CHAPTER 26 "Hindi ba't apat na milyon po ang halaga nito? Nakita ko po ang price nito sa window at marami ang pinagkakaguluhan ito," gulat na gulat kong sambit habang ayaw pa ring maniwala na nakasabit na ito sa leeg ko. "Parang hindi ko po kayang magsuot nito at hindi ako sanay sa magagarang gamit. Higit sa lahat, masyado pong mahal. Ayoko po nito, Daddy Seb. Tatanggalin ko po—" Kaagad akong natigil sa pagsasalita nang hawakan ni Daddy Seb ang magkabilaan kong balikat. Masuyo niya iyong pinisil, karugtong nang pagpipigil niya sa akin. Kunot-noo ko siyang tinitigan. Siguro nga ay natutuwa ako na pagkatapos ng sampung taon, noong mawala si Papa ay muling nanumbalik sa pakiramdam ko iyong atensyon at kalinga na ibinibigay ng isang ama. Ngunit hindi ko talaga kayang mabuhay sa kung paano n

