CHAPTER 30 Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, hindi lang ako namamalikmata— iyon pa naman sana ang gusto kong ipilit sa sarili dahil alam kong hindi iyon magagawa ni Mama. "Mahal na mahal ko ang Mama mo, Belle. Kailan man ay hindi ko siya pinabayaan, kaya minsan sa tuwing sinasabi niyang may overtime siya sa trabaho at hindi na siya nagpapasundo, dinadaanan ko pa rin siya at hinihintay. At may isang beses, nakita ko siyang pumunta ng Hospital sa hindi ko malaman na rason. So I decided to ask the staff and nurses what she was doing there, they said she was just visiting." Umawang ang labi ko. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako na sana pala ay noon ko pa ginawang binisita si Mama sa Hospital. Baka sakali, noon ko pa nalaman na may ganitong sikreto na itinatago si Mama sa amin. Sa

