"So, spill the tea. Agad-agad kaming sumugod dito kung totoo yung chika ni Charise na andito si Youseff! Bruha kang babae ka. Hindi mo man lang kami sinabihan!" Hinablot pa ni CC yung buhok ko habang nasa isang café kami sa labas ng hospital. Nagulat pa akong tinawagan nila ako at sinabing nasal abas sila ng ospital. Kaya ang nangyari ay iniwan ko si Chia kasama si Youseff at Lonzo. Feeling close naman si Chia kay Youseff kaya magkasundong-magkasundo na yung dalawa. Nag-uusap na sila ng kung ano-ano. Si Lonzo naman ay hindi na maihiwalay sa ama niya. Mas bumubuti na yung pakiramdam niya kahit may lagnat pa rin. Malaking tulong talaga yung pagsalin ng dugo sa kanya. Inabot ko ang tsaa na nasa harapan ko at sumimsim doon. Ano pa bang paliwanag ang gusto nilang marinig sa akin? Napalingon

