Chapter 14: Masamang Balak

2773 Words
"Inutusan kitang alagaan si Cleo, hindi gawing bodega 'tong bahay ko, Kenneth. Saka bakit nakapayong 'yong mga sinampay sa labas? 'Yong mga pusa ko, ba't parang pulubi dyan sa labas na nag-aantay?" Sunod-sunod kong sermon kay Kenneth pagkakita sa kabuuan ng bahay ko. Umusok talaga ang ilong ko sa galit nang makita ang mga sinampay ko sa labas na nakapayong. Nakita ko kanina na may mga dumaraan na napapahinto sa tapat ng bahay ko at may kinukunan ng litrato, akala ko pa naman ay si Kenneth ang pinipicturan nila, 'yong mga sinampay ko pala. At hindi lang 'yon, first time akong sinalubong mga pusa ko na nasa labas. Para silang mga batang kalye na napabayaan sa labas. At ang pinakamalala sa lahat ay nang makapasok na ako ng bahay. Akala ko pa naman ay hindi ako magkakaproblema ngayong araw dahil binigyan ako ni Kenneth ng assurance na gagawin nya ng maayos ang trabaho niya. Pero akala ko lang pala lahat. Lantang gulay siya na tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Mukha niya pa lang makikita nang napagod siya sa pag-aalaga kay Cleo buong maghapon. Akala mo ay nakipagdigmaan sa itsura niya. Psh! Deserve. "Magpasalamat ka nalang kaya at inalagaan ko si Cleo ngayong araw. Dami mong sinasabi dyan e." Nilayasan niya ako at naglakad patungo sa may kusina at sinundan ko naman siya nang nakakunot-noo. "Ano? Ako, magpapasalamat sa'yo? Sa lagay ng bahay ko, sa tingin mo may gana pa akong magpasalamat sa'yo? Dinaig pa dinaanan ng buhawi 'tong bahay ko e." Humarap siya sa akin pagkakuha nya ng pitsel sa may fridge. “I did everything you asked me to do.” "Did I ask you to do this?" Pagtutukoy ko sa napakagulong bahay ko. "Tsk! Cleo messed it up, hindi ko naman alam na ganyan kalala ang batang 'yan e." At pinagbintangan nya pa ang bata. Tsk! Napakamot ako sa aking ulo. Unbelievable talaga 'tong lalaki na 'to. "Wow! Nasisi pa talaga si Cleo ah. Ang galing mo. Psh!" Iritadong usal ko. "Siya naman talaga ang may kasalanan e. Nagawa ko ng maayos lahat ng utos mo. Naglinis ako ng bahay, pinakain sya kahit ayaw nya. But the worst part is yong lumipad yong alaga nyang ipis sa akin. Syempre natrigger ako edi nagulo na lahat. Hindi ko tinantanan yong ipis at baka kagatin ako. So, ang ending naging ganto ang bahay mo." Depensa nya at hindi ko alam kung matutuwa ako o sasabog na naman sa galit e. "E bat mo pinayungan 'yong mga sinampay ko? Alam mo bang mamamaho ang mga 'yon, ha?" "E kasi naman, kapag isisilong ko sila, biglang titirik 'yong araw. Kapag naman nakalabas na, aambon na naman. Nakakapagod kayang ilabas-masok sila ng bahay, sobrang sakit nga ng braso ko e. Kaya ayon, pinayungan ko na lang sila." Sagot niya na akala mo ay matutuwa ako. Napapikit ako sa inis. "At bakit nasa labas 'yong mga pusa ko? Paano kapag tuluyang naglayas ang mga 'yan ah? Alam mo bang 'di ko pinapalabas mga yan?" "Nabadtrip ako e, paano tumae sila dyan sa ibabaw ng mesa tapos kaninang pinapasok ko 'yong mga labahan, paharang-harang sila. Paano kapag natapilok ako, edi nabagok ang ulo ko't namatay ako." Hindi na lang ilong ko ang umuusok ng galit kundi pati na rin ang ulo ko. Gusto ko siyang murahin ng malutong at hindi lang 'yon, gusto ko din syang paghahampasin hanggang sa magsawa ako. Nalaman ko pa na iba ang naging paraan nya ng pagtitimpla ng gatas ni Cleo kahit sinabi ko na sa kanya ang sukat. "Kenneth, unang araw ng pag-aalaga mo kay Cleo, palpak ka." Prangka ko sa kanya. "Hindi ako palpak, sadyang makulit lang talaga siya. Masyado mo kasing ini-spoil e. Hindi ko naman alam na ganito pala sya kakulit." "Tsk! Dapat una pa lang aware ka ng makulit sya, bata sya e, anong ineexpect mo. Sugod ka ng sugod kasi e, hindi ka nakakatulong." Sinimulan ko na ang pag-aayos ng mga kalat dito sa may sala. Tinulungan naman ako ni Kenneth na todo depensa pa rin na ginawa nya ng maayos ang trabaho niya. Imbes na akuhin niya ang pagkakamali nya ay pinaglalaban nya pa talaga. Nakakapikon. "Marunong nga ako mag-alaga, bakit ba ayaw mong maniwala? Nakakaya ko ngang alagaan ang mga aso ko e, si Cleo pa kaya. Naculture shock lang siguro ako dahil 'yong mga aso ko, marunong makinis, si Cleo hindi." "Kenneth, si Cleo, tao, hindi aso." "Atleast may experience sa pag-aalaga, di ba?" "Psh!" Matapos makapagligpit ng mga kalat ay kinuha ko naman 'yong mga sinampay sa lahat. Lalo lang ako nabadtrip nang hawakan ito ay ramdam ko pa na may basa pa. Hindi ganoon nainitan dahil dikit-dikit ba naman na nakapayong 'tong mga sinampay ko paano matutuyuan. Ang ending tuloy ay mabaho kaya naman inulit ko silang nilabhan. Abala naman si Kenneth sa pagluluto ng hapunan namin at hindi pa talaga ako tinantanan. Pinuntahan niya ako dito sa may likod bahay at pilit pa rin niyanfg ipinagtatanggol ang kanyang sarili. "Kenneth, huwag mo na kasing ipilit kung hindi mo naman talaga kaya. Ibigay mo na sa'kin 'to, okay? Imbes na makatulong ka ay hindi, nakapermisyo ka pa." "Sorry na nga e." Usal niya habang tinutulungan akong banlawan 'yong mga damit na nakasampay kanina. "Don't worry, alam ko na ang gagawin sa susunod." "Wala ng kasunod dahil hindi ko na iiwan si Cleo sa'yo, baka sa susunod siya naman ang mapahamak sa'yo e." "Ayan ka na naman e, ang gusto mo na lang lagi ang nasusunod e." Medyo maatas nyang usal sa akin. Ramdam ko ng nagsisimula na 'yong inis niya sa akin. "Baka nakakalimutan mo na may karapatan ako sa kanya, Alona." Napahinto ako sa pagbabanlaw dahil sa sinabi niya. Tinungo ko siya at nagsalita. "Kenneth, hindi pag-aalaga ang naitutulong mo kundi pagpapahamak. Simpleng pag-aalaga lang sa kanya, palpak ka pa. At sa tingin mo ba, papayag ako na mapahamak siya? Naiintindihan ko naman na gusto mong tumulong e, pero sa nakikita ko mukhang hindi ka handa. Hindi mo alam ang pinasok mo kaya mas mabuti pang umalis ka na lang at hayaan si Cleo sa poder ko." Napatitig siya sa akin at bahagyang napailing. "Ayoko! Kahit na anong gawin mo, hindi ko siya susukuan." "Ah, ayaw mo, talaga?" Napatango siya. "Makulit ka talaga, ah." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa may bangko. Pinanood niya ang bawat ko nang may halos pagtataka. "Pwes, maglaba ka mag-isa mo." Nilayasan ko na siya at padabog na pumasok ng bahay. Nakailang tawag pa siya sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin pa. Ba't parang namomotivate pa akong pahirapan siya after malaman na hirap na hirap siya sa pag-aalaga kay Cleo? Well, mukhang kailangan ko pang pahirapan ang mga plano nang sa ganoon ay sya na mismo ang kusang umalis at kumalas sa responsibilidad namin. Inabot siya ng hatinggabi sa paglalaba dahil mabagal ang kilos nya lalo pa at hindi naman siya marunong. Hinayaan ko siyang maglaba at inasikaso si Cleo. Todo tanong siya kung ano ang dapat sunod na gagawin after mabanlawan 'yong mga damit pero hindi ako nag-antubili na sagutin siya. Pagkatapos kong patulugin si Cleo at nagpahinga na rin ako at hinayaan siya. Ni hindi ko na alam kung ano ang mga ginawa niya at kung tama ba 'yong way ng paglalaba. At sa pagod ko ngayong araw ay nakaidlip na ako. Nagising ako ng alas dos ng madaling araw dahil naihi ako. Paglabas ko ng kwarto ay hindi ko nakita si Kenneth sa may sala. Hinanap ko siya sa likod bahay pero wala din sya doon. Nakasampay na rin ang mga nilabhan niya't nakaayos 'yong mga palanggana na ginamit. Malinis din 'yong washing machine at nakataklob ng maayos. Mukha yatang umalis siya dahil wala 'yong sasakyan niya na nakapark sa tapat ng bahay ko. Edi goods! Sana huwag na siyang bumalik. "Goodmorning. Tara, kain na tayo ng breakfast.." Halos mawala ang antok ko pagkarinig ko sa boses ni Kenneth habang abala ako sa paghahanda ng breakfast. Nilingon ko siya saglit at nakita na marami siyang dala na pagkain. Kaagad naman siyang sinalubong ni Cleo na abalang naglalaro sa may sala. "Lumayas ka na kagabi, 'di ba? Ba't bumalik ka pa?" Bungad ko sa kanya at binuksan ang fridge at tinignan kung may itlog pa. Iyon na lang ang lulutuin ko. "Huwag ka na magluto, dinalhan ko kayo ni Cleo ng food." Usal niya at inilapag ang dala niyang paper bag sa may mesa. "You know why I’m still here, right?" Sagot niya pero hindi manlang ako ngumiti. "Goodmorning, baby, c'mon, let's eat na." Binuhat nya si Cleo at maingat na pinaupo upang makakain na. "Psh" Nilayasan ko siya at pumasok sa may banyo upang maghilamos. Rinig na rinig ko ang pagpapagoodshot nya kay Cleo na animoy walang nangyari kahapon. "Alona, aalis pala ako, ah. Kung gusto mo, 'yong sekretarya ko muna ang magbantay kay Cleo habang wala tayo." Rinig kong sambit niya. "Wala akong pasok ngayon." Malamig na sagot ko. "Ah, okay." Binanlawanan ko ang mukha ko after kong lagyan ito ng facial wash. Kinuha ko iyong towel ko sa mukha at maingat na tinuyo ang mukha ko. Habang abala ako dito sa loob ay rinig ko ang usapan nina Cleo at Kenneth. "Aalis ka po, Ninong?" "Yes, pero, babalik din naman ako agad e." "Edi, wala akong kalaro today?" "Meron, nandyan naman si Ninang e, siya muna ang kalaro mo, okay? Sige na, kumain ka na, maraming dala na chicha si Ninong. Sige, eat na para makaligo na si Ninong.." Bigla akong napahinto sa huling sinabi ni Kenneth. May kung anong demonyo ang sumanib sa akin ay may naisip na kabalastugan sa utak ko. Naalala ko na schedule niya pala ng banyo ngayong araw at mukhang may lakad pa siya. Awit! Magandang pagkakataon ito ah. Tahimik akong lumabas ng banyo. "Icheck ko lang 'yong mga labahan sa likod." Usal ko kahit ang totoo ay isasagawa ko ang madilim kong balak. Inoff ko 'yong switch ng gripo upang walang dumaloy na tubig doon mamayang maliligo si Kenneth. Pagkatapos ay muli akong pumasok sa bahay na parang wala akong ginawa. "Napakain ko na si Cleo, kumain ka na din." Usal ni Kenneth habang inililigpit 'yong pinagkainan nila ni Cleo. Tumango na lang ako at naupo na upang makakain na din. Nakaw tingin ang ginawa ko kay Kenneth habang inihahanda nya yong mga gagamitin niyang damit mula sa kwarto kung saan kita mula dito sa kinauupuan ko. Kaagad akong umiwas ng tingin nang palabas na siya. "Ops! San ka pupunta?" Napahinto siya sa tapat ko. "Maliligo. Hello, schedule ko ngayon, 'no, so pwede kong gamitin ang banyo ngayon." Nakangising usal niya saka niya ako nilayasan. Palihim akong natawa dahil akala niya ay panalo siya hindi nya alam mamomoblema na sya mamaya. Inabangan ko talaga ang pagsigaw at paglipas ng ilang minuto... "Pochaaaa!' rinig kong sigaw niya mula sa loob ng banyo. "Kenneth, 'yang bunganga mo ah," sermon ko sa kanya kahit pigil na pigil na ko ng tawa. " Ano ba't nagsisisigaw ka dyan?" "Sira ata 'tong gripo sa banyo, walang tubig na lumalabas e." "Ha?" Kunwaring walang alam na usal ko. "Pacheck nga kung may tubig 'yang gripo sa may lababo." Utos ng mokong sa akin at syempre hindi ko siya sinunod at nag-isip ng idadahilan. "Nakalimutan kong sabihin, wala palang tubig kapag ganitong miyerkules.." Pigil tawang usal ko. "Ano?! Tang--- ba't ngayon mo lang sinabi? Kung kailan nakapaglagay na 'ko ng shampoo dito sa ulo ko e." Reklamo niya. "Lumabas ka na lang at mag-igib don kina Aling Bebang." "Ano? Lalabas pa 'ko? Wala na 'kong saplot, ipinag-igib mo nalang ako, pwede?" "Ayoko nga.." "Sige na, malalate na 'ko sa meeting ko, Alona. Kahit isang balde lang. Teka, at ilalabas ko 'tong balde." Nakita ko kung paano lumabas ang isang braso nya mula sa pintuan ng banyo at inilabas noon ang balde. Sumilip pa siya ng bahagya at doon ko nakumpirma na may shampoo sya sa may ulo, napapikit pa sya dahil napupunta ang bula sa may mata niya. "Paigib ako, please.." "Ayoko nga. Alam mong walang tubig, liligo ligo ka pa kasi.." kunwaring panenermon kahit nagpipigil na sa tuwa ang buong kaluluwa ko. "Alam mo ngang 'di ako aware, 'di mo pa sinabi, Tsk! Sige na, paigib ako kahit isa lang.." Pagmamakaawa niya pero umiling-iling ako. "Kung magtuwalya ka muna kaya at lumabas para mag-igib." "Ikaw nalang kasi, isang balde lang e.." "Ayoko nga.... ops, tumatawag ang boss ko." Palusot ko kahit ang totoo ay alarm lang iyon. "Tangina naman.." Habang kunwari na may kinakausap sa selpon ko ay nakita ko na lumabas siya ng banyo na nakatapis ang tuwalya sa pang ibabang katawan niya. Nakapikit pa ang isang mata nya dahil sumakit na yata dahil sa bula ng shampoo mula sa kanyang ulo. Pigil na tawa ang ginawa ko nang magtama ang tingin namin. Hindi na maipinta ang inis sa mukha niya lalo na at malayo-layo ng konti ang pag-iigiban niya. Sinundan ko siya ng tingi sa may bintana nang makalabas na ito ng bahay. "Alona!" Tawag nya sa akin kaya sumilip ako sa may bintana. "San ako mag-iigib?" "May nakikita ka bang poso dyan sa dulo, doon." Nakita ko kung paano nya tapunan ang dulo na sinasabi ko at rinig na rinig ko ang malutong nyang pagmumura. "Tangina! Ang haba ng pila, baka abutin ako ng siyam-siyam dyan e." "Aba! Edi makipila ka ng maayos. Ginusto mo 'yan e." "Pocha naman." Napakamot-kamot pa sya ng bahagya sa kanyang ulo. "Pumila ka na at nang makaigib ka na. Dami pang arte e." At nakita ko na nagmamartsa siyang naglakad papunta sa may poso. Ewan ko nalang talaga kung hindi siya pagtawanan doon, nakatapis pa lang naman sya at may shampoo pa sa ulo. Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na siya. Hirap na hirap siya habang buhat-buhat ang medyo may kalakihan na balde. Problemado pa siya sa nakatapis sa kanyang tuwalaya na parang malalaglag. "Oh, ayusin mo 'yang tuwalaya mo at baka sumilip 'yong kikiam mo," asar ko sa kanya. "Tsk! Lakas mang-asar ah." Masamang tingin na tugon niya sa akin at tinahak na ang daan papunta sa may banyo upang ipagpatuloy ang pagligo. Tawang-tawa naman ako dahil nagtagumpay ako sa balak ko. Napakasatisfying talaga kapag ganoon na nakakaganti ako e. Next time ulit. After ilang minuto ay lumabas na si Kenneth mula sa banyo, inis na inis pa rin siya dahil iyon ang nasisigurado ko sa mukha nya. Pinigilan ko ang matawa at baka sugurin niya ako't suntukin kung kaya nya. Ngakunwari na lang ako na nagpupunas ng mga picture frame kahit ang totoo ay nilalabanan ko ang sarili ko na huwag matawa. "Yeah, sorry, on the way na, naipit lang sa traffic. Okay, see you." Pakikipag-usap niya sa kanyang selpon habang nag-aayos sa harapan ng full length mirror na narito sa may sala. Nakasuot lang sya ng plain white polo shirt na naka-tuck in sa black slacks, paired with a slim leather belt. Medyo rolled-up pa yung sleeves niya kaya mas lumabas yung strong forearms na parang sinadya niyang ipakita. Classic black shoes lang pero ang kinis, halatang pinakintab bago umalis. Walang kung anu-anong accessories—wristwatch lang sa kaliwa, pero sapat na para magbigay ng “effortless gwapo” vibes. Hindi ko alam kung bakit namangha sa dating niya. Hindi ako magsisinungaling, sobrang gwapo niya sa suot niya ngayon. Para siyang iskriktong boss na nakakatakot kalabanin. Bigla akong nataranta nang magtama ang tingin namin habang sinusuri ko ang kabuuan niya. "What?" Iritadong usal niya. Napaiwas ako ng tingin. " Adik ka ba? Namumula yata 'yang kanang mata mo ah," asar ko sa kanya at tumawa ng bahagya. Kapansin-pansin kasi yong pamumula ng kanang mata nya dahil sa bula ng shampoo kanina. "Tsk!" Kinuha na niya 'yong selpon niya at isinuksok iyon sa bulsa niya. Lumapit sya kay Cleo at nagpaalam sa bat with matching forehead kiss pa. Syempre hindi naman ako umasa na gagawin niya 'yon sa'kin. Yuck. As usual, wala naman akong ginawa maghapon kundi ang maglinis ng bahay at magselpon. Dumayo pa kami ni Cleo sa may grocery store upang mamili ng stocks sa bahay. Matagal na rin nong huli akong nagrocery kaya halos wala ng kalaman-laman ang fridge ko. "Ninang, can we buy this?" Tanong ni Cleo sa hawak niyang ice cream. "Sure, just pick whatever you want, baby.." "Thank you, Ninang.." Natigilan ako sa pagpipili ng mga prutas nang maramdam kong nagvibrate ang selpon ko, nagpapahiwatig non na may nagtext sa akin. Napahinto ako at kinuha ang selpon mula sa bulsa ko at para akong hihimatayin sa gulat nang mabasa ang text mula kay Attorney. "Jusko! Totoo kaya 'to?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD