~~~SARAH'S POV~~~ "Ano kayang nangyari kay Sir pogi? Ilang araw kana niyang hindi kinukulit ah." sabi ni Rayah habang nakain ng chocolate. Ilang araw ng hindi nabisita si Bullet dito sa ospital. Tinotoo niya ang sinabi ko na layuan niya na ko. Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Hindi ko na dapat siya masyadong iniisip, magiging normal na ulit ang buhay ko, at gano'n din siya. Nasa tabi niya naman si Hannah eh, okay na siya. "Mas maganda nga 'yon eh, magiging normal na ulit ang lahat para saming dalawa. Saka baka hindi talaga si Bullet ang para sakin." sabi ko na lang at pilit na ngumiti sa kanya. Wala rin naman akong magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan sa buhay. "Hey nurses!" natigilan kami nang biglang pumasok si Weena. "Bakit na naman loka?!" tanong ni Rayah a

