CHAPTER 27 Hindi ko alam kung may naitulong ba ako para kay Alice, o kung desidido nga ba si Daddy Seb na tulungan si Alice— tulungan kaming dalawa. Kasi ako, awang-awa na rin ako para sa kalagayan namin sa school. Walang araw na hindi kami biktima ng bullying. Walang araw kung pagtripan at asarin kami. Gusto ko rin naman nang lumaban, para maipagtanggol ang sarili ko, o 'di kaya ay si Alice. Hindi ko lang alam kung bakit palagi akong napapangunahan ng takot ko. Isang beses akong lumaban noon, tumindig para sa sarili, bandang huli ay isa pa ako sa naging offender sa Dean's office. Malakas akong bumuntong hininga. Matapos kong kunin ang bag ay deretso rin akong lumabas ng kwarto. Alas singko pa lamang at maaga pa sana para pumasok ngunit kagaya nang palaging nakagawian ko ay sumasabay a

