CHAPTER 24 Dumating ang araw ng exam. Sa totoo lang ay hindi ako confident, sa dami ng problemang kinaharap ko nitong mga nakaraang araw ay hindi ako masyadong nakapag-review. Pinanghahawakan ko lang ngayon iyong stock knowledge ko. Halos hindi ako makausap sa loob ng apat na araw na exam namin, kahit sa bahay. Sa school ay palagi akong mag-isa. Pinagtitripan pa rin ako nina Mildred, pero nagagawa ko namang makatakas. Hanggang sa ilabas din ang results ng Midterm exam. Nasa booklet iyon kung saan kami mismong nagsagot. Katatapos lang mag-check at kaniya-kaniya ring tingin ng mga score sa booklet. Kaagad na bumagsak ang balikat ko. Hindi na ako nag-expect ng perfect score, pero kahit sana ay mataas na marka na lang. Pero laking gulat ko nang makitang isang numero na lang ang pagitan ay

