“Sumagot ka Sarah.” ma-otoridad na sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko. Bumigat ang paghinga ko, hindi ko alam ang isasagot. Mag-isip ka Sarah! Mag-isip ka ng palusot! “Ahm, a-ang gwapo mo kasi ngayon kaya ako nagpahalik sayo. Kamukha mo si ano--- s-si Shawn Mendes!” gusto kong sampalin ang sarili ko. May nakita kasi akong pictures ni Shawn Mendes sa cellphone ni Rayah kaya si Shawn ang pumasok sa isip ko. Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko, parang gusto ko na tuloy bawiin yung walang kwenta kong palusot. “Nagpapahalik ka sa kahit kanino basta gwapo? Ganon ba Sarahlyn?” nakakunot noong tanong nito. Napaiwas ako ng tingin. Bakit naman kasi hanggang ngayon nasa ibabaw ko pa rin siya? Hindi tuloy ako makapagpalusot ng ayos. “Ahm...” bilisan mo mag-isip ng palusot Sara

