Chapter 15

2013 Words
HINDI ALAM ni Agatha kung ano talaga ang mahika na nagdala sa kaniya roon. Maybe it was boredom, maybe it was curiosity… nang malaman niya kung ano ang mga pinagmemekanikong kwento ng lalaking iyon. There was part of her that wanted to know, kung totoo ba talagang may lolo ito. Isa pa ay bored din siya at wala naman talagang magawa sa araw na iyon. Pangalawa, tiyak na lalagutin niya ito kapag nalaman niyang nagsisinungaling ito. She will really rub that onto his face! And that will give her satisfaction, kapag napamukha niya sa kumag na ‘to kung gaano ito kahaka-haka. But again, she’s really just bored. “Where is your grandfather now?” ang kaniyang tanong nang humalukipkip at bumaba sa kaniyang kotse. It was afternoon. Tahimik dahil siguro ay nagsi-siesta ang mga tao. Her favorite part of the day. Iyong may araw pa at maliwanag ngunit tahimik. So it’s a perfect time to go somewhere kaysa magmukmok sa kaniyang kwarto. “Hindi mo sinabing sugar daddy pala ang type—” Bago pa ito matapos sa sinasabi ay hinampas niya na ng bag ang bandang sikmura nito. Napapikit si Trenton at napahawak na lang sa matigas nitong tiyan. Somehow, Agatha Ruth felt satisfaction doing it. Bagay lang ‘yon dito nang matauhan at baka sakali na magamot pa ang utak nito, tulad ng kaniyang sinabi ay mukha talagang itong anghel na nahulog mula sa langit. Hindi nasira ang mukha pero napuruhan ang ulo. Ang kaso lang, mukhang hindi naman talaga ito nasasaktan. Sa halip ay nakita niya pa ang pagsilip ng ngisi sa labi nito at sinundan siya ng tingin nang humakbang siya papasok sa open area ng talyer. There is roof but no walls. Wala ring partition ang bawat mga sasakyan o motorsiklo na inaayos kaya halo-halo na. Mayroon lang tila isang kwarto sa loob na mayroong glass wall para sa customer, pero dahil sa pagkaluma niyon ay tila hindi na makita ang loob. Puro gasgas na rin. Tiningnan niya ang mga sasakyan. Walang ibang mekaniko kaya tuloy ay gusto niyang isipin na bored lang ‘tong si Mr. Scammer, hindi naman totoo na nandito ang lolo nito! Why the hell does she care about that so much? Well, maybe because she doesn’t lie about those things. She doesn’t lie about family. She doesn’t play when it comes to that. Kaya nga mahigpit niya talagang nililinaw na hindi niya kapatid si Jasmine. At siguro naman malalaman agad ‘yon ng mga tao na kahit saang anggulo, hinding-hindi ito mapagkakamalan na kadugo niya. “Ba’t ka pumunta? Paano na lang kung masamang tao talaga ako? Wala kang sense of safety, Miss Greenminded…” dinig niyang sabi nito na binaba ang hood ng isang kotse. Tahimik ang paligid. There is field around, at tama si Mr. Scammer, this is the perfect place to go to when you want to be reported as a missing person the next day. “Why? Ki-kidnap-in mo ba ako?” irap niya rito at humalukipkip. Ngumiti na lang ito at napapailing. Kung ano ang suot nito sa picture ay iyon din ang suot nito ngayon, ang itim nitong long cut sleeveless shirt. “Magpapa-kidnap ka ba?” ngiting tanong nito. Bago niya pa madampot ang isang wrench ay nagtaas na ito ng mga kamay na tila sumusuko. “Nakng! Biro lang!” “Subukan mo lang akong kidnapin, I will seriously hit you with this on the face.” Sa halip na magalit o ma-turn off, natawa lamang ito. “Tsk, mababasag ang gwapo kong mukha. Sa liit ng bahay namin, hindi ko kayang padaluhin lahat ng mga babaeng in love sa mukha na ‘to. Kaya saka na lang kapag may palasyo na ako.” “You know what? You’re such a feelingero! Hindi ka naman gano’n kagwapo!” inis na sabi ni Agatha Ruth at hindi alam kung bakit mas pinili niya pa na rito pumunta, eh, halatang namang nanggagago lang ito! Sana pumunta na lang siya sa sementeryo. Doon ay talagang tahimik. Sa halip na ma-offend ay tila na-amuse pa ito. It registered on his facial expression. He licked his lower lip, pagtapos ay namaywang at tinitigan siya. Pagtapos ay nanliit ang mga mata nito. “Sigurado ka ba? Titigan mo ulit, Miss Greenminded, baka naduling ka lang.” Umirap siyang muli. Siguradong aarangkada na naman ang kayabangan nito. “Una, ininsulto mo ang best friend ko, tapos ngayon mukha ko. Namumuro ka na, ah,” bagot nitong sinabi. “Ikaw nga…” “Anong ako? What, huh?!” agad na sabi ni Agatha at nilingon ito. Tinitingnan niya ang mga kotse na nandoon at ang motor nito na mukhang totoo namang inaayos nito. “Ikaw nga, walang kalait-lait.” “Were you about to say I’m ugly?!” may diing tanong ni Agatha. Sa tanang buhay niya ay wala pang nakapagsabi sa kaniya na pangit siya. “Hindi, ah. Sino namang magsasabi niyan, kahit bulag magagandahan sa ‘yo, basta ‘wag ka lang magsalita.” Humakbang siya ng isa palapit dito. He only chuckled, at kapag ganoon ay lalo lang itong gumagwapo. Gustong umikot ng kaniyang mga mata dahil bakit ba binigyan ng ganiyang mukha ang mga tarantadong lalaki… or maybe it’s because of that face they became one hell of an assh*le? “Seriously! Sinasabi mo bang pangit ako?” may diing tanong ni Agatha. “Wala nga akong sinabi,” ulit nito at nagpunas ng mga kamay. “Ba’t ba tayo maglalaitan? Paano tayo aabot nito sa simbahan kung una pa lang, nilalait mo na ako?” Ang dami talaga nitong alam. Napasimangot na lamang si Agatha at binaba na ang wrench. Hindi naman niya iniisip na ki-kidnap-in siya nito o gagawan nang masama. She’s always trusting her guts and apparently, she couldn’t sense the danger in him. What lures her in this situation? She’s eager to prove that all men are the same. Alam niyang hindi magtatagal ay malalaman niyang tulad ng ibang lalaki ay ganoon din si Mr. Scammer. A pain in the ass. A liar. A cheating liar. She’s an expert in this game, kaya alam niya! “So, where’s your edited grandpa? I’m sure you were lying, I just can’t prove it!” Humalukipkip siya. Ngumisi lang ito nang kaunti at tuluyang tinungo ang motorsiklo nito. Mukhang alagang-alaga talaga iyong motor at medyo nakahiwalay pa sa ibang ginagawa at talagang pinuwesto sa hindi basta-bastang masasanggi upang hindi magasgasan! “Wala akong oras para mag-edit, Miss Greenminded. At totoong-totoo ang lolo ko,” saad nito at tila tinuro sa kaniya ang motor nito. Nangunot naman ang noo ni Agatha. Napatingin na rin siya sa motor at hindi alam kung ano bang interesante roon. “I asked about your grandfather? Why are you pointing at that?” Naiinis siya dahil ang daming pasikot-sikot ni Mr. Scammer. Lolo ba nito iyong motor? “Bakit ba ang ikli ng pasensya mo? Chill ka lang, Miss Greenminded… magmi-meet the parents din tayo—meet the grandfather nga lang sa ‘kin.” Gustuhin niya mang umirap ay hindi niya maiwasang mapaisip. Meet the grandfather? Kung ganoon ay wala na ba itong mga magulang? “W-Why do you keep on calling me that? I’m not a greenminded!” agad niyang giit matapos tumikhim, naisip na isang seryosong bagay nga naman iyong huli nitong binanggit. Just like a dark joke and only he can make fun of it! “Hindi rin ako scammer,” saad nito sa kaniya. “Fine, Juan. Tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Ms. Greenminded!” “Bakit, hija? Hindi naman kita tinawag na ganoon?” Ang may pagtatakang boses na hindi alam ni Agatha kung saan nanggaling, until her gaze shifted to a not so very old man! Lumabas ito mula roon sa may glass wall kanina na mukhang kwarto na yata sa loob o ano! Nangiti ito at may dala-dalang malaking plato, mukhang may lamang meryenda at isang pitsel. Agad na natigilan si Agatha Ruth at medyo napatayo nang tuwid. “Magmeryenda na kayo ng bisita mo, Trenton. Heto… hija, masarap ‘yan,” saad nito. “Lolo naman… sabi ko ho sa inyo ako na ang bahala riyan.” Kinuha ni Mr. Scammer ang mga dala nito at ito na ang naglapag doon sa mesa. Ang natutop na bibig ni Agatha ay medyo nabahiran na ng pilit na ngiti na may pagkapahiya. Lumingon ito sa kaniya at nakangiti pa. “Ikaw ba si Agatha? Ikaw ang bisita ni Trenton?” tanong nito. Tumango na lang siya, at kahit napaangat nang kaunti ang kilay dahil sabi ni Mr. Scammer ay kinuwento siya nito rito, hindi na ‘yon inintindi pa ni Agatha. Because if he ever did, sigurado rin naman siyang hindi magandang kwento ‘yon! Maybe he ranted how much she pissed him off, kung paano ito nabangga, at kung gaano siya kamaldita sa transaksyon nila. “A-Ako nga po. Uh, good afternoon…” saad niya na biglang tinablan ng kahihiyan. Pinakalma niya ang ekspresyon. Narinig niya naman ang mahinang tawa ng apo nito. “Edited ka raw, Lo. Ang gwapo mo siguro sa picture kaya hindi na makatotohanan,” sabi na lang nito na ikinatawa ng matanda. Ito pala ang may pangalang Juan at hindi si Mr. Scammer. That’s why the talyer said ‘Talyer Ni Juan’ cause his grandfather is real! “Ganoon ba? Napakabait naman pala nito ni Agatha… salamat sa papuri mo, hija, siguro ay napuri mo na rin itong si Trenton.” Nagtama sandali ang paningin nila ng lalaki at kitang-kita niya ang ngisi nito na nais na naman ikabusangot ng kaniyang mukha, ngunit pinigilan niya iyon. She swallowed. Pagtapos ay tumikhim nang kaunti. “Sobra, Lo. Puring-puri ako sa kaniya. Ang gwapo ko raw kaya pumayag bumisita rito.” Kapal ng mukha! Kung siya lang ang papapiliin ay hihilamusin niya talaga ang mukha nito nang mabawasan ang kayabangan! Tumawa lamang ang matanda. She just lets out a fake laugh na walang kabuhay-buhay. “O siya, sige, maiwan ko na muna kayo at may inaayos pa ako sa loob… magmeryenda ka na, Agatha. Ikaw na muna ang bahala sa bisita, Trenton.” Nagpaalam na ito sa kanila at mukhang may pinagkakaabalahan din naman sa loob. Pumasok na rin ito agad kaya naiwan silang dalawa at ang dinala nitong meryenda na naroon sa isang malinis na mesa. Hanggang sa tuluyan itong mawala sa kaniyang paningin, saka lang siya naglakad palapit kay Mr. Scammer. “Y-You… why didn’t you say your grandfather is real?!” giit niya. Nakakahiya dahil sinabi niya pa talaga kanina na huwag na siyang tawaging ‘greenminded’ ni Juan! So embarassing! “Sinabi ko naman. Ikaw lang ang hindi naniwala,” saad nito saka ngumisi lamang. “Kumain ka muna para ‘di sayang ang punta mo. Baka nauhaw ka na sa pagsusungit, may juice din.” Gusto niya pa rin itong samaan ng tingin, pero ewan niya ba kung bakit iba ang tanghaling ito sa mga tanghali niya. Namalayan niya na lang nakaupo sa binigay nitong upuan at nakadekwatrong kumakain. Nasisilaw siya dahil open area at mainit pa ang araw. Inayos naman nito ang motorsiklo at tuwing nagtatama ang paningin nila ay iniirapan niya ito sa pagkainis lalo pa’t kumikindat ito na parang may deperensya sa mata. Minsan ay nawawalan ng lasa ang kinakain niyang maruya kapag nakikita niya ito. Kaya pinagmasdan niya na lang ang tanawin doon sa labas kung saan may mga punong natatanaw sa malayong banda. Ngayon lang siya nakatikim niyon at hindi niya alam kung ganoon talaga ang lasa niyon o sadyang masarap lang magluto ang lolo nito! Bayad ito ni Mr. Scammer sa sakit ng ulo na binigay nito, so she might as well enjoy it! Pinaresan niya iyon ng juice na sakto rin ang timpla, hindi masiyadong matabang at hindi rin nasobrahan sa tamis. Muli silang nagkatinginan at naiirita pa rin siya lalo na sa ngisi na umuusli sa labi nito. He was busy fixing his damn motorcycle where it all started. Hindi naman siguro siya magagayuma? For sure.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD