Hinayaan niya na lang si Mr. Scammer na maging abala sa motor nito. She was enjoying the food and the quiet place, masarap ang dinalang meryenda ng lolo nito. Nagmuni-muni pa muna siya sa talyer. Surprisingly, hindi naman ganoon kasakit sa sensitibo niyang ilong ang amoy ng talyer dahil na rin open area ito.
Isa pa, kahit luma na at mukhang ilang bagyo na ang dinaanan, malinis namin ito at mukhang pinapanatili. Kaya nga siguro tumagal.
Maganda rin palang maupo roon sa kaniyang kinauupuan at magnilay-nilay. The view of the land and trees is scenery in her eyes. Kay tagal niya na yatang hindi nakakalasap ng ganoong katahimikan.
Kaya habang walang iniintindi sa paligid kundi ang kumain lang, she felt like her mind was silenced. For a while, all she does is to breathe, huminga lang habang pinagmamasdan kung paano ihipin ng hangin ang mga dahon sa puno, and the shadows of the dancing trees.
Hindi rin ganoon kaingay bukod sa mga sasakyang dumaraan sa malapit na kalsada.
Ni hindi niya nga namamalayan na pasimple siyang pinagmamasdan ng lalaking ngayon ay abala sa motor nito. Trenton was trying hard to focus on his damn fake job, pero hindi niya maiwasang pagmasdan si Agatha Ruth.
Marunong din palang tumahimik ang anak ni Figueroa. Akala niya kasi ay may pagka-armalite ang bibig nito at unlimited ang mga salita. Lalo na kapag galit ito, parang kayang mag-rap ng ilang paragraph sa loob ng isang minuto at may kasama pang hampas sa dibdib niya.
Kung hindi pa bakal ang dibdib niya, nayupi na talaga iyon ni Agatha Ruth.
Muling lumipad ang tingin niya rito and he couldn’t help but feel a bit proud, and curious at the same time. Lalo palang gumaganda ang anak ni Frederick kapag tahimik ito, kapag hindi nakakunot ang noo o magkasalubong ang mga kilay. And her lips were like soft cherries, hindi nakaisang linya gaya ng tuwing nakasimangot ito.
“Tss…” bulong niya sa hangin ngunit hindi maiwasang isipin kung ano bang laman ng isip nito.
She looked like she had never tasted peace before. Nakadekwatro lamang ito at pinagmamasdan ang mga puno na natatanaw mula sa kinatitirikan ng talyer at tahimik na kumakain.
Sana naging puno na lang.
For sure, that would be Nikolas’ line. Not his.
Minsan ay pinapagpag ni Agatha Ruth ang asukal sa pagkain. Even her bites were perfect. ‘Yong buhok nito, parang buhok ng barbie doll lalo na sa suot na white headband.
If only he could, he would swim her thoughts. For sure, he’ll know what Agatha Ruth is really up to, pick up the pieces that will help his plan and their mission… and throw away those that has no business with it…
Nakababa na ang araw nang nagpasyang umuwi si Agatha. Medyo ginala rin siya ni Mr. Scammer para banggitin iyong ibang kotse roon, na wala naman talaga siyang alam, at medyo napahaba iyon dahil sa mga bangayan nila na siguro ay wala nang ending.
Somehow, they always manage to get into each other’s nerves.
Lumabas ulit sandali ang lolo nito, kaya kinuha niya na ang pagkakataon upang magpasalamat dito lalo na’t nagustuhan niya ang pagkain at medyo napakwento na rin ito sa kaniya. Natuwa ito nang malamang nagustuhan niya ang meyenda nitong maruya at inimbitahan siyang bumalik ulit kung kailan niya gustuhin dahil lagi naman daw bukas ang talyer.
“Huwag na, Lo. Mamimihasa na ‘yan,” saad ni Trenton na ikinaangat ng kaniyang kilay.
Nang bumaling sa kaniya ang matanda, agad ding nawala ang nakaangat niyang mga kilay. Isang tipid na ngiti na lang ang kaniyang binigay.
She’s not a people pleaser. That’s the truth. Kaya mabuti na lang dahil hindi naman nagdamdam ang matanda, sa halip ay natutuwa pa ito sa kaniya. Hindi rin palatanong kaya naman napanatag si Agatha.
What she dislikes the most is unsolicited opinion and advice. She hates it so much.
“Sigurado ka bang hindi na kita ihahatid?” tanong ni Trenton habang iginiya siya palabas ng talyer. Mahangin pa sa labas at hindi na tirik ang araw.
“I have my car. You haven’t even finished fixing your motorcycle,” saad ni Agatha at nakasimangot na naman habang magkakrus ang mga braso dibdib nito.
Teaser lang pala sa mga mata ni Trenton ang kalmado nitong mukha. May time limit lang. Tapos balik na ulit sa usual mode nito.
“May truck kami sa malapit, hilahin ko ‘yong kotse mo,” panggagago nito.
“Are you nuts?” inis na tanong ni Agatha.
“Natunaw na siguro iyong pagkain sa tiyan mo. Balik ka na sa pagiging masungit,” saad nito hanggang nawala sila sa silong ng talyer. Sa bandang bungad siya nag-park ng kotse kaya lalakarin pa iyon, para naman hindi siya makaabala kung sakaling may customer.
“Because you’re saying moronic things!” she hissed.
Napatingin sa kaniya si Trenton. Ang medyo magulo nitong buhok ay mukha pa ring presko lalo pa’t hinahangin iyon. Medyo may grasa ang mga bisig ngunit hindi mukhang marungis. He looks pretty decent… but poor.
“Ayan na naman… wala akong pang-search,” saad nito, and clicked his tongue. She rolled her eyes, hindi alam kung seryoso ba ito o nananadya. “Huwag kang mag-alala. Sa susunod, magdadala na ako ng diksyonaryo.”
“You’re really odd,” bagot niyang saad at tinahak ang heels sa medyo malupang daan.
“Odd? Ang galing, paano mo nalaman?” tanong nito habang mabagal ang lakad para lang masabayan siya.
Nanliit ang mga mata niya at tinaliman na agad ang tingin dito.
“Twenty-nine na ako, Miss Greenminded—Agatha. Odd number ‘yon. Galing mo naman.”
“So, you’re old,” bagot na sabi ni Agatha at binalik ang tingin sa daan.
Muntik nang magpanting ang tenga ni Trenton. Tumiim ang tingin niya kay Agatha.
“Nakng, anong old naman—”
“You’re thirty! That means you’re old,” saad ni Agatha habang nag-inhale exhale at unti-unti nang kinuha ang kaniyang wallet sa loob ng bag.
Hindi pa rin maka-move on si Trenton. Parang sumasakit ang ulo niya. Lumalagitik na ang panga niya. Anong kademonyahan naman para tawagin siyang old?
He’s not even thirty! Damn! Most men peak at their thirties. Some women would even prefer forties and up. Tapos siya na may dos pa sa unahan ay old na raw!
Hindi na siya nagsalita kahit nakalista na sa kaniya ang mga kasalanan ni Agatha Ruth.
Number 1: Tinawag nitong toothpick ang iniiyakan ng mga babaeng kinakama niya. Best friend for life niya na nilait-lait nito.
Number 2: Hindi raw siya gano’n kagwapo. Lagot talaga ito kapag nginudngod niya ‘tong mukha niya rito hanggang makita nito ang lahat ng gwapo sa kaniya.
Number 3: She called her old—like it’s an insult!
Nilabas nito ang wallet habang namaywang si Trenton at hindi inaalis ang tingin dito. He was fighting every part of him that was wanting to damn prove her wrong. Nanliit ang mga mata niya.
Humanda lang talaga…
“That’s my payment. For the bill. So I’m guessing you won’t bother messaging me anymore?” tanong ni Agatha pagtapos siyang abutan ng apat na libo.
He even forgot what it was for. Ni hindi niya nga nagalaw ang sampung libong bigay nito. He paid the bills with his card and didn’t even know how much it was. He was just messing with her!
“Hindi mo na dapat binayaran,” saad ni Trenton.
“You better come up with new reasons of bothering me. Cause I paid you already, and now I know na hindi edited ang lolo mo. That means it’s settled,” ani Agatha Ruth na para bang nakikipag-break.
He just shot an eyebrow.
“Sige, mag-iisip ulit ako,” sagot niya lamang at pinigil ang ngisi.
Oh, he really will. Alam niyang hindi siya mauubusan ng rason para kulitin si Agatha Ruth.
“Sige na, Miss Greenminded. Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo,” saad niya at sinamahan ‘yon ng ngisi.
Napakurap tuloy sandali si Agatha at hindi maiwasang maisip din ang kaniyang daddy. Wala naman ito sa bahay. Madalas din namang ginagabi. She actually has no track of what her father does anymore.
Si Rosalina na ang nakakaalam sa mga bagay na iyon. She clearly appointed herself as his wife, anyway.
“Nagpaalam ka ba? Baka pagalitan ka. Medyo madilim na,” saad pa ni Trenton habang tinupi na rin ang binayad niya.
Iyon din naman ang kaniyang sadya kaya siya pumunta rito. Gusto niya sanang hayaan na lang na binayaran nito ang bill nila sa restaurant pero sadyang may konsensya siya. He seems hard working.
At mukhang malaki na ang ganoong halaga para dito. And she’s slowly learning the value of money. Kaya hindi niya maipagsawalang-bahala lalo na’t siya naman itong may mahal na order.
“My dad won’t care,” hindi maiwasan ang pait na sagot ni Agatha.
It was a slip of tongue. Tumango na lang si Trenton.
“Sige. Basta hindi nambubugbog ng mga napapalapit sa ‘yo, makakahinga pa ako nang maluwag,” saad nito na hinatid na siya hanggang sa kaniyang kotse.
Agatha just sighed. Wala na sigurong pakialam ang daddy niya sa mga lalaking mapalapit sa kaniya. Nagbago na rin naman ang priority nito. At wala na siyang magagawa kung iyon na lamang siya.
“He doesn’t care.” Hindi na lang bitterness ang umalpas doon, kundi bakas ng kalungkutan na pakiramdam niya ay hindi na mawawala, kahit i-share niya pa kina Shane at Kattie.
“Mayroon naman siguro. Baka lang ‘di mo alam. Bugbog sarado na pala ang mga manliligaw mo sa likuran mo,” biro pa nito na ikinangiwi niya na lang.
It won’t happen. Baka siya pa mismo ang malagot dito at sabihing nagrerebelde na naman siya.
“Sige na, Miss Greenminded… uwi na… gabi na,” saad nito at tinapik ang ibabaw ng kaniyang kotse.
Hindi naman maiwasan ni Agatha ang tila sumimangot nang kaunti. Uuwi naman na talaga siya! Pero bakit ba parang atat ito?!
“Can’t you see I’m already getting inside my car?” giit niya rito.
Ngumisi lang ito. “Ingat ka. Magte-text ulit ako mamaya. Mag-iisip lang muna ako ng rason at magluluto ng hapunan namin ni Lolo.”
Huminga siya nang malalim at hindi maiwasang mapansin ang huli nitong sinabi.
“You only live with your grandfather?” she couldn’t help but ask.
Tumango naman ito. “Oo… kaming dalawa na lang. Kaya nga mahal na mahal ko ‘yon. Kahit pinanganak pa no’ng panahon ng dinosaur.”
He’s definitely tripping. Eh, mukhang wala pa ngang senior citizen si Lolo Juan! Sigurado ba siyang lolo niya ‘yon? Baka tatay lang o ano! And why does she care so much about it?!
“Where are your parents?”
Umangat ang kilay ni Agatha at nilapag ang bag sa passenger seat.
He stood just outside her open car door. Medyo pinatong nito ang braso roon habang nagkatinginan sila.
“Ba’t tinatanong mo? Interesado ka sa future in laws mo?”
Umirap siyang muli. Why is she hoping anyway? Na makakausap pa ‘to nang matino!
“You need some brain cells transplant,” saad niya habang umupo na sa loob at sinara ang pinto. Binitawan naman nito iyon. Binuksan niya ang bintana nang namaywang ito roon.
He wasn’t moving at baka pa masagi niya ito kung pinaandar niya na ang kotse!
“Aren’t you going to move?!” she hissed.
“Wala na akong magulang. Si Lolo na lang…” sagot nito sa halip at matamang ngumiti.
Napakurap naman si Agatha, hindi alam ang dapat maging reaksyon sa impormasyon. He smiled again, like the world is still worth of smiles and happiness after every darkness, at minsan ay napapaisip na lang si Agatha kung posible pa bang mawala ang kalungkutang nararamdaman niya.
How do you even move past grief?
“A-And all you guys do is…” Sinulyapan niya sandali ang talyer.
Tumango naman ito at mahinang natawa.
“Kaya thank you sa bayad mo. ‘Di ko sasayangin ‘yon.”
Even her waited for a violent reaction from her, ngunit wala. Sa halip ay nakipagtinginan na lang siya rito na hindi naman mukhang nagbibiro.
Bakit kung makangiti si Mr. Scammer, parang kumpleto ito at walang nawawala? Cause now that Agatha Ruth’s world is slowly falling apart, she’s scared she’ll never be okay anymore.
Natatakot siyang hindi na siya sasaya ulit… and this is all that’s left for her!
“Sige na, Miss Agatha. Uwi na… ingat sa pag-drive… may future pa tayo.”
Inirapan niya na lang ito, kahit nasa isip pa rin ang sinabi nitong wala na itong mga magulang at tanging lolo na lang ang kasama, and they are running a small, almost old talyer in the outskirt.
He could be poor, and struggling. Working his hard-earned money.
While she’s rich, never even cared about money before. She lived in comfort and luxury. She never had to worry about a meal!
So how come people can be happy with just those things… habang siya ay hindi na mahanap ang kasiyahan sa mga bagay na mayroon siya?
Pinaandar niya na ang kotse at hindi na nakapagsalita pa. Tiningnan niya na lamang ito. He even waved his goodbye. Tinapik pa nito ang ibabaw ng kotse niya bago umatras na to let her drive home.
Bumusina na lang siya ng isa, pagtapos ay tuluyan nang pinaandar ang kotse palayo.
He’s really odd… really, really odd.