawa. Umusok ang ilong niya sa galit sa sinabi kong 'yon. Talagang sinasadya kong inisi siya.
"Kung bayarin sa tubig ang inaalala mo, kalma na, ako na. Kumalma ka na, pwede? Baka magising si Cleo dyan sa pagbubunganga mo e."Inambangan niya ako ng suntok pero ngumisi lang ako at umilag.
"Alam mo, hindi ako sa sebo mamamatay kundi sa'yo. Psh." Dinuro pa niya ako ng bahagya pagkatapos ay padabog na iniabot sa akin 'yong sponge na hawak niya.
“Ack!” Napaubo pa ako ng bahagya dahil napalakas ang pagtama ng kamay niya sa tyan ko. Tangina!
Nagsimula na akong maghugas habang nilalamon ng utak ko ng pagkalutang. Ang dami kong iniisip. Hindi ko alam kung alin sa mga problema ko ang una kong bibigyan ng solusyon. Kay Alona pa lang ay nahihirapan na ako. Dagdag mo pa si Brix, nyetang ‘yon. Mas mauuna pa yata akong mawala kaysa sa mga problema ko. Argh!
Hindi ko alam kung makakaya ko ba lahat ng kondisyon ni Alona. Hindi ko alam kung kaya ko bang maging instant partner sa parenting kay Cleo lalo na at wala akong alam sa pag-aalaga ng bata. Ang alam ko lang ay magpalago ng negosyo at magpayaman. Matapang ko na nasabi sa kanya na kaya kong gawin lahat ng gawaing bahay kahit ang totoo ay medyo tabingi ako. s**t.
Hindi ko alam kung ilang minuto ko nang kinukuskos itong baso dahil sa kalutangan ko. Nawawala sa isip ko na naghuhugas pala ako. Feel ko nga hindi reward ang makukuha ko dito sa ginagawa kong ito e, kamalasan at problema lang lalo. Kailangan ko na bang tigilan ang kahibangan kong ‘to? Tama si Rhaiven, hindi ko kailangan ang kompanya na ‘yon dahil mas malago ang negosyo ko kaysa don. Pero, langya, pinaghirapan ko din ‘yon.
“s**t! I need a f*****g sign!”
Napalinga-linga ako sa kabuuan ng dishwashing area nitong bahay ni Alona nagbabakasakali akong may makikita ako na sign.
“Okay, kapag may lumabas na animal dyan sa pintuan na ‘yan, sige, titigilan ko na ‘to. Bahala na.” May double meaning na pagtutukoy ko sa pintuan ng kwarto ni Alona. “In the count of three.”
Napabuntong-hininga ako ng malalim upang simulan na ang pagbibilang.
“One…”
“Two.”
Napapikit ako upang pakiramdam ang paligid at dinggin kung may senyales ba na may lalabas sa pintuan na ‘yan. C’mon, Alona, give me a f*****g sign.
“Thr—-f**k!” Napatalon ako sa gulat nang pagmulat ko ng mata ko ay may ipis sa kurtina ng lababo ni Alona. Halos himatayin ako sa gulat pagkakita sa napakalaki at lusog na ipis na animoy handa na siyang lumipad papunta sa akin.
“Don’t you dare fly on me.” Pagbabanta ko sa ipis at dahan-dahan na ibinaba ang sponge para sana makatakbo na. “Don’t you f*****g da—- Ahhhh!”
Lord, si Alona ang tinutukoy kong animal bakit ipis naman ang binigay mo. HUHUHU!