Alona's POV
"Ipis! May ipisssss!"
Pagkakita ni Kenneth sa akin na iniluwa ng pintuan ng kwarto ay patakbo itong yumakap sa akin na parang batang bubwit. Halos matumba ako sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Akala mo hinahabol siya ni Kamatayan sa sobrang takot nito.
"Aray! Ano ba! Bitaw ka nga. Aray!" Pilit ko siyang inaalis sa pagkakayakap sa akin dahil nasasakal ako. Hinahampas-hampas ko pa siya para kumawala sa akin pero wala 'yon epekto sa kanya.
"Cy, may ipis, patayin mo baka kainin niya ako. Cyyyyy!" Pagsusumbong niya sa akin at tinawag niya ako sa nickaname ko na siya ang nakaisip non.
Imbes na kiligin sa pagtawag niya sa nickname ko ay mas kumulo ako sa galit. Sa inis ko at takot na baka magising si Cleo na mahimbing na natutulog sa loob ay kinurot ko ang beywang niya. Mas mabilis pa sa kabayo ang pagkalas niya ng yakap sa akin kasabay noon ang maluto niyang pagmura.
"Aray! Ang sakit. Tang---"
"Ang OA mo!" Singhal ko sa kanya. "Alam mo, abot hanggang kabilang kanto 'yang pag-iingay mo. Hindi ka na nahiya, may mga kapitbahay tayo." Sermon ko sa kanya at akmang kukurutin ulit siya nang mabilis siyang umilag.
"E may ipis kasi tumambay sa bintana ng lababo tapos lumipad papunta sa akin." Takot na takot niyang usal. Hinawakan niya ang braso ko at nagmakaawa. "Cy, please, hanapin mo'yong ipis tapos patayin mo na rin. Parang awa mo na baka balikan ako non."
"E kung ikaw kaya ang patayin ko?" Taas-kilay kong tugon. Hindi na talaga ako natutuwa sa pagiging OA niya. Nakakairita siya.
"Please, cyyyy!"
"Bitaw nga." Binawi ko sa kanya 'yong braso ko. "Parang ipis lang takot na takot ka na. Kalalaki mong tao takot ka sa ipis e mas malaki pa 'yon sa'yo."
"Anong lang? Ipis 'yon, nangangagat 'yon. Paano kapag kinagat ako non edi mamamatay ako tas kapag namatay ako, maiiwan kayo ni Cleo, wala na siyang magiging kalaro at wala ka ng magiging co-parent. Pag wala kang co-parent, mahihirapan ka at magiging kawawa si Cleo, tas si Cleo madedepress edi susunod 'yon sa'kin tas madedepress ka rin edi magpapakamatay ka din. Huhuhu! Salot ang ipis sa lipunan, sige na, hanapin mo na at pata---- aray!"
Sa ikalawang pagkakataon ay kinurot ko ulit siya pero this time ay sobrang tagal na para maramdaman niya ang panggigigil ko sa pagiging OA niya. Lalaki ba talaga 'to? Tangina! Sobrang duwag!
"Kung nakakatamay lang ang kagat ng ipis, hinayaan ko nang pagpyestahan ka nila." Singhal ko sa kanya. "Sa dami ng nakakita ng ipis, ikaw lang 'yong sobrang OA ng ganyan. Nakakatawa! Astigin at maangas na playboy, tiklop sa ipis? Hahaha!" Pang-aasar ko sa kanya kaya naman nakita kong gumalaw ang panga niya sa inis.
Bahagya siyang kumalma sa pagiging OA niya. Tumitig ito ng diretso sa akin at napailing ng bahagya.
"Siguro, plano mo 'to. Alam mo na takot ako sa ipis e. Sinadya mong magkaroon ng ipis don para takutin ako." Pagbibintang niya.
Binigyan ko siya ng wow look. Siraulo!"
"At kasalanan ko pa ngayon kung bakit dinalaw ka ng ipis? Wow ah! Ang kapal naman ng mukha mong pagbintangan ako. Kasalanan ko bang napagtripan ka nong ipis, ha?" Nakakrus na brasong tugon ko.
"Palibhasa kasi, hindi ka naglilinis dito sa bahay mo kaya pinamumugaran ng ipis." Depensa niya pa.
Natawa ako ng mapakla. "Baka naman kasi pati 'yong ipis hindi gusto 'yong presensya mo dito sa bahay ko? Baka para sa kanya, hindi ka welcome. Oh no!" Napatakip pa ako ng bibig ko.
"Tss!"
"At may problema ba tayo sa kalinisan ng bahay ko? Hmm? If hindi mo kayang tiisin ang buhay mo dito, may choice ka naman para umuwi na sa bahay mo. Dito kasi, normal lang na magkalat 'yong mga ipis sa gilid-gilid, tumambay 'yong mga malalaking gagamba sa mga pader at mga butiki." Pananakot ko dahil lahat ng nabanggit ko ay mga kinatatakutan niya.
Napansin ko na napalunok siya. Lunok ng natatakot 'yon. Duwag kasi siya pagdating sa mga kinatatakutan niya. Natawa ako sa loob-loob ko pagkakita sa itsura niya. Pinipigilan niyang ipakita sa akin 'yong takot niya kahit kapansin-pansin naman 'yon.
"Natatakot ka 'no?" Pambubuyo ko sa kanya.
"No, I'm not." Pagdedeny niya.
"Weh?"
"Tsk! Bahala ka na nga dyan." Nilayasan na niya ako na hawak-hawak ang braso nito na kinurot ko kanina.
Pumasok ako ng kwarto upang kunan siya ng unan na gagamitin. Sinilip ko siya sa may pintuan at saktong inaayos niya ang kanyang higaan na playmate. 'Yong ilang nakakalat na laruan ni Cleo ay inilagay niya sa basket upang malinis ang tutulugan niya.
"Oh, unan mo." Iniabot ko sa kanya 'yong dala kong unan.
Napahinto siya sa pagdadampot ng mga laruan ni Cleo. Hinarap niya ako. Imbes na tuwa ang makita ko sa itsura niya ay hindi. Nakita ko kung paano magsalubong ang dalawang kilay niya.
"Ba't eto lang?" Pagtutukoy niya sa unan na kinuha niya mula sa akin.
Napataas ako ng kilay. "Aba! May dala ka bang unan para magreklamo ka ng ganyan? Pasalamat ka nga binigyan pa kita e."
"Tsk! Anak ng tokwa."
"Pasalamat ka din mabait ako."
"Talaga? Sa lagay na 'to?"
Kumulo na naman ang dugo ko sa pagrereklamo niya. Hindi talaga napapagod ang lalaki na 'to na makipag-away. Nakakairita siya! Hindi lang dalawang beses na kaming nagkasagutan ngayon.
"At nagrereklamo ka pa talaga? Oh, akin na nga 'yan. Edi huwag mong hiramin." Hinablot ko sa kanya 'yong bigay kong unan sa kanya.
Napakamot siya sa kanyang ulo. Mukhang no choice siya.
"Tsk! Binigay mo na e. Akin na."
Kinuha niya ang unan sa akin. Maingat niyang inagaw ang unan sa akin pero sa paghablot nito ay napalakas dahil sumama ako. Naging dahilan 'yon para mawalan ako ng balanse at babagsak na sa sahig. Napapikit ako dahil alam kong tatama at susubsob ako sa matigas na sahig pero laking gulat ko noong maramdaman ko ang malambot at mainit na katawan na binagsakan ko.
"Are you okay?"
Napamulat ako ng mata at saktong tumama ang tingin ko sa mata niya. Nakayakap siya sa katawan ko na bumagsak sa kanya. Ilang dangkal lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa na naging dahilan para ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. Amoy na amoy ko rin ang mabango niyang hininga. Para akong naubusan ng lakas at hindi ako makalagaw. Nakatitig ako sa mapupungay niyang mga mata na parang hinihigop nito ang atensyon ko.
Gwapo pa rin siya, aaminin ko 'yon. Hindi pa rin nagbabago ang awra niyang nakakalaglag ng panty. Nakakabaliw pa rin ang mga mata niya na kay sarap titigan. Nakakabaliw pa rin ang pabango niyang nagiging oxygen ko para mabuhay. Siya pa rin 'to, hindi pa rin siya nagbabago. Nasa kanya pa rin ang mga katangian na nagustuhan ko sa kanya noon. Nasa kanya pa rin lahat ng minahal ko noon. Nasa....teka!
Nabalik ako sa reyalidad kaya naman dali-dali akong umalis sa pagkakaibabaw sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa naging posisyon namin. Tinulungan niya akong tumayo na parang walang nangyari. Sa hiya at inis ko ay naihampas ko sa kanya 'yong unan.
"Aray! Ba't nanghahampas ka?" Reklamo ka.
"Hihilahin mo na lang, tatanga-tanga ka pa. Dyan ka nga." Kunwaring pagalit ko kahit ang totoo ay kinakain ako ng hiya ko. Patakbo akong bumalik sa kwarto at pagdating doon ay wala sa wisyo kong sinabunutan ang sarili ko. "Alona, gising! Mali 'yan! Kumag 'yon, kinaiinisan mo 'yon. Please, huwag kang magpapadala sa mga ngiti nya, okay? Sinaktan ka na niya noon, matuto ka na." Panenermon ko sa sarili ko.
Kahit ilang beses kong kalimutan ang nangyari na 'yon, paulit-ulit siyang bumabalik sa isip ko. Manghahatinggabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kahit gustong-gusto kong lumabas para uminom ng tubig ay hindi ko magawa dahil baka magising siya't magkatitigan na naman kami. Argh!
Ramdam ko ang sakit ng ulo ko kinabukasan dahil wala akong sapat na tulog. Alas tres na yata ng madaling araw kanina nong tuluyan akong dalawin ng antok. Pocha! Five thirty na ng umaga at ang malala pa don, may pasok ako ng maaga ngayon. Piste!
Maingat akong bumangon sa kama dahil baka magising si Cleo na mahimbing pa rin na natutulog. Sinuklayan ko muna ang buhok ko saka uminom ng tubig sa tumbler ko. Lumabas na 'ko ng kwarto at saktong paglabas ko ay napunta kaagad sa lalaking nakahiga sa playmat ang tingin ko.
Anak ng tokwa!
Shit! Biglang nabuhayan ang diwa ko pagkakita sa hubad na itaas na katawan ng lalaking ito. Kitang-kita ko ang ganda ng kanyang katawan dahil nakadapa ito ng higa. Hindi rin magpapatalo ang biceps niyang matitipuno. At shet! 'Yong maamo niyang mukha kapag tulog. Argh! Para siyang model na sa magazine ko lang nakikita. May ilang red marks pa sa likod at braso niya dahil siguro sa mga kagat ng lamok.
Napalunok ako.
Pakiramdam ko full tank na ang energy ko for today dahil sa kakaibang lakas na dulot ng pamboboso ko sa katawan niya. Ang hot! Parang gusto ko nalang siyang----
Tangina! Habang abala ako na sinusuri ang kabuuan ng mukha niya bigla siyang.....dumilat?
Patay! Nabuking niya kaya ako?