The event was filled with different personalities from different sectors. May ibang dumayo pa mula sa ibang lugar para lang makapunta sa event ni Ma'am Mercedes. Kasama ko si Youseff sa tabi ko buong oras. Hindi ko naman masabi na may nag-iba sa pakikitungo ko sa kanya pero at least natitiyak kong totoo yung sinasabi niya na nakikita niya ako noon pa man. Hindi ko lang tiyak kung totoo yung sinasabi niya na ako yung gusto niya noon pa man. Kahit sino naman ay pwedeng magsabi nun. Youseff looks dashing sa suot nitong itim na long-button down shirt, nakabukas pa ang tatlong butones nito kaya kitang-kita ng bahagya ang dibdib nito. He paired that top of him ng gray na pants at isang itim na loafers. Mukha siyang modelo na rumarampa. Samantalang ako ay isang itim na square mini dress, may l

