Malakas ang buhos ng ulan pagdating namin ng Maynila. Ni isang beses ay hindi huminto ang sasakyan ni Youseff.Kahit mabilis siya at madulas ang kalsada ay alam kong maingat siya. Alam ko rin na pagod siya pero nawala ata iyon dahil sa nangyari sa anak naming dalawa. Kahit naman ako ay gising na gising ngayon. Oras-oras ay nanghihingi ako ng update mula kay Chio at Chester. "Okay na ate. Naka-admit na siya. Si Chio ang kasama ko dito sa labas, ate. Nasa loob sina Ate Cha at Kuya Ches," imporma sa akin ni Chia. "Gising ba siya? Gaano kataas yung lagnat niya?" Puno pa rin ng pangamba ang dibdib ko. Hindi na siguro talaga mawawala dahil ina ako. Narinig ko ang paghugot ng hininga ni Chia bago ako sinagot. "Pumapalo pa rin sa 39, ate. Hanggga't hindi raw siya nasasalinan ng dugo ay possible

