Nakatulog si Youseff sa ganung posisyon---nakayakap sa akin. Umayos lang siya ng higa ng medyo malalim na ang pagkakatulog niya. Nasa gilid ko nga pero mahigpit pa rin ang pagyayakap sa akin. Isa pa ay nakahilig pa siya sa dibdib ko. Gustuhin ko man na alisin siya sa ganung posisyon ay naaawa rin ako. Para ko kasing nakikita si Lonzo sa kanya. Ganoon na posisyon din ang hilig ng anak ko. Hindi naman ako makatulog sa kanya kahit antok na antok na rin ako. Mabuti na lang at nag-chat si Charise sa Family GC namin at pinasa sa akin ang mga larawan ni Lonzo sa Zoo. Charise Luna: Sumunod lang ako sa kanila, ate. Hindi kasi ako hinintay ni Chester. Chester Luna: Nagsumbong pa nga. Sino ba ang nakipagdate pa? Chia Therese Luna: Jusko! Nasa isang mesa lang tayo at kumakain tapos nag-cha-chat

