CHAPTER 25 Magkasunod lang kaming lumabas ni Haris ng Library. Mula pa sa hallway sa labas ay naabutan ko ang grupo nina Audrey kung saan ay pilit nilang tinutulungan si Audrey na siyang nakasalampak sa sahig. Hawak-hawak nito ang kaniyang balikat habang nakasandal siya sa pader, para bang napuruhan iyon, maging ang balakang niya at paulit-ulit niyang iniinda. Kung todo ngiwi siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari, pero rinig kong dawit ang pangalan nina Haris at Anthony. Saglit na nangunot ang noo ko. Nasilayan ko pa si Gianna, ang pinakamabait at inosente sa klase namin, umiiyak siya. "Ginawa ko na iyong gusto ninyo, Fiona," pagmamakaawa niya sa mga ito. "Paniguradong ako ang babalikan ni Alice. Please! Ayoko na, huwag niyo na akong idamay

