Chapter 17

2300 Words
Tuluyan nang inabutan ng dilim si Agatha pagkarating sa villa. Unang sumalubong sa kaniya ay ang maid suot-suot ang nag-aalala nitong ekspresyon. Kabababa niya pa lang sa kotse at dala-dala pa ang kalmado niyang ekspresyon mula sa katahimikan sa pagbiyahe. “What’s the problem, Manang?” tanong niya nang salubungin siya nito. “Eh, Ma’am Agatha, kanina pa po kayo hinahanap ng daddy n’yo! Kanina pa po siya tumatawag sa telepono,” namomroblema at tila kabadong-kabado na sinabi nito. Hindi niya naman maiwasang pagtaasan ng kilay. Hinahanap? At ano naman ang naisip ng kaniyang daddy at hahanapin siya nito? Sa kanluran ba sumikat ang araw ngayon at sa silangan lumubog? “Why?” “Eh, Ma’am… hindi ninyo po ba alam? Nasa isang mahalagang dinner meeting po ang daddy n’yo kasama sina—” “Rosalina and Jasmine. Right.” Inunahan niya na ito at may pait sa boses. “Opo, Ma’am Agatha. Kanina ka pa rin po namin hinahanap at tinatawagan, pero hindi naman po kayo sumasagot,” alala pa ring sabi nito. As much as Agatha wanted to disregard whatever it was, hindi niya rin maiwasang pangunutan ng noo at alam kung ano ba talaga ang problema! “I turned off my phone for a while. What is this about, Manang?” saad niya na lamang. Napakamot ito sa ulo at hindi mapakali. “Eh, galit na galit po si Gov, dahil dapat ay nandoon daw po kayo… pero hindi po kayo mahagilap buong araw. Pati po si Ma’am Rosalina ay nag-alala na sa inyo.” What?! Halos gusto niya iyong itanong. Una, hindi niya nga alam ang tungkol sa dinner meeting na iyon. Pangalawa, ano na namang palabas iyon ni Rosalina para mag-alala siya? “What dinner meeting?” she asked with a hint of boredom. “Mahalaga raw po ang kikitain ninyo roon at dapat po nandoon kayo. Pero kanina pa po sila nakaalis, Ma’am, at hindi na rin po tumawag ulit si Gov.” She just sighed sharply. “I didn’t know, Manang. Wala namang nasabi sa akin tungkol diyan.” “Hindi po ba nasabi ni Ma’am Jasmine? Sasabihin po sana namin iyon sa inyo kanina ayon sa utos ni Gov, bago kayo umalis pero sabi niya po ay huwag na kaming mag-abala at siya na ang magsasabi. Hindi po ba siya pumunta sa kwarto n’yo?” Sandaling natigilan si Agatha at parang umiinit agad ang kaniyang dugo habang naiisip ang motibo ni Jasmine para gawin ‘yon. Of course… of course, it’s Jasmine. Iyon lang naman talaga ang papel nito sa buhay niya, ang sirain siya. Hindi na lamang siya nagsalita at huminga nang malalim bago pa siya sumabog sa inis. Hindi na rin naman siya makakasunod dahil wala rin namang iniwang address, at sabi ng maids ay mukhang hindi magtatagal ay pauwi na rin ang mga iyon. At hindi nga nagtagal, hindi pa siya nakakapagbihis at nakakapagpahinga nang maayos sa kwarto niya ay dumating na ang pamilyar na kotse, a new family car that her father bought since Rosalina sashayed her way to this villa. Pababa pa lamang siya sa hagdan dahil tinawag siya ng maid, nang matanaw niya na rin sa bukas na entrada ng bahay ang pagbaba ng kaniyang ama sa sasakyan. Kasunod agad nito si Rosalina na tila pinapakalma ito. Her father’s facial expression immediately told her that she ruined his entire day. Nakahawak pa siya sa barandilya ng hagdan. “Where is Agatha Ruth?!” Sa lakas at lalim ng tanong ng gobernor, nasa labas pa lamang ang mga ito ay narinig na sa buong sala. Umangat nang kaunti ang kilay ni Agatha at nakitang pormal na pormal ang mga ito. Kahit si Kuya Dante ay maayos na barong din ang suot upang bumagay sa kung anong mahalagang event man ang pinuntahan ng mga ito. “Ah, eh, Gov—” “Where is she?!” Tila kulog na tanong ng kaniyang daddy. “Darling, kumalma ka—” It was Rosalina’s voice. Hinahaplos-haplos ang braso ng kaniyang ama na galit na galit at parang sasabog sa labis na pagkapoot. She smiled bitterly. “What’s the matter, Dad?” tanong ni Agatha mula sa grand staircase hanggang tuluyang makababa roon. Agad na lumipad sa kaniya ang tingin nito. Kanina pa siya nahanap ng mga mata nina Jasmine na nasa likod lamang nito, wearing a yellow sequin dress habang si Rosalina naman ay ganoon din at kulay blue, kita pa ang isang balikat sa pagka-asymmetrical off shoulder nito. Ayos na ayos ang buhok ng mga ito at naka-full makeup. Batid niya agad ang bulto ng ngiti sa mga labi ni Jasmine habang napatingin ito sa kaniya dala ang clutch bag nito, tila wala pa man ay natutuwa na sa mangyayari na sigurado rin naman siyang ito ang may pakana. “Kailan pa naging ganito katigas ang ulo mo?!” ang mariin nitong tanong na humakbang palapit upang harapin siya. Natahimik maging ang mga katulong, nakayuko lamang habang hindi maiwasan ni Agatha Ruth ang magulumihanan kung bakit ganito na lamang kagalit ang reaksyon ng ama. “Ipapahiya mo ba talaga ako? Since when did you become so difficult to deal with, Agatha Ruth?! Kay hirap mong pakiusapan, at hindi ka na marunong makisama!” sigaw nito sa nanggagalaiting galit. Nagagalit na rin naman noon ang kaniyang daddy, but it never reached the point where he looked at her like she was the worst daughter out there. “What do you mean—” “Huwag ka nang magkunwari, Agatha!” pagalit ding sabi ni Rosalina na hawak-hawak pa rin sa bandang dibdib ang daddy niya na tila pinapakalma ito. Umangat agad ang kilay ni Agatha sa sinabi nito. Hindi lang ‘yon. Sumabat na rin bigla si Jasmine na naglaho ang ngiti sa mga labi. Tila galit din ito nang hinarap siya. “Can’t you see Tito Fred is almost having a heart attack nang dahil sa ‘yo? Ito ba ang gusto mong mangyari, ha, Agatha?!” saad nito. Her lips were in a thin line, bagaman naiinis at pinapangunahan din ng pandidiri at labis na iritasyon sa mga ito, hindi maiwasan ni Agatha na isipin kung ano bang ibig sabihin ng galit ng mga ito. What dinner meeting was it for them to be this mad, especially her dad?! Muling nagsalita si Frederick Figueroa. Halos gumaspang ang lalamuna ni Agatha nang dinuro siya nito. She tried to put up a strong and unbothered expression, but inside, she felt her body starting to shake, sa pagkahalo na ring galit at pagkabigo. “Hindi ko na alam kung ano pang gagawin namin sa ‘yo, Agatha? You’ve grown so cold, indifferent, and immature!” sigaw nito sa kaniya sa labis na galit. Hinawakan din nito ang kaniyang braso kaya napalapit ang ilang maid. “Gov, nasasaktan po si Ma’am Agath—” “I am so done with you, lady!” saad pa nito. “Pinahiya mo ako sa mga taong iyon, Agatha Ruth. It was supposed to be your marriage arrangement meeting! Pinahiya mo ang mga taong iyon na nag-aksaya ng oras!” Para siyang napasinghap. Hindi niya maiwasan ang sumagot. “I-I didn’t know, Dad—” “Huwag ka nang magsinungaling, Agatha! Ginusto mo siguro talaga na mapahiya si Tito Fred, pati na rin kami, tayo bilang isang pamilya—” “Shut up, Jasmine! Hindi tayo pamilya—” “Sir!” Natigilan si Agatha nang isang sampal ang sumalubong sa kaniya. Sa lakas niyon ay napabaling ang kaniyang mukha sa gilid at napahawak na lamang sa pisngi niya na agad namanhid. She felt it through her bones, kung hindi pa siya nahawakan ng isang maid sa braso ay baka nawalan pa siya ng balanse. Agad nangilid ang luha sa mga mata niya at hindi makapaniwala. “You have no respect, Agatha! Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mong pamamahiya na ‘to,” saad nito na hindi na napigilan ni Agatha ang muling magsalita. Her words were retreating but she tried. “They are not my family—” “Enough, Agatha! Darling, don’t ever let her repeat this again,” saad ni Rosalina kay Frederick. “Sabihin mo sa tito mo ang totoong nangyari, Jasmine. Kung bakit hindi nakapunta si Agatha. Nang sa gayon ay hindi niya na magawa pang idaan ang lahat ng ito sa galit niya sa atin na ginagawa niya na lang panakip butas sa mga kalokohan niya!” Taas-noong lumapit si Jasmine. Malinaw na malinaw kay Agatha ang lihim nitong ngisi sa mga labi na pilit lamang kinukubli para sa isa na namang palabas na iyon. “Aminin mo na kasi, Agatha… na kaya hindi ka nakapunta sa marriage arrangement dinner mo ay dahil may kinatagpo kang lalaki,” saad ni Jasmine. Lalong nangunot ang noo ni Agatha. She wanted to explain so much but she couldn’t. Para siyang pinagkaisahan at hindi na siya makahuma. Ni hindi niya nga alam kung paano nalaman ni Jasmine ang tungkol doon, kung saan siya pumunta. And now she’s trying to use it against her! “What the hell are you trying to say—” “Aminin mo, Agatha! You’re seeing a poor man! At tinatago mo siya kay Tito Fred, kaya siguradong sinadya mo sabotahin ang plans ni Tito dahil may tinatago ka talagang lalaki at ayaw mong magpakasal sa lalaking pinili niya para sa ‘yo!” saad pa ni Jasmine na tila may tinatagong galit doon. Napatingin sa kaniya ang lahat, lalo na ang kaniyang daddy na nasa mukha pa rin ang labis na galit. “Is that true, Agatha?!” Her breathing hitched. Tumaas-baba ang dibdib sa mabigat na paghinga. “Huwag mong sabihing naniniwala ka, Dad—” “Because it’s true! Doon ka naman talaga pumunta sa lalaki na iyon. He’s what, Agatha? A mechanic? Isang mahirap na lalaki? Gosh! I can’t believe you, you fell in love with a beggar…” Parang nagpapanting ang kaniyang tenga, hindi lamang dahil sa mga sinasabi nito laban sa kaniya kundi pati na rin sa kung paano nito i-address ang lalaki. She wasn’t even dating him, she basically doesn’t know him! “Stop lying, Jasmine. If I know, you are the one who planned this—” “Oh, so now you want to blame me? B-Ba’t hindi mo na lang kasi aminin na may kinikita kang isang pulubi kaya ka nagrerebelde, and you’re trying to ruin our reputation—” Hindi na napigilan ni Agatha. Humakbang siya palapit dito ngunit agad umatras si Jasmine na medyo lumapit sa ina nito. “Come on, Jasmine! You have no reputation to protect! Sampid ka lang dito kaya huwag kang umastang kabilang ka sa reputasyon ng mga Figueroa!” “H-How dare you!” “Stop it, you two!” sigaw ng kaniyang ama. Kung hindi pa nito iyon sinabi at hindi pa agad pumigil sa kanila ang maid, baka tuluyan nang naabot ni Jasmine ang kaniyang buhok. Kung magkataon ay hindi niya rin ito aatrasan. Sinasabi niya na nga ba at sisingaw at sisingaw rin talaga ang tunay na ugali ni Jasmine, ang tunay nitong nararamdaman na galit sa kaniya. Muli siyang hinarap ng ama kaya kahit gusto niya pang magpaliwanag ay hindi niya na magawa pa. Sarado na rin naman ang isip nito at paniwalang-paniwala sa mga sinabi ng mag-ina. “I’ve had enough of your shenanigans, Agatha Ruth! From now on, you will no longer be invited in any meetings, events, o anumang may kinalaman sa pagiging gobernor ko! I don’t care if you build no connection to bring you a good career. You take care of yourself from now on!” mahigpit nitong sinabi. Tila nagunaw ang mundo ni Agatha. Bakit mistulang mas matindi pa ‘yon kaysa sa paghihigpit na maaari nitong gawin? Inasahan niya na iyon ang parusa—sa kasalanang hindi niya rin naman talaga ginawa—ngunit sa halip ay tila tinatakwil na siya nito. Wala na itong pakialam sa kaniya. And it broke her even more. “Simula ngayon ay wala ka nang katayuan sa bahay na ito. You are only here to eat, sleep, and occupy space. But you no longer hold any power as a Figueroa. At masusunod ang utos ko. Nagkakaintindihan ba tayo?” malamig nitong sinabi sa galit pa ring ekspresyon. Napalunok na lamang si Agatha. Hanggang tuluyan siya nitong lagpasan dala ang labis na pagkadismaya saka pumanhik sa taas. Agad namang sumunod si Rosalina na binunggo pa muna ang kaniyang balikat bago dinaluhan ang ama. Nagpakawala ng sarkastiko at matagumpay na tawa si Jasmine, sapat lang para marinig niya. “I guess this is your downfall now, Angel Agatha?” sambit nito nang huminto sa harapan niya. Jasmine smirked even more wider. “Don’t worry, cause I’ll take care of your place…” “Hayop ka, Jasmine…” nanginginig sa galit niyang saad. Nanginginig ang kaniyang laman at sa totoo lang ay gustong hilahin ang buhok nito at ingudngod sa sahig. “Ma’am Agatha—” tahimik na pigil ng isa sa kanilang mga maid. Lalong lumapad ang ngisi nito ngunit may galit pa rin sa mga mata. For whatever reason, hindi alam ni Agatha. Ngunit hindi na siya magugulat kung anuman ‘yon dahil likas na itong inggitera. She wants everything for herself. Higit pa sa social climbing at gold digging ang nais nito. She wants to steal her life. She wants to steal everything from her. Lahat-lahat at wala itong ititira. “Bye, Agatha…” painosente at tila may awa pa nitong sambit nang marahan, waved with her fingers like a deceitful witch. Bago ito pumanhik na rin sa taas suot-suot ang mamahaling damit at gamit na alam niyang galing din sa mga Figueroa. At tulad ng ina, binangga rin ang kaniyang balikat habang may tusong ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD