Kenneth's POV
"Finally... peace and quiet." Nilingon ko si Cleo na nakaupo sa playmat habang abalang-abala sa paglalagay ng mga Lego sa bibig ng stuffed toy niyang si Elsa. "Okay, this looks easy," bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa lababo para maghugas ng mga pinagkainan namin.
Habang binabanlawan ko ang kutsara, tinignan ko ulit si Cleo. Still quiet. Nagtataka ako. 'Yon na ba 'yon? Ganito lang pala 'yun? Eh parang mas mahirap pa ang group project namin dati sa college kaysa sa ganito pero iyon ang inaakala ko dahil isang minuto lang ang lumipas...
"Aww, man..." bigla kong naamoy 'yon. Yung amoy na kahit gaano ka pa ka-positive sa buhay, siguradong bibigyan ka ng existential crisis. Napalingon ako kay Cleo na nakaupo pa rin sa playmat, pero may kakaiba sa ekspresyon ng mukha niya. 'Yung tipong parang proud siya sa nagawa niya. At dun ko na-realize...
"Tae."
Literal na napaatras ako sa lakas ng amoy. Gusto ko sanang takbuhan ang buong sitwasyon pero ako lang ang kasama niya dito sa loob ng bahay. I had no choice. Naisip ko pang isiping maghintay ng alas dose baka makauwi agad si Alona. Pero hindi ako pwedeng tumunganga lang habang may nuclear bomb sa diaper ni Cleo.
"Cleo..." nilapitan ko siya habang hawak ang ilong ko. "Nag-poop ka ba?" Tumango siya. Masaya pa. Walang guilt. Wala ring awareness na halos mawalan na ako ng panlasa. "Sige, tara sa CR."
Binuhat ko siya, at halos mamilipit ako sa sarili kong yakap para lang hindi ko maamoy ang lahat-lahat. Pagdating sa banyo, binaba ko siya.
"O, Cleo... hugasan mo na 'yang pwet mo, ha? Big girl ka na."
Tumingin siya sa akin na parang ako pa ang may atraso. "Hindi po ako marunong."
"Ha?! Paano 'yan?!"
"Si Ninang lang po ang marunong maghugas ng pwet ko..."
Napapikit ako ng mariin. Inulit sa isip ko ang sinabi niya. "Si Ninang lang po ang marunong maghugas ng pwet ko..."
Well, Kenneth, ito na ang judgement day mo. Pinagapang ko ang kamay ko papunta sa gripo. Walang bidet. Walang tabo. Wala ring hose. Kamay lang. Literal.
"Okay..." Nilunok ko ang pride ko. Hinugasan ko ang mga kamay ko at huminga ng malalim. "Kenneth, para kay Cleo 'to. Hindi ka pwedeng sumuko."
Hinubad ko ang diaper niya. At doon ko nakita ang buong kasalanan ng sangkatauhan. Isang dambuhalang tae na parang hindi galing sa bata. Kung pwede lang talaga akong umiyak, ginawa ko na.
"Wag kang gagalaw ha," sambit ko habang iniikot ang mukha ko palayo at kinakamot ang hangin gamit ang isang kamay habang 'yong isa, nasa misyon ng paghuhugas.
"Cleo, pakiusap lang, next time, itiming mo 'yang pagdumi mo kapag nandito na si Ninang Alona mo. Please lang. 'Yong tipong eksaktong pag-uwi niya, do'n ka sumabog, gets mo?"
"Okay po," masaya niyang sagot.
Hindi mo ako naiintindihan, bata.
Habang pinupunasan ko siya, narinig ko pa sarili kong umaambang isuka ang lahat ng kinain ko kanina. Ang worst part? May naiwan pang konti sa kamay ko. Argh!
"Never again," bulong ko habang hinuhugasan ulit si Cleo, at sabay hugas ng kamay ko ng sobrang daming sabon. Parang gusto ko nang ilublob buong braso ko sa Clorox.
Pagkatapos ng lahat, tiningnan ko si Cleo. Ngiti pa rin siya. Parang wala lang. "Tapos na, Cleo. Good job ka." Pinilit kong ngumiti. "Pero next time, utang na loob... hintayin mo si Ninang mo. Please."
Tumango lang siya. "Ang galing mo po, Ninong!"
Hindi ko alam kung maaappreciate ko ba 'yon o tatawa na lang sa sarcasm ng buhay. Isa lang ang malinaw: parenting is not for the weak. Literally not for me
Matapos ang banyo scene namin ni Cleo, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakaupo sa sofa at pinapanood siya. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang alagaan pagkatapos ng nangyari kanina. f**k! Unang problema pa lang pasuko na ang kaluluwa ko. Kingina.
Balik na naman siya sa paglalaro sa may playmat na animoy may sarili siyang mundo. Hindi na talaga ako nagtitiwala sa pagiging tahimik niya kaya naman kapag natatauhan ako ay napapahinto ako sa paglilinis saka napapatingin sa gawi niya. Tangina! Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?
"Ninong..." Pagkarinig ko pa lang sa boses niya ay kumakabog na sa kaba ang puso ko. Napakaunpredictable naman kasi ng batang 'to.
"Yes, baby?" Kalmadong tanong ko habang winawalis ang kalat sa sahig.
"Milk, please?" Pacute nitong usal kaya minadali kong idustpan ang kalat sa sahig saka ako pumunta ng kusina upang ipagtimpla siya ng buhay niya.
"Seven is to four. Ilang beses ko na 'tong narinig... parang formula sa chemistry. Kaya ko 'to. I mean, lalaki ako. Marunong ako sa numbers-di ba?" Pakikipag-usap ko sa sarili ko habang binubuksan ang lalagyan ng gatas ni Cleo na nakasilid sa ibabaw ng fridge.
Hindi pa ako marunong sa pagtitimpla ng gatas lalo na at may sinabi si Alona na seven is to four daw. Pero syempre astig ako at masunurin. Nagbilang ako ng pitong scoops, langya proud na proud pa ako.
Parang may demonyong sumanib sa akin dahil nakangisi pa ako habang hinahalo ito. "Seven scoops... then four cups ng water. Kung konti ang gatas, lagyan ng madaming tubig, para tipid. Basic logic!" hinalo-halo ko pa ito hanggang sa matunaw 'yong gatas na nilagay ko.
Letche! Pagkatapos kong mahalo, napansin ko ang itsura ng tinimpla ko. Gatas pa ba 'to o lugaw na? Parang sabaw ng lugaw na masyadong diluted. Napansin ko si Cleo na nakatingin sa gawi ko, nag-aantay na siya sa kanyang gatas. Hindi ko napansin na pinapanood niya pala ako. Linapitan nita ako saka niya ako sinenyasan na amuyin nito ang tinimpla ko.
"Uhhmmm..." she sniffed it then tumahimik na siya at nagbabadya nang umiyak dahil mukhang hindi ko nasunod ang gusto niya. Awit! Pa'no ba 'to?
"Anak ng-bakit parang masama loob mo sa tinimpla ko? Tama naman, 'di ba?"
Umiling-iling siya na parang sinasampal sa akin ang kamalian ko. "Okay, fine, magtitimpla nalang ako ng bago."
Determinado ako na matutunan ang tamang pagtimpla ng gatas niya kaya itinapon ko sa lababo 'yong unang timpla ko.
"Okay, maybe baliktad. Gawin natin... four scoops, seven ounces ng water. Reverse natin. 'Di ba minsan, baliktad ang buhay?" Naghanda ako ng bagong titimplahin. Tinitigan lang ako ni Cleo habang sinasalin ko ang bote.
After that, Cleo took the bottle, sniffed it then looked at me like she was judging my whole existence. f**k!
"Ew." kalmadong tugon ni Cleo sa akin at nababasa ko na sa mukha niya ang inis. Then...boom. itinapon niya ang bote sa sahig.
Awit!
Napayuko ako't buntong-hininga. "Ano ba talaga, Cleo?! Parang thesis 'tong dede mo!" Naistress na usal ko.
Mangiyak-iyak na siya dahil hindi pa ako nakakapagtimpla ng gatas na gusto niya. Pisti! Pagtitimpla na nga lang ng gatas, problema ko pa. Huhuhu!
Wala akong nagawa kundi ang magsearch na online. I grabbed my phone then... "Siri, how to mix baby formula seven is to four?"
"Signal not found." Sagot ng Siri sa akin.
Putanginaaaa!
"Wala na ngang signal, wala pang gatas. f**k!"
Swinipe ko pa ang selpon ko at hindi na umasa kay Siri na siraulo walang silbi. Nag switch ako sa calculator app ng selpon ko saka tinype ang 7÷ 4, ang nakuha kong sagot si 1.75.
Seryoso mukha ang itinapon ko sa calculator app ng selpon ko na mukhang nasa math competition ako. "So... 1.75 ano? Kutsara? Baso? Kaluluwa? Anong unit 'to?!"
Huminga ako nang malalim at tumingin sa may altar ng bahay ni Alona. Mapapadasal talaga ako sa ganitong sitwasyon kahit hindi naman ako madasalin e.
May hawak ako na bote at scooper na parang holy items. "Lord, kung mali man 'to... wag naman sanang sumakit ang tiyan ni Cleo. Alam kong wala akong experience, pero meron akong puso." Pagdarasal ko. Ipinapasadiyos ko na lahat kaya naghalo ako ng random measurements. Bahala na si Batman.
Matapos kong magtimpla ng random na measurements ay shinake ko ito ng mabuti saka ibinigay na kay Cleo para makainom na siya. Talagang inabangan ko ang magiging reaksyon niya sa hula-hula ko lang na timpladong gatas niya.
Inaasahan ko na itatapon niya ulit ang bote kagaya kanina dahil pangit ang pagkakatimpla ko pero hindi. To my surprise, natuwa siya na animoy hindi niya nasaksihan ang panghuhula ko sa measurements ng kanyang gatas at nilayasan ako.
"Wait... she likes it? TAMANG TIMPLA 'TO?! Ako na 'to!!! Ako na ang formula king!" Masayang usal ko at napatalon-talon pa. Walang ano-ano ay nakatanggap ako ng text mula kay Alona.
"Reminder: 7 scoops sa 4 oz water. Baka nagkamali ka na naman. Wag mong gawing experiment si Cleo."
Awit! 'Yon lang, huli na. Nakaramdam ako bigla ng pagkataranta. "Cleo... sabihin mo nalang kay Ninang mo, hindi ako ang may gawa ng timpla na 'yan, ha. Si... si Lord ang tumulong niyan."
Matapos makainom ni Cleo ng gatas ay bagsak na siya sa may playmat paglabas ko ng banyo dahil nilinisan ko ito kagaya ng utos ni Alona. Binuhat ko siya para maihiga sa kama sa may kwarto. Sasamantalahin ko nang tulog siya para gawin pa ang ibang utos ni Alona. Napansin ko na maulap na sa labas na parang nagbabadya nang umulan kaya naman kinuha ko na ang mga sinampay bago pa ito mabasa. Sa dami no'n ay halos kumirot pa ang braso ko sa pagbubuhat. Muli kong chineck si Cleo sa kwarto at salamat sa Diyos at tulog pa rin siya. Mukhang iba ang tama sa kanya nong tinimpla kong gatas. Piste!
"Argh! Ang sakit mo sa braso..." usal ko pagkababa sa mga sinampay na bagong hango lamang mula sa labas. Nakatatlong balik ako sa labas sa dami ng linabhan ni Alona. Hinawi ko ang mga ito at napansin ko na medyo basa pa ang mga ito pero hinayaan ko na lang dahil maulap nga sa labas. Saglit akong naupo sa sofa dahil ramdam ko ang pagod. Lalo pa akong nainis nang marinig ang hiyaw ng mga pusa ni Alona na animoy gutom na gutom na sila.
"Hoy! Huwag nga kayong maingay diyan. Baka gusto niyong gawin ko kayong siopao.." pananakot ko sa mga ito na animoy naiintindihan nila ako. Inalis ko na ang tingin ko sa kanila at pumikit saglit para makapagpahinga. Ilang segundo lang ang tinagal ng pikit ko nang imulat ko ang mata ko ay laking gulat ko nang mapansin na tirik na tirik ang araw sa labas.
"Tangina? Maulap kanina ah.." Tumayo ako at chineck kung totoo ang nakikita ko at totoo nga. Napakamot ako sa aking ulo at napatingin sa mga damit na kinuha ko sa may sampayan kanina. Wala akong nagawa kundi ang magmamartsa na kinuha ang mga sampay at ibinalik isa't isa sa may sampayan para matuyo na ang mga ito. Nakatatlong balik ulit ako na ibinalik ang mga iyon sa labas.
"f**k! Are you damn serious?" Pagmumura ko nang mapansin na dumilim ulit ang kalangitan na para bang may bagyo na at sa takot na mabasa ang mga sinampay ni Alona ay isa-isa ko ulit ito na kinuha at ibinalik sa loob. Iritadong-iritado pa ako dahil sinasalubong ako ng mga punyetang pusa na dahilan upang muntik pa akong matapilok.
"Mingming! Tabiiiiii! Pag ako natapilok, ipapakulong kitang pusa kaaa..." pakikipag-away ko sa pusa na umaaligid-aligid sa akin. Konti na lang ay sinapain ko sila dala ng inis pero kahit papaano ay takot akong saktan sila dahil baka bigla nila kong kalmutin sa binti ko. Baka magkarabies ako at mamatay.
Paglapag ko ng mga isinilong kong sinampay ay muli akong tumingin sa labas at....tangina! Umaaraw na naman.
"Tangina! Ayoko na! Argh! Lumabas ka na mag-isa mo.." Pakikipag-usap ko s mga sinampay ni Alona dala ng inis. Pero ang ending at sa takot na mapagalitan kay Alona ay inilabas ko pa rin ang mga sinampay. Binantayan ko na sila at baka bigla na namang umambon at letchee.. umambon nga. 'Talagang pinapagod mo 'ko ah, teka lang.." Pumasok ako sa kabahayan at kinuha ang isang bagay na alam kong solusyon sa problema ko na 'to. Pagbalik ay kaagad kong itinali iyon upang hindi bumagsak sa lupa.
"Ayan! Magpayong na lang kayo. Tignan natin kung mabasa pa kayo dyan."
Nilayasan ko na ang mga pinayungan kong mga sinampay sa labas at pumasok sa loob. Naabutan ko si Cleo na bagong gising lang at mukhang nagugutom. Hindi ko namalayan ang oras at tanghalian na pala kaya naman dali-dali akong naghalungkat ng pwedeng makakain sa fridge. Sakto na nakita ko 'yong nakalunch box na tirang ulam namin kagabi kaya iniinit ko na lang at iyon ang pinaulam ko kay Cleo. At sa lahat ng hamon ngayong araw, ito na yata ang pinakachallenging sa lahat.
"Cleo, sige na, kumain ka na." Inambangan ko pa siya ng subo gamit ang hawak kong kutsara pero umiling-iling siya. Pahirapan pa ako na kumbinsihin siya na kumain kahit sinabi ko na bibilhan ko siya ng maraming toys kapag nakain niya lahat ng nasa pinggan niya pero wala pa rin. Sumabay pa ang mga letcheng pusa ni Alona na nasa ibabaw na ng mesa at pasimple dinudukot ang mga pagkain na nakalapag. "Hoy! Mingming! Baba! Subukan mong kunin 'yan at puputulin ko 'yang kamay mo." Pananakot ko sa pusa na akala mo ay naiintindihan ang sinasab ko.
"Ayoko nyan, Ninong, gusto ko ng chicha." Sambit ni Cleo matapos nyang tanggihan ang pagsubo ko sa kanya.
Kumunot ang noo ko. " Anong chicha?"
"'Yong chicha po, 'yong masarap.."
"Ha? Ano 'yon?"
Kahit na anong paliwanag ni Cleo ay hindi ko maintindihan ang sinasabi niyang chicha. Nakailang kamot na ako sa ulo ko pero hindi ko pa rin sya magets. "Bibilhan ka ni Ninong ng chicha kapag kinain mo 'to, sige na." Pang-uuto ko sa kanya pero wala pa rin. Nilayasan niya pa ako at nagtungo na sa sala upang maglaro. Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim at nilinis na lang ang hapag kainan. Dala ng pagod at stress ay hindi na ako nakaramdam ng gutom. Ninanais ko na lang na matapos na ang araw na 'to dahil pakiramdam ko iyon ang kailangan ko.
Ano ba kasi 'yang chicha na 'yan? Tangina! Alona, kung ano-ano kasi tinuturo mo sa bata e.
"Anak ng tokwa naman! Mingming! Ba't ka dyan tumae?"
Halos sipain ko ng malakas ang pusa matapos kong makita ang isang tambak nyang tae sa ibabaw pa talaga ng mesa. Masuka-suka pa ang postura ko pagkaamoy sa baho non. Takip ng ilong at bibig ang ginawa ko habang inaalis iyon gamit ang tissue hawak ko. Muntik ko pa 'yon mahawakan dahil dumulas ang tissue na hawak ko. Kulang na lang ay isumpa ko ang pusa dahil sa trabahong ibinigay nya sa akin. Sa inis ko ay pinalayasan ko siya, sinaraduhan ko sila ng pinto saka ng bintana.
Bwisit na mga pusa na 'to! Dumagdag pa talaga sila.
Matapos kong malinis ang tae ng mga letcheng pusa ay binalikan ko si Cleo sa may sala. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang mapansin na tahimik siya na animoy may kinakalikot siya. Kaya naman minabuti kong lapitan siya at silipin ang ginagawa niya.
"Cleo, what are you doing?"
"Look, Ninong, may new pet ako.."
"Let me see.."
Humarap siya sa akin at laking gulat ko nang mapansin ang hawak-hawak niya. Halos humiwalay ang kaluluwa ko nang makita na may hawak-hawak siyang ipis. Napaatras pa ako ng kaunti dala ng gulat at takot.
"Ang cute niya, 'no, Ninong?"
"Cleo, put it down.
"Why po?"
"Just put it down."
"No!" Lumabas ang pagiging toodler nya sa sigaw nya palang.
"That's dangerous, baka kagatin ka nyan. San mo ba 'yan nakuha?"
"I just saw it there, Ninong, it's so cute kaya..." Hinahaplos-haplos nya pa ito kaya napalunok ako sa takot. "Do you what to touch it, Ninong?"
"No!" Tanggi ko kaagad.
"Sige na, she wants to be friend with you daw, Ninong. Touch it, she's harmless po." Iniiamba niya pa ng abot sa akin kaya mabilis ko siyang inatrasan. Sinabihan ko siya ng huwag pero makulit sya, Huhuhu!
"Sige na po, Ni---opsss."
"f**k!"
Kumaripas ako ng takbo nang lumipad ang ipis papunta sa damit ko. Halos mahimatay ako sa gulat at napatalon-talon pa para lang matanggal iyon sa pagkakasabit sa damit ko. Si Cleo naman ay walang ginawa kundi ang pagtawanan lang ako. Para akong ipo-ipo na nagpaikot-ikot para lang alisin ang ipis na naglalakbay na sa buong ko dala na rin ng taranta. Natabig ko ang mga bagong plantsa na damit, naihagis ko ang mga display na tahimik na nasa isang gilid maski yong maliit na sofa ay wala na sa matinong ayos dahil sa pagiging taranta ko na mapatay 'yong ipis. Parang dinaanan na ng bagyo itong bahay ni Alona dahil lang sa pakikipaglaban ko sa ipis.
Is this a sign that I should give up on my plan to win over Benj’s company? Or should I just endure everything—even the hardship of taking care of Cleo—just to satisfy my own desires?