CHAPTER 29 Kasama rin ba ito sa dapat kong pagsisihan? Kasama pa rin ba ito sa mga karma ko? Wala sa sariling nang mapatingala ako sa langit. Gustung-gusto kong tanungin ang Diyos, ang pagdudahan siya, pero alam ko sa sarili na lahat itong pinagdaraanan ko ay dahil din sa kagagawan ko. Ito iyong kapalit ng lahat ng kasinungalingan ko, ng lahat ng kasalanan ko— pero grabe na. Patuloy na bumubuhos ang mga luha sa pisngi ko. Nanlalabo na ang paningin ko ngunit nagawa ko pa ring sundan ng tingin sina Mama at iyong Doctor. Patungo sila sa gawi ko kaya madali akong nagtago sa likod ng kotseng nasa gilid ko lang. Napaupo pa ako habang sapu-sapo na ngayon ang aking bibig. Nanginginig ang katawan ko sa pinagsamang galit at pagkadismaya. Paano ito nagawa ni Mama? Papaanong nagawa pa niyang puma

